Camp Day na! Nakaupo si Nate sa hood ng kanyang sasakyan habang hinihintay ang apat niyang mga kaibigan. Kanina pa niya hinihintay ang mga ito. Halos wala pang tao kanina at ngayon ay halos mapuno na ang bus na sasakyan ng iba ngunit ang mga kasama niya ay wala pa, ni anino ng mga ito ay wala pa at naiinis na siya. Nagtataka tuloy siya kung inimpake ba ng mga ito ang buong bahay dahil sa tagal. Napabuntong-hininga siya. Mabuti na lamang at napagdesisyunan nilang gumamit na lang ng iisang sasakyan para makapag-bonding na rin sila habang nasa daan. Hazzle rin kasi kung makikipagsiksikan pa sila sa bus tapos hindi rin sila magiging komportable so he took his pick-up para may masakyan sila. Habang ang ibang mga estudyante naman ay sasakay sa isang bus na pagmamay-ari ng paaralan. Lumipas an