Chapter 2

2038 Words
HINDI MAPIGILAN ni Nathaniel ang mapamura sa nakita pagpasok niya ng paaralan. He was about to park his car at his usual/ personal parking space at Saint Nicholas College but he was dismayed because a brandnew black car was parked on it. Umuusok ang ilong niya sa nakita. Saan niya ipaparada ang sasakyan? Sino kaya ang walang hiyang naglakas ng loob na i-park ang sasakyan nito rito? Hindi ba nito alam na pagmamay-ari niya ang space na ito? Makakatikim talaga kung sino man ang g*gong 'yon. Hindi niya mapapalampas ito. Sa buong buhay niyang namalagi sa paaralang ito ay ngayon lang ito nangyari. Kaya naman sirang-sira na ang araw niya. Bumaba siya ng sasakyan at nilapitan ang sasakyang nakaparada. Mukhang bago pa ito pero wala na siyang pakialam doon kaya naman sinipa niya nang napakalakas ang gulong nito at hinampas ang hood ng kotse gamit ang kanyang dalawang kamay. Kung pwede nga lang niyang basagin ang salamin nito ay ginawa na niya. Pero humanda talaga ito. Lintik lang ang walang ganti, sabi niya sa sarili. Nasa ganoon siyang ayos nang dumating ang kaibigan niyang si Marcus Castillo. Iginarahe nito ang sasakyan sa tabi ng itim na sasakyang iyon. Kagaya niya may personal parking space rin ito kagaya ng iba pa niyang tropa. "Bagong sasakyan mo?" nakakalokong tanong nito sa kanya. "G*go ka pala eh! Kita mo ng ‘yun ang sasakyan ko." Turo nito sa sasakyan niya. Naihilamos niya ang sariling kamay sa mukha dahil sa sobrang inis at dumagdag pa ang gag*ng ito. "May humahamon ata sa’yo, Brad,” natatawang tanong nito sa kanya.”Ano kailan natin reresbakan?" Hindi nito mapigilan ang pangangantiyaw nito sa kanya at ang pagtawa nito na may kasama pang pag-iling. Saktong nagsidatingan naman ang iba pa niyang tropa at kagaya ni Marcus, anlakas kumantyaw ng mga ito sa kanya na mas lalong nagpakulo ng dugo niya. Sino nga ba naman ang hindi? He was the number one most sought male student sa buong campus at pinangingilagan siya. He's one of the campus heart throbs kasama ng mga bugok niyang katropa na sina Marcus, Daniel, Michael at Jake. Girls swoon when the five of them walked around the campus. Pinagkakaguluhan sila dahil sa angking kagwapuhan nila at galing sa eskwelahan. Yes! Hindi lang sila sikat dahil sa kagwapuhan at kayabangan kundi dahil na rin sa matatalino at very talented sila aside from varsity players sila ng basketball. Pambato ng kanilang paaralan. They are all 6-feet tall and more. Maganda ang pangangatawan at matikas, maputi. Walang panama ang mga artista sa kanilang lima lalo na kapag nagsama-sama sila. Marami na ring company ang nais silang kunin paa sa commercial but they were not showbiz type of men. Aside from may iba't iba silang lahi. Half-half ganoon silang lima na mas lalong nagpatingkad ng kagwapuhan nila maging ng kayabangan. Half-Italian siya dahil Italian ang daddy niya habang ang ina ay Pilipina ngunit may lahi rin daw na Espanyol. Imagine how those races if combined, he was damn handsome. Kung ang mga kababaehan ay pinagkakaguluhan sila, ilag naman sa kanila ang mga kalalakihan sa campus dahil sila ang mga high and mighty sa eskwelaan. Walang may lakas ng loob ang sasanto sa kanilang lima dahil may kakalugaran ang mga ito kapag nagkamali. Anak lang naman sila ng mga business magnet at CEO ng ibat-ibang tanyag na kompanya sa bansa. Kamag-anak din ni Marcus ang may-ari ng eskwelahang pinapasukan. So yeah! Walang kumakanti sa kanila. Pero may naglakas loob ngayong araw na ito. "Ano reresbakan na ba natin?” wika ni Daniel sa kanya. “Magsabi ka lang at ipapahanap ko sa mga bata ko." "No need. Hindi rin naman makakatakas ang g*gong ‘yan. Hintayin na lang natin mamaya. Pabantayan mo na lang kung sino," malamig na wika niya. “At sabihin mong huwag patakasin.” "Oh ‘yun naman pala eh. Maghanap ka na muna ng pag-pa-parking-an ng sasakyan mo," utos nito sa kanya. “Loko talaga nang kumanti sa’yo!” Marcus said and everyone laughed. Mukhang siya pa ang ma-bu-bully ngayon ah. “Sige na mag-park ka na. Ma-la-late na tayo,” Micheal demanded. Agad naman siyang tumalima dahil ilang minuto na lang ay mag-uumpisa na ang first subject nila. All of them are in their last year already. Isang taon na lang ang bubunuin nila at makakapagtapos na sila. Kaya dapat na nilang enjoy-in ang natitirang isang taon dahil paniguradong pagkatapos noon ay hindi na nila ito magawa. They will all focus on their family businesses at baka wala na silang time para magbulakbol at gumawa ng kalokohan. Maybe they will but not as much as now that they were studying. Nang maiparada ang sasakyan ay mabilis nilang tinungo ang kani-kanilang klase. They don't have the same course pero dahil pare-pareho silang varsity player ng basketball kaya nag-click silang lima. "Hey don't be late sa practice mamaya," pahabol niyang sigaw sa mga kasama na nagtanguan naman bago naghiwa-hiwalay. Nagmadali siya sa pagtungo sa klase dahil siya ngayon ang nakatukang mag-report ng lesson nila. Kung minsan nga ay kulang na lang na siya ang magturo ng mga aralin nila at palitan ang mga professor niya. Nakakapagod but it was fulfilling at the same time. He was busy the whole day. Ganoon araw-araw. The only thing na maganda ay hanggang alas dos lang ng hapon ang klase nila dahil ang ibang oras ay gugululin nila sa pagpa-practice lalo na ngayong malapit na ang Intercollegiate Basketball Tournament. Kailangang puspusan ang practice. Nang matapos ang buong klase niya sa araw na iyon ay nagmamadali niyang tinungo ang locker sa gym ng eskwelahan at nagbihis para sa game practice nila. Ilang sandali pa ang lumipas ay dumating na rin ang kanyang mga kasama. They worked hard for this practice. Kailangan nilang galingan upang manalo at makuha ang Hall of Fame Award. "Okay, let's warm up for 15 minutes and then let's proceed sa practice," wika ng coach nilang si Mr. Harrison. They all jogged inside the gym, then did some stretching. Matapos niyon ay nag-proceed na sila sa practice game nila. Halos isang oras din ang una nilang game. After that they were given thirty minutes to rest then sabak ulit hanggang four thirty pm. Ganoon ang routine nila sa araw-araw na ginawa ng Diyos. Nang matapos ang unang practice game nila ay nagpasya silang silipin kung nandoon pa ang sasakyan sa parking area niya. Lumabas silang lima at nagtungo sa canteen at doon muna tatambay. Magandang tambayan doon dahil kitang-kita ang open field, ang parking lot at ang mga pasilyo papasok at palabas ng campus. "Brad, andoon pa rin ang kotse na umagaw sa parking space mo,” Daniel said while busy stuffing himself with chocolate flavored fudge bar. “According to my informant hindi raw nila nakita kung sino at wala pa rin daw silang nakikitang lumapit o pumasok man lang doon." “So what does it mean?” tanong niya rito. “Malamang may nang-go-goodtime lang s aiyo,” wika ni Daniel. "Sigurado ka bang hindi sayo ‘yun?” tanong ni Michael sa kanya na busy din sa paglamon ng spaghetti. “ Baka naman regalo ng daddy mo sa’yo? Hindi mo lang alam. Alam mo na iyong pa-surprise?!” "G*go kung sa akin ‘yun ‘di hindi ko na sana dala ‘yung kotse ko," asik nito kay Michael. Muntikan na niyang batukan ito. "Alam niyo keysa hulaan niyo kung sino ‘yung g*gong ‘yun, hintayin na lang natin mamaya,” wika ni Marcus. “Agahan na lang natin ang pagtapos sa practice siguradong pagbibigyan naman tayo ni Coach," suhestiyon pa nito na busy sa pag-inom ng soft drinks at pagsubo ng Sky Flakes cracker sa bibig habang ang isang kamay nito ay naglalaro ng bola. "Itigil mo nga ‘yan, Marcus,” saway ni Jake. “Naririndi ang tainga ko. Pagpahingahin mo naman ‘yang bola. Kanina pagod iyan." “Walang basagan ng trip, Brad," turan ni Marcus at patuloy pa rin ang paglalaro nito ng bola. Maging siya ay naririndi na rin. Nakipag-agawan si Jake rito na nauwi sa pakikipagharutan ng mga ito at sumama pa