Naging maganda ang takbo ng buong klase niya sa araw na ‘yun. So far so good ‘ika nga. Sa buong klase niya ay tahimik lamang niyang nakikinig at hindi man lamang nakipag-usap sa iba upang makipagkaibigan. Hanggang alas tres lang ang schedule niya kaya masayang-masaya siya. Magkakaroon siya ng oras para makapagbasa sa library at ma-explore iyon. Hindi naman magtatanong ang mommy kung sakaling ma-late siyang umuwi. Hindi rin niya inaalala kung ma-late man siya dahil may sarili naman siyang sasakyan.
Kaya matapos ang klase niya sa araw na iyon ay binaybay niya ang daan patungo sa library ng school. Hihiram siya ng mga libro dahil ang iba sa mga lesson niya sa ibang subject ay hindi pa niya nakukuha sa dati niyang eskwelahan. Mukhang magsusunog na naman siya ng kilay dahil sa dami ng mga dapat niyang pag-aralan. But she was okay with that. Easy lang sa kanya ‘yun. Isa pang rason kung bakit gusting puntahan ang library ay upang makahanap ng mga libro na pwede niyang basahin pagkatapos niyang magbasa ng mga lesson. She was so excited with that idea. Mas na-excite pa siya roon kaysa sa pakikipag-date. Mas gusto niyang maubos ang oras sa pagbabasa kaysa sa kung anong kwentang bagay kagaya nang pakikipagnobyo, pag-da-date, paglalakwatsa. Those were boring for her. Book is life, her life to be exact.
Tahimik niyang tinatahak ang pasilyo patungo sa library nang bigla na lang niyang maramdaman ang matigas na malambot na bagay na dumapo sa ulo niya. Halos makalog ang buong utak niya dahil dito. Mukhang nalaglag na ata ito sa lupa sa lakas nang pagkakatama ng bagay na iyon sa ulo niya. Biglang nawindang rin ang paningin niya dahil nahulog ang eyeglasses niya. Mabilis niya pinulot ito at isinuot. Mabuti na lang at hindi ito nabasag ngunit medyo nayupi ata ang frame nito dahil sa pagkakabagsak. Bigla siyang na inis. Sinundan niya ng tingin kung anong walang hiyang bagay na ‘yun at umusok ang ilong niya sa nakita. Isang bola. Isang bola ang nasa harapan niya.
Nanggigil siya sa kung sino ang may pakana noon. Inikot niya ang paningin ngunit wala na naman siyang makitang naglalaro. So saan galing ang hinayupak na bola na ito?Hulog galing langit? Langya naman dahil mapapagastos pa siya ngayon dahil sa eyeglasses niyang may yup isa frame. Nilapitan niya ang bola at hinintay niya kung may lalapit at pupulot noon pero wala. Mukhang natakot na ata sa kanya ang kung sino mang iyon. Nasayang na ang sampung minuto niya ngunit wala pa ring lumalapit para kunin ang bolang nasa paanan niya. Sa gigil at inis niya ay malakas niyang sinipa ang bola sa open field. Wala na siyang pakialam kung saan ito titilapon o kung mabutas man ito. Bahala na kung sino man ang may-ari noon na pulutin saan man ito mapadpad. Kung hindi ba kasi walang hiya at naglalaro pa sa daanan ng tao. Siya pa tuloy ang minalas na nadali sa walang hiyang bolang iyon. Nakita niyang malayo-layo rin ang nakaliparan ng bola. She smiled wickedly before flipping her hair then proceeded to the library.
Nang makarating doon ay lumapit siya sa isang estudyante na nag-a-assist doon. Maganda ito, morena at kagaya niya ay nakasalamin din ito. Maganda rin ang ngiting ipinukol nito sa kanya. Binati niya ito at sinabi ang pakay. Humingi na rin siya ng library card at ibinigay ang mga title ng librong kailangan niya para sa pag-aaral ng lessons niya.
She then discovered that the student assistant was Claire. Third year college na rin ito kagaya niya pero Education ang course nito. Mabait ito kaya naman ay nagustuhan niya aside from may pagkamadaldal ito. Mahilig din itong magbasa kagaya niya kaya sa tingin niya ay magiging magkaibigan sila in the near future. Obvious naman dahil nakasalamin ito at assistant sa library.
Habang hinihintay ang library card niya ay nagpaalam siya rito at inumpisahan na niyang hanapin ang mga kakailanganin niyang libro. Nag-enjoy siya sa tour sa library. Isang floor lang ito pero malawak at maayos din ito. Nakakatuwa talaga. Paniguradong ito ang magiging tambayan niya sa pamamalagi niya rito. Panigurado rin niyang matatapos niya ang mga libro rito habang nandirito siya. Hoping siya roon. Very organize at systematic ang library. Mapapabilib ka talaga sa kasinopan nito. Marami rin itong lamesa na pwedeng gamitin kapag may group reading or studying. Mayroon din cubicle kung gusto mong private ang pagbabasa at pag-aaral mo. Kudos talaga sa library na ito. Habang nililibot niya ang library ay naghahanap na rin siya ng pwedeng tambayan niya dahil mamamalagi siya rito at may nakita na siyang perfect place. Nasa dulo ito at hindi nadadaanan ng tao kaya naman walang istorbo sakaling magbasa na siya roon. Dahil sa pag-e-enjoy ng tour niya sa library ay hindi na niya namalayan ang oras.
When she looked at her watch and OMG it’s almost five o’clock na! Mabilis niyang tinungo ang library desk and thank God Claire was still there. She was also engrossed in reading a book kaya hindi rin nito namalayan ang presensiya niya. Tumikhim siya upang makuha ang atensiyon nito at tumingin naman ito sa kanya at ngumiti.
“Sorry na-enjoy ko,” hingi niya ng paumahin dito at inilapag ang mga libro na hihiramin niya.
“No problem. Seven o’clock ang closing time ng library.” Inabot nito ang mga librong kinuha niya. “Ang dami naman nito,” sabi nito sa limang libro na kinuha niya pagkatapos at inilista ang mga ito.
“Kailangan ko kasing pag-aralan,” sagot niya rito. “Behind na kasi ako sa lessons.”
“Matagal pa naman ang exam kaya aabot pa ‘yan,” wika nito sa kanya.
Ibinigay nito sa kanya ang mga libro kasama ang library card niya. Nang makuha ay mabilis siyang nagpaalam, lumabas at tinungo ang kinapaparadahan ng sasakyan niya. Nang makarating doon ay kumunot ang noo niya at tumaas ang kilay dahil may walang hiyang nakaupo sa hood ng sasakyan niya at may mga kasama itong nakatambay sa bench malapit sa kinaroroonan ng nakaparadang sasakyan niya.
Mabilis niyang nilapitan ang sasakyan upang sitahin ang mga ito. Ngunit nakalapit na siya ngunit hindi pa rin siya napansin ng mga ito dahil busy ang mga ito sa kwentuhan. Malaya niyang napagmasdan ang mga ito. They were a group of handsome human being. Tall, well-built, maputi at gwapo talaga. Goddamn handsome but maiingay ang mga ito to her dismay. Sayang! Napailing na lamang siya.
She cleared her throat and that got their attention. Lumingon ang mga ito sa kanya at bumaba naman ang walang hiyang nakaupo sa sasakyan niya. Pinagmasdan siya ng mga ito at nagbulong-bulungan bago lumapit sa kanya ang isang nakaupo sa kotse kanina. Nang tuluyan na itong nakalapit ay doon lamang niya napansin na may hawak itong bola. Her forehead creased as she recognized the ball, the same ball that hit her pretty head. Biglang kumulo ang dugo niya sa naalala pero nagpigil siya. Hindi niya ugali ang makipag-away kahit gustong-gusto niyang manakal ng tao. At ang may hawak ng bola ang isa sa gusto niyang sakalin.
“You’re new here right?” tanong nito sa kanya. In fairness ang ganda ng boses nito, pwedeng DJ sa radio. “You’re pretty but,“ tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. Tinaasan niya ito ng kilay. “You crossed the line. This is my parking space.”