MASAYANG binaybay ni KC ang hagdan paakyat ng kwarto niya. Hindi pa rin nawala sa isip niya ang eksena sa parking lot kanina. Excitement. Thrilled. Fear. Those emotions were playing inside of her. Ito ang unang beses na ginawa niya iyon sa isang tao. Hindi tuloy niya alam kung ano pumasok sa kukote niya at nagawa niya ang bagay na iyon. Kaya naman nang ma-realized niya ang ginawa ay mabilis siyang pumasok sa sasakyan at pinaharurot ito palayo sa takot na resbakan siya ng mga ito. Pero sana ay hindi dahil kung ganoon ang mangyayari ay baka lumipat siya ng paaralan agad-agad.
Muli-muling dumadalaw sa balintanaw niya ang itsura ng lalaking binato niya ng bola. Dapat lang sa kanya ‘yun no, masakit din kaya ang ulo ko dahil sa ginawa niya. Akala niya siguro makakalampas siya, sabi niya sa sarili. Pero in fairness ang yummy niya ‘di ba? tanong ng isip niya. Gwapo nga mayabang naman. Walang modo pa!
Gwapo naman talaga ito. Medyo natulala nga siya kanina nang lingunin siya nito. Parang slow motion ang eksena kanina. ‘Yung hindi siya makahinga dahil sa ibang klaseng karismang hatid nito sa kanya. Nakaka-star struck ang datoing nito. Artistahin. Maputi ito. Matangkad. Basketball player sa tingin niya. The man has a tantalising deep set of black eyes at may makapal na kilay. Lalaking-lalaki ang dating nito. Matangos ang ilong na dumagdag sa kagwapuhang taglay. At ang mga labi nitong mapupula na kay sarap halikan. Bakit nahalikan ka na ba? Ito ‘yung tipong pinagkakaguluhan ng mga kakabaihan at mapapalingon ka talaga kapag dumaan ito. Parang mga nasa librong binabasa lang niya.
Pero sayang, bastos at walang modo ito. Saksakan pa ng yabang at antipatiko. Kung pwede nga lang niya itong sagasaan ay ginawa na niya kanina. Antipatiko pa. Hindi porke’t gwapo ay ganoon na ito? Hindi naman ata makatarungan iyon.
Pero hindi lang ang lalaki ang napansin niya. Lahat sila ay napansin niya sa ilang sandaling nakaharap niya ang mga ito. Maging ang apat na kasama nito ay walang halos kabigin. Gwapo ang mga ito. Daig pa ng mga ito ang mga modelo at artistang naglalabasan sa commercials. Pakiwari niya ay mga basketball players din ang mga ito. Okay enough na. Ipiniksi niya ang nasa isip. Time to teleport to the other world.
At ‘yun nga ang ginawa niya pagkatapos niyang maglinis ng katawan ay sinimulan na niyang aralin ang mga lesson niya. Kailangan niyang humabol. Ayaw niyang ma-disappoint ang mommy niya so high pa naman ng expectation nito sa kanya kahit hindi nito sinasabi. She started reading and reading and taking down notes and reading at isinasaulo isinasapuso niya ang mga binabasa at natututuhan mula sa mga libro. Natigil lang siya sa ginagawa nang dumating si Manang Pasing para ihatid ang kanyang hapunan. She looked at the wall clock and it was past eight pm already.
Tama, sa kwarto siya naghahapunan. Wala rin naman kasi siyang kasabay kumain kaya nagpapahatid na lang siya ng pagkain habang nag-aaral siya. Ang mommy kasi niya ay madalas na late na kung umuwi at siguradong nakakapaghapunan na rin ito sa kung saan. Kaya lagi siyang mag-isa kung kumain hanggang sa napagpasyahan niyang sa kwarto na lamang kumain habang nag-aaral siya o kaya naman ay nagbabasa.
“KC, halika ka na muna at kumain. Paborito mo itong niluto ko,” tawag sa kanya ng matanda habang inilalapag ang pagkain sa study table niya. Actually hindi lang ito ‘yung ordinary size na study table. Pinasadya niyang palakihan ito upang mailatag nang maayos ang mga libro niya tuwing nag-aaral siya o nagbabasa lang at para na rin sa iba pa niyang ginagawa. Isa nga sa gamit nito ay hapag-kainan niya. Hindi kasi niya gusting nagagalaw ang mga binabasa kaya pinahaba na niya ito para magkasya.
