bc

Love & Forgiveness

book_age18+
5.6K
FOLLOW
30.8K
READ
billionaire
second chance
playboy
goodgirl
drama
bxg
female lead
campus
office/work place
betrayal
like
intro-logo
Blurb

Kassandra Cress Valencia or KC lived a very simple life. Wala siyang ibang ninais kundi ang makapiling ang mga libro. Yes, books. Boys never interest her hanggang mag-transfer siya sa bagong university and met Nathaniel Monticello, a campus heart throb who valued his ego and territory so much. Defying and threatening his, would mean danger and that's what happened when she accidentally took his parking space idagdag pa ang pagbato niya ng bola rito.

She was annoyed by him dahil palagi siya nitong penepeste hanggang sa magtapat ito ng pag-ibig sa kaniya na kaniya namang sinuklian.

But what will she do when she found out that their love wasn't for real? Na ito ay isang pustahan lamang pala sa pagitan ni Nathaniel at ng katropa nito.

Will she able to forgive Nathaniel?

chap-preview
Free preview
Prologue
Itinakip ni KC, sampung taong gulang, ang unan sa kanyang ulo upang hindi marinig ang sigawan ng kanyang mga magulang. Halos gabi-gabi na lang kung mag-away ang mga ito. Hindi niya alam kung kailan nagsimulang maging ganito ang mga magulang niya. Hindi niya matandaan. Basta nagising na lamang siya isang gabi na nag-aaway ang mga ito.Hindi niya sukat akalain na ang dating masayang pamilya ay hahantong sa ganito. Larawan ang mga ito ng isang mapagmahal at magkailang magulang na gagawin ang lahat para sa kanilang anak. Ngunit lahat ng iyon ay nagbago na. Halos gabi-gabing lasing ang kanyang daddy kung umuwi galing sa trabaho. Ang mommy naman niya ay magsisimula na ring bunganga-an ang ama na nauuwi sa pagtatalo. Nang minsang lumabas siya ng kwarto upang tingnan ang mga ito ay napagbuntunan siya ng galit ng kanyang ina. Sinigaw-sigawan siya nito at dinuro sa hindi malamang dahilan. Umiyak na lamang siya habang pinagsasampal siya ng kanyang mommy. Habang ang daddy naman niya ay walang ginawa upang pigilan ang ina niya sa pananakit sa kanya. Takot na takot siya sa kanyang mommy kaya mula noon ay hindi na siya lumalabas sa tuwing nag-aaway ang mga ito. She just stayed there inside her room silently crying and praying na sana ay bumalik na sila sa dati. Sa mga panahon kung saan masaya sila. In the morning, sabay pa rin naman silang kumakain ng kanyang mommy at daddy. Ngunit hindi na kagaya noon na ang mommy niya ang nagluluto ng agahan nila. Ang daddy naman niya ang mag-aayos ng mesa. At siya bilang prinsesa ng mga ito ay masayang pinapanood lamang ang mga ito. And then they would wait for her dad in the living room. Her dad and her mom would hold her hands at sabay silang tutungo sa garahe. Her dad would open the door of the backseat for her and the passenger door for her mom. Ihahatid siya ng mga ito sa eskwelahan and they will bid goodbye to her happily telling her to wait for them after school. And of course with flying kisses pa mula sa mga ito. That's how happy they were before. Now she doesn't know anymore how to be happy. Magkasama silang kumakain sa umaga and that's all now. Her dad will go out first then her mom at siya naiiwan nalang na wala man lang goodbye kiss mula sa mga ito kahit flying kiss lang sana. Pagkatapos niyang kumain, inihahatid na lang siya ng driver nila sa eskwelahan. She was so lonely, very lonely. For a kid like her, it's horrible. Naputol ang pagmumuni-muni niya sa lakas ng sigaw ng mommy niya. "How dare you! Walanghiya ka talaga. Ang kapal ng mukha. Hindi ka na nahiya sa ginawa mo?" malakas na sigaw ng mommy niya. "Ano ba, Amanda. Tumigil ka na nga sa kakasigaw mo. At pagod ako," ganting sigaw ng daddy niya. Naririnig pa rin niya ang sigawan ng mga ito. Wala siyang ibang ginawa kundi umiyak na lang ng umiyak. Marinig man siya ng mga ito ay balewala rin. Hindi naman siya papansinin ng mga ito. Parang hindi na siya nag-e-exist sa mundo ng mga ito. Before yes, she was their world. Now, no more. She was just a mere display. A display para sabihing isa silang masaya at kompletong pamilya. She knew better than that. They're not, well not anymore. Nang tahimik na ang paligid, bumaba siya ng kama. Dahan-dahan siyang