CHAPTER 28: The Other One Kakaalis lang ng Mommy ni Stephen at marami siyang sinabi sa akin. Isa lang ang matandaan ko ay ang huwag pabayaan si Stephen. Ang saya marinig iyon lalo na sa kaniya pa mismo nanggaling. Kahit papaano pala ay may tiwala siya sa akin. Nakita ko tuloy sa kaniya na may mabuti siyang kalooban. Sadyang ginagawa niya lang lahat para sa ikakabuti ng anak niya. Hindi niya na iniisip ang ibang tao kung para sa anak niya ay iyon ang gagawin niya. Hindi ko alam kung bakit nang umalis siya ay nakaramdam ako ng lungkot imbis na saya. Gusto ko siyang yakapin nang kinausap niya ako kahit may halong pagbabanta ang kaniyang mga sinasabi sa akin. “Look sad!?” sambit ni Shaira. Nandito kami sa labas. Tumulong ako sa pagbitbit ng mga gamit. Narinig ko pa ang bilin sa kaniya