Tahimik niyang binabagtas ang daan patungo roon gamit ang screenshot picture ng mapa nito sa kanyang cellphone nang makarinig siya ng mga yabag papalapit sa kanya. Hindi pa siya nakakalayo mula sa camp site nila. Nang lingunin niya ito ay nakita niya ang grupo ni Michelle. Nakasuot ang mga ito ng crop top, very short shorts, ‘yung halos kita na ang kuyukot nila, at rubber shoes. Sobrang kapal din ng mga mukha ng mga ito este kapal ng make-up pala! Malapit nang maging clown ang mga ito. "May kailangan kayo?" tanong niya sa mga iyon. Lumapit ang mga ito sa kanya at pinalibutan niya. Masama ang tingin ng mga ito sa kanya. "You slut!" sigaw ni Michelle sa kanya sabay tulak sa balikat niya. Nagtaka siya sa ginawa nito sa kanya. "What did I do?" "What did you do? You are flirting with Nath