Chapter 3

1239 Words
“What the f*ck?” malakas na mura ni Nate habang hinihilot ang noo. “Walang hiyang babaeng ‘yun!” Nagpupuyos sa galit ang dibdib niya dahil sa ginawa nito. Ito lang ang babaeng naglakas loob na saktan siya physically. Handa pa naman siyang palagpasin ang ginawa nitong pang-aagaw ng parking space niya pero ang batuhin siya ng bola? Hindi niya iyon mapapalampas. Lintik lang talaga ang walang ganti. Humanda ka sa aking babae ka. Kahit maganda ka pa at sexy hindi kita sasantuhin, sigaw ng isip niya. Lumapit ang mga kaibigan niya at kagaya niya ay shocked din ang mga ito sa ginawa ng magandang babae. Hindi sila makapaniwalang nagawa nitong batuhin siya. Siya? Wala pang nakakalampas sa kanya. He will definitely avenge this. Cross his heart and hope she will die. Sa buong buhay ay wala pang nakakagawa noon sa kanya kung kaya’t mas dumoble ang pagkainis at galit niya para sa babaeng iyon. She was just a woman for Pete’s sake. Kung ang mga kalalakihan nga ay nangingilag sa kanya, itong babaeng ito ay hindi. Mukhang hindi ata nito alam ang pinasok. Lintik lang talaga. Lintik lang talaga ang walang ganti. Ngayon ay pinagkakaguluhan na siya ng mga kaibigan. Alam niyang hindi nagmamalasakit ang mga ito bagkus ay kinukutya siya ng mga ito na mas nakakadagdag pa ng inis niya. Bwisit na bwist siya. Sirang-sira ang araw niya. “Woohhh! I can't believe she did that to you, Brad. Ano masakit ba?” tanong ni Marcus sa kanya. Nakangisi ito. “Unbelievable! She was so cool by the way!” bakas ang paghanga sa mukha nito. Seryoso? Humahanga pa ito? “Nagtatanong ka pa kung masakit ikaw kaya ang batuhin ko ng bola?” Nanggagalaiti siya sa galit habang hinihaplos ang ulong nasaktan. Naisip tuloy niya kung ganito rin ba kasakit ang nararamdaman ng babae nang aksidente niyang mabato ito. Siyempre! Parehong bola lang naman ang tumama sa inyong dalawa! “You know what?” Michael said with a smile on her face.  “I like her. Kung magkaka-crush ako sa isang babae, siya na ‘yun. Astig! Akalain mo? The high and mighty Nathaniel Montecillo was hit by a girl. Ang gandang headline ano?” sabi pa nito sa kanila then he chuckled. “Brad, nagkabukol pa ata oh!” sabi naman ni Jake sa kanya na iniinspeksiyon ang nasaktang noo. Pagkatapos ay walang habas na tumawa. “Sabihin mo kung dadalhin ka na namin sa hospital,” Daniel said. “Lumalabo na ba ang paningin mo? Nanghihina ka na ba?” sunod-sunod na tanong nito ngunit may ngiti sa labi kaya alam niyang pinaglalaruan siya nito. “Mga g*go talaga kayo. Nakita niyo na ngang binato ako ganyan pa kayo,” sigaw niya sa mga ito at itinaas ang kamao na waring susuntukin ang mga ito. Natatawang napatakbo ang mga ito dahil sa ginawa niya, takot na masuntok. “Brad, ibig lang sabihin noon, real friends mo kami. ‘Yung tipong pagtatawanan ka muna bago tulungan!” tatawa-tawang sigaw ni Marcus sa kanya. Nag-apir naman ang mga ito. “Mga walang hiya talaga kayo!” sigaw niya sa mga ito. Tinawanan lang siya. “Birds with the same feather flock together, tol!” wika ni Jake at nakipag-apir pa talaga sa mga loko. “Akalain mo iyon? ‘Yung magandang chick na ‘yun denedma na nga ang charm mo, binato ka pa ng bola. Epic mga, brad.” Marcus chuckled. Nag-apir na naman ang mga ito. Mas lalo siyang naiinis sa babaeng iyon. Humanda talaga ito. “Mukhang kumukupas ka na, Nate?” kantyaw sa kanya ni Michael. “Ako kukupas? Puputi muna ang mga uwak bago mangyari ‘yun,” sabi niyang bilib na bilib sa sarili. Marahang pa niyang tinapik ang dibdib. Tumawa ang mga ito. “Pero paano nga kung ganoon? Anong gagawin mo?” tanong ni Daniel at kinuha ang bola at tumalon na parang i-sho-shoot ito. “Ang itanong mo g*go,“ tingin ni Marcus kay Daniel pagkatapos ay tumingin sa kanya, “kung papaano niya mapapaamo ang isang iyon. May lamat na ang record niya.” Nag-apir na naman ang mga ito. “Naku! Hula ko walang pag-asang mapaamo niya iyon. Ang bagsik eh!” si Michael ‘yun na nakikipag-agawan ng bola kay Daniel. Hindi siya papayag na ganoon na lamang ang mangyari. Hindi ito ang sisira sa magandang record niya sa paaralang ito. This is his last year and he will soon graduate. He doesn’t want to stain his good reputation. He will never do that kaya humanda talaga ito. “Let’s have a bet then,” suhestiyon niya sa mga ito. Masyadong nasagasaan ang ego niya dahil sa ginawa ng babae at mas lalo pang ginatungan ng mga ito. Mukhang ito lang ata ang hinihintay ng mga kaibigan niya, ang magpustahan ulit sila sa isang bagay. Last time, they also had a bet with Daniel at natalo ito. Kaya naman mukhang gusto nitong bumawi sa pagkatalo. Ang iba naman ay mukhang nawili na sa pagkapanalo. He will make sure na luhaan ang mga ito kasama ng babaeng iyon. “Shoot!” sabay na sigaw ng mga ito sa kanya at nagsimulang lumapit sa kinaroroonan niya para pakinggan ang sasabihin niya. “I’ll make that stupid girl fall for me in just three months,” sabi niya. Puno ng kumpyansa sa sarili. He’s Nathaniel Monticello. Girls will beg for his attention. “Nah. That’s too long for you. Make it a month,” tawad ni Marcus sa kanya. Mukhang bilib din ito sa sariling matatalo siya. “Oo nga,” Michael said. “Grabe naman ang tatlong buwan. I agree with a month.” “Me too,” Jake said. “One month,” sang-ayun naman ni Daniel. “Fine. A month then,” sang-ayon niya sa mga ito. “And what will I get?” tanong niya sa mga ito. Nag-isip ang mga ito sandali at nag-usap-usap muna bago siya harapin ng mga ito. Nakangisi ang mga ito nang nakakaloko. “You’ll get Jegu,” sabi ni Michael. Ang tinutukoy nito ay ang paborito nitong sapatos. Limited edition from Adidas. Hindi pa niya ito naisusuot at nakadisplay lang ito sa kwarto nito. “I’ll give the guitar you're always asking me,” wika naman ni Daniel. “I’ll give the most expensive watch from my collection,” sagot naman ni Jake. “And you?” Tumingin siya kay Marcus. “I’ll give you that.” Turo nito sa sasakyan nito. “Okay. Ngayon pa lang ihanda na ninyong matalo. Start saying goodbye to those items.” “And if you lose?” Marcus asked. “I’ll give you the motorbikes you’ve been dreaming of,” sagot niya sa mga ito. Those were worth millions. Pero ganoon siya kabilib sa sarili niyang mananalo siya kaya balewala lang iyon sa kanya. He will win. He will surely win. Ngumisi si Marcus maging ang iba pa niyang mga kaibigan. “Prepare to lose then. We won’t let you win the easy way.” “It’s settled then. I’ll start tomorrow. Tara na, uwi na tayo. Bukas na lang natin ‘to ituloy,” yaya niya sa mga ito at sumakay sa kotse. Bumusina siya bago pinaharurot paalis sa campus. Sumunod na rin ang mga ito. Tomorrow is another day. At sisiguraduhin niyang makakabawi siya sa babaeng iyon. Itaga man sa bato. Tamaan man siya ng kidlat!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD