Chapter 4: Mistake
Flashback
Galing ako sa school at abot langit ang aking ngiti pauwi sa bahay. Excited akong ipakita kay Mommy 'yong initial grades ko at sana nasa bahay na rin si Daddy. Ako ang top one sa school namin at siguradong matutuwa at may price ako kay Mom and Dad.
Bumaba ako ng taxi at nagbayad. Sabi ni Daddy malaki na ako kaya hindi niya na raw ako kailangang ihatid at sundo. Tama naman siya big girl na ako.
Natatanaw ko mula dito ang naka-park na kotse ni Daddy kaya isang malapad na ngiti na ang aking pinakawalan.
"Yehey!" sigaw ko at tumakbo ng mabilis papasok sa bahay.
"Daddy!"
"Mommy!"
Kahit nasa malayo pa ako ay sigaw na ako ng sigaw, madalas kong gawin ito. Sa tuwing sumisigaw ako dito sa labas ay sinasalubong na agad ako ni Mommy or minsan ni Daddy pero pinagtataka ko ngayon kung bakit hindi nila ako sinalubong. Nakauwi naman si Daddy ha!
Hindi pa ako nakakapasok nang tuluyan sa loob ay naririnig ko na ang sigaw ni Mommy.
"Ano? Hahanap ka pa ba ng palusot? Huwag mo ng takpan ang sarili mo, Leo!"
"Oo na! Pero matagal mo namang alam ito hindi ba? Bakit parang nag-iinarte ka ngayon?"
Ang ingay nila. Hindi lang si Mommy ang sumisigaw saka si Daddy na rin. Hindi ko na naisipang pumasok pa sa loob, malaki na ako at alam kong nag-aaway sila.
"Walang hiya ka! Binuntis mo siya! Hayop ka, akala mo hindi ko alam!"
"Hindi ko naman sinasadya, Marie! Pag-usapan natin ito!"
I was here at the back of the door and they are in our living room. Nakikita ko mula dito sa aking kinatatayuan kung paano umiyak si Mommy at pinagsasampal niya si Daddy.
"Pag-usapan? Nahihibang ka na ba? Lumayas ka! Hindi ka namin kailangan ng anak mo!" sigaw ni Mommy at sabay sampal niya nang napakalakas sa kaliwang pisngi ni Daddy.
Kagaya nga ng sabi ko kanina, hindi na ako bata at alam ko kung anong nangyayari at pinag-aawayan nila.
Is it true? May ibang babae si Daddy at may iba siyang anak? Siguro, hindi naman sila mag-aaway ng ganiyan at hindi iiyak nang ganoon si Mommy kung hindi totoo.
Bakit gano'n? Palagi naman kaming masaya at no'ng isang araw lang na nag-out of town kami. They are always have time for this family but how come, ganito ang nangyayari?
Nakita kong umakyat si Mommy sa kuwarto at nagulat ako ng itinapon niya ang mga damit ni Daddy sa baba.
Mas lalo pa silang nag-iingay ni Daddy at tinakpan ko na lang ang aking tainga para hindi sila marinig.
Sobrang ingay nga ba? O baka, ayaw ko nang makinig dahil hindi ko na kayang malaman pa ang lahat. Nararamdaman ko na ang aking luha sa pisngi, nababasa na din ang aking uniporme dahil dito ko pinapahid ang aking mga luha.
"Ris! Anak! Nakauwi ka na, come here and give a hug to Daddy!" sabi niya at parang ang saya niya ng makita ako pero alam kong nagpapanggap lang siya.
Agad naman akong tumigil sa pag-iyak.
"Ris! Go to your room now!" Mom shouted at me.
"Don't try to shout our daughter again!" Dad said angrily to Mom.
Malaki na ako pero hindi pa rin nagkulang si Daddy sa akin, tinuturing niya pa rin akong isang baby. At mas lalo akong umiiyak dahil nag-aaway na naman sila.
Naririnig siguro nila ang aking pag-iyak kaya nakita ko si Daddy papalapit sa akin pero bago pa man siya makalapit sa akin ay bigla na akong tumakbo palabas.
I don't know where I am going, maybe I should call my friends but I shouldn't.
Hindi na rin ako hinabol ni Daddy kanina.
Malapit nang dumilim at patuloy pa rin ako sa paglalakad kahit hindi ko alam kung nasaan na ako.
May malapit na park akong nakita kaya huminto na ako roon at umupo sa isang bench. Walang ibang tao na nandito kundi ako lang. Marahil ay umuwi na ang mga batang naglalaro dito, dumidilim na rin kasi.
Hahanapin ba ako ni Daddy? Or ni Mommy?
Hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa ni Daddy iyon. Pangatlong beses ko pa lang sila nakita na nag-aaway at minsan lang naman sila gano'n kaya imposible na gagawin ni Daddy iyon.
Siguro umiiyak ako hanggang ngayon kasi nakita ko silang nag-aaway, or baka gusto ko talaga kay Daddy manggaling ang lahat kung anuman ang totoo. Hindi pa rin ako makapaniwala.
I try to convince myself na hindi totoo ang nangyayari para tumigil na ako sa pag-iyak, wala si Daddy, o si Mommy sa tabi ko ngayon para patahanin ako.
Mas lalong dumidilim ang paligid kaya mas lalong lumalakas ang aking pag-iyak. Natatakot ako!
Inangat ko ang aking mga paa at niyakap ito habang umiiyak.
Ngunit, bigla akong tumigil sa pag-iyak dahil lumiwanag ang paligid. Agad ko namang nilibot ang aking paningin at hindi na nga madilim. Kung sakaling hahanapin man ako nila Mommy at Daddy siguradong makikita nila ako dito.
At sana wala na rin sinong dumaan at makita ako.
"Ahm...Maurice, right? Bakit ka nandito? Gabi na!" someone said.
Nagulat naman ako sa may nagsalita.
Nang tiningnan ko siya ay bigla kong binaba ang aking paa at umayos ng upo Hindi ako naging komportable sa king kinauupuan dahil tinabihan niya ako. Pero hindi dapat iyon ang isipin ko.
He is Brylle Marquez, my ultimate crush since I was elementary. He is one of the Varsity player in our school and we're classmate.
"Are you crying?" he asked.
Naka-yuko pa rin ako at nahihiya akong makita siya.
Yumuko rin siya at sinusubukang tingnan ang aking mukha.
"Okay! If you don't want to talk, ihatid na lang kita sa inyo, gabi na oh!"
Dito siya nakatira, malapit sila sa playground at may malapit ding basketball court kaya siguro ang galing niyang maglaro.
"Huy! Magsalita ka namang." Nagulat ako sa sinabi niya.
"Ihatid na nga kita sa inyo, tara tayo na diyan!" Naiinis na sabi niya.
Naramdaman ko ang kaniyang pagtayo at nang tiningnan ko siya ay mukhang naiinis nga siya. Ang dami niya atang sinabi.
Wala na rin akong nagawa kundi ang tumayo, nakayuko pa rin ako. Ayaw kong makita niya na umiiyak ako.
Dahan-dahan lang ang lakad ko pauwi sa bahay. Naka-sunod lang siya sa likuran ko at pareho kaming tahimik lang.
Dahil tuloy sa presensya niya, hindi ko na masyadong iniisip ang nangyari kanina.
Ngunit, nang makita ko ang naka-park na kotse ni Daddy ay bigla na lang nagsilabasan ang aking mga luha.
Bakit hindi pa siya umaalis? Hinihintay niya ba ako? Kanina pa ba siya diyan?
Nakita ko siyang nakasandal sa kotse. Alam kong nakita niya ako kaya nilingon ko muna si Brylle para magpasalamat.
"Salamat sa paghatid," nahihiya kong pasasalamat sa kaniya.
"Okay, hanggang sa susunod. Siya nga pala huwag ka ng umiyak, mas lalo kang pumapangit eh," birong sabi niya at tumawa.
Hindi ako kumibo at tiningnan lang siya. Bigla naman siyang tumigil sa pagtawa at pilit na ngumiti.
"Biro lang! Hehe, s-sige alis na ako. M-maganda ka, Maurice! Pero sana 'wag kang umiiyak," seryosong sabi niya. "Gusto kong makita lagi ang iyong ganda kaya ngiti lang."
Siguro, hindi ito ang tamang pagkakataon para sabihin niya iyon. Hindi ko alam kung anong sasabihin o gagawin kaya yumuko na lang ako.
At sana mangyari ulit ang pagkakataon na ito na kinakausap niya ako. Ang dami kong gustong sabihin sa kaniya at ipaliwanag pero hindi talaga ito ang tamang oras para sa mga bagay na iyon.
Umalis na rin siya pagkatapos no'n at wala na rin siyang sinabi pa.
Nakayuko pa rin ako habang naglalakad papunta sa bahay.
Ayokong makita siya pero wala akong magagawa dahil madadaanan ko siya. Nakayuko pa rin ako habang naglalakad at bigla na namang bumagsak ang mga luha ko nang magsalita siya.
"A-anak!" tawag niya sa akin at ramdam ko ang lungkot sa kaniyang mga boses.
Gusto ko siyang yakapin at umiyak sa bisig niya pero nagagalit ako. Galit ako sa kaniya.
"Totoo, ba Dad?" mahina kong tanong sa kanya habang nakayuko pa rin.
"I'm sorry, Daddy didn't mean to do it."
Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi niya. Ang sakit nga kung sa kaniya manggaling na sana pala hindi ko na lang tinanong pa. Wala mang pag-alinlangang sinabi niya iyon. Alam kong bawal ang magsinungaling lagi niya iyon sinasabi pero sana naman kahit magsinungaling na lang siya ngayon at para kahit papaano ay mapawi ang sakit na nararamdaman ko.
P'wede din sana kung nagsinungaling na lang din siya kay Mommy kahit huling-huli na siya. Sana may nagsabi noon na mangyayari ito para naman mapaghandaan ko.
Para tuloy milyong-milyong karayom ang tumutusok sa puso ko. Mahal ko si Daddy at ayaw kong mawalan ako ng ama. Pero wala na akong magagawa dahil ito na nangyari na nga. Kasalanan niya pa rin. Ang sama niya!
"R-ris, anak."
"Get lost, Dad! I hate you and I'm going to hate you forever!" I shouted. "I don't have a Dad like you!"
"Ris! I'm still your dad, listen to me please," he beg. But I'm so dumb to hear his non-sense explanation.
"I don't want and need you, Dad! Even Mom, so I'm pleasing too, get lost!" Hinarap ko siya at matapang na sinabi iyon.
It's hard for me to say it to him but that's what I feel right now, hating him. Gusto ko ilabas ang hinanakit na nararamdaman ko sa kaniya. Gusto ko siyang saktan para maramdaman din niya kung anong nararamdaman ko.
Hindi ko na rin sinubukan pang tingnan kung anong reaksiyon niya, kung nasasaktan rin ba siya o nagsisisi sa ginawa niya.
Pumasok na ako sa loob at iniwan siya sa labas, hindi ko na rin naisipan pakinggan pa ang mga sinasabi niya.
Alam kong tinatawag niya ang pangalan ko at pilit na nagmamakaawa pero gusto ko magpahinga.
Gusto ko ng matulog.
Sapat na nang malaman ko kung anong totoo.
Nag kalat ng bahay at dumiretso na ako sa kuwarto ko. I lock the door and jump to my soft bed. Nagtaklob ako ng kumot at nagsimula na namang umiyak.
I can't sleep because I always thinking about him. Galit ako sa kaniya pero naaawa rin ako, bakit hindi ko man lang nagawang makinig sa mga paliwanag niya. Paano kung hindi niya naman ginusto at hindi totoo ang nangyari pero sa kaniya na rin nanggaling na hindi niya sinasadya, so it means ginawa niya.
Pilit ko na lang iniisip na hindi totoo ang nangyayari ngayon para makatulog na rin ako – pero hindi e, hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa ni Daddy 'yon.
Sana panaginip lang 'to at paggising ko bukas sana okay na ang lahat.
Pero kahit man anong pilit kong inilalagay sa aking isipan ang mga gano'ng bagay ay hindi pa rin. Umiiyak pa rin ako at nasasaktan.
Bumangon ako at ch-in-eck kung anong oras na and it's already 10 in the evening.
Hindi pa rin ako makatulog. Alam kong nasa kabilang kuwarto lang din si Mommy dahil naririnig ko rin ang kaniyang pag-iyak. Minsan nararamdaman ko ang pagbukas at pagsara ng pintuan, maging ang mga gamit na nababasag. Alam kong nagwawala si Mommy. Gusto ko siyang puntahan pero inaalala ko rin kung kaya ko bang makitang nasasaktan si Mommy. Pero kahit papaano naawa rin ako kay Daddy.
What if kailangan rin ako ni Daddy ngayon, nalulungkot rin ba siya? Nagpapahinga na ba siya? Paano kung nakinig ako sa kaniya, siguro maayos pa 'to.
Maraming nagawa si Daddy sa akin at malaki na ako sana naman naisipan kong tulungan rin siya sa problema ngayon.
Kung kanina umiiyak ako dahil sa galit sa kaniya, ngayon ay umiiyak ako dahil nagsisisi ako at naawa sa kaniya. Paano kung hindi naman ginusto talaga ni Daddy ang nangyari pero nagawa niya, tapos na dahil ginawa niya at nangyari na. Wala na! Wala na ang pamilya ko.
Pero paano kung nakinig ako kanina, paano kung sumali ako sa usapan nila at hindi umalis. Paano kung tumulong ako sa pagdedesisyon tutal anak naman nila ako kaya tiyak na makikinig sila sa akin.
Maaayos pa sana ang problemang ito.
I was mistaken, sorry Dad! But we're same, you made mistake too and even Mom.