lumapit sa pinto ng kwarto at sinilip kung nasa labas pa ang mga magulang. Nang makitang walang ng tao ay lumabas siya sa kanyang kwarto. Tahimik niyang tinahak ang hagdan pababa at pumunta ng kusina. Natigil siya sa pagpasok sa kusina nang makarinig ng hikbi. Walang ingay na lumapit siya sa bukana ng kusina at sinilip kung sino ito. Lumaki ang mga mata niya ng makita ang mommy niya na nakalukluk sa sulok, nakaupo sa sahig at umiiyak. She was about to walk into her nang matigilan siya. Naalala niya kung paano siya saktan ng mommy niya minsang lumapit siya dito. Mabigat man sa kalooban niya pero tinalikuran na lang niya ito. Tutop ang sariling bibig, tinahak niya ang daan pabalik sa kanyang silid hindi alintana ang mga luhang nag-uunahang dumadaloy mula sa mga mata niya. Matuling lumipas ang mga araw at wala pa ring pagbabago sa sitwasyon nilang mag-anak. Araw-araw na walang imikan ang mga magulang niya. Of course damay siya. At gabi-gabing sigawan at siya magmumukmok na lang sa kwarto. Mag-aaral ng mga lessons niya at magbabasa ng kung ano-ano. Ipinagpasalamat na lang niya na kahit ganoon ang sitwasyon nila ay ibinibigay pa rin ng mga ito ang lahat ng pangangailangan niya. Pinapakain, pinag-aaral at ibinigay ang mga luho niya kung meron man. Oh well, meron naman. Books. She focused her attention on books. Naalala pa niya noong kinausap niya ang mga magulang upang magpabili ng mga libro. Halos manginig siya sa habang sinasabi na nais niyang magpabili ng mga libro na kakailanganin niya sa kanyang pag-aaral. Hindi umimik ang kanyang ina sa sinabi niya. Tiningnan lang siya nito at ibinalik ang pansin sa ginagawa. Ang daddy niya ang kumausap sa kanya at nangakong bibilhan siya nito. Sinabi pa nitong magsabi lang siya sa kanya kung may gusto siyang bilhin. Kinabukasan matapos niyang kausapin ang mga magulang ay inabutan siya ng ATM ng daddy niya at dalawang passbook mula sa ibat-ibang bangko. Nagtaka man siya sa ibinigay nito, hindi na siya nagtanong pa at tinanggap na lang ang ibinigay ng ama sa kanya. Ibinilin na lang nito na icheck ang mga ito buwan-buwan. And true to his father's word, monthly na may pumapasok sa mga ito. Using those, she was able to buy dozens and dozens of books. KC was busy reading one of her new books when she was called by her parents. Lumukso ang dugo niya dahil sa narinig. "Really, Manang? Pinapatawag ako nila Mommy at Daddy?" tuwang-tuwang tanong niya kay Manang Pasing. Mula nang magkaroon ng lamat ang relasyon nila ng kanyang ina ay ito na ang tumayong ina niya. At masaya siya na nandito itong laging nakaalalay sa tabi niya. "Oo nga. May importante raw na sasabihin,” sabi nito sa kanya. “Hala sige na at baka magalit pa ang mga ‘yun sa iyo." Mabilis siyang tumakbo palabas ng kanyang kwarto. Nagmamadali siyang bumaba ng hagdanan. Nakita niya ang kanyang ina na nakaupo sa sofa samantalang ang daddy naman niya ay nakatayo at may kausap sa cellphone nito. "Mabuti naman at bumaba ka na," malamig na turan ng kanyang ina nang makita siya nitong pababa. "Bakit po. Mommy?" tanong niya rito nang makalapit siya. Her mother just rolled her eyes on her. Tumingin ito sa ama niya at walang buhay na nagsalita, "Fredirick, you tell her," sabi nito sa ama niya. Her mom was not like that before. Puno ito ng pagsuyo at pagmamahal kapag kinakausap siya. She was the center of her attention. Whole attention before. Maaliwalas ang mukha nitong nakikipag-usap sa kanya. Ngayon wala nang bakas ang ganoong pagtrato nito sa kanya. Para siyang ibang tao sa paningin nito. Namimiss niya ito sa ganoong paraan. Ngunit sino ba siya para tanggihan ang konting atensiyon na manggaling dito. Sabi nga nila it's better than never. Tiningnan niya ang ama at hinintay kung ano man ang sasabihin nila. Unlike her mom, her dad still showed affection towards her. Hindi na nga lang gaya noong dati but still she's thankful that he does. Kahit discreet okay lang sa kanya. Mas madalas nitong ipinapaabot kay Manang Pasing kung ano man ang nais nitong sabihin o ibigay sa kanya. Minsan pumupunta rin ito sa eskwelahan niya. Personal siya nitong pinupuntahan sa classroom niya dala ang kung ano-anong bagay. Kukumustahin siya nito at sinasabing mag-aral siyang mabuti tsaka siya hahalikan sa noo at yayakapin nang napakahigpit at aalis na ito. Sa mga panahong ganoon ang ginagawa ng kanyang daddy ay hindi niya mapigilang lumuha habang tinatanaw ito paalis. Alam niyang mahal na mahal siya ng daddy niya. Nag-iiba lang ang trato nito sa kanya kapag kaharap nila ang mommy niya. Malamig din ito sa kanya but she knew better. Hindi nga lang niya maintindihan kung bakit ganoon ang mga ito sa kanya ngayon. Someday she will know and she will understand them. Her father cleared her throat first then went to sit beside her. Tiningnan siya nito sa mga mata. Nababanaag sa mga mata nito ang pagmamahal sa kanya. "You're Tita Maris will be having a party tomorrow. She invited us to be there." "Talaga, Daddy? Lalabas tayo?" Nagningning ang mga mata niya sa sinabi ng daddy niya. "Yes, hija. But," he paused as if thinking for the exact words to say, "we need to act like before. You know a happy one. I don't want your Tita Maris to know what is really happening here in the house." Her father looked at her trying to waiting for her to say something. "You get what I mean right?" Tiningnan lang niya ang daddy niya. Alam niya ang nais nitong mangyari at hindi naman siya bobo para hindi maintindihan ‘yun. Dismayado man ay tumango siya. Her dad smiled. Hindi man umabot sa mga mata nito ang saya pero nakikita niya nakahinga ito sa sagot niya. "Thank you, hija. Now go look for Manang Pasing nandoon ang damit na gagamitin mo bukas," sabi nito sa kanya na agad naman niyang sinunod. Tumayo ang ina niya mula sa pagkakaupo sa sofa at tiningnan ang asawa. Matalim ang mga nitong nakatingin dito. "Siguraduhin mong hindi papalpak ‘yang anak mo Frederick. Ayokong mapahiya," sabi nito. Tinalikuran nito ang asawa. Napabuntong-hininga na lang ang ama niya at umalis na rin sa sala. Lumabas ito ng bahay at tinungo ang sasakyan at umalis. "I'M GLAD YOU MADE it, Amanda!" tuwang bati ng isang magandang babae sa kanila. Humalik ito sa pisngi ng mommy niya at niyakap ito. Ganoon din ang ginawa nito sa daddy niya. Pagkunwa'y lumipat ang tingin nito sa kanya. The lady hugged her and kissed her cheek. "Ito na ba ang inaanak ko? Aba'y magandang bulas Amanda," wika nito at tumingin sa mommy niya. "Of course, Maris, kanino pa ba magmamana ‘yan kung ‘di sa amin ni Frederick," nakangiting sabi ng mommy niya. In usual time, iisiping niyang totoo ang ngiting nakaplaster sa mukha nito pero alam niyang hindi, hindi na. Bumaling ang tingin nito sa kanya, "What's your name, hija?" "Kassandra Cress po, Tita. KC for short," tipid niyang sagot. "What a beautiful name it is!" bulalas nito sa kanya. "Let's go inside." At hinatak sila nito sa loob ng bahay at dinala sa garden kung saan ginaganap ang party nito. "C'mon enjoy the food. By the way Frederick," tumingin ito sa ama niya, "hihiramin ko muna itong kumare ko. The boys are there." Turo nito sa nagkukumpulang mga kalalakihan. "And you little miss," tiningnan siya nito, "you make friends with the kids there. Okay?" She nodded. She would love to mingle with other kids because she wasn't allowed to kapag nasa bahay na sila. Hindi siya pinapalabas ng mommy niya dahil baka raw ichismis niya ang nangyayari sa bahay nila. She was about to run to the garden where the kids were playing when her mother called her name. "KC?" malambing na tawag nito sa pangalan niya. "Yes, Mommy?" Sabay harap sa ginang. Lumapit ang mommy niya. Lumuhod ito at inayos ang buhok niya at bumulong, "You behave. Malilintikan ka sakin kapag may ginawa kang hindi ko nagustuhan," malamig na wika nito. Para sa mga taong nakakakita sa ginawa ng mommy niya, aakalain ng mga ito na sweet ang gesture na ‘yon ng ina. Oh she knew better. Her mom was a fake. A good actress. "Yes, Mommy," sagot niya rito. Her mother motioned her to go and she did. She will enjoy this day dahil baka hindi na ito mangyari muli.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
79.8K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
180.8K
bc

His Obsession

read
89.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.6K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.7K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook