bc

My Dignity is Yours

book_age18+
1.1K
FOLLOW
10.0K
READ
murder
revenge
arrogant
billionairess
drama
bxg
city
enimies to lovers
secrets
lawyer
like
intro-logo
Blurb

****

Rein Niña Guazon is the woman who was imprisoned for claiming that she killed her friend Jerick Sevilla because of her excessive love for her boyfriend Gavi. She was imprisoned for almost ten years for a crime she never committed. Ang mas masakit pa doon ay nang malaman niya na ikinasal na ang kaniyang kasintahan sa ibang babae habang nasa loob siya ng kulungan. At ngayon na nagbabalik na siya ay handa siyang gawin ang lahat upang gantihan ito.

But, how will she be able to avenge the man who ruined her life if someone defends him which will make it difficult for her to carry out her plan-- and that is none other than Dean Ace Alejandro. The cousin of Jerick. Kinamumuhian niya si Rein ng sobra-sobra dahil sa pagpatay nito sa kanyang malapit na pinsan. Ngunit, sadya atang mapaglaro ang tadhana dahil kahit anong gawin nilang dalawa ay nagtatagpo at nagtatagpo pa rin ang landas nila. Sa huli nga ba ay malalaman ni Dean na isang biktima lang din si Rein sa nangyari at handa nga ba siyang mahalin ito? O magpapatuloy lang ang pagkamuhi na nararamdaman niya para sa dalaga?

© 2022 penpenthelarapen. All rights reserved.

Status: Completed

chap-preview
Free preview
CHAPTER 01
8 years ago... "WAG!" Mabilis na sigaw ko pero huli na dahil nakalabit na niya ang gatilyo ng baril dahilan kung bakit umalingawngaw ang lakas nang tunog no'n sa tahimik na lugar kung nasaan kami ngayon. Awtomatikong naitakip ko ang aking dalawang kamay sa bibig ko habang nangingilig ang buong sistema ng katawan ko. Halos nahihirapan din akong ihakbang ang mga paa ko dahil sa kagimbal-gimbal na pangyayari na nakita mismo nang dalawang mata ko. "Ga-- Gavi, a-anong ginawa mo?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya nang makalapit ako sa tabi niya. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong ikilos lalo na nang makita ko ang nakahandusay na katawan ng kaibigan namin sa sahig dahil sa bala na tumama sa kanyang dibdib. "Rein. Makinig ka." He grabbed my shoulder violently... ramdam na ramdam ko 'yung higpit nu'n na tila ay magkakapasa ako. Kahit nakatitig ako sa katawan ni Jerick na wala ng buhay ay nagawa ko pa rin na batuhan siya nang tingin. Nangingilig na rin ang dalawang kamay ko pero hindi ko 'yon pinahalata sa kaniya. Kitang-kita ko rin kasi sa mga mata niya 'yung takot pati na rin ang mga tumalsik na dugo sa kanyang suot na puting polo. "Rein. Hindi ako pwedeng makulong. Paano na lang ang kinabukasan nating dalawa?"wika niya habang hawak-hawak niya pa rin ang magkabila kong balikat. Medyo napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "A- anong ibig mong sabihin? A-anong gusto mong gawin ko?" Nangingilig ang boses ko nang itanong ko sa kaniya ang mga katagang 'yon. . . "Ako ang pumatay sa kanya. Nagawa ko lang 'yun dahil nalaman ko na itatakas niya ang pera namin kaya hindi ko hinayaan na makatakas siya at naiputok ko ang baril. " "Ikaw Rein Nińa Guazon ay hinahatulan nang sampu hanggang labindalawang taon nang pagkakakulong sa salang pagpatay sa business partner mo na si Jerick Sevilla. Pinapahintulutan ka ng korte na ito na magkaroon ng parole ngunit hindi ang pagkakaroon ng piyansa." "Anong ginawa namin sa'yo Nińa? Naging mabuti kami sa'yo tapos ito pa ang iginanti mo? " "Bakit mo ginawa 'to? " "Anong dahilan mo? " "Bakit mo pinatay ang anak ko?" "Dapat mabulok ka sa bilangguan. " Ang bilis nang pangyayari. Sa isang iglap ay ako na ang nasa loob ng korts na 'yun at inaako ko ang pagpatay kay Jerick. Sa isang iglap ay ako na ang nakakulong. Sa isang iglap, nawala ang masayang buhay ko. "Hoy. Guazon. May bisita ka."Rinig ko'ng sabi ng pulis sa akin. Agad akong tumayo sa sahig na pinagkakaupuan ko saka hinintay na mapagbuksan ako ng selda. Inayos ko ang sarili ko sa pag-aakala na si Gavi ang bumisita sa'kin pero nawala ang ngiti sa mga labi ko dahil hindi siya ang nakita ko. Si Cally. Ang matalik na kaibigan ko at siya rin ang may hawak ng kaso ko dahil isa siyang abogado. "Rein." Unang bati niya sa akin. Umupo ako sa kaharap na upuan niya at agad niyang inabot ang mga paper bag na dala niya. Panigurado na mga pagkain ang laman noon kaya hindi ko na tiningnan pa at inilagay lang sa may tabi. Agad niya akong binatuhan ng isang simpleng ngiti pero alam kong hindi naman totoo 'yon. Sa tagal nang panahon na pinagsamahan namin ay alam na alam ko na ang mga kilos niya kung peke ba 'yon o hindi. "Kumusta ka na?" Tanong niya. Ngumiti muna ako ng simple bago sumagot sa kanya. "Okay naman ako dito. 'Yun lang din naman ang pwede kong isagot sa'yo. Mainit. Masikip. Maingay. Hindi pa rin ako nasasanay kahit ilang taon na akong nandito."Sagot ko. Nahalata ko naman na natahimik siya sa sinabi ko. Mukhang wala siyang maisagot kaya naman muli akong nagsalita para mapunta na lang sa iba ang usapan namin. "Kumusta sina Dad? Nakausap mo na ba sila?" Tanong ko. Napatigil siya at medyo umiwas pa nang tingin sa akin. Hayysss. Bakit ko pa nga ba itatanong pa ang tungkol sa bagay na 'yun kung alam ko na ang sagot. "Hindi mo na kailangang sagutin. Alam ko na nasa America pa rin siya at hindi mo pa rin siya ma-contact. I understand. Mahirap kasi na hanapin 'yung nagtatago talaga. Sigurado ako na pinipigilan niya rin si Vein-- I mean, baka ayaw lang talaga ni Dad na malaman ang tungkol sa'kin... dahil simula nang makulong ako ay wala na siyang pakialam pa, "sabi ko. Pinilit ko na maging normal lang ang tono nang boses ko dahil ayaw kong ipahalata sa kanya na kahit ilang taon na ang lumipas ay apektado pa rin ako. Pinutol ko na rin agad ang mga susunod ko pa sanang sasabihin tungkol kay Vein dahil alam kong malulungkot lang din si Cally. Ilang segundo siyang hindi nakasagot pero hindi rin nagtagal ay nagsalita na rin siya. "Umapila ako sa korte."Pagiiba niya ng topic. "Dahil maganda naman ang record mo dito sa loob at tatlong taon na lang ay makakalaya ka na kaya nag-request ako na kung pwede ay mabigyan ka na nang parole. Eligible ka naman for parole dahil 'yon ang sinabi sa hearing mo noon,"sabi niya habang nakangiti. Alam ko na masaya siya tungkol doon kaya nakikinig lang naman ako sa kanya. "Sa lunes ko pa malalaman sa korte ang sagot nila. Kaya siguro by Tuesday or Wednesday ay bibisitahin ulit kita dito." Dagdag na saad niya pa. Tumango-tango naman ako pero wala roon ang atensyon ko kaya naman tinanong ko na sa kaniya yung kanina ko pa gustong itanong. "Si Gavi? May balita ka na ba sa kaniya?" I asked directly. Nahalata ko na naman agad ang awtomatikong paghinto niya. Sa loob nang mahigit pitong taon ko dito sa loob ng kulungan ay hindi niya pa rin ako nagagawang bisitahin. Kahit nu'ng magsimula ang hearing noon sa kaso ko ay hindi pa rin siya nagpapakita sa akin. Ilang taon ko na rin siyang tinatanong kay Cally pati na rin kina Fracine at Deymond pero wala rin silang masabi sa akin. "Ano? Wala ka pa ring alam? Wala ka pa ring maisagot sa akin?" Tanong ko pa dahil talagang desperado na akong malaman kung ano na ba ang ginagawa ng boyfriend ko sa labas. Kung kumusta na ba ito at kung naaalala niya pa ba ako? "Ahm. Wala akong balita ehh. Pe-- pero pupunta si Dillion dito sa Biyernes, ba-- baka siya ay meron ng balita,"sabi niya pero hindi pa rin niya magawang tumingin sa akin nang diretso. Medyo kumalma naman ako nang konti dahil sigurado ako na may maaasahan ako kay Dillion. "Sige hihintayin ko siya." Sagot ko at tumayo na. Kinuha ko 'yung paper bag na dala niya saka tumalikod na ako at iniwan siya. * * * Biyernes... "Kumusta?" Ako na agad ang unang nagtanong kay Dillion nang tuluyan na akong makaupo sa harapan niya. "Okay naman ako." Walang emosyon na sagot niya. Gano'n naman talaga siya at sanay na ako. Si Dillion ay matalik ko ring kaibigan at siya rin ang pinagkakatiwalaan ko sa pamamahala sa lahat nang naiwan kong mga business sa labas simula nang makulong ako. "Ngayon ay in process na 'yung pagpapalipat ng 30% assets niyo sa charity na napili mo. " "Good." I simply answered and smiled. Ngunit hindi rin nagtagal 'yon dahil dineretso ko na rin siya nang tanong na nais kong makakuha nang kasagutan. "About kay Gavi? May balita ka na ba sa kanya?" Tanong ko. 'Yon lang naman kasi talaga ang dahilan kung bakit pinipilit kong maging masaya sa tuwing may bumibisita sa akin. Umaasa ako na si Gavi na 'yon o di kaya naman ay may balita na silang masasabi sa akin tungkol sa kaniya. 'Yon lang din ang nagbibigay ng lakas ng loob sa akin para maging matatag. Ngunit, kagaya ni Cally nu'ng huli niyang bisita sa akin dito noong lunes ay hindi rin siya agad nakasagot sa tanong ko. Ayokong isipin na wala rin siyang balita na masasabi sa akin kaya naghintay pa ako nang ilang segundo hanggang sa may kinuha siya sa loob ng coat niya at dahan-dahan niya 'yung ipinatong sa may lamesa na nasa harapan ko. Awtomatikong napatingin ako doon. Papel 'yun na parang galing sa isang dyaryo na pinunit lang. Hindi naman ako nag dalawang isip na abutin 'yon saka dahan-dahan 'yung kinuha. Nang baliktarin ko 'yun ay nabigla ako sa nakita ko dahilan kung bakit natigilan ako at nandoon lang ang atensyon ko. Picture 'yun ni Gavi at--- at ang girlfriend ni Jerick habang nakapang kasal ang mga damit nila. Hindi lang do'n napagawi ang tingin ko kundi ang naka-bold na font ng headline na 'yon. 'GAVI FRANCISCO AND WENDY HERNANDEZ ARE NOW HAPPILY MARRIED! ' "A--anong ibig sabihin nito?" Tanong ko kay Dillion nang batuhan ko ulit siya nang tingin. Sobra na ang pagkakakunot ng noo ko. Ilang segundo pa ang hinintay ko bago siya sumagot sa akin na talagang ikinabigla ko. "Kinasal na sila nu'ng makalawa. Intimate wedding lang ang nangyari... at-- at nabigla rin kaming lahat." Hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko sa narinig ko mula kay Dillion. Biglang nanikip ang dibdib ko at parang bumigat ang paghinga ko. Napansin ko na lang na pinupunit ko na pala 'yung papel na ibinigay niya sa akin habang matatalim ang mga mata ko habang nakatingin sa kawalan. "HINDI PWEDENG MANGYARI 'YON!" Malakas na sigaw ko kasabay nang malakas na pagpalo rin nang dalawang kamay ko sa lamesa. Pano mo nagawa 'to sa akin Gavi? Sinakripisyo ko ang lahat para sa'yo! Nagpakulong ako na dapat ay ikaw ang nandito tapos ito ang gagawin mo sa akin?! Bakit? At talagang girlfriend pa talaga ni Jerick na pinatay mo ang pinakasalan mo? Hindi ko maintindihan pero sisiguraduhin ko na pagbabayaran mo ang lahat!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
79.8K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
180.7K
bc

His Obsession

read
89.5K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.7K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook