CHAPTER 26: Care Ang cute niya no'ng bata pa siya. Ang saya-saya niya. Pumunta rin pala sila sa Singapore. Na-miss ko tuloy pumunta at tingnan ang Merlion. And most especially I miss them. Kumusta na kaya sila. Hindi kaya sila nag-aalala sa akin. Ayokong umiyak kung sila ang dahilan kaya agad kong pinunasan ang aking luha na pumatak sa kaliwa kong pisngi. “Maurice!” rinig kong tawag nang kararating lang. “Kumusta ka?” Binitiwan ko ang pictures nila Stephen na aking nililinis. Humarap ako sa kaniya at ngumiti. Ngayon na lang din siya nakadalaw dito. Nagtaka naman ako sa ginawa niya. “Oo nga, mainit ka. Magpahinga ka muna, wala naman si Tita dito.” Tiningnan ko lang siya ng nagtataka pero tinulak niya na ako papunta sa kuwarto ko. “Pahinga ka na diyan, ako na bahala magpaliwanag