CHAPTER 05

2267 Words
Nandito lang kami sa pool area nitong bahay nina Deymond makalipas naming mag dinner ng sama-sama. Naglalangoy sina Deymond at Vein sa pool habang si Francine naman ay nasa loob pa ng bahay dahil pinapatulog niya pa si Wellah pero susunod naman daw siya mamaya. Pinapanood ko lang si Vein habang nagkukulitan sila ni Deymond sa mismong pool at nag inuman pa sila with matching kwentuhan. I miss Vein so much. Kung hindi lang siguro nangyari 'yung bagay na 'yun, baka ganito rin kami kasaya kasama si Dad. "Here. " Agad kong nilingon si Dillion ng bigla siyang sumulpot sa gilid ko. Tinanggap ko naman yung binibigay niyang bote ng beer at saka pasimple kong tiningnan ang paligid kung may mga katulong na kumakalat sa tabi namin. Binatuhan ko rin nang tingin sina Deymond at Vein kung nakatingin sila sa amin pero busy sila sa paghahampasan ng tubig sa isa't isa. Nang masiguro kong kami lang dalawa ni Dillion dito sa veranda ay saka ko siya hinarap. "Anong balita du'n sa pinasundan ko sayo? "Bulong na tanong ko sa kanya. Hinarap naman niya muna ako bago siya nagsalita. "Sa bahay siya nina Jerick umuwi. "Mahinang sagot sa akin ni Dillion kaya mabilis ko siyang binatuhan nang tingin. Mabibigla sana ako kaya lang bigla kong naalala na kamag-anak nga pala siya ni Jerick kaya doon siya umuwi. Uminom na lang ako nang alak ko. "Hindi lang siya ang umuwi galing sa ibang bansa, karamihan sa mga angkan ng Sevilla ay umuwi rin dahil--" "Hindi mo na kailangang sabihin." Putol ko kaagad sa sinasabi niya pero hindi ko siya binabatuhan nang tingin. "Alam ko ang dahilan kung bakit, at hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na yun,"dagdag na sabi ko at doon na ako tumayo saka umalis na ako sa tabi niya habang inu-ubos yung beer ko. Lumapit ako dun sa beach chair at doon ako umupo at humiga. Ipinikit ko ang mga mata ko habang inaalala ko kung ano nga ba ang okasyon next week. Death Anniversary na ni Jerick. 11 years na siyang patay. 11 years ko na rin siyang namimiss at 11 years na rin akong nagdudusa. 'Pumasok ka na. 'Wag mo na lang pansinin si Gavi, mahilig lang talaga yung mang asar.' Malambing na wika sa akin ni Jerick at naramdaman ko ang kamay niya na humaplos sa may likuran ko. Siya ang takbuhan ko sa tuwing nag aaway kami ni Gavi. Siya ang nilalapitan ko kung kailan sobrang down na down na ako na hindi ko kayang ipakita sa boyfriend ko na si Gavi. Siya ang mas nakakakilala kay Gavi dahil ilang taon na rin silang magkaibigan bago pa ako makilala ni Gavi at maging in a relationship kami. 'Ano ka ba. Lapitin lang talaga ng babae si Gavi, maswerte ka nga kasi ikaw ang pinili niyang maging girlfriend eh.' Nakikita ko pa rin sa isip ko ang ginawa niyang pag ngiti sa akin nung binanggit niya ang mga salitang 'yun. Masasabi mo pa kaya 'yan ngayon Jerick? Ipagtatanggol mo pa rin kaya siya sa'kin? Iintindihin mo pa rin kaya si Gavi kung alam mong siya ang dahilan kung bakit namatay ka? Naramdaman ko na lang ang mainit na luhang pumatak sa pisngi ko habang nakapikit ako dahil sa mga alaalang 'yun na pumasok sa isip ko ngayon. Ang sakit. Nawalan ako ng kaibigan at kapatid dahil kay Gavi-- ang malala pa doon, ako ang kinamumuhian ng pamilya niya sa kasalanang hindi ko naman ginawa. . . DILLION's POV Pinark ko na ang sasakyan ni Rein at mabilis akong umikot papunta sa passenger's seat. Binuksan ko ang pinto nu'n at dahan-dahan kong tinanggal ang suot niyang seatbelt at saka siya marahan na binuhat. Obviously, nalasing siya sa bahay nina Deymond. Naunang na lasing sina Vein kaya naman hindi na nila namalayan ang paguwi namin maliban kay Francine. Doon natulog si Vein kaya kami lang dalawa ang umuwi. Francine suggested na doon na lang din kami matulog but I refused. Meron kasing drunk habbit si Rein at nu'ng nakaraan lang namin 'yun nalaman ni Cally kaya hindi magandang ideya kung doon mag-i stay si Rein. Mabilis akong pinagbuksan ng pinto nu'ng katulong ni Rein sa bahay niya habang buhat-buhat ko pa rin siya. "Lasing pala si Ma'am. May kailangan po ba kayo Sir Dillion? "Mahinang tanong ni Manang para maiwasan na magising si Rein, mabilis naman akong umiling sa kanya bilang sagot at nagpatuloy na sa pag akyat sa kwarto niya. Medyo nahirapan akong buksan 'yung pinto ng kwarto niya dahil buhat-buhat ko nga siya pero nagawa ko naman 'yun. Dahan-dahan ko siyang ipinatong sa kama niya at tinanggal ko ang suot niyang sapatos. Pinatay ko rin ang aircon niya para mabilis lang din lumabas ang ininom niyang alak sa katawan niya kapag pinagpawisan siya. Maya-maya ay biglang nag-ring ang cellphone ko and it's Cally. Binatuhan ko muna nang tingin si Rein at nang makita ko na mahimbing pa rin siyang natutulog ay doon na ako lumabas sa may terrace ng silid na 'yun at sinarado ang transparent sliding door no'n bago ko sinagot 'yung tawag niya. "Hello? " [I'm sorry ngayon lang ako nakatawag. Sobrang dami ko lang kasing ni-review na case para sa hearing ko bukas. How's the party? How's Rein? I tried to call her pero hindi ko siya matawagan.] "She's drunk."Tipid na sagot ko. I usually don't speak too much, ganito na talaga ako at hindi na mababago 'yun. Ilang segundo siyang hindi nakasagot hanggang sa marinig ko ang malalim niyang pag buntong hininga sa kabilang linya. [Nakauwi na ba kayo? Do you need help?] She asked. Gaya nang sinabi ko, alam rin niya ang drunk habbit ni Rein. "No. I can handle it. Siguro dito na rin ako sa bahay niya matutulog kasi may maaga rin naman kaming lakad bukas."I answered. [Sa Charity?] "Oo. Nai-pangako na namin 'yun sa mga bata nu'ng isang linggo pa. " [Okay sige. Tawagan mo 'ko after magising ni Rein, sasagutin ko pag gising pa ako. ] "Sige." 'Yun na lang ang sinagot ko at pinatay na 'yung tawag. Medyo mabanas sa loob ng kwarto ni Rein dahil sa pagpatay ko ng aircon kaya naman nanatili pa ako dito sa labas. Maraming nagtatanong kung bakit kay Rein lang ako sumusunod. Kung bakit ko siya inaalagaan at pinoprotektahan. Maraming tumaliwas sa amin ni Cally nang pinili naming maniwala at manatili sa kanya matapos ang nangyaring pagpatay kay Jerick. Siguro ang akala nila, kami lang ang pinagkakatiwalaan ni Rein-- pero ang totoo, sa kanya kami may tiwala. Even a bit doubt ay wala kaming naramdaman ni Cally nang marinig namin ang naging pag dakip ng mga pulis sa kanya halos sampung taon na ang nakalipas. Kahit konti ay walang panghuhusga kaming naramdaman dahil alam namin sa sarili namin na hindi niya 'yun magagawa. How can I judge her if she has done nothing but help and be kind to us-- not only to us but to all. Hanggat may maitutulong siya ay tutulong siya. Gano'n siyang klase ng tao. How can I be able to turn my back on her if she is the only one who did not turn her back at me when I need help? Hindi ko 'to ginagawa kasi may utang na loob ako sa kanya-- I'm doing this kasi alam kong wala nang ibang tao ang gagawa nito para sa kanya. Hindi makakilos at hindi maprotektahan ni Vein ang kapatid kasi pinipigilan siya ng Dad nila na tulungan si Rein. Simula nang makulong kasi si Rein ay pinapabayaan na rin siya ng Dad niya dahil malaking pagkakasira sa kompanya nito ang pagkaka bilanggo ng anak niya. 'Yun din ang dahilan kung bakit sila umalis ng bansa para hindi makonekta ang pangalan ng Dad niya pati na rin si Vein sa nangyari, masakit para kay Rein 'yun pero buong puso niya 'yung tinanggap dahil alam niyang wala na siyang magagawa pa. Nag-stay pa ako ng ilang minuto sa may terrace hanggang sa tuluyan na rin akong pumasok sa loob ng kwarto niya at umupo sa solo couch katabi ng kama niya para magpahinga. Hindi ko alam kung gaano ako katagal naka tulog pero bigla na lang akong nagising ng may marinig akong ingay. Alam kong si Rein na 'yun kaya mabilis akong bumangon at tama nga ang hinala ko. Sinusumpong na naman siya nang drunk habbit niya. I immediately go towards her. “Sorry Jerick. Im really sorry.” 'Yun ang paulit-ulit niyang binabanggit habang umiiyak siya pero nakapikit pa rin. Tulog pa rin siya ng mga oras na 'to at normal na lang para sa amin ni Cally ang ganitong sitwasyon. Umupo ako sa extra edge ng kama ni Rein at saka dahan-dahan kong binuhat ang kanyang ulo at inihiga 'yun sa dibdib ko na para bang nakayakap na ako sa kanya. “Jerick!”Paulit-ulit niya rin na binabanggit ang pangalan ni Jerick at wala naman kaming magawa kundi ang makinig lang sa mga sasabihin niya. 'Yun kasi ang sinabi sa amin nu'ng psychiatrist na pinag tanungan namin ni Cally dati nu'ng first time naming ma-encounter ang ganito kay Rein. 'Yung matagal na problemang itinago niya sa mahabang panahon dahil wala siyang ibang mapag sabihan ay lumalabas sa panahon na malakas ang loob niya at 'yun ay dahil sa alak. Sinabi niya rin sa amin na hayaan lang namin 'yung sabihin at ilabas ni Rein dahil kapag hindi 'yun lumabas at kinikimkim lang niya-- pwedeng maging dahilan 'yun nang pag kabaliw ni Rein, o magkaroon ito ng anxiety or depression. Hindi alam ni Rein na may ganito siyang drunk habbit kasi mas pinili na lang namin ni Cally na 'wag na lang sabihin 'yun sa kaniya kasi kilala namin siya. Kapag nalaman niya 'yun, panigurado na hindi na siya iinom ng alak at kapag nangyari 'yun--- hindi niya na malalabas 'yung mga problema sa isip niya. “Pinatay kita. Pinatay kita-- ako ang may kasalanan.” Pati sa sarili niyang isip ay nakikipag laban pa rin siya na siya ang pumatay kay Jerick kahit hindi naman talaga. Hindi ko dapat siya kinakaawaan dahil alam kong kaya niya ang sarili niya-- pero ang makita ko siya sa ganitong sitwasyon habang ako lang ang katabi niya ay hindi ko 'yun kayang maiwasan. Ang mahinang iyak niya kanina ay naging hagulgol na hanggang sa tumagal 'yun ng ilang minuto at maya-maya pa ay humina na ulit 'yun at nakatulog na siya nang tuluyan. Bukas ay makikita ko na naman ang matapang na Rein na madaming takot na itinatago. Sa harap ko ay para siyang matapang, malakas-- yung tipong kaya niyang ipagtanggol ang sarili niya pero sa likod ng mga 'yun ay nagkukubli ang mahinang pagkatao niya. Dahan-dahan ko na ulit siyang inihiga nang maayos sa kama niya at kinumutan. Bumalik na ako sa pinag kakaupuan ko kanina at tinext ko na lang si Cally sa nangyari dahil baka tulog na siya. KINABUKASAN Hindi ko namalayan ang oras nang pag gising ko. Agad kong binatuhan nang tingin ang kama ni Rein pero wala na siya du'n kaya agad akong napa balikwas dito sa sofa at napatayo. Tiningnan ko ang wrist watch ko at mag a-alas otso na ng umaga. Bumaba na ako at naabutan ko si Manong do'n na naghahain ng almusal. “Magandang umaga po Sir Dillion.”Agad na bati sa akin ni Manang nang makita niya ako. “Manang, si Rein ba nakita mo?”Agad na tanong ko. “Nako, maaga pong umalis si Ma’am Rein ehh.”Sagot niya na naging dahilan nang pag kunot ng noo ko. Maagang umalis? Hindi niya ba alam na may lakad kami ngayon? Hindi kaya nauna na siya sa Charity? “Hindi nga po niya dala ang kotse niya eh”Dagdag na saad pa ni Manang dahilan kung bakit agad akong napatingin ulit sa kanya. “Wala po siyang dala na kahit na ano sa mga kotse niya?”Tanong ko pa at chinecheck ko lang kung tama ba ang narinig ko. “Opo Sir." Doon na ako tumalikod sa kanya para lumabas ngunit nakakailang hakbang pa lang ako nang tinawag pa ako ni Manang kaya lumingon ako pabalik sa kanya. “Hindi po ba kayo mag aalmusal muna Sir Dillion?”tanong niya. “Hindi na po Manang. Kayo na lang po ang kumain at isama niyo na rin po 'yung iba. Kailangan ko na rin pong umalis,”sagot ko sa kanya at hindi ko na hinintay pa ang isasagot niya at lumabas na ng bahay ni Rein. Habang naglalakad ako papuntang parking area ay tinawagan ko ang number ni Rein at mga ilang rings lang 'yun ay sinagot niya na rin agad. [Hello?] “Asan ka?”agad na tanong ko sa kanya sa kabilang linya. Ilang segundo siyang hindi sumagot sa tanong ko pero sumagot din naman siya. [May kailangan lang akong puntahan.] “Saan? Pupuntahan kita ngayon na, "wika ko dahil madalang lang siya na lumakad o pumunta sa lugar nang mag-isa. [Kaya ko na 'to nang magisa Dillion. Hindi mo na ako kailangan na bantayan pa. Mabilis lang din ako at babalik na rin ako diyan sa bahay.] Kumunot ang noo ko dahil sa mga sinabi niya. Parang bigla ako nakaramdam at kinutuban nang hindi maganda sa sinabi niya. “Saan ka nga pupunt—“ [Bye.] At namatay na 'yung tawag. Napamura na lang ako sa isip ko nang ibaba ko na sa may tenga ang hawak kong cellphone. s**t! Mukhang alam ko na kung saan siya pupunta at hindi maganda ang ideya na 'yun kaya mabilis na akong tumakbo palapit sa kotse ko at sumakay du'n.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD