MAAGANG pumasok ang limang naggwagwapuhang nilalang sa campus. Hindi kasi halos makatulog dahil sa nangyari sa kanya kahapon. Hindi sila maka-get over sa nangyari. Kaya naman napagpasyahan nilang maagang pumasok sa paaralan upang makapagplano at makapag-usap ng gagawin, ng magandang gawin sa nangyari kahapon. Nagtipon-tipon silang lima sa isang bench katabi ng parking space nila. This is the big day! The start! At hindi nila iyon palalampasin. Bakit maaga silang pumasok? Aba’y inaabangan lang nila ‘yung chick na nakadali kay Nate. Ang nag-iisang babaeng hindi nadala sa charm ng nag-iisang Nathaniel Monticello. Ang sakit sa ego at sobrang ipinagpuputok ng butse nito iyon. Ansakit sa ego niyang sintaas ng pinakamataas na bundok sa mundo.
Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin sila maka-get-over sa eksena kahapon. Walang kahit isa sa kanila ang maka-get over sa nangyaring iyon. Kahit nasa bahay na silang lima ay panay ang tawag, text at video call nila para lang pag-usapan ang nakakatuwa, nakakamanghang eksenang iyon sa pagitan ni Nathaniel at ang magandang transferee.
Kaya kahit alas nuebe pa ang simula ng klase nilang lima ay maaga sila. Seven thirty AM palang ay kompleto na silang lima para lang sa pag-aabang na gagawin. Kung hindi nangyari ang binabalak nila kahapon dahil sa eksenang iyon, ngaypn ay dapat may magandang mangyari. Hindi rin sila excited lalong-lalo na siyang pinakamaagang dumating. Hindi niya palalampasin ang araw na ito. Humanda talaga ang babaeng ito sa kanya. Paluluhurin niya ito hanggang sa ito ang magmakaawa sa kanya.
Nahuling dumating si Marcus sa parking area kahit na naroroon na ang sasakyan nito. At nakita nila itong lumabas sa administrative building ng paaralan. Siguro ay may sinadya muna ito roon habang wala pa sila. Nang makarating sa tagpuan nila ay kinuha ni Marcus ang bag at may inilabas na folder mula rito. Pagkatapos ay lumapit ito sa kanya hawak-hawak ito at malakas na isinaksak nito ang hawak sa kanyang dibdib. Medyo may kalakasan pa iyon kaya napaubo siya. At dahil nabigla siya ay hindi niya iyon napaghandaan. Ano bang problema nito? Siya na nga ang namomoblema pero bakit parang ito pa ang galit? Napagalitan ba ito ng tito nito at sa kanya ibinubunton?
“G*go ka talaga, Marcus.” Inambaan niya ito ng suntok gamit ang isang kamay habang ang isa naman ay hinawakan ang ibinigay nitong folder na muntik nang malaglag sa lupa. “Ano ba 'to?” tanong niya.
“Timang! Eh ‘di buksan mo!” mahinang sigaw nito sa kanya na sinunod naman niya. "Nasupalpal ka lang, naging bobo ka na."
Umayos siya nang pagkakaupo at binuksan ang binigay nitong folder. Doon sumilay ang ngiti sa kanyang labi nang makita ang nilalaman nito. It was the enrollment form of that stupid chick and other credentials. Una niyang binigyang pansin ang 2x2 picture nito. Ang ganda nang pagkakangiti nito at pwedeng model ng toothpaste sa ganda ng ngiti at ng ngipin. Ang ngiti nito ay iyong tipong mapapangiti ka rin kahit walang kangiti-ngiti. Nakakahawa! Very geniune. It can brightens one's bad day! Wala rin itong suot na eyeglasses kaya namang kitang-kita ang kagandahan ng mukha nito. Biglang uminit ang paligid, napansin niya. Ganoon na ba ang epekto nito sa kanya? He looked up and saw his idiot friends surrounding him, looking at the file he was looking at. Titig na titig din ang mga ito sa hawak niya partikular sa picture nito.
“Ang ganda talaga niya kapag walang salamin ano?” komento ni Michael na sinang-ayunan naman ng iba pa niyang mga kaibigan. "Pero kahit naman nakasalamin ay maganda pa rin ito. Sexy pa!"
“Oo nga eh! Parang artista,” sagot naman ni Daniel. “Crush ko na ata siya!”
“Ligawan mo na lang kaya para mahirapan si Nathaniel?” suhestiyon ni Michael kay Daniel.
“Oo nga ‘no? Malay mo sa’kin bumagsak kaya hindi tumatalad ang charm ni Nathaniel,” pagmamayabang na wika ni Daniel sa kanila.
Napailing na lamang siya sa tirada ng mga ito. Maging ang mga ito ay nabighani ng kagandahan ng dalagang nakadali sa kanya. Maganda naman kasi talaga ito. Kung wala itong salamin ay tipong-tipo niya ito. He was just turned off with her eyeglasses. Though she was cute with her eyeglasses. Pero paano nga kung ganoon ang gawin ni Daniel? Naku! Masisira ang kanyang diskarte kung sakali. Lagot na! Pero hindi niya ito papayagan.
“Paano ba ‘yan, Nate? Galingan mo ha para manalo ka.” Tinapik ni Marcus ang balikat niya at naupo sa tabi niya. “Tinulungan na kita. Dapat sana hindi pero naawa naman ako sa'yo.” Nakangisi ito.
“Kahit hindi mo ako tulungan,” ganti niya rito. He scanned the information written on the document. KASSANDRA CRESS VALENCIA. ‘Yun ang pangalan ng babae. Bagay sa kanya ang pangalan niya.
“Magka-department pa pala kayo. Akalain mo ‘yun?” puna ni Daniel sa form nito. Ang bilis talaga ng mga mata nito kapag magandang babae ang pinag-uusapan.
Pero maganda naman kasi talaga nito kahit pa nakasalamin ito. Mukhang artistahin, maputi, makinis. Mas lalong naging kaakit-akit ito dahil sa kulay ng mga mata nitong pinaghalong asul at berde na pinapaligiran ng malalantik na pilik mata. Ilang minuto niyang tinitigan ang mukha nito at habang ginagawa niya iyon ay unti-unting bumibilis ang t***k ng puso niya. Ano ba ang nangyayari sa kanya?
He took away his gaze from the picture and looked at the information in the form. Nakalagay na rin doon ang schedule ng babae kaya inilabas niya ang kanyang cellphone at kinuhanan ng litrato ang form nito kasama na ang picture nito. Isinara niya ang folder at ibinalik kay Marcus. Original form kasi iyon at malilintikan si Marcus kapag hindi iyon ibinalik. Siguradong kung ano-ano na namang alibi ang ibinigay nito kay Mrs. Magallanes para ipahiram nito iyon sa kanya.
“So ano na ang plano mo?” tanong ni Jake sa kanya. Curious rin ang iba pa niyang mga kaibigan kung kaya’t napatigil ang mga ito sa mga ginagawa at hinintay ang sagot niya.
He smirked then said, “Make her fall in love with me, as deep as the ocean, then drop her like a hot potato.”