Chapter 3: FACE
Maaga akong nakagising dahil sa nararamdaman kong kumikirot ang aking sugat sa ulo. Nagtungo ako sa kusina at uminom ng gamot.
Nang umuwi ako kagabi tulog na si Tita Jenna, alam kong hinihintay niya ako dahil nasa sofa siya. Hindi ko na siya ginising dahil kung gagawin ko ay pagagalitan niya lang ako at makikita niya ang sugat ko. Hindi ko rin alam ang isasagot kung sakaling magtanong man siya.
Nahihirapan akong linisin ang aking sugat at naduduling din ako sa kakatingin sa salamin. Hindi naman malalim ang aking mga sugat, sa tingin ko mga tatlong araw na lang ay gagaling na din ito. Ang mga sugat ko naman sa binti at sa kaliwang braso ay gasgas lang naman.
Siguro no'ng pagtulak niya sa akin, natamaan sa kalsada ang ulo ko.
Excited na tuloy akong dalawin ulit siya.
Kumusta na kaya siya, sana nagising na siya at nang makapagpasalamat ako. Pero hindi naman ganoon kadali, iniligtas niya ang buhay ko at hindi iyon mababayaran ng salitang pasasalamat.
“So, your here!" Nagulat ako ng magsalita si Tita.
Kakalabas niya lang sa kaniya kwarto at nakabihis na rin siya.
Pero mabuti nga at bumalik siya ulit siguro may nakalimutan siya.
Agad naman akong tumayo sa aking kinauupuan at iniligpit ang mga gamit. Kumuha na rin ako ng plato at lumapit sa lababo tapos nagkunwaring naghuhugas ng pinggan.
Naramdaman ko ang pagsira niya ng kaniyang kuwarto kaya mas dinamihan ko pa ang mga plato na huhugasin baka kasi hindi pa siya aalis.
“Anong oras ka umuwi kagabi at saan ka galing?" maawtoridad na tanong niya, ramdam ko rin ang pag-upo niya sa sofa at siguradong nakaharap siya sa akin.
“Ahm..M-marami po akong ginawang school works at h-hindi po agad ako nakauwi kasi kailangan ko raw tapusin kahit 'yung isang project na p-pinapagawa," palusot ko at hindi lumingon sa kaniya.
Oo, tama! May ginagawa akong project. Alam kong bawal magsinungaling pero kailangan kung gawin at sana maniwala siya.
“Dapat hindi ganoong oras ka umuuwi! Pero sige, aalis na ako. Pumasok ka sa school mo, huwag kang magpapa-late!"
“O-opo," sagot ko.
Hinihintay ko na aalis na siya pero hindi ko man lang naramdaman ang paggalaw niya.
“A-hmm. Hindi ka po ba aalis, Tita?" tanong ko at para na rin mabasag ko ang katahimikan. Alam kong hindi pa siya umaalis at tinitingnan niya lang ako.
“Umalis na pala na ang magaling mong ina." Hindi naman ako nagulat sa sinabi niya.
Paggising ko kanina alam kong wala na siya at tanggap ko iyon. Tutal kong nandito naman si Mommy parang wala naman siya, hindi niya ako kinakausap at lagi siyang umiiwas.
Minsan ko lang marinig ang boses niya kung nag-uusap sila ni Tita. Madalas din siyang wala dito sa bahay.
“Huwag mo na siya isipin, hayaan mo na ang mama mo! Iyon naman ang gusto niya."
“W-wala po ba s-siyang pinagbilin sa inyo?" Alam kong hindi magandang tanungin iyon kasi kahit naman walang ipagbilin si Mommy or sabihin ay ginawa ni Tita ang alagaan ako.
Pero gusto ko lang malaman kung inaalala niya pa rin ako kahit papaano.
“Hay, naku. Ewan ko sa mama mo e, wala naman 'yong pakialam sa 'yo. Sarili niya lang ang iniisip niya. Kaya ikaw Maurice umayos-ayos ka, pagtuunan mo ng pansin ang pag-aaral at ikakasaya mo. Walang kwenta ang isipin mo pa sila e, kahit kailan hindi ka man lang inisip ng mga 'yon pati 'yong magaling mong tatay."
Tama siya dapat kalimutan ko muna sila Mommy kahit mga ilang araw lang. Mga ilang araw? Mas mabuti na ngang huwag ko na lang din silang isipin, mas lalo lang akong malulungkot at walang magagawa ang lungkot na iyon sa akin.
“O, sha. Aalis na ako. Ris, sinasabi ko sa iyo, umayos ka ha? Pumasok ka ngayon! Sige, una na ako sa'yo. May pera ka pa ba dyan?"
“M-meron pa po. Salamat po, Tita. Mag-ingat po kayo."
Wala na siyang sinabi at narinig ko na lang ang pagbukas at pagsara ng pintuan.
Akala ko iiyak ako ngayon pero wala. Naubos na ata ang luha ko at wala na akong mailalabas pa. Mabuti naman iyon.
Sumilip ako sa pintuan at sinigurado kung nakaalis na ba siya.
Ang aga niya namang pumapasok sa trabaho at hindi pa siya kumakain. Si Tita Jenna ay isang manager sa kilalang restaurant, so I think she really need to be early. May pagka-strict si Tita lalo na sa trabaho niya at inaasahan ko na gano'n rin siya sa akin pero hindi. Hanggang ngayon hindi pa rin nag-aasawa si Tita, mag-33 years old na siya.
I'm very thankful dahil may tita akong tulad niya. Hindi niya ako pinabayaan, she's the best tita. Kung hindi dahil sa kaniya siguro ngayon naghihirap pa rin ako sa sakit na depression. It's been two months kaya dapat ko ng kalimutan.
Tumigil na ako sa pag-iisip nang kung ano-ano at kumilos na.
Nagugutom na ako pero walang p'wedeng pagkain na iluto dito. Walang laman ang refrigerator. Minsan lang din pala kumakain si Tita dito, mas madalas sa labas lang kami bumibili at kumakain.
“Hindi na lang ako kakain!" Pumunta na ako sa banyo para maligo at sana hindi ko na lang ginawa. Ang hapdi ng mga sugat ko pero mabuti na yon para malinisan sila ng husto. Nagmadali na akong kumilos.
Sinuot ko ang aking uniform na kulay puti ang blouse at asul naman ang kulay ng palda na above the knee.
Hindi naman ako papasok sa school pero sinuot ko na lang ito para maniwala si Tita. Makaka-graduate pa kaya ako?
Ayoko na mag-aral pero sabi nila napakahalaga ng pag-aaral. Hindi ko naman makita ang halaga no'n pero noon nag-aaral ako ng mabuti para sa family ko at para mas maging proud sila akin. Ngunit ngayon I don't have them and I think I don't need to go to school, but tita is forcing me. Siguro kailangan kung pumasok para sa kaniya, ayaw ko namang siyang suwayin.
Humarap ako sa salamin at para ayusin ang aking buhok pero natigilan ako ng makita ko ang itsura sa salamin. Kitang sa mukha ang stress na stress, kulang sa tulog at ang laki ng eyebags ko.
Mas ayaw ko na tuloy pumasok sa school. May naisip akong puntahan ngayon kaya binilisan ko ng ang pagsuklay ng aking buhok.
Lumabas na ako ng bahay at ni-lock ito.
Napag-isipan kong maglakad na lang papunta sa school, hindi naman iyon kalayuan dito. Paano kaya ako makakahanap ng pera? May kailangan pala akong bayaran.
Nang maalala iyon ay ch-in-eck ko aking cellphone baka sakaling may text or may update sa police station.
Sasabihin ko na lang kaya kay tita mamaya kung anong nangyari pero hindi p'wede. Ayaw ko na magalit siya sa akin. Baka iwan niya rin ako kung puro problema lang ang ibibigay ko sa kaniya.
Malapit na ako sa school at nakita ko naman kung saan nangyari ang aksidente. Imbes na si Lola ang puntahan ko ay pumara na agad ako ng taxi.
Nakarating nga ako sa Hikey hospital naalala ko dito ako dinala ni Tita para magpa-consult sa sitwasyon ko noon. Naguguluhan ako kung lalabas ako sa taxi.
“Ma'am, nandito na 'ho tayo." Napabalikwas ako ng ako ay sinita ng driver. Wala naman akong nagawa kundi ang tuluyang bumaba at nagbayad.
Kinakabahan ako, pupuntahan ko ba siya? Paano kung hindi pa nga siya nagigising.
Wala na rin akong nagawa kundi ang pumasok sa ospital na ito. Dahan-dahan ako sa paglalakad at naka-yuko, ayokong malaman na hindi pa siya nagigising pero nandito na nga ako ngayon sa tapat ng pintuan kung saan nakikita ko siyang payapang nakahiga.
Bakit wala siyang kasama? Nasaan 'yong mommy niya. Gusto kong pumasok pero natatakot ako.
Siguro, okay na nandito ako sa labas habang tinatanaw siya.
“Hi! Excuse me, miss."
Nagulat ako nang may magsalita malapit sa akin at tinapik niya ako sa braso.
“Ahm.. p'wede kang pumasok, mukhang kanina kapa rito sa labas. Kilala mo ba si Stephen?" sabi niya.
Hinihintay niya akong magsalita pero hindi ko alam ang sasabihin. Binuksan niya na lang ang pinto at pumasok.
“Tara, pasok ka!"
Kahit man kinakabahan ako o natatakot ay pumasok ako sa loob. Pagkakataon ito para makita ko siya nang malapitan.
“Sana, kanina ka pa pumasok para may kasama siya dito. Natagalan ako eh, my name is Ian," pagpapakilala niya at humarap sa akin. “Sa Ranz University ka ba nag-aaral? Alam mo doon din kami nag-aaral pero college na kami!"
Nakikinig lang ako sa mga sinasabi niya. Simula ng lumabas ako kahapon may mga nakilala na ako at may naka-kakilala na rin sa akin. Nami-miss ko tuloy 'yong mga friends ko sa dati kong school.
Siguro kaya gusto ni Tita na pumasok ako sa school o kahit lumabas man lang para magkaroon ako ng kaibigan at para hindi rin sila Mommy lang ang aking iniisip.
“Bakit hindi ka nagsasalita? Anong pangalan mo at kaano-ano mo si Stephen? Ngayon lang kita nakita."
Ang dami niyang sinasabi at sunod-sunod din ang kaniyang mga katungan na hindi ko alam kong anong isasagot.
“A-ahm, my n-name is Maurice," sabi ko sa kaniya ay hindi ko na rin sinagot ang iba niya pang mga tanong.
“Pinsan ko si Stephen, Maurice. Kaibigan ka ba niya?" tanong niya.
“A-ahm..Oo, kaibigan niya ako."
Tutal nagsasalita naman ako, siguro chance ko na para tanungin din siya.
“Wala bang nagbabantay sa kaniya dito?" I asked him.
“Kagabi si Dad at ako, hay! Tapos ngayon ako na naman, pina-absent pa tuloy ako."
“Salamat sa 'yo!"
“Bakit ka ba nagpapasalamat? Alam mo hindi ako alam kung ano pumasok sa isip ni Stephen at binalak niya maging super hero, ayan tuloy nangyari sa kaniya." naiinis na sabi niya at humiga sa may sofa dito.
“Sana naman isipin ng pamilya or kung sino man 'yong iniligtas niya, na tumulong o puntahan siya at bantayan man lang."
“Nasaan 'yong mga magulang niya?"
“Si Tito nasa Australia pa, siguro bukas nandito na siya and si Tita naman nasa bahay namin. Baka bukas din siya bibisita dito kasama si Tito," paliwanag niya. “Mamaya pupunta dito 'yong mga barkada ni Stephen kaya p'wede na tayong umalis at pumasok sa school. Sa ngayon matutulog muna ako saglit, hindi ako nakatulog kagabi eh! At umupo ka muna diyan kanina ka pa nakatayo. Hindi ka ba nangangawit?"
Hindi na ako nagtanong pa dahil mukhang nakatulog na siya. May isa pa ngang upuan malapit kay Stephen.
Stephen daw ang kaniyang pangalan at p'wede ko naman gamitin iyon. Hindi ko pa nakikita ang kaniyang mukha sa malapitan kaya lumapit ako sa hinihigaan niya.
Mukha naman siyang mabait pero paano kaya kung magalit siya sa akin. Dapat lang naman kasi kasalanan ko! Hindi magiging ganito ang situwasyon niya kung dahil sa akin kaya dapat lang na magalit siya.
Ang kinis ng kaniyang mukha at parang hindi pa nagkakasugat, siguro ngayon lang. Sana naman gumaling na rin 'yong mga sugat na natamo niya sa mukha.
At ang kaniyang kaliwang paa mukhang malala, hindi na ba siya makakalakad? Sana naman gumaling na rin 'yong paa niya.
May sugat din siya sa braso, bakit parang ang hirap ng situwasyon niya? Kailan kaya siya gigising?
Mas lumapit ako sa kaniya at hindi ko mapigilang hindi siya yakapin.
Ayokong umiyak, pagod na ako. Mga limang minuto rin ako nakayakap sa kaniya ng mahigpit at parang gusto kong nasa tabi niya lang ako.
Ang sarap lang sa pakiramdam na nayayakap ko siya na kahit hindi pa siya nagigising ay ramdam ko na ligtas ako sa kaniya, na hindi niya ako iiwan at pababayaan kailan man.
Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kaniya at inisip ko na baka nahihirapan siya sa ginagawa ko.
Because of him I'm alive!
Hindi ko rin mapigilan ang sarili ko at hinalikan ko siya sa noo. There's a drop of tears on his face, it's probably mine. Kahit man nanginginig ang aking kamay ay pinunasan ko ito.
Mga ilang minuto ko rin tinitigan ang kaniyang maamong mukha at para bang kinakabisado ko ang lahat ng perpektong pagkakahugis nito.
I'm crying again but the reason is much worth it now. I see his face ones again and I whispered.
“Thank you, for saving me!"