Chapter 8 Kristina POV Dumiretso kami sa mansyon kung saan nakatira sila Miss Rein at ang asawa nito. Sa loob ng apat na taon marami na naman nagbago sa mansyon. Mas lalo pa ito naging maganda. Sinalubong kaagad kami nila Manang Yolly. Naalala ko pa sa unang pasok ko sa mansyon ay si Manang Yolly ang nag - entertain sa 'kin, bago tuluyan na bumaba noon si Miss Rein. "Siya na ba ang anak mo, Kristina?" natutuwa na tanong ni Manang Yolly sa'kin. Tinuro naman nito ang anak ko. Ngumiti naman ang anak ko kay Manang Yolly. "Hello po, my name is Kyle. Ang sabi ni Mama, kinuha niya raw ang pangalan ko sa pangalan nila ni Papa. K for Kristina and YL for..." Napatingin sa akin si Kyle. Iniisip kung ano ang meaning ng YL. Siguro hindi niya na natandaan ang sinabi ko sa kaniya noon. Ngumiti na