ang dalawang gunggong. Pinagpasa-pasahan ng mga ito ang bola at nagkakantiyawan pa. "Magsitigil nga kayo,” sikmat niya sa mga ito. “Nakakapagod kayong tingnan. Ang mabuti pa mag-isip na lang kayo ng way para maresbakan ‘yung g*gong ‘yun," wika niya sa mga ito ngunit hindi pa rin nagsitigil ang mga ito at patuloy pa rin sa ginagawa. Nainis siya sa mga ito lalo’t ganitong bad mood siya kung kaya’t tumayo siya at inagaw ang bola sa kamay ni Marcus pagkatapos ay ibinato ito sa kung saan. “Nate naman! Walang basagan ng trip,” reklamo ni Marcus. “Oo nga. Problemado ka ‘wag mo kaming idamay,” dagdag rin ni Daniel. “Maupo na nga lang kayo!” sikmat niya sa mga ito. Hindi pa siya nakakaupo nang impit na napahiyaw ang mga kaibigan at pasimpleng umupo at ipinagpatuloy ang pagkain habang nakatingin sa kung saan at nagbulong-bulungan ang mga ito na parang mga bubuyog. Nilingon niya ang tinitingnan ng mga ito at kumunot ang noo niya sa nakita. There was this girl standing in the middle of the pathway habang hinahaplos ang ulo nito. Nasa paanan nito ang bolang itinapon niya. Hindi niya masyadong maaninag ang mukha nito dahil may kalayuan ang pwesto nila mula rito. Nakuha nito ang atensiyon niya, The girl was wearing a white off-shoulder top and a faded blue ripped jeans. Naka-ankle boots ito na bumagay sa outfit nito. She was tall, maybe five feet six inches in height. Balingkinitan ang katawan nito na parang modelo. She has a wavy brown hair na nakalugay at bumagay sa maputi nitong balat. Pinagmamasdan niya ang babae mula sa di-kalayuan. May pinulot ito mula sa semento just to find out na eyeglasses pala iyon. Nang maisuot nito ay namaywang ito. Ang cute nitong tingnan. She just stand there for couple of minutes. Nakapatong ang isang paa nito sa bola. Mukhang hinihintay ata nitong lumapit kung sino man ang bumato rito. But of course, hindi siya lalapit. At bakit naman niya gagawin iyon? He was not that stupid. Nang mapagtanto nitong walang lalapit sa kanya para kunin ang bola, she kicked the ball so d*mn hard making it fly to the open field. Para itong nag-aim ng goal sa isang soccer game. Bigla siyang humanga rito. Napabuga siya ng hangin. Mapansin ding niyang magkagulo ang mga kaibigan niya at nag-apir pa ang mga ito. ‘Yung tipong naka-score ang team sa pinapanood na soccer game. Ganoon ang eksena ng mga kaibigan niya habang siya ay patuloy na pinagmamasdan ang dalaga. Muli niyang tiningnan ang babae ngunit nagsimula na itong maglakad at patungo ata sa library ng campus. Nakaramdam siya nang panghihinayang . He sighed at hinarap ang mga kaibigang hanggang ngayon ay nagkakagulo pa rin. Hindi rin ata maka-get-over ang mga sa nakita. Kinuha niya ang sandwich at kinagat ito nang magsalita si Marcus. "Hanep, Brad! Ang astig naman ng chick na ‘yon!" buong paghangang turan nito. "Hindi ko napapansin ang isang ‘yun,” sabad naman ni Daniel. “Baka transferee." "May chance," sabad din ni Michael. "Iilan lang naman ang may kayang matanggalan ng poise lalo na kung nakaharap tayo." Nakaramdam siya ng inis sa mga ito. "Bilisan niyo na lang kumain diyan at kunin ‘yung bola para makabalik na tayo sa loob. Maaga pa tayong lalarga mamaya," wika niya sa mga ito. Hindi pa rin mawala sa isip niya ang babae. Malamang transferee nga ito dahil ngayon lang niya ito napansin. O baka naman hindi lang talaga niya ito napapansin noon at ngayon lang, dahil sa insidenteng iyon. “Bakit kami ang kukuha eh ikaw naman ang nanghagis noon?” nagrereklamong tanong ni Daniel. “Hanapin niyo at kunin niyo,” sagot niya sa tanong nito. “Bahala ka ‘no. Ikaw ang kumuha!” sagot nito sa kanya. Mabilis niyang tinapos ang kinakain at nauna nang tumayo at maglakad pabalik sa gym. Napailing nalang ang mga kasama niya. Kailangan nilang matapos ng maaga. May misyon pa siyang dapat gawin mamaya. Iyon ay turuan ng leksyon ang kung sino mang humamon sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD