CHAPTER 2: CASE IS OVER
“What’s your name?” One of the policeman asked me.
“M-my name…is Maurice Bernal,” I said nervously and I saw that policeman write my name on a notebook. Is he put record on me?
I was here at police station. Nang makita ako ng babae 'yong sumisigaw ay ipinadala niya ako rito. Alam kong wala silang gagawin sa akin, magtatanong lang sila kung anong totoong nangyari pero natatakot ako.
“How old are you?” he ask again.
“Ahm..I'm 17!”
“Please fill up this form, write here your birthdate, address and anything have been ask here, okay? Just relax,” he said positively.
I answer hurriedly all the questions and I gave it to him back. “Here!”
Tiningnan niya ako at ngumiti.
“Okay! I’m SPO2 Gerald Cañete. Umupo ka muna roon!” sabi niya at tinuro ang bakanteng upuan.
Hindi na muna ako natungo sa upuan na kaniyang sinasabi, nakatayo pa rin ako sa harap ng kaniyang table.
Pinagmasdan ko siya habang inaasikaso ang mga papel na nasa kaniyang harapan. Hindi ko alam kung bakit parang may namimiss ako dahil sa kaniya at mas lalo na nang makita ko ang I.D niya na may birthdate niya roon.
Magkasing edad sila ni Daddy. Medyo mas matangkad din si Daddy ng konti sa kaniya pero mas malaki naman ang kaniyang katawan, sa tingin ko dahil iyon sa pagiging isang pulis niya.
Narinig ko ang kaniyang pagtikhim kaya niyuko ko ang aking ulo at tumalikod. Nakita ko ang upuan na kaniyang tinutukoy kanina na nasa loob ng isang room.
I suddenly feel nervous when I hear the incoming police siren sounds.
Ramdam ko ang panlalamig ng aking kamay kaya agad na akong nagtungo sa upuan. Kung sakaling bang nakinig ako kay lola kanina, hindi siguro ako nandito pero hindi kakayanin nang konsensya ko. Kung ito man ang kabayaran na nabuhay pa ako ang makulong, kaya ko bang tanggapin ito?
Mas lalo lang akong natatakot sa aking mga iniisip.
“M-ommy…D-daddy.” I whisper to myself and I’m started to cry softly.
Yakap ko ang aking dalawang tuhod habang nakaupo sa upuan. Wala namang tao dito sa room na ito kaya p’wede akong umiyak.
May malaking orasan sa aking harapan at alas-singko na kaya malamang nakaalis na si Mommy. Sinayang ko ba ang pagkakataon na pigilan siya? Sa tingin ko hindi.
Kung sinundan ko siya malamang gano'n lang din ang mangyari tulad kay Dad, hindi man lang sila nagdalawang isip na gawin ang kanilang desisyon.
Kumakalam na ang aking sikmura dahil hindi pa ako kumakain simula kaninang umaga.
Hinahanap na kaya ako ni Tita? O 'yong matandang babae hinihintay niya pa rin ba ako? 'yong nagligtas sa akin nagising na ba siya?
Ang dami kong iniisip at maging ang aksidenteng nangyari ay bumalik na naman sa aking isipan. Ngunit, bigla akong tumigil sa pag-iyak at inayos ko ang aking sarili nang marinig ang mga yapak ng paa na tiyak na papunta rito.
Doon nakita ko ang mag-ina na nakita ko kanina at pumasok sila sa loob ng room na ito kung nasaan ako. Anong kinalaman nila?
At may isa ring pumasok, ngayon kompleto na silang pamilya. Inalis ko ang aking paningin sa kanila dahil namimiss ko si dad and mom.
Medyo malawak ang room na ito kaya siguro hindi nila ako basta-basta mapupunan ng atensyon.
“Papa! Makukulong po kayo!” iyak na sabi ng batang babae sa kaniyang ama.
“Hindi! Saglit lang ako dito, anak. Makakauwi rin si papa.”
Naririnig ko ang kanilang pag-uusap at hindi ko maiwasang hindi mainggit. Kanina pa sila nakayakap sa isa’t isa.
The father, mother and the daughter.
Gano’n lang ang gusto ko at sana maranasan ko ulit 'yon.
Pero bakit sila nandito? Kanina nakita ko ang mag-ina sa ospital baka may kinalaman sila aksidente.
Sinabi ng batang babae kanina na makukulong ang papa niya, marahil ang papa nito ang makakabangga sa akin pero may nagligtas sa akin at hindi ako ang nasagasaan.
“Papa, umuwi na po tayo,” pangungumbinsi ng batang babae sa papa niya, I think nasa 10 years old pa ito.
Kasalanan ko ang lahat kung bakit makukulong ang papa niya. Kasalanan ko ang lahat!
“Okay, let’s ready!” Naagaw ang atensyon namin sa isang policeman na nagsalita.
“The family should wait outside," SPO2 Gerald Cañete said.
Lumabas na nga ang mag-ina at gusto ko rin ang lumabas dito.
Pinaupo nila ako sa harapan at kaharap ko ang driver na muntik na akong masagasaan. Medyo nagulat siya ng makita ako.
“Sige, sino unang magsasalita sa inyo? Paano ba nangyari?” pagsisimula na tanong ng isang pulis.
“Ahhmm..Maurice saan ang iyong mga magulang? Dapat nandito sila,” that SPO2 Cañete asked me.
“W-wala po…nasa malayo po silang lugar.”
Ito na lang ang aking nasabi tutal hindi naman nila alam kung anong nangyari.
Sana nandito si Lola kahit hindi ko man siya totoong lola pero alam kong may busilak siyang puso at handa niya akong tulungan
Sa ngayon mukhang mas lumalakas na ang loob ko. Ayaw ko nang maging mahina at sa tingin ko ngayon ko kailangang magsimulang maging malakas. Hindi na ako bata iyon ang sabi ni Daddy.
“P’wede na siguro kung wala ang iyong mga magulang malapit ka naman mag 18. Ano bang nangyari? Manong kayo po mauna!” wika ni SPO2 Cañete.
Sinabi lahat ni manong driver ang lahat ng nangyari. Patuloy niya sa pagkukuwento at binabalik-balikan ko rin ang pag-alala sa mga nangyari.
“So, hindi ka talaga tumingin sa tinatawiran mo?” mastriktong tanong ng isang pulis sa akin kaya bigla akong nakaramdam ng takot at gulat.
“Bakit hindi ka tumawid sa may pedestrian lane?” mahinahong tanong naman ni SPO2 Cañete.
Hindi ko alam ang isasagot alam kong kasalanan ko. I was out of mind that time.
“Labing-pitong taong gulang ka na kaya sigurado alam mo kung saan ka dumadaan. Sa Mont Street may tatlong pedestrian lane and it’s very impossible kung hindi ka tatawid doon!” Nakakatakot masyado ang isang pulis na ito kaya nararamdaman ko na naman ang panginginig ng aking kamay.
“In that case magiging walang kasalanan ang driver na ito!"
“Ahm..You can call your parents for this,” SPO2 Cañete suggest but I can’t.
Gusto kong magprotesta at ipagtanggol ang sarili ko na wala akong kasalanan pero hindi ko kayang magsalita. Kasi ang totoo ako ang may kasalanan.
Hindi ko p'wedeng tawagan si Daddy and even si Mom kung kay Tita Jenna rin hindi p’wede. I want to be a good girl and perfect daughter at hindi ko kayang sabihin sa kanila ang nangyari.
“There’s no CCTV in that street and according to our investigator the place where the incident happen is very far from pedestrian. And someone save you from danger, right? Dahil sa nagpapakatanga ka may dinamay kang inosenteng tao,” sabi ng striktong pulis.“A student like you can be a murderer!”
Yumuko lang ako at nagsimulang magdasal – na sana ay matapos na ang araw na ito.
I was really scared when the light of this room turned on. Hindi ko napansin na gumagabi na pala and it’s already 7:00 PM.
“Pero, Sir Lan. Hindi naman basta-basta ma-coconfine sa hospital ang isang estudyante kung mabagal lang ang kaniyang pagtakbo. And it’s in a school zone area kaya dapat mabagal lang ang kaniyang pagtakbo sa sasakyan.” SPO2 Cañete explained.
Hindi ko talaga alam ang gagawin ko at hindi rin ako nagsasalita. And I’m very thankful that someone try to defend and help me.
“Maybe your right, tama bakit ba naman malakas ang iyong pagtakbo sa sasakyan na alam mo naman nasa school zone area ka?”
At ngayon hindi na sila sa akin nakatingin at hindi na rin ako ang kinakausap nila.
Gusto ko ng umuwi, natatakot na ako.
I’m out of my mind again at nahimasmasan ako nang tawagin ang aking pangalan. Natapos na ang mga pag-uusap at clarifications about sa case. Hindi na ako nakinig sa iba pang mga pinag-uusapan dahil naiintindihan ako ni SPO2 Gerald Cañete kahit hindi ako nagsasalita.
Hindi na rin kinailangan tawagan ang parents ko. Tumayo ako at lumapit dahil tinawag na ng dalawang beses ang aking pangalan.
“Ang kontrata na ito ay nagpapatunay na si Maurice Bernal, 17 years old and was born on November 15, 2003 ay pumapayag sa kasunduan na magbabayad ng kalahati o 50% sa hospital bill. Kung sakaling siya ay hindi makapagbayad at hindi sinunod ang kasunduan ay maaari siyang dakpin at ikulong kung siya ay hindi na menor de edad.” Basa ni SPO2 Gerald Cañete sa aking pipirmahan. “P'wede kang bumalik dito if handa ka ng pirmahan ito–"
Kinuha ko na agad ang ballpen at pumirma. Hindi naman siya nagulat sa ginawa ko. Hindi ko na rin naisipan na basahin ulit ang aking pinirmahan. Gusto ko ng umuwi iyon ang nasa aking isipan.
“Okay! You only have four months little girl, be good. Hintayin mo na lang din ang tawag ko if may mga follow-ups pang mga katanungan,” he said and smile at me.
“Thank you po," pasasalamat ko sa kaniya at umalis. Hindi ko na rin siya nangitian pabalik.
It was already 8:30 in the evening when I leave in that police station. Sobrang dilim na ng kalangitan.
First time kong makasakay sa taxi na gabi and my feeling is not really good. But I'm not that child anymore or someone's baby girl. I should act mature.
Maraming mga sasakyan at mga tao ang aking nakikita sa labas. Ang ganda rin tingnan ang mga street lights. Malapit na rin mag pasko pero mas malapit na ang birthday ko. Naalala ko tuloy ang sinabi ng isang pulis kanina na si SPO2 Cañete, may 4 Months na lang akong natitira.
Huminto ang taxi na aking sinakyan sa maliit na store, bumaba ako at nagbayad.
I said and promise to that old woman that I will be back but her store is now close and maybe she is now resting.
Naabala ko pa tuloy siya.
Hindi man lang ako nakapagpasalamat sa kaniya. Hindi ko man lang din inalam kung anong pangalan niya. Kahit man sa sandaling oras ko lang siya nakasama ay magaan na ang loob ko sa kaniya. Ramdam ko na isa siya mga bagong makakasama ko sa aking panibagong buhay.
Bakit kaya nag-iisa lang din siya? Hindi nakakabuti sa isang matanda na ang nag-iisa. Dapat may kasama siya. Kailangan niya rin ba ng isang tulad ko na handa siyang samahan? Isa siya sa mga mabait na taong nakilala ko at ramdam ko parang matagal na kaming magkakilala.
Kung ano-ano tuloy iniisip ko.
Bumuntong hininga na lamang ako at tumalikod sa kaniyang maliit na tindahan.
Sa harap ng tindahan na ito ay 'yung lugar na nangyari ang aksidente. Malapit nga ito sa magiging school ko at nasa banda roon lang din ang elementary school.
Ang sariwa pa lahat ng nangyari. Bumalik tuloy sa isipan ko ang lahat ng nangyari at hindi ko na naman maiwasang hindi mag-alala sa kaniya.
Kumusta na kaya siya? Sana nagising na siya. Ayaw kong mag-isip ng masama tungkol sa p'wedeng mangyari sa susunod na mga bukas o sa kaniya. Pero alam ko na hindi siya pababayaan ni God.
Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas na loob pero sa tingin ko ito ay dahil kay God. Alam kong pinapakinggan niya tayo sa lahat ng ating mga gustong sabihin at mangyari at naniniwala rin ako na hindi niya ako pababayaan.
Kung sa pakiramdam ko man ay mag-isa na lang ako sa buhay iyon ay hindi, nandyan pa rin ang panginoon na alam kong lagi rin akong sinusubaybayan sa aking gagawin sa buhay.
Kung wala naman sila Mommy and Daddy ay hindi iyon magiging hadlang para tumuloy ako sa aking buhay. Maraming mga wala na ring magulang ngunit kinaya nila at naging masaya sila sa pagpupursige sa kanilang buhay.
Mas naging maingay dito sa labas, maraming mga naka linyang sasakyan. Dahil sa nangyari kanina kaya nahihirapan din sila.
“Traffic dito! Ano ba? Ba't 'di ka makapaghintay!" rinig ko sigaw ng lalaki sa loob ng kaniyang sasakyan habang nakabukas ang bintana nito.
Nakita niya tuloy ako kaya bigla naman akong nag-iba ng tingin.
Ang dami ko pa lang nadadamay.
Napagdesisyunan ko na umuwi pero na agaw ang aking atensyon sa maliit na papel malapit sa may pintuan ng store na ito – sa store mismo ni Lola. Agad ko naman itong pinulot at biglang kumunot ang aking noo nang mabasa ko ang nakasulat.
“Kanino 'to?"