“KC DALIAN mo, malalate ka na!” sigaw ni Manang Pasing sa kanya. Late na siyang nagising dahil tinapos niya ng binabasang libro. It was a classic book entitled “Pride & Prejudice”. Nagustuhan niya ang kwento nito lalong lalo na kung paano ipinadama ng bidang lalaki ang pagmamahal nito sa bidang babae. Kaya hayun madaling araw na siyang natulog which results to, late na siyang nagising. Ngayon pa naman ang unang araw niya sa bagong eskwelahan.
Pina-transfer siya ng kanyang mommy dahil kaibigan daw nito ang isa sa mga dean ng bagong school niya. Seriously, ang ganda ng standing niya sa dating eskwelahan. She’s a consistent dean’s lister for two years. Maganda ang record niya roon at kung magtutuloy-tuloy pwede siyang grumaduate na c*m laude o higit pa. Pero kahit anong paliwanag niya sa mommy niya ay bingi ito. Wala rin siyang magawa. Kung sana buhay pa ang daddy niya.
Her dad died in a car accident when she was 13 years old. Drunk driving. Sobrang luha ang ibinuhos niya nang mawala ito. Wala na siyang kakampi. Kahit na distant ito sa kanya, mahal siya nito at hindi pinabayaan. Pinahid niya ang luhang namuo sa mga mata dahil sa alaala ng daddy niya. May his soul rest in peace!
“KC?” Tawag ulit sa kanya ni Manang Pasing. Kahit nawala ang daddy niya hindi rin siya lubusang mag-isa dahil nandiyan si Manang Pasing. Mahal na mahal siya nito at sa kanya siya inihabilin ng daddy niya. Ito na rin ang tumatayong ina niya dahil wala na talaga siyang maasahan sa mommy niya. Tsaka lang ito nag-e-exist sa buhay niya kapag may pabor ito sa kanya at kung may tatanggapin siyang award mula sa eskwelahan. Tsaka lang ito nagiging isang ulirang ina.
She doesn’t hate her mom. 'Yung totoo? Minsan, no, kadalasan pala. Mommy pa rin niya kasi ito at ibinibigay naman nito lahat ng pangangailangan niya maging ang mga luho niya. Distant lang kasi ito sa kanya sa hindi niya malamang dahilan. Kahit minsan naiinis siya rito dahil tsaka lang ito mabait sa kanya kapag may ibang taong nakakakita sa kanila except sa mga kasama nila sa bahay. At kapag wala na, tapos na ang palabas, she will be back na parang hangin na hindi nito nakikita. That’s her life for 18 years now.
“KC?” muling tawag ng matanda sa kanya.
“Coming, Manang!” sagot niya. At nagmamadaling lumabas ng kwarto at tinakbo papaba ng hagdanan. Umagang-umaga pinagpapawisan na siya.
“May tinapos ka na namang libro kaya late ka namang nagising ano?” tanong nito sa kanya na ikinangisi niya. “Jusking bata to! Alam mo namang may pasok ka. Mabuti at wala na ang mommy mo kung hindi baka senermunan ka na naman noon.”
“Hayaan mo na, Manang. Wala na tayong magagawa,” sabi niya. “Tsaka makakahabol pa ako. Promise.” At itinaas ang kanang kamay na parang nanunumpa. Umiling na lang sa kanya ang matanda at inabot sa kanya ang baon niya. Inayos niya ang pagkakasukbit ng bag sa kanyang balikat at tinungo ang garahe at sumakay sa sariling sasakyan. Yes! May sarili siyang sasakyan. Regalo daw ito sa kanya ng daddy niya for her 18th birthday sabi ng mommy niya. See? Kahit wala na ang daddy niya pinaparamdam pa rin nito ang pagsuporta at pagmamahal sa kanya.
Binuksan ni Manang Pasing ang gate at kumaway ito sa kanya habang inilalabas niya ang sasakyan pagkatapos ay pinaharurot ito patungo sa Saint Nicholas College, ang bago niyang eskwelahan. Nadadaanan niya ito noong pumapasok pa siya sa dating eskwelahan kaya alam niya kung nasaan nito. It’s just along the national highway kaya hindi ka basta-basta mawawala.
Hindi naman siya kinakabahan sa pagpasok sa bagong eskwelahan dahil alam naman niyang hindi siya magpapahuli sa itsura, sa pag-aaral at sa kung ano-ano pang kaek-ekan ng mga estudyante. That’s right. Ganoon siya kaconfident sa sarili. ‘Yun nga lang hindi siya palakaibigan. Sa dating eskwelahan nga niya tatlo lang ang kaibigan niya sa loob ng dalawang taon. Akalain mo ‘yun. Dahil ang tunay niyang kaibigan ay ang mga libro. Books. Books and Books. Kung hindi pa siya kinaibigan ni Amanda, Nicole at Eron ay hindi pa siya makikipagkaibigan. Meaning wala talaga siyang kabalak-balak.
Papasok na siya sa gate ng eskwelahan nang harangin siya ng security guard. Inihinto niya ang sasakyan at kinuha ang school form niya sa bag. Ipinakita niya ito sa security guard. May katandaan na ito pero sa palagay niya ay mukha naman itong mabait.
“Transferee ka pala,” wika nito habang tinitingnan ang form niya. “Lagi mo bang dala itong sasakyan mo neng?” tanong nito sa kanya.
“Opo, Manong. Service ko po,” magalang na sagot niya.
“Sige ipasok mo na muna tsaka ko iinspeksyonin ang papeles niya,” wika nito sa kanya at pinadaan siya. Maluwang ang parking lot ng eskwelahan kaya hindi siya nahirapang ipark ang sasakyan niya sa di kalayuan mula sa security house. Binuksan niya ang pinto ng sasakyan at hinintay ito na nakasunod lang sa kanya.
“Patingin ng papeles ng sasakyan mo, Neng. At tsaka driver’s license. Istrikto kasi ang management pagdating sa paggamit ng mga sasakyan. At para na rin malagyan ng sticker.”
Inilabas niya ang mga hinihingi nito at ibinigay. Tiningnan niya ang relo. Fifteen minutes na lang magsisimula na ang klase niya. Wala namang problema dahil alam na niya kung saan ang mga ito dahil nagkaroon siya ng libreng tour mula sa dean na kaibigan ng mommy niya noong in-enrol siya nito.
“Okay na Neng,” turan ng sekyu sa kanya. At ibinalik ang mga papeles sa kanya. Kumuha ito ng sticker mula sa maliit na bag na dala at idinikit sa sasakyan niya. Pagkatapos ay umalis na ito.
Mabilis niyang kinuha ang bag at isinara ang sasakyan at nilipad ang daan patungo sa unang subject niya. She’s taking Business Administration dahil sabi ng mommy niya, siya na raw ang mamamahala ng company nila kapag nag-retire ito. As if naman magre-retire ito ng maaga. Buhay na kaya nito ang company nila.
Five minutes left. Malapit na siya. Almost there. Nakikita na niya ang classroom niya. Three minutes. Mas binilisan pa niya ang paglakad-takbo. One minute. At last nakarating na siya but sad to say nakapagsimula na ang mga ito. Napatingin sa kanya ang teacher na nasa harapan at nag-oorient ata ito. Maging ang mga nakaupong estudyante ay nakatingin din sa kanya.
“Yes, Miss? Parte ka ba ng klase na ito?” tanong nito sa kanya. Nakangiti ito sa kanya kaya hiniling niya na sana ay mabait ito. The woman in front of her was a typical teacher noong unang kapanahunan. Nakasalamin ito. Nakapusod ang buhok. Mahaba ang palda at may hawak pa na stick. Parang si Miss Minchin lang.
“Good morning, Ma’am,” magalang na wika niya. “I’m a transferee. I got lost while looking for the classroom so I was kinda late.”
“That’s okay,” she answered. “Pumasok ka na. Kasisimula pa lang naman namin. You occupy that seat.” Turo nito sa pinakalikod na upuan. Ang malas naman nasa likod siya. Nang makaupo siya ay tinawag uli siya ng guro, “What was your name again? Sorry I forgot to ask.”
Tumayo siya at nagpakilala sa lahat, “Im Kassandra Cress Valencia. KC for short, Ma’am,” pagpapakilala niya pagkatapos ay bumalik sa kinauupuan.
“Welcome to our class, KC. May nasimulan ka ba sa subject natin doon sa dati mong school?” tanong nito sa kanya.
“Yes, Ma’am.”
“Okay mabuti kung ganoon,” wika nito at nagsimula na itong sa lessons nila. Tahimik siyang nakinig at nag-takedown notes upang may mapag-aralan lalo na’t may na-missed siyang mga lesson. Napag-aralan na niya ang iba kaya naman wala siyang dapat alalahaning makapag-cope-up sa klase nito maliban na lamang sa mga hindi na-cover ng instructors niya sa dating paaralan. And in case hindi niya nakuha ang ibang lessons nito ay manghihiram na lang siya ng libro sa library at pag-aralan ang mga ito. Kailangan niyang husayan ang pag-aaral dito sa paaralang ito dahil kaibigan ng mommy niya ang may-ari at ang dean ng kurso niya. Ayaw niyang magkaroon ng issue sakaling may makuha siyang award. Gusto niya patas pa rin ang turing at maibigay sa kanyang karangalan kung mayroon man in the near future.