“Naku! Ikaw talaga, Nay?” sabi niya sa matanda. “Salamat, Nay. Kakainin ko ‘yan mamaya.”
“Kumain ka na muna bago mo iyan ituloy. Dito muna ako at kwentuhan mo ako sa nangyari sa’yo ngayong first day mo. Na-late ka ba kanina?” tanong nito sa kanya.
Mabuti pa ang yaya niya, may concern kung ano ang nangyari sa araw niya samantalang ang mommy niya wala. Well, sanay naman siya roon pero nakakasakit lang kasi sa pakiramdam. Her yaya always asked about her day. Walang mintis ito. Sa tuwing hahatiran siya nito ng pagkain ay magtatanong na ito sa kanya na masaya naman niyang ibinabalita ang mga nangyayari.
“Hay naku, Nay. Opo. Pero nakahabol din naman ako,” masayang wika niya sa matanda. “’Yun nga lang ho, mayroong lalaking nakakabwisit kanina.” Sumimangot ang mukha niya at ininguso ang mga lab isa naalala. “Akalain mo ba namang binato ako ng bola. Ahh h-hindi ako sigurado kung sinadya niya o hindi. Pero hindi man lang nag-sorry. Tapos tinambangan pa’ko kaninang uwian dahil sa kanya daw ‘yung parking space na pinagparadahan ko. Aba! G*go talaga ‘yun,” kwento niya.
“Eh anong ginawa mo?” kuryosong tanong ng matanda sa kanya. Inaabangan talaga nito ang sasabihin niya.
Binitiwan niya ang hawak na libro at hinarap si Nanay Pasing. “Binato ko po ng bola. Tapos tinakbuhan ko. Ang yabang eh. Kala mo kung sinong gwapo,” ingos niya. Napailing ang yaya niya sa sinabi.
“Pero gwapo ba?” tudyo sa kanya ng matanda na may ngiti sa labi.
Lumaki ang mga mata niya sa tanong nito. “Nay, naman! Alam ko ‘yang ngiti mong ‘yan,” sagot niya rito at kunwari ay nag-isip siya. “Gwapo pero antipatiko.” Umiling-iling pa siya.
“Huwag ka kaagad manghusga ng tao, KC. At tsaka hindi maganda ‘yung ginawa mong pagganti sa kanya. Hindi ka naman bayolenteng tao, anak,” paalala nito sa kanya. Kaya mahal na mahal niya ito dahil alam nito kung kailan siya kukunsentihin at kung kailan pangangaralan. Kaya kahit hindi siya masyadong ginabayan ng sariling mga magulang ay ayos lang dahil nandiyan naman itong laging nasa tabi niya through thick and thin.
“Alam ko naman ‘yun, Nay. Kaso ni hindi man lang nag-sorry sa’kin. Mayabang talaga.” Ininguso niya ang mga labi at nangalumbaba sa lamesa.
“Pero dapat hindi mo iyon ginawa. Pagnakita mo iyon ay humingi ka ng tawad sa ginawa mo.”
“Sige po. I’ll try. Kung magkikita pa kami basta ‘wag lang siyang mayabang ayos lang sa akin at kung sincere siya walang problema.”
“Gawin mo iyon. Oh siya! Maiwan na kita. Huwag kang masyadong magpupuyat para maaga ka bukas. Kumain ka na rin. Ipahinga mo ‘yang mga mata mo.” Ginulo pa nito ang buhok niya. Siya naman ay niyakap ang beywang nito.
“Love you, Nay!” madamdamin niyang wika rito. Nagpaalam na ito sa kanya at lumabas ng kwarto. Ipinukol niya ang tingin sa mga pagkain. Iniisip kung kakain na ba siya o hindi pa. Pero nagwagi pa rin ang pang-eenganyo ng mga paborito niya kaya naman sinimulan na niya iyong lantakan.