Chapter 9 Kristina POV Halos takbuhin ko na ang pagsunod kay Dylan, patungo sa kaniyang office, sa bilis niya maglakad ay hindi ko na siya naaabutan pa sa dami nang pinadala niya sa 'kin na halos magiging kampanerang kuba na ako sa pinadala niya na malaking bag. Hindi ko alam kung ano ang laman bakit may bag pa siyang dinadala. Siguro paraan lang niya ito para mahirapan ako nang husto. Gusto niya na nahihirapan ako. Natatanaw ko pa siya na papasok sa kaniyang office. Nakasunod lamang ako dito. Alam ko na ito dahil minsan na rin ako nakapunta dito noon buntis pa lang ako at ang time na 'yon ay nakita ko siya kausap si Elliana. Ayaw ko nang balikan pa ang mga oras na yun. "Saan ko ito ilalagay?" Nagpa- lingon - lingon ako at sa wakas ay nakarating din makapagpahinga at makaupo pagkatap