Chapter 2 Part 2

1013 Words
NATAPOS ang practice game nila nang maaga dahil talagang ginalingan nila, ginalingan niya nang todo-todo upang matapos sila nang maaga. May kailangan kasi silang gawin kaya kailangang naka-focus sila sa gagawin nilang practice game. Matapos ay nagsi-apir pa sila sa bawat isa at masayang umalis sa basketball court. Tinungo nila ang locker, naligo at doon nagpalit ng damit habang pinagpaplanuhan kung ano ang gagawin sa salarin. Sa salaring kumuha ng parking space niya kaninang umaga. " Oh! Ano, Nate? Anong resbak ang gusto mo mamaya?" tanong ni Jake sa kanya habang nagbibihis ng damit. " Oo nga. Huwag mong sabihing kakausapin mo lang?" Michael asked. Isa pa talaga ito. Iba rin ang takbo ng utak nito. "Bakit papayag ba kayong kausapin ko lang?" tanong niya sa mga ito habang isinusuot ang pantalon. Sigurado naman siyang hindi papayag ang mga iyon na basta na lang kausapin niya, nila. Ngumisi ang mga ito. Sinasabi na nga ba niya. Atat din ang mga ito. Nagdiriwang na naman ang mga maiitim na budhi ng mga ito. Kahit kasi mukha silang mababait ay may itinatago ring kulo ang mga ito. Tuso sila pareho. Hindi sila basta papayag na malamang o masalisihan. At ngayon nang nasalisihan siya ay affected din ang mga ito at excited din. As usual alam na ng mga ito ang gagawin mamaya. Aabangan nila ito sa parkimg area kung saan nakaparada ang sasakyan ng walang hiya. Pagkatapos ay sisitahin muna niya kung sino man ang lokong iyon at pagkatapos ay aayain ito sa likod na parte ng gym at doon bibigyan ng leksiyon. Kung anong leksiyon ay hindi pa siya sigurado roon. Nakadepende kasi ito sa kung sino ito, kung ano ang dahilan nito at kung ano ang sagot at paraan ng pagsagot nito. may iba't ibang level din ng leksiyon ang ibibigay niya, nila rito. Hindi naman sila natatakot na maisumbong ang kung sinumang iyon dahil nandiyan si Marcus. Ito ang bahala sa ginagawa nilang iyon. Sagot na nito iyon. Iyon ang gamit ng kaibigan sa ganitong sitwasyon dahil wala rin naman itong gagawin kundi manood at pagkatapos ay mananakot na ito. Kung anong panakot ang gagawin nito ay hindi na niya pinapakialaman iyon. Bahala na ito basta magawa nito ang dapat gawin. Nagtinginan silang lahat at ngumisi nang pagkaloko-loko. Pareho ang laman ng mga utak nila. All for one. One for all ika nga. Excitement was all written on their faces. Pagkatapos magbihis ay sabay-sabay nilang tinungo ang parking area kung saan nakaparada ang mga sasakyan nila at ang salering sasakyan. Ang sa kanya lang ang nahiwalay kung kayat pinuntahan muna niya iyon at i-p-in-ark sa malapit sa mga ito. Halos isang oras na silang naroroon pero wala pa ring magpapakita sa kanila. Nawala ana ang excitement nararamdaman niya at napalitan na ng pagkainis sa kung sino mang iyon. Makaupo siya sa hood ng sasakyan habang ang mga ito naman ay makaupo sa bench na di kalayuan dito. "Sigurado ka ba talagang hindi sa iyo ‘yan, Nate?” Daniel said. “Halos wala ng tao sa campus pero nandiyan pa rin ‘yan." "Baka nabahag na ang buntot," Jake said making all of them laugh. Sino ba naman kasi ang hindi natatakot kung prenteng makaupo na siya sa hood ng sasakyan. Makita palang siya ng mga ito ay kukuripas na ang mga ito sa takbo. Pero nauubusan na talaga siya ng pasensiya. Kung hindi pa ito magpapakita ay babasagin na niya ang mga salamin nito at bubutasin ang gulong. "Naku! Wala na,” susog ni Jake sa kanya. “Tinakbuhan ka na noon. Basagin mo nalang ang isang bintana. Nakaganti ka na." "Oo nga. Wala namang magsusumbong," Michael agreed to what Jake suggested. Marami pang mga suhestiyon ang mga ito kung papaano siya makakaganti nang may biglang tumikhim sa likuran nila. Tumaas ang sulok ng mga labi niya. The long wait is over, sabi ng isip niya. Sabay nilang nilingon kung sino man ito only to find out, it was the soccer girl. Tumaas ang sulok ng labi niya dahil sa pagkakilala sa taong nasa harapan na niya ngayon at nakataas din ang isang kilay nito sa kanila. Bumaba siya sa hood ng sasakyan hawak ang bola sa kamay. Ito sana ang una niyang gagamitin but seeing this beautiful girl in front of him changed his mind. Sayang ang ganda nito. Malaya na niyang nakikita ang mukha nito. The girl was attractive, sexy and damn beautiful. Matangos ang prominenteng ilong nito, mapupula ang labi at nakasuot ito ng salamin ngunit hindi maikakala ang ganda ng mga mata nito. Blue-green colored eyes na pinaliligiran ng malalantik na pilik mata. Kung maganda ito noong nasa malayo ito kanina ay mas lalong maganda ito sa malapitan. Lumapit siya rito. ‘Yung tipong ma-i-intimidate ang kung sino man pero nakikita niyang walang epekto iyon sa babae. Nakataas pa rin ang kilay nito habang natingin sa kanya. Nababakas ang inis sa mukha nito at namumula rin ito. "You're new here right?" tanong niya. Mas itinaas pa nito ang isang kilay. "You crossed the line." "I don't see any lines," mataray nitong sagot sa kanya. "And why the hell are you sitting on my car?" He smirked. Hindi ito takot sa kanya. Or hindi man lang ito nagpacute sa kanya unlike other girls in the campus. Mataray pa ito sa kanya. Mukhang hindi nito alam ang kinasasangkutan nitong gulo. Sabagay bago nga naman ito kaya walang alam. "I'll let this pass but next time you parked your car in my parking space, you will see what I’ll do," banta niya rito. "O! Hindi ko alam na pati pala parking space sa eskwelahang ito ay may nagmamay-ari," sarkastikong wika nito sa kanya. At laking gulat na lang niya nang bigla nitong agawin ang bolang hawak. She dribbled it like a pro at walang sabi-sabing inihagis nito sa kanya ang bola aiming for his head na ikinabigla nilang lahat. At ayon. Sapol na sapol ang ulo niya. Napamura siya nang malakas maging ang mga kaibigan niya. "Now you're forgiven," sabi nito at mabilis na pumasok sa sasakyan nito at pinaharurot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD