CHAPTER 04

2090 Words
REIN’s POV Sinusundan ko lang nang tingin ang lalaking 'yun habang naglalakad na siya palayo, kung hindi ako nagkakamali ay palabas na siya ng airport ngayon. Mabilis ko'ng kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Dillion. Dalawang ring lang ang nangyari bago niya tuluyang sinagot ang tawag ko. [Hello, bakit? May problema ba?] Tanong niya agad sa kabilang linya. “May lalaking lalabas galing dito sa loob. Naka brown polo siya, sundan mo.”Walang paligoy-ligoy pa na utos ko sa kaniya. [Paano kayo ni Vein?] He asked again. “Mag ta-taxi na lang kami papunta sa bahay ni Francine. Sa ngayon, kailangan mo siyang sundan kung saan siya pupunta. Ako na ang bahalang mag paliwanag kina Deymond mamaya kapag hinanap ka nila. Balitaan mo ko agad,”sabi ko at pinatay ko na 'yung tawag. Hindi na ako magtataka kung bakit nandito siya sa Pilipinas... hindi ko inaasahan na magkikita kami ng ganito kaaga pero gusto ko ang nangyayari. Mas maganda kung magpapakita rin si Gavi sa death Anniversary ni Jerick sa isang linggo upang hindi na ako mag aksaya pa ng oras para ipahanap siya. “Rein?” Inalis ko muna sa isip ko ang lahat ng tungkol sa bagay na 'yun at napangiti ng sobra dahil sa lalaking tumawag sa pangalan ko. Dahan-dahan akong humarap sa kanya at saka ko tinanggal ang shades na suot ko. “Vein!”Masayang bati ko sa kanya pagkaharap ko at mabilis ko siyang niyakap nang mahigpit. “I really miss you.”I said between our hugs. "Bakit nandito ka? Akala ko si France ang pupunta dito para sunduin ako. This is our surprise for you."Wika niya sa pagitan nang yakap namin. Napangiti naman ako dahil doon. "Nasira 'yung plano dahil nalaman ko kaagad pero okay lang dahil ang mahalaga ay nakita na kita,"I answered while smiling. Nag- stay pa kami ng ilang segundo sa ganong posisyon hanggang sa mag hiwalay na rin kami. He look at me and pinched my both cheeks a bit thightly. “How’s my twinnie?”He asked. Ako na ang kusang nagtanggal ng kamay niya sa dalawang pisngi ko saka mabilis na hinimas 'yun dahil medyo masakit. “Such a bully," I said and rolled my eyes at him and punch him lightly on his stomach. “Ow. Ang sakit no'n huh. Ikaw nga ang bully diyan eh.”Angal niya sa akin habang hawak-hawak niya 'yung tiyan niya na sinuntok ko. “Whatever, lets go. Hinihintay na tayo ni na Francine,”sabi ko na lang at hindi ko na siya hinintay pa na makasagot saka nauna na sa kanyang maglakad. Wala naman siyang mga dala na madaming bagahe kaya alam kong kaya niya na 'yun. Hindi ko na rin siya nilingon pa dahil naramdaman ko naman na nakasunod siya sa akin sa may likuran. “How’s Dad?”Tanong ko sa kanya habang nakatingin lang ako sa labas ng bintana nitong sasakyan. Kasalukuyan lang na nakasakay na kami ngayon sa TAXI para pumunta sa bahay nina Francine dahil doon magaganap ang welcome party nila para may Vein. Ilang segundo siyang hindi nagsalita dahil sa tanong pero hindi ko siya magawang batuhan nang tingin. Ayoko kasi na makita niya na malungkot ako kapag wala na naman siyang nababanggit tungkol kay Dad. Hindi naman kasi ako tanga para hindi malaman at maintindihan ang ibig sabihin nang pananahimik niya. Mukhang alam ko na rin naman ang magiging kasagutan niya... sadyang niloloko ko lang ang sarili ko at umaasa pa ako na baka sakaling may bago siyang masabi sa akin. Akala ko nga ay hindi talaga siya sasagot sa tanong ko pero makalipas ang halos dalawang minuto ay sumagot na siya. “Okay naman siya.”Tipid na sagot niya. Alam ko naman na hanggang doon lang ang kaya niyang isagot sa tanong ko kaya hindi na ako nag abala na magtanong pa ulit. Akala ko ay wala nang magsasalita pa sa pagitan nakjn pero maya-maya pa ay bigla siyang umimik. “Pwede ba'ng... ako naman ang magtanong?”He asked in a low tone of voice. Dahil doon kaya naman dahan-dahan ko siyang hinarap kung saan nagkasalubong agad ang mga mata naming dalawa at saka ako ngumiti sa kaniya ng simple. “As long as na hindi about sa nangyari noon ang itatanong mo— okay sige, kahit ano 'yan sasagutin ko.”I answered directly while smiling. “Of course, alam ko naman 'yun 'no. Ang totoo niyan... gusto ko lang malaman kung-- kung kamusta na si Cally?”Seryoso at mahinang tanong niya na naging dahilan nang mahinang pagtawa ko. Akala ko naman kasi kung ano na ehh... 'yun lang pala ang itatanong niya. “What’s funny?”Parang naaasar na tanong niya sa akin. “Nakipag break ka du'n sa tao dahil naging long distance relationship na kayo tapos itatanong mo sa akin 'yan? Seryoso ka ba?”Tanong ko na may halong pang aasar. Mag ex kasi silang dalawa ni Cally kaya 'yon rin ang dahilan kung bakit iniiwasan ko na mabanggit si Vein sa tuwing naguusap kami ni Cally. Masakit ang break-up nila at alam kong hindi nila 'yon ginusto. “Tsk. Sagutin mo na lang kung pwede?”Parang napipikon pa rin na sabi niya sa akin. “Okay fine. May boyfriend na siya.”Seryosong sagot ko. “WHAT?!”Hindi makapaniwalang tanong niya at medyo napalakas pa ang boses niya kaya naman hindi ko maiwasan na makaramdam ng hiya kay Manong Driver. Palengkero talaga kahit kailan ang lalaking 'to. Hindi man lang ba siya nahawa sa ugali ng mga foreigner sa states? Ilang taon din siyang tumira do'n ah. “Kalma okay? Joke lang 'yun,”I said and rolled my eyes at him. Bigla naman siyang umarte na parang nakahinga siya nang maluwag sa sinabi ko. “Geez. Stop joking around Rein. I'm on my serious mode.”Parang naiinis na sabi niya pa ulit. “Hahaha. Bakit? Si Dillion ka ba?”Napapatawang tanong ko. Napaka seryosong tao kasi ni Dillion, lagi lang siyang naka-poker face at walang emosyon 'yung mga sinasabi niyang salita. At dahil nabanggit ko sa usapan si Dillion kaya naman hindi ko maiwasan na isipin kung ano na kayang nangyari sa pinapagawa ko sa kanya? Sana naman ay may malaman siyang magandang balita sa pag sunod niya sa lalaking 'yun. "By the way Rein, nandoon kaya si Cally mamaya? I mean, pupunta kaya siya?"Tanong na naman ni Vein sa akin kaya napabalik na naman sa kanya ang atensyon ko. Mabilis naman akong umiling nang sunod-sunod biglang kasagutan ko. "Wala. May hearing kasi siya bukas kaya busy siya," sagot ko. Napahinga naman siya nang malalim dahil do'n. "Buti naman." Simpleng sagot niya. Hindi ko naman maiwasan na pagtaasan ko siya ng kilay dahil sa ikinilos niya. "You can't ignore her everytime lalo na at matagal ka pa dito. Makakasalubong at makakasalubong mo pa rin siya dahil malapit ka sa akin," I said in a serious tone. "Alam ko naman 'yun-- but not now. Maybe some other time, 'wag lang ngayon kasi wala pa akong lakas ng loob. "Sagot niya pa at saka siya yumuko. Nagkibit balikat na lang ako sa sinagot niya. Labas na ako sa love life niya dahil nasa tamang edad na siya kaya wala na akong karapatan na pangaralan siya-- alam naman niya siguro ang ginagawa niya eh. MGA ILANG minuto pa ang lumipas ay nakarating na kami sa bahay nina Francine and Deymond. "Ninaaaang! " Napangiti ako nang sobra at mabilis na yumuko para yakapin ang tumatakbong inaanak ko palapit sa'kin na si Wellah. Agad ko siyang binuhat at hinalikan. "Ninang, why you took so long ba? "Nakapout na tanong niya sa akin. Anak nga pala siya nina Francine, 5 years old na siya pero parang pang 3 years old pa rin ang mukha niya dahil sobrang baby face siya. She was wearing a dark pink dress with a pink shoes and a pink head band that really suits her. Ninang niya ako pero dahil nakakulong ako nu'ng time na binibinyagan siya kaya hindi ako nakapunta pero nilista pa rin ako nina Francine at Deymond bilang Ninang ni Wellah. "Sorry, may sinundo pa si Ninang,"sagot ko at nagsimula na kaming maglakad palapit sa dining table kung saan doon naghihintay sina Deymond sa amin ni Vein. "Vein. "Agad na bati ni Deymond sa kapatid ko nang makarating na kami sa dining saka nag-manly hug sila. "Long time no see Vein." Bati rin ni Francine at nag-beso silang dalawa. Deymond wearing a dark violet long sleeves na nakatupi hanggang siko niya kaya kita ang snake wrist na tattoo niya habang si Francine naman ay baka black dress na fitted sa kaniya at halata sa katawan niya ang ka-sexyhan niya. 'Yung tipong parang hindi pa siya nanganganak. "We throw a celebration party para sa pagdating mo. Alam ko naman kasing hindi 'yun gagawin ng kakambal mo. "Nagbibirong saad ni Francine saka nginusuan ako pero hindi ko na lang siya pinansin kasi sobrang giliw na giliw ako kay Wellah. She pinch my both cheeks and I let her while she's giggling. "Yeah. So kill joy right?" Rinig ko na sagot naman ni Vein patukoy sa akin. "Wellah, come here. 'Wag ka nang magpa buhat sa Ninang mo, you're big na--- right."Sabi ni Francine. "It's okay,"sabi ko dahil mahilig talaga ako sa bata. Nagsimula na silang umupo at lumapit naman si Deymond para kunin na si Wellah sa akin dahil kakain na. "By the way, where's Dillion? Akala ko ba magkasama kayo?"Tanong ni Deymond sa akin at pinaghila niya pa ako ng bangko saka umupo na ako katabi si Vein. "Susunod na lang daw---" "Im here."Agad kaming napalingon sa bagong dating na si Dillion. Nakapamulsa lang siya and still wearing a straight face. 'Ang bilis naman niya.' Hindi ko maiwasan na masambit 'yun sa isip ko habang sinusundan lang siya nang tingin papunta dito sa pwesto naming lahat. Hindi ko rin maiwasan na isipin kung may nalaman na kaya siya about du'n sa lalaking pinapasundan ko sa kanya? I hope meron. "Sakto lang pala ang dating mo eh. Let's eat."Saad ni Deymond. "Saan ka ba nanggaling? Akala ko kasi ay magkasama kayong dalawa ni Rein papunta sa airport?"Tanong naman ni Francine habang pinaglalagay niya ng pagkain sa pinggan si Wellah na katabi niya lang sa bangko. Umupo siya sa tabi ni Deymond kaya hindi ko maiwasan na batuhan siya nang tingin.Hindi ko inaasahan na nakatingin din pala siya sa akin pero saglit lang 'yun dahil si Francine naman ang tiningnan niya. "Yeah. Magkasama kami kanina. Kaso lang nasira 'yung kotse kaya pinagawa ko pa. "Sagot ni Dillion. "Wassup Dill."Bati naman ni Vein. Hindi naman sila halos nagkakalayo ng edad kaya gano'n siya magsalita dito. "Yow. Long time no see. "Sagot naman pabalik sa kanya ni Dillion-- alam kong masaya siya ngayon dahil nakita niya na ang kaibigan niya na si Vein pero lagi kasi siyang emotionless at naka- straight face kaya hindi mo masasabi kung masaya ba siya o hindi kung hindi mo naman talaga siya tunay na kilala. "How's life?"Tanong pa ni Vein. "Still the same. "Sagot ni Dillion. "Hahaha. Oo. Still the same talaga 'yan. Hindi pa rin kasi siya nagbabago." Saad naman ni Deymond at tumawa siya nang nakakahawa kaya napatawa rin kami. Such a bully talaga si Deymond. Hindi ko pa rin ma-gets kung bakit sila ang nagkatuluyan ni Francine. Francine is from well-known family. The Vough family. Elite and respectable. School president namin siya dati nu'ng highschool and c*m laude naman siya nu'ng college while Deymond is bully and rebellious. Nu'ng highschool kami ay laging laman ng detention room si Deymond at si Francine naman ang laging bantay no'n. And tadah--- naging sila. Such a cute story in some books right? Mayaman din naman ang family ni Deymond kaya walang naging problema sa pagpapakasal nilang dalawa. Si Cally naman, siya ang school muse namin. Matalino rin siya. Actually, kung sakaling hindi siya sa ibang bansa nag- college para doon mag- take ng law ay baka naging mag kalaban pa kami sa pagiging suma c*m laude ng University. "Pinahanda ko nga pala 'yung mga guest room ngayon kasi baka sakaling gusto niyong mag over night kapag nalasing kayo mamaya."wika pa ni Deymond. "Let's drink later huh."Sabi pa ni Francine. "Game. "Medyo excited na sagot ni Vein. Hayyss. Sobrang hyper talaga niya. Parang walang jet lag sa naging flight niya kanina. Tsk. But I'm happy na kasama ko na ulit ang kakambal ko kahit na hindi niya kasama si Dad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD