CHAPTER 06

2002 Words
REIN’s POV Yumuko ako para ilagay ko 'yung bulaklak na binili ko kanina matapos akong tawagan ni Dillion. Alam ko naman na hindi niya gugustuhin pa na malaman kung nasaan ako ngayon kaya mas pinili ko na lang na hindi na sabihin pa sa kaniya. Nang makita ko na tulog na tulog pa siya nang magising ako ay talagang kinuha ko na ang pagkakataon na 'yun para makaalis ako at makapunta dito nang hindi niya namamalayan. Pagkatapos kong maipatong ang dala kong bulaklak ay doon ko naman sinunod na tanggalin ang mga tuyong dahon na nalaglag mula sa puno na sumisilong dito sa may lapida niya. After that, I forced a smile on my lips. “Sorry kung ngayon na lang ulit ako sayo nakadalaw Jerick." Pa unang wika ko habang pinapadaanan ko ng aking daliri ang letra ng pangalan niya sa lapida. "Well, hindi ko rin naman alam kung gusto mo na nandito ako. Galit ka ba sa akin? Alam kong oo. Sorry... I'm really sorry for everything that I've done,"mahinang dagdag na saad ko pa. Kahit hindi ko na siguro sabihin pa sa inyo ay alam niyo na agad kung nasaan ako ngayon. Nandito lang ako ngayon sa sementeryo. “Ngayon na kita dinalaw kasi wala na akong ibang alam na araw na pwede kitang dalawin. Baka kasi madami ng mga tao ang dumalaw sa'yo sa mga susunod na araw dahil death anniversary mo na, hindi naman nila ako pwedeng makita dito,"pag papatuloy ko pa makalipas ang ilang segundo na katahimikan. Actually, kagabi sana ako pupunta dito sa libingan niya-- wala akong pake kahit gabi na dahil para sa akin mas maganda 'yun sapagkat sigurado ako na walang ibang taong makakakita sa akin... kaya lang hindi naman sinasadya na naparami ang inom ko at nalasing ako kaya hindi na natuloy. “At hindi rin naman kita pwedeng dalawin sa mismong araw na 'yun kasi galit pa rin sa akin ang pamilya mo. Wala naman akong magagawa du'n kasi ginusto ko 'to at alam kong hindi ko na 'yun mababawi pa. Pero, may favor sana ako sa'yo Jerick... Ikaw na ang bahala kung tutuparin mo o hindi-- pakibulong naman kay Lord na sana pabalikin niya si Gavi dito sa Pilipinas para magawa ko na 'yung matagal ko ng plano. Alam kong hindi ka magiging sang-ayon du'n pero sana maintindihan mo ko. Hanggang dito na lang ang sasabihin ko sayo, kasi kailangan ko na ring umal--" “Nakalaya ka na pala.” Naputol ang mga sasabihin ko pa sana nang marinig ko ang boses na 'yun sa may likuran ko. Kahit matagal kong hindi narinig ang boses niya ay alam kong siya 'yun--- hindi ako pwedeng magkamali... si Dean 'yun. “Ang lakas din talaga nang loob mo na pumunta pa dito 'no?”Sabi pa niya at ikinagulat ko na lang ang marahas na paghigit niya sa braso ko at saka mabilis niya akong pinatayo at pinaharap sa kanya. Ngayon ay kitang-kita ko na naman ang galit na galit na ekspresyon niya sa akin habang nakatingin nang diretso sa mga mata ko. Nararamdaman ko ang paghigpit ng kapit niya sa kamay ko at hindi ko maitatanggi na nasasaktan ako doon pero pinilit kong 'wag ipakita 'yun sa kaniya. Tahimik ang buong sementeryo ngayon lalo na dito sa pwesto namin kaya nasisiguro ko na walang nakakakita ngayon dito sa pagtatalo naming dalawa. “Bitawan mo ko!"walang emosyon na wika ko sa kaniya pero nandoon ang diin sa katagang binitawan ko. Pero imbis na sundin niya ang sinabi ko ay isang ngisi lang ang ibinato niya sa akin at saka mabilis niya nga akong binitawan sa patulak na paraan kaya naman agad akong napa upo sa lupa dahil sa ginawa niya. Nakaramdam ako nang sakit sa balakang dahil sa malakas na pagbagsak ko sa lupa pero mabilis din naman akong tumayo mula sa pagkakabagsak ko. Nang makatayo ako ay agad ko siyang sinamaan nang tingin nang makaharap ko na siya ulit pero pinilit ko ang sarili ko na kumalma... I forced myself to breath heavily just to calm down. Nang kumalma na ako ay doon na nga ako nagsalita, “Bakla ka ba? Hindi ko alam na pumapatol ka pala sa babaeng tulad ko.”Buong pagpipigil na sabi ko sa kanya pero isang ngisi na naman ang natanggap ko mula dito. “Bakit? Sa tingin mo ba dahil babae ka ay mahina ka na?”Tanong niya at dahan-dahan na siyang lumalapit sa akin kaya naman awtomatiko akong napapahakbang paatras upang makalayo sa kanya at upang hindi kami magkalapit. “Eh di ba nga, napatay mo si Jerick nang ganon-ganon lang? Kaya bakit naman ako magda-dalawang isip na saktan ka rin?”Pagpapatuloy na saad niya pa at agad niyang itinulak ang balikat ko dahilan kung bakit napa atras ako ng konti. Medyo nasaktan na naman ako dahil du'n pero hindi ko 'yun pinahalata sa kanya. Hindi ako umimik at nanatili lang akong nakatingin sa mga mata niya na wala pa ring pinagbago simula noong unang beses ko din siyang makita. Ganun pa rin 'yun... punong-puno nang galit at poot. “Sige lang, magalit ka rin sa akin. Hinihintay ko talaga 'yun para pag tangkaan mo rin akong patayin."Wika pa niya na agad niya rin naman na sinundan pa ng mga salita. "Pero siguraduhin mo lang na mapapatay mo talaga ako dahil kung hindi, mabubulok ka na sa bilangguan.”Dagdag na sabi niya pa ulit sa akin at tinabig na naman niya ang balikat ko. Imbis na ipakita kong nasasaktan ako ay sinamaan ko lang siya nang tingin at ako naman ang ngumisi sa kanya. “Sa tingin mo ba... sa pinapakita mong kahinaan sa’kin ngayon ay iisipin ko pang patayin ka? Hahaha, do'n ka nagkakamali. Hindi ko sasayangin ang oras ko sayo,"walang emosyon na sabi ko at mabilis kong kinuha 'yung bag ko sa lupa at tinalikuran na siya para umalis. Ngunit nakaka ilang hakbang pa lang ako papalayo nang tinawag na naman niya ako. Wala na sana akong balak na lingunin pa siya pero napilitan ako. Sa pagharap na pagharap ko pa lang sa kanya ay mabilis na tumama sa aking dibdib ang isang bouquet ng bulaklak na nilagay ko sa puntod ni Jerick kanina at naramdaman ko 'yun na bumagsak sa may paanan ko. “Dalhin mo 'yang basura mo. Hindi namin kailangan ng bulaklak dito lalo na kung galing pa mismo sa taong pumatay sa kanya.”Galit na sabi niya sa akin. Madiin yun pero kontrolado pa rin. Napaigting ang panga ko dahil sa ginawa niya. Sa sobrang inis ko ay mabilis kong kinuha 'yung bulaklak na 'yun sa lupa at muling naglakad palapit sa puntod ni Jerick para ibalik... pero mabilis niya akong pinigilan sa pamamagitan nang paghawak niya sa pulusuhan ko. Mahigpit at nakakasakit na naman ang paghawak niya sa akin. “Hindi mo ba ako narinig? Ang sabi ko, hindi namin kailangan ng basura mo.”Seryosong sabi niya at lalong humigpit 'yung kapit niya sa kamay ko. Sinamaan ko na naman siya nang tingin at matatalim na tingin naman ang ibinabato niya sa akin. Ngunit hindi ako nagpasindak sa kaniya saka nagsalita na. “Para kay Jerick 'to-- hindi para sa'yo,”madiin na sabi ko sa kanya at pilit na binabawi ang kamay ko na hawak-hawak niya pero hindi niya 'yun binibitawan. “Kung may magsasabi na hindi 'to kailangan dito-- siya lang 'yun at hindi ikaw,”wika ko pa. Napatawa naman siya nang nakaka asar dahil sa sinabi ko. “Sasabihin? Eh paano magsasalita? Eh hindi ba nga, pinatay mo siya?”sabi niya at bumalik na naman ang matatalim na tingin niya sa akin at nilabanan ko naman 'yun. Tinititigan ko rin siya pabalik at wala akong balak magpatalo sa kanya hanggang sa biglang may nagtanggal ng kamay niya sa kamay ko at tinulak si Dean palayo sa akin. Nabigla ako sa nangyari pero agad kong nakilala kung sino 'yun. It's Dillion. Mabilis siyang humarap sa akin saka nagsalita, “Are you okay?”Nag aalalang tanong niya sa akin at simpleng pagtango lang ang isinagot ko sa kaniya. “Wow naman! Ang galing ng timing ng bodyguard mo ah."Biglang saad ni Dean at sinundan niya pa 'yun nang pag tawa nang nakaka asar habang diretsong nakatingin sa amin. Shit! Kailan ba siya titigil? Nakakapuno na siya! “Lets go.”Walang emosyon na sabi ni Dillion sa akin at hinawakan niya na ang kamay ko at saka nagsimula na kaming mag lakad pero bigla na naman akong pinigilan ni Dean sa pamamagitan nang paghawak na naman niya sa kamay ko. Nakaramdam na ako nang sakit sa kamay ko na 'yun dahil ilang beses niya na 'yung hinahawakan nang mahigpit. Bago pa man ako makaharap kay Dean ay si Dillion na ang humarap sa kanya. “Kung hindi mo kayang rumespeto ng babae, pwes ako ang respetuhin mo.”Seryosong sabi ni Dillion sa kanya at kitang-kita ko na naman ang pag ngisi na ginanti ni Dean dito na tila ba ay wala lang sa kaniya ang seryosong mukha ng lalaking kaharap niya ngayon. Hindi siya agad nagsalita pero patulak na ibinigay niya kay Dillion 'yung bulaklak na dala ko kanina kung saan sa may dibdib 'yun tumama na agad niyang nasalo. Wala talagang modo. “Dalhin mo ang basura ng amo mo.”Seryoso rin na sabi ni Dean sa kanya at tumalikod na sa amin. Hindi na umimik pa si Dillion at hinawakan na lang niya ulit ang kamay ko at nagsimula na ulit kaming nag lakad palayo doon habang hawak-hawak niya sa isang kamay 'yung bulaklak. Pinag buksan niya ako ng pinto ng kotse at walang salita na pumasok sa loob no'n. Hindi ko maiwasan na batuhan nang huling tingin ang puntod ni Jerick kung saan nakatalikod na 'yung Dean sa amin. 'Ewan ko na lang kung may mukha ka pang ihaharap sa akin kapag nalaman mo ang totoo.' Hindi ko maiwasan na sambitin sa isip ko 'yun. Tuluyan nang nagmaneho si Dillion paalis at wala pa rin siyang imik habang nasa byahe kami. Alam kong hindi niya nagustuhan ang ginawa ko at sigurado ako na naiinis na siya sa akin. Panigurado rin na kung alam ni Cally itong ginawa ko ay hindi niya rin 'yun magugustuhan at dobleng sermon ang matatanggap ko sa kanila. “Ano bang pumasok sa isip mo Rein?”Agad na tanong ni Dillion sa akin pero hindi siya sa akin nakatingin kundi nasa daan lang ang atensiyon niya. Hindi naman galit ang tono nang pananalita niya pero masasabi kong naiinis siya. Napalunok na lang ako ng laway at mas pinili ko na lang na hindi magsalita dahil hindi ko naman siya pwedeng kontrahin sapagkat kasalanan ko naman talaga. “Hindi mo ba narinig ang sinabi ko sa'yo? Nag uuwian na ang mga angkan ngayon ni Jerick para sa nalalapit nitong death anniversary tapos nakuha mo pang pumunta sa puntod niya?”Hindi makapaniwalang tanong niya na may kasamang pangangaral pa. “Gusto ko lang siyang makita, wala ng magandang oras para puntahan siya kundi kanina lang,"mahinang sagot ko sa kanya. “Maganda ba? 'Yun ba ang tinatawag mong magandang oras?”Sarkastikong tanong niya sa akin at hindi ko na naman nagawang sagutin 'yun. Bakit ba kasi pumunta ang Dean na 'yun du'n? Napaka sama talaga ng timing niya! Kung hindi sana siya pumunta, hindi sana nasira ang pagbisita ko kay Jerick... hindi rin sana ako pinapagalitan ngayon ni Dillion. “Sa susunod, pwede bang mag ingat ka? It's obvious na tini-trigger ka lang ng lalaking 'yun para patulan mo siya.”Sabi niya pa. Halata naman ehh. At anong sabi niya sa akin kanina? Hinihintay niya lang na magalit ako para pag tangkaan ko rin siyang patayin? Naloloko na ba siya? Paano ko naman gagawin 'yun kung hindi naman ako mamamatay tao gaya nang iniisip niya. Bwiset talaga! Nasira tuloy ang pag bisita ko kay Jerick... napaka wrong timing niya at idagdag na rin na wala siyang modo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD