CHAPTER 4
Kristina POV
Nag-aabang ako nang masakyan pauwi.
Hindi ko na hinintay pa na marinig ang sasabihin ni Ma'am Rein tungkol sa nangyari sa amin ni Sir Dylan.
Sa sobrang hiya ay hindi ko na nagawa pa na magpaalam pa sa kanila. Alam kong galit na galit sa 'kin ngayon si Dylan at hindi ko na hihintayin pa na palayasin niya ako .
Ako na ang kusa na aalis.
Iika-ika akong pumasok sa bus nang huminto yo'n sa aking harapan. Hindi ko akalain na maibibigay ko lang nang ganun- ganun lang ang sarili sa taong hindi ko naman kasintahan.
Bawat pikit ko ay nakikita ko lang ang nangyari kagabi sa 'min ni Dylan. Kung paano niya ako tawagin sa pangalan na hindi ko naman pangalan.
It hurts.
Pagbaba ko pa lang ay naghihintay na si Grace sa 'kin. Kumaway siya at tuluyan na lumapit sa 'kin. Sinabi ko lang sa kaniya na uuwi ako pero hindi ko akalain na susunduin pa niya ako.
"Bakit ka naman umalis? Sobrang sama ba ng anak ni Ma'am Rein at hindi mo nakayanan?" agad niyang tanong nang makapasok kami sa kanilang bahay. Napagdesisyunan kong doon na muna ako sa kanila. Kagustuhan din naman 'yon ni Grace kahit nakakahiya ay pumayag na lang din ako.
Wala akong balak na sabihin sa kaniya ang nangyari. Hindi ako sumagot nanatili lang akong walang imik dahil sa masakit pa rin ang gitna ng aking mga hita.
Nagsalita naman agad ang mama ni Grace. Agad siyang sinaway sa pagiging masuri nito sa'kin.
"Imbes na tanungin mo nang tanungin 'yan si Kris ay patulugin mo na muna 'yan, pagod pa 'yan sa byahe." Lumapit sa'kin ang Mama ni Grace agad na hinila ako papasok sa kwarto kung saan doon ako matutulog.
Walang araw na hindi ko naiisip ang nangyari. Siguro ay nagtataka at hinahanap na rin ako ni Ma'am Rein or siguro ay hindi naman, dahil wala naman akong natanggap na tawag. Alam naman nila ang number ko. Bigla akong nalungkot sa isipan na 'yon. Sino ba naman ako para pag-aksayahan nila ng oras. Ano naman kung may nangyari sa amin ng anak nila.
Umabot pa ang ilang linggo kong pamamalagi sa bahay nila Grace pero hindi pa rin ako nakakahanap ng trabaho. Hanggang sa mag isang buwan ay wala pa rin akong nahanap na trabaho.
Two months
Three months...
"Pabili nga ng pandesal, bente piraso," sigaw ng bata na dumungaw at bumibili ng pandesal.
Sa isang bakery ako nakapasok mabuti na lang at nakahanap rin ako ng trabaho.
Pagkatapos ko maibigay 'yon sa bata ay bigla na lang nag-iba ang pakiramdam ko. Sumama ang nararamdaman ko napatakbo agad ako sa lababo dahil naduduwal ako sa masangsang na amoy na hindi ko alam kung saan nanggagaling.
Pag-uwi ay agad naman akong sinita ni Grace. Nasa pinto pa lang ako nang magsalita siya.
"Bakit maputla ka?" aniya
Agad ko naman hinaplos ang aking pisngi.
"H-hindi na kasi ako nakapag lipstick at tsaka kanina nag-iba ang pakiramdam ko. Nakakaamoy ako nang kahit na ano na malansa at kanina naka ilang duwal ako sa bakery." sagot ko, agad naman lumapit sa 'kin si Grace at hinawakan ang noo ko.
"Wala ka naman lagnat," aniya habang dinadama ang init ng noo ko.
"Ano ba kinain mo?" mapang usisa niya.
"Kanin at tsaka kape," hindi ko alam kung bakit nagustuhan ko na ngayon ang kanin na may kape na dati naman ay pinaka ayaw ko 'yon.
Mas pinakatitigan pa niya ako at umawang ang labi niya.
"Kristina," may kakaiba siyang tingin na pinapahiwatig sa'kin na hindi ko maintindihan.
"Umamin ka nga, b-buntis ka ba?" Mas lumapit pa siya sa'kin at tinitigan ako.
Umawang ang labi ko.
Bigla na lang akong kinabahan.
Bumalik na naman sa isipan ko ang nangyari noon sa'min ni Dylan bago tuluyan akong umuwi. Makalipas ang tatlong buwan.
"Kristina!" mariin niyang tawag sa aking pangalan.
"H-huh! Paano ako mabubuntis? W-wala akong boyfriend. A-alam mo ‘yan." bigla na lamang akong nautal dahil ang totoo ay kinakabahan ako na baka totoo nga ang sinasabi ni Grace.
"’Yon na nga eh, wala kang boyfriend kaya imposible naman na mabubuntis ka, niloloko lang kita," aniya at hinila ako paupo sa katapat ng mesa.
Bago pa man siya makapag sandok ng pagkain ay nag-iba na naman ang pakiramdam ko.
Tumakbo na lang ulit ako sa lababo at doon nilabas ang lahat ng kinain ko. Halos wala na nga mailabas dahil sa halos oras oras ay tumatakbo ako sa patungo sa lababo.
"Ano ba nangyayari sa'yo?" Hinaplos haplos naman niya ang aking likod.
"H-hindi ko alam." Humarap ako sa kanya.
"Umamin ka nga kristina! May naka- one night stand ka ba?" mas lalo pa niya akong tiningnan ng masama.
Napalunok ako, bago tuluyan na tumango sa kaniya.
Bumilog ang kaniyang labi.
"S-sino?" mas lalo pa akong kinabahan sa tanong niya. Hindi ako makasagot at tuluyan ko siyang tinalikuran.
"Kristina! Tumingin ka sa ‘kin. Humarap ka sa 'kin!” untag niya na pinapaharap ako sa kaniya. Kinakabahan ako.
"Sino? Sino ang lalaking ‘yon?" pangungulit niya.
"Si..." Natigilan ako, hindi ko magawang sabihin sa kaniya. Ano na lang isipin ng bestfriend ko.
"Sino?" naiirita niyang tanong.
"Kapag ‘di mo sinabi kung sino... papalayasin kita, Kristina!" may pagbabanta na sabi ni Grace. Alam kong nagloloko lang ito. Gusto niya lang naman kung sino ang naka - one night stand ko.
Hindi pa rin ako sumagot.
"I swear Kris. Totohanin ko ang sinabi ko. Sino ba kasi ang ponzio pilato na ‘yan." pangungulit niya.
"Si...si Dylan." Nakayuko kong pag-amin sa kaniya. Nahihiya ako sa ano man ang kaniyang magiging reaction.
Napatingin muli ako sa kaniya nang wala akong marinig na salita mula sa kaniya.
Nanlalaki ang awang ng kanyang bibig, maging ang mga mata niya ay nanlalaki. Malakas na hampas sa aking braso ang pinakawalan niya na ikinagulat ko.
"Oh my god!" bulas niya. Ilang segundo pa bago muli siyang nagsalita.
“Hindi mo naman agad sinabi! Oh my god! Oh my God!” sabay hinga niya nang malalim. Anong meron at mukhang mas excited pa siya kaysa sa ‘kin.
“Si Dylan ‘yun!” nagtitili niyang sabi.
“Si Dylan! Oh my goodness! Sino ba naman hindi magugulat at hindi mapapanganga. Boss mo ang nakabuntis sa ‘yo. Grabe! Ikaw na!” hindi makapaniwala niyang sabi.
Anong big deal do’n?
Oo, boss ko nga si Dylan pero hindi naman niya ako mahal. Isang pagkakamali lang ang nangyari sa amin ng gabing iyon. Pinagkamalan niya lang naman akong ako si Eliana kaya niya nagawa ‘yon. Isa pa lasing siya ng may nangyari sa amin.
Halos buong gabi akong kinulit ni Grace.
Kinaumagahan...
Maaga akong ginising ni Grace. Nakahanda na ang pagkain sa mesa nang magising ako.
"Ang sweet naman ng bestfriend ko." Nakangiti kong bola sa kaniya bago tuluyan na umupo sa tapat ng mesa. Mabuti na lang at wala ang kaniyang mga magulang. Nasa kaniya- kaniyang trabaho ang mga ito. Kaya naman kaming dalawa lang ang naiiwan ni Grace.
Nakangiti lang siyang nakatayo sa aking harapan.
"B-bakit?" pagtataka ko.
"Wala lang, mamimiss kita best." Niyakap niya ako bigla. Naningkit ang aking mga mata habang tinititigan siya.
"Bakit naman? Nandito lang naman ako," pagtataka ko hindi pa man ako nakakakain ay may bigla na lamang may taong tumatawag sa labas.
"Nandito na sila." Nagmamadali na tumakbo palabas si Grace para puntahan ang pinto.
Hindi ko na lang siya pinansin, baka bisita niya ang dumating kaya excited siyang pagbuksan ang nasa labas.
Patuloy lang akong kumakain.
Mayamaya lang ay nagsalita si Grace mula sa sala.
"Kris!" tawag niya, kaya napalingon ako. Laking gulat ko nang makita si Ma'am Rein katabi niya.
Nagpapalit palit ang tingin ko sa kanilang dalawa. Hindi ako makapaniwalang nasa harapan ko ngayon si Ma’am Rein. Paano niya nalaman na nandito ako?
"I'm sorry best dahil tinawagan ko si Ma'am Rein about sa kalagayan mo at sa pinagbubuntis mo," biglang apologize ni grace sa akin.
Siya pala ang may kagagawan kaya nandito si Ma’am Rein.
"Kristina!" tawag ni Ma'am Rein sa akin. Nahihiya akong napatingin sa kaniya. Hindi ko alam kung anong sasabihin. Tuluyan na nga siyang lumapit sa'kin.
Hindi ako makagalaw sa hiya, sa gulat na nasa harapan ko ngayon si Ma'am Rein.
Hinawakan niya ang kamay ko na hindi ko inaasahan.
"Alam ko na ang kalagayan mo ngayon at hindi ko papayagan na hindi ka papanagutan ni Dylan. Babae rin ako, lahat nang nararanasan mo ngayon ay naranasan ko," mahaba niyang litanya.
Hindi ako makapaniwala na sa kabila ng kayamanan nila ay ganito ka bait at mapagkumbaba si Ma'am Rein, sobrang bait niya.
Kumindat pa si Grace sa ‘kin nang lingunin ko ito.
"Sumama ka na sa 'kin," patuloy nito..
Tinanggal ko ang kaniyang kamay na nakahawak sa aking kamay.
"H-hindi po ako sasama sa inyo Ma'am Rein. Pasensya na po, kasalanan ko naman po talaga ang nangyari sa 'min ni sir Dylan. Palalakihin ko ang magiging anak ko sa paraan na kaya ko," sagot ko nang nakatungo. Hindi ako makatingin nang diretso dito.
"Kristina, wala kang dapat na alalahanin, sagot ko na ang lahat nang kailangan mo hindi mo na kailangan pa magtrabaho," pamimilit pa rin nito sa akin.
Sa sobrang bait ni Ma'am Rein ay hindi ko alam kung matatanggihan ko pa siya. Sinipat ko si Grace na ngayon ay naka peace sign sa akin.
"So, let's go!" Hinawakan niyang muli ang kamay ko.
Ano pa nga ba ang magagawa ko. Ayoko na mag matigas pa. Sa ngayon ay pagbibigyan ko si Ma’am Rein sa gusto niya.
"Mag- iimpake lang po ako,” nahihiya kong paalam dito.
She nodded.
Habang nasa sasakyan kami ay panay ang tanong ni Ma'am Rein about sa'kin. Ang sarap niya kausap. Nakagaanan ko na rin siya nang loob. Panay lang ako tawa sa mga kwento niya about sa kanila ni sir Jiro. Hindi ko pa nakikita si sir Jiro pero sa tingin ko ay mabait naman siya dahil sa kwento ni Ma'am Rein na masyado daw itong seloso.
Hindi ko akalain na makapag kwento sa akin si Ma'am Rein.
Dumiretso kami sa mansion kung saan nakatira ang mag- asawa.
Naabutan ko pa si Manang Yolly na nag aayos nang mesa. Lahat sila ay abala sa kani - kanilang mga ginagawa.
Maraming nakalatag na pagkain sa mesa. Hindi ko alam kung anong okasyon bakit ganito na lang karami ang kanilang hinanda.
Gusto kong mag tanong pero nakakahiya naman kung maging mapag tanong ako.
"Puwede ka ng umupo Kristina,” aya sa akin ni Ma'am Rein. Biglang lumapit sa'kin kasama ang isang lalaking kasingtanda niya na singkit ang mga mata at kahawig ‘yon ni Dylan sa edad nito ay gwapo pa rin ito. Hindi na ako mag-iisip pa kung sino ito. Obvious naman na iyon ang Dad ni Dylan.
Hinapit nito si Ma'am Rein palapit sa kaniya at humila nang mauupuan ni Ma'am Rein.
Siya nga siguro si sir Jiro. Laro sa isipan ko.
"Siya ba si Kristina? Is she Dylan’s girlfriend?" hindi ko inaasahan ang pagtatanong ni Sir Jiro sa akin. Bigla akong nakaramdam ng pagkahiya dahil sa totoo lang ay hindi naman ako girlfriend ni Dylan.
"H-hindi po,"nakayuko at nahihiya kong sagot.
"Ano ka ba, hubby. Parang ganun na rin ‘yon nabuntis siya ng anak natin kaya dapat lang na panagutan siya ni Dylan,” agad na depensa ni Ma'am Rein. Inakbayan naman kaagad ako nito.
"Hindi sapat ang nabuntis lang kung hindi naman nila mahal ang isa't isa, mahihirapan lang sila," dagdag pa ni sir Jiro na mas lalo akong nahiya.
“Does Dylan already know about this?" dagdag pa niya ulit parang masyado siyang strikto. Ngayon pa lang ay natatakot na ako sa kaniya.
Magsasalita na sana ako nang may bigla na lamang nagsalita mula sa aking likuran.
"I'm home!" tanda ko ang boses na iyon.
Natigilan ako nang marinig ko ang boses ni Dylan. Ngayon pa lang ay gusto ko na magtago sa ilalim ng mesa.
"What's with the food in table? Bakit sobrang dami naman ata. Anniversary niyo ba Dad, Mom?" dagdag pa niya. Hindi pa rin ako lumilingon kung na saan siya banda. Ayoko makita ang reaksyon niya kapag nakita niya ako.
Ang sabi ni Ma'am Rein, hindi pa alam nito na susunduin niya ako at hindi rin alam nito na kaya siya pinapunta sa mansion ay para pag-usapan ang nangyari samin.
Hindi nga ako lumingon sa kaniya pero umikot naman siya para umupo sa tapat kong upuan.
Kita ko ang pagkagulat niya nang makita ako. Expected ko na ‘yon.
He's wearing a office uniform at mas lalo siyang naging gwapo ngayon sa ilang buwan na hindi ko siya nakita. ‘Yun pa rin ang gamit niyang perfume na lagi kong hinahanap simula nang may nangyari samin.
"Dylan, si Kristina." panimula ni Ma'am Rein. Nanatili akong tahimik. Kumunot naman ang kaniyang noo. Iniisip niya siguro kung bakit ako nandito.
"Why is she here?" Turo niya sakin. Wala talaga siyang kaalam-alam.
“Mom, Dad?" alam kong hindi niya gusto na nandito ako.
“You’re still wondering son, why she’s here,” si sir Jiro ang sumagot.
“Umupo ka at nang malaman mo kung bakit siya nandito," patuloy ni sir Jiro.
Umupo naman siya. Tiningnan niya ako na salubong ang mga kilay.
"Let's eat first before we talk about everything.” si Ma'am Rein na rin ang bumasag sa katahimikan.
Nakakailang subo pa lang ako ay nakaramdam na agad ako nang pagsama ng sikmura..
“‘Wag ngayon please, wag ngayon," parang baliw kong kinausap ang sarili. Pero talagang hindi mapagsabihan kaya napatakbo na ako patungo kung nasaan ang lababo hindi na nga ata ako nahiya.
Lumapit naman sakin si Ma'am Rein. Hinaplos naman niya ang likod ko.
Sabay na kami na lumapit sa mesa pagkatapos kong magduwal.
Masamang tingin ang ipinukol sa akin ni Dylan.
"Dylan, kaya kita pinapunta dito para sabihin sa'yo---" hindi natuloy ni Ma’am Rein ang sasabihin nang magsalita ako.
"Ma'am Rein uuwi na lang po ako," paalam ko. Pakiramdam ko, kinakain na ako ng buhay sa isip ni Dylan. Hindi na sumagot si Ma'am Rein kundi nagpatuloy siya sa kaniyang nasimulan.
"Gusto ko panagutan mo si Kristina." tuloy tuloy na sambit ni Ma'am Rein Agad naman nasamid si Dylan.
"W-what?" bulalas ni Dylan na hindi makapaniwala. Hindi ako makatingin sa kaniya sobrang nahihiya ako dahil ako naman talaga ang may kasalanan sa gabi na 'yon.
"Hindi porket anak kita ay kukunsintihin ka na namin ng daddy mo. Kung nakabuntis ka ay dapat panagutan mo. That's why, pakasalan mo si Kristina," tuloy tuloy na sabi ni Ma'am Rein na mas lalong nanlaki ang mga mata ni Dylan. Maging ako ay hindi makapaniwala sa sinabi ni Ma'am Rein ang sabi niya ay panagutan lang ni Dylan ang pinagbubuntis ko hindi niya sinabing aabot kami sa pagpapakasal.
"The hell no!" malakas na pagtutol ni Dylan ang sumunod na narinig ko at malakas na kalampag ng kutsara sa plato. Ganun siya ka tutol sa sinabi ni Ma'am Rein.
Sino ba naman ako para pakasalan niya.
"Dylan ganyan ka na ba kung maka akto ngayon?" galit na rin na sigaw ni sir Jiro nababalot na ng tensyon ang mag ama na hindi ko na alam kung ano pa ang gagawin ko.
"Ano ba dapat ang gagawin ko? Do you think I will still be calm here? Ipapakasal niyo ko sa babaeng hindi ko mahal! What the f**k!" tumaas ang boses niya. Bigla siyang tumayo.
"Umupo ka hindi pa kami tapos na kausapin ka!” galit na rin na sabi sir Jiro. Ako pa ata ang magiging dahilan ng kanilang pag-aaway.
"Dad, you know I love someone else, what the hell! I don't want to marry her just because I got her pregnant!" mas lalo pa tumaas ang boses ni Dylan. Nagpapalit-palit ang tingin ko sa kanila. Ganun din si Ma’am Rein hindi nakapagsalita.
"Okay, if you don't want to marry her. Then okay, but...be responsible Dylan dahil nabuntis mo siya ay kailangan mo siyang panagutan kahit hindi mo na siya pakakasalan." huminahon naman bigla ang boses ni sir Jiro. Tila nahimasmasan ang dalawa sa kanilang pagtatalo.
Bigla naman nawala ang galit na awra ni Dylan sumulyap pa ito sa'kin.
"Now you understand son?" klaro pana dagdag ni sir Jiro.
"Okay, okay!" Sumulyap ulit siya sa'kin.
Nang dahil sakin ay nagkasagutan silang pamilya. Nabalot na ako nang hiya sa mga oras na 'to.
Ilang sandali pa, naglakad palapit sa akin si Dylan. Lumapit pa siya sa akin. May ibinulong.
“You’re happy now?” Sarkastiko niyang bulong sa akin bago tuluyan siyang umalis. Abot ang aking hininga sa sinabi niya.