CHAPTER 27: Patience Nang umuwi na sila Ian ay kami na lang ang nandito pero akala ko pahihirapan na naman ako ng Mommy ni Stephen pero kasama ko na nga'yon si Manang Lucy. Bukas daw ay uuwi si Sir Carl. Nang matapos akong tumulong sa mga gawaing bahay ay agad na akong nagpunta sa kuwarto ni Stephen. Alam ko siya ang kumakanta at nagtutugtog ng gitara. Hindi muna ako pumasok sa loob. Nandito lang ako sa labas ng pintuan sakto lang naman at naririnig ko ang kanta niya. Ang galing niya naman. Nang wala na akong marinig na kanta ay pumasok na ako sa loob pero hindi pa pala siya tapos at nakita kong umiiyak siya. Pinunasan niya naman ang luha niya at tinago ang gitara sa ilalim ng kama niya. Nagtaka naman ako sa ginagawa niya. “O-okay ka lang ba? May masakit ba sa 'yo?” “Hindi ka