Mabilis ngunit maingat na ipinarada ni KC ang kanyang sasakyan sa unang bakanteng parking space na nakita niya. Hindi na ito iyong parking lot kahapon dahil nadala na siya rito. Baka kasi mabulagta na lamang siya nang biglaan diyan kaya natakot na rin siya. Hindi rin maganda ang ginawa niya sa lalaking iyon kung kaya't iiwas na lamang siya lalo't kabago-bago pa lamang niya sa ekswelahang iyon. Pero hindi pa rin mawala-wala sa isip niya kahapon ang inis para sa mayabang na lalaking iyon. Parking space lang at grabe na ito kung maka-react plus gigil din siya dahil sa bolang hawak nito kaya nangyari na ang hindi niya inaasahang mangyari.
Nang makaparada ay kinuha niya ang mga libro at ang bag mula sa passenger seat at mabilis na lumabas. Kailangan na niyang magmadali dahil baka ma-late na naman siya at nakakahiya. Transferee pa naman siya. Nagkaroon kasi nang konting aberya sa daan kanina kaya medyo natagalan bago umusad ang traffic kaya halos paliparan na niya ang sasakyan upang makarating nang maaga sa eskwelahan.
She was about to close the door of her car nang may tumikhin sa likuran niya. Kumunot ang noo niya at nilingon ang kung sino mang istorbong ‘yun. Oh the devil! sigaw ng isip niya nang makita ito. Tinaasan niya ito ng kilay subalit malapad lang ang ngiting ibinigay nito sa kanya. Nasa likuran ang mga kampon nito na pinagmamasdan lang sila at nakangisi pa ang mga ito sa kanya. Hinintay niya itong magsalita ngunit wala naman itong sinabi kaya tuluyan na niyang isinara ang sasakyan at tinalikuran ito at nagmamadaling tumakbo para humabol sa klase. Ano ba kasi ang kailangan nito? Kung may kailangan ito, sana ay nagsalita ito ngunit wala naman. Ma-la-late na siya sa klase. Ma-la-late na talaga siya kaya naglakad-takbo siya papunta sa klase dahil baka ma-late na naman siya. Hindi niya ugaling ma-late, unang beses pa lang ‘yung nangyari kahapon at wala na siyang balak na sundan pa ito. Kaya bahala ito sa buhay niya, kung may sasabihin man ito ay sa ibang araw na lang. Not today. Her class was more important than his antics.
And thank God umabot siya, umabot pa siya. Hindi siya na late at abot-tainga ang ngiti niya dahil doon. Pinagmasdan niya ang buong klase at marami-rami na rin ang mga estudyanteng nakaupo at wala pa ang teacher nila kaya naman ipinagpasalamat niya ito. She occupied the seat she used yesterday. Bigla siyang hiningal at napagod sa ginawang paglakad-takbo para lamang makaabot siya. Kauupo pa lang nang lumapit sa kanya ang isang grupo ng mga kababaihan. Lima sila to be exact. Ah parehas sa mga tropa ng demonyo, naisip niya. Tumayo ang mga ito sa harap niya at pinalibutan siya. Ang mga kamay ay nasa harap ng dibdib ng mga ito at tiningnan siya ng mga ito mula ulo hanggang paa. Problema ng mga ito? tanong niya sa sarili.
"I'm Michelle del Valle." Inilahad nito ang kanang kamay pero tiningnan lang nito iyon pagkatapos ay inilipat ang paningin sa mukha nito. Nakangiti ito pero alam niyang kaplastikan lang. Nang masiguro nitong hindi niya tatanggapin ang kamay niya ay pasimple nito iyong binawi. "It's okay. Harmless kami kaya ‘wag kang mag-alala. Gusto lang naming magpakilala sa’yo. At dahil transferee ka kaya iaalok na namin ang service naming i-tour ka sa buong campus."
"Ah--. Salamat nalang pero wala kasi akong balak i-tour itong campus. Nalibot ko na kasi," malumanay na sabi niya rito.
"Oh!" Exaggerated ang pagbigkas nito ng oh. "Is that so? By the way, kung kailangan mo ng tulong you can freely approach us. We're ready to help in any way we can," sabi nito at tinalikuran na siya. Sumunod na rin ang mga alipores nito.
The girls were fashionable and stylish. Napaghahalatang kabilang sa mga mayayamang estudyante sa campus. Maarte rin ang mga ito kung magsalita. Kung anuman ang pakay ng mga ito kaya lumapit sa kanya ay hindi niya gustong mapabilang sa mga ito dahil baka hindi rin siya magtagal. Umiling na lang siya at kinuha ang libro at nagsimulang magbasa ng lesson nila habang wala pa ang kanilang instructor.
Nasa gitna siya ng konsentrasyon sa pagbabasa nang lumapit ang isang estudyante sa kanya. Simple lang ang pananamit nito hindi gaya ng naunang grupong nakipaglapit sa kanya although nababanaag na hindi rin naman ito ordinaryong estudyante at kagaya niya ay nakasalamin din. Napangiti siya roon. Maybe she was like me too.
"I'm Amira Salvatore." Nakangiti ito nang sinsero sa kanya at kitang-kita ang mga ngipin nitong naka-braces.
"KC," tipid niyang sagot. Lumipat ito ng upuan at sa mismong tabi niya.
“Na-curious lang ako kung bakit hindi mo pinansin ang offer nila Michelle,” wika nito sa kanya.
“Ah! Iyon ba? They offered to tour me around the campus pero nalibot ko na kasi kaya tinanggihan ko,” nakangiting wika niya rito.
"Mahilig ka ring magbasa?" tanong nito sa kanya. "Ako rin. Gusto mo sabay tayong pumunta sa library? Matutuwa si Claire ‘pag may inimbita akong bago," sabi nito na halata sa mukha ang excitement at happiness.
Napangiti siya sa sinabi nito at naexcite na rin. "Kilala mo si Claire, ‘yung assistant sa library?" tanong niya.
"Oo naman. Kaibigan ko ‘yun!" nakangiting wika nito sa kanya.
“Talaga? Mukhang mabait iyon.”
“Oo naman. Mamaya tambay tayo sa library.”
May sasabihin pa sana siya nang dumating na ang kanilang guro. Inayos niya ang pagkakaupo maging si Amira ay ganoon din. She listened attentively to what their teacher has to say. Hindi siya mahilig magtaas ng kamay but she made sure na kapag tinatawag ang pangalan niya ng mga teacher ay nakakasagot siya ng tama. Naging instant kaibigan niya si Amira nang araw na ‘yun dahil na rin sa parehas sila ng course at schedule and the likes of books kaya halos magkasama sila buong maghapon.
Hanggang two o'clock lang ang klase nila dahil absent ang panghuling teacher nila. She and Amira cheered happily at napagpasyahan nilang magtungo na sa library. They were walking on the corridor, animatedly talking with each other nang may mabangga siyang pader. Napaatras siya sa impact nang pagkakabangga. Dinama niya ang noo dahil baka nagkabukol na siya sa lakas ng impact nang pagkakabangga niya. Lumipat na ba ang pader pero bakit siya lang ata ang nadali? She looked up and was welcomed by a pair of deep set black eyes. His hands were on her back to support her from falling on the ground. They were standing in the middle of the corridor at halos lahat ng mga mata ay nakatingin sa kanila particularly the girls na parang inuusig siya.
She stepped aside at nagsimulang maglakad when she felt him grabbed her arm. Tinaasan niya ito ng kilay. "Don't you have anything to do aside from pestering me?" tanong niya rito.
Everyone in the corridor gasped when they heard what she just said. Nanlaki rin ang mga mata ng mga ito at nagsimulang magbulong-bulungan. Maging si Amira ay nanlalaki ang mga mata. Halos lahat ay ganoon ang reaction maliban sa mga lalaking kaibigan nito na nakasandal sa pader habang nakatingin sa kanila. Nakakaloko ang mga ngiti nila. Mukhang na-anticipate na ng mga ito ang ganitong eksena sa pagitan nilang dalawa. Malay ba naman kasi niyang antipatiko pa rin ito.
"I'm Nathaniel Mon-"
"I'm not interested to know. Now, make way. Huwag mong sabihing pati itong corridor personal space mo?" mataray niyang wika rito. Nakangiti pa rin ito sa kanya. Pesteng ngiti. Nakakahipnotismo ba naman. Nawawala tuloy siya sa huwestiyon dahil sa ngiting iyon. She stayed calm and composed herself.
"I just want to say sorry."
"Ah iyon ba? Hindi mo ba narinig ‘yung sinabi ko kahapon? You're forgiven. Now leave me alone," sabi niya at bahagya pang binangga ang balikat nito upang makadaan. Hinila niya ang kamay ni Amira at nagmamadaling tinungo ang library.