Chapter 5: PLEASE
Nagising ako dahil sa ingay sa baba. Ang aga-aga bakit ang ingay? Bumangon ako at inayos ang aking higaan. Tumingin muna ako sa salamin at para makita ko kung maayos lang ba ang ang aking itsura bago lumabas.
And when I see myself on the mirror first thing got my attention is I really got a big eyebag. Yup, naalala ko umiyak ako kagabi. Where's dad now? And mom? I didn't see her last night.
Lumabas ako ng kuwarto at nakita ko malinis na ang sala. Ang kalat dito kagabi at alam kong si Mommy naglinis nito. Nagtungo ako sa kusina at nakita ko nga siya, naglilinis sa kusina.
"Your Awake? Pack all your things now, Ris," she said without looking at me.
"Are we leaving? But I don't want to…"
"NO BUTS! Go to your room now and pack your things, faster!" she shout loudly.
I feel scared to her so I didn't protest, I go to my room and start packing my things. Mom didn't shout at me before even Dad, they really love me and we are always happy. Kahit man binigay nila ang mga gusto ko ay hindi ako nagiging spoiled because I want to be a perfect and good daughter to them.
Kahit man labag sa aking kalooban ang aking gagawin ay nagsimula na akong mag-impake.
I don't want to leave here, this is our house at dito na rin ako lumaki. And the most important reason is I'm going to miss Dad.
Siguro naman p'wede ko siyang hanapin at kausapin para magkaayos sila ni Mommy at maibalik ang pamilyang ito. Ayokong mas lumaki ng husto na walang kompletong magulang and I can't totally grow up because dad is not here. He is a part of my life, one of the most important pieces.
I hear mom's footsteps and surely she is going to their room. Aalis ba talaga kami?
Nagmadali na akong mag-impake para makaalis pa ako at makita si Dad. I get my phone and text Dad. I ask him if where is he and it took him 2 minutes to reply. Is he busy?
Kaagad akong lumabas ng nalaman kong nasa malapit siyang airport. Aalis ba siya? Iiwan niya ako?
Hindi ko alam kung anong ginagawa ko, natataranta ako ng malaman nasa airport siya. Agad akong lumabas sa kuwarto ko at hindi na naisipang magbihis pa.
Pumara agad ko ng taxi papunta sa airport, maybe mga 15 minutes nando'n na ako.
"Dad, please wait for me!" I said softly. I can't help not to cry. Dad, please...
The taxi stop and I run faster. I forgot to pay and now the taxi driver is shouting and chasing me. I don't care about it, gusto ko lang naman maabutan si Daddy.
Nangangalay na ang leeg ko sa kakalingon para makita siya. Sumasakit na rin ang paa ko sa kakatakbo, napakalaki ng airport na ito kaya siguradong mahihirapan ako sa paghahanap sa kaniya.
I decided to call him. Kinapa ko ang aking cellphone sa bulsa at tinawag siya.
"Sumagot ka dad," sabi ko sa sarili.
May oras pa ako para makausap siya at sana naman ay sagutin niya ng ang tawag ko. Ayaw kong sayangin ang pagkakataon na ito. Alam kong ito ay maayos pa.
Habang patuloy sa pagri-ring ang aking cellphone at hindi pa sinasagot ni Daddy ay patuloy pa rin ako sa paghahanap sa kaniya.
"Excuse me," sabi ko sa aking mga nadadaanan.
Agad naman akong umalis sa isang waiting area nang hindi ko siya makita ro'n. Nararamdaman ko na napapagod na ako at unti-unting na rin akong nawawalan ng pag-asa.
Gusto kong isipin na nagsisinungaling lang siya pero hindi e!
Hindi nagsisinungaling si Daddy at alam kong totoo ang sinasabi niya. Nandito siya kahit man hindi niya sinagot ang tawag ko ay nakita ko rin siya. Thanks...God.
Mag-isa siyang nakaupo sa isa pang waiting area. Is he missed his flight? Kahit man umiiyak ako ay hindi ko pa rin maiwasang hindi ngumiti. Hindi siya aalis, may unang flight na at hindi siya sumama. I know the schedule of the flight dahil madalas kami dito sumasakay para mag-bonding.
Nakangiti akong pinagmasdan siya.
I miss this moment na nandito kami, lagi kaming nagta-travel noon, pero sa nangyayari ngayon mukhang hindi ko na mararanasan iyon ulit.
Nakatayo lang ako dito at pinagmasdan siya sa likuran habang nakaupo, bakit naaawa ako sa kaniya. Alam kong may kasalanan din si Dad pero hindi na iyon ang inaalala ko. Wala na akong galit na nararamdaman sa kaniya.
Mas nangingibabaw ang takot na aking naramdaman. Takot na baka umalis siya at tuluyan niya kaming iwan.
Nakita ko lang siya na tinitingnan ang kaniyang cellphone, wala nga talaga siyang balak sagutin ang tawag ko.
I end up dialing his number and decided to come near to him. Pero bago pa man ako makalapit sa kaniya ay bigla na akong huminto at parang naiistatwa ako sa aking kinatatayuan ngayon.
Akala ko si Daddy lang mag-isa, pero may kasama siya. Sigurado ako na ang babaeng kasama niya at ang batang nasa bisig nito ay kaniyang magiging bagong pamilya.
Nawala bigla ang kahit konting saya na aking naramdaman kanina at napalitan ito ng sakit. I feel my tears again, I'm tried to cry.
Nakita ko rin ang paghalik ni Dad sa babaeng iyon at sa sanggol na nasa bisig nito. Magkatabi silang umupo at tiyak na naghihintay sila sa next flight.
Gusto ko mag-iwas ng tingin sa kinaroroonan nila pero hindi ko magawa. Mas masakit pala ang makita ang katotohanan. Ano kayang mararamdaman ni Mommy kung siya rin mismo ang makakita nito.
Narinig ko ang pagtawag sa lahat ng pasahero para sa next flight at do'n nakita ko silang tumayo. Hindi nga ako nagkakamali sa next flight nga sila.
Agad naman akong naalarma at nataranta. Hindi ko pa nakakausap si Dad at ayaw kong tuluyan niya kaming iwan.
I don't know what I am doing, I just found myself...nakaluhod na ako sa harap ni Daddy at nagmamakaawa.
"D-daddy, please...Dad.."
Hindi ko alam kong naririnig niya pa ba ang aking sinasabi, kasi mas malakas pa ang aking pag-iyak kaysa sa aking mga sinasabi sa kaniya.
"Ris, what are you doing here? Get up," nagtatakang tanong niya.
"D-dad – please.."
"Go to your Mom, now. Bakit ka ba niya hinayaang pumunta dito? Ris, get up," walang ka emosyon na sabi niya.
"Dad...please.. please.." I kept on begging to him.
"Your Mom will surely protect you and she love you the most, so stop this. Ris!"
Pinipilit niyang itinataboy ang aking mga kamay na naka-yakap sa kaniyang mga paa pero hindi pa rin ako bumibitaw.
"Please…" Ito ang paulit ulit na sinasabi ko sa kaniya. Nagmamatigas ako at mas lalo kong hinihigpitan ang aking pagyakap sa kaniyang mga binti.
Narinig ko muling tinawag ang mga pasahero dahil aalis na ang eroplano at mas lalong lumakas ang aking pag-iyak. Alam kong naiinis na siya pero ayaw kong iwan niya kami.
"Maurice! Stop this, your not a child anymore and stop acting like this!" he angrily shouted at me.
This the first time he did, kaya kahit man ayaw kong gawin ito ay unti-unting lumuwag ang aking pagkakayakap sa kaniya at bumitaw ng tuluyan.
"B-but you always said that I am a baby... please Dad.." I said and keep on begging again.
"Hon, let's go?" I hear that ugly woman said. I hate her!
Tiningnan ko siya at gusto ko siyang sampalin at sabunutan. Nakita ko rin ang baby na nasa bisig niya, kapatid ko ba siya? Mas naiiyak ako, ayaw kong sumama si Daddy sa kanila. Hindi ako papayag. My Daddy is mine!
Mahigpit ko ulit na niyakap si Daddy sa kaniyang binti. Agad naman itinaboy ni Daddy ang aking mga kamay at inis na tiningnan ako.
"Be brave, Maurice! Hindi ka na bata," he said. "And stop! Your not my baby anymore, I have my new baby."
Hindi ko inaasahan na sasabihin niya iyon. Ito ang mas pinakasakit na narinig ko sa buong buhay ko at ang pinakamasakit na pangyayari.
Parang nabingi ako nang marinig ang huling sinabi niya. Alam ko madami pa siyang sinabi pero wala na akong naririnig.
Patuloy ko lang sinasabi ang salitang – please.
Nagdesisyon na siya, tuluyan na nga akong iiwan ni Daddy.
Likod na lamang niya ang aking nakikita hanggang sa wala na kahit anino man lang. Naiwan akong nakaluhod pa rin dito, wala na akong ibang naiisip kundi ang huling eksena na ito.
Hindi man lang siya nakinig sa akin, wala na ba siyang awa na nararamdaman. Hindi man lang siya lumingon sa akin habang iiwan ako.
Anak niya pa rin ako, hindi niya ba ba ako love? Siguro hindi na, may bago na siyang family at iiwan niya na nga kami ni Mommy.
Ang bilis at parang wala lang nangyari.
Naramdaman ko na nasa taxi na pala ako at huminto ito sa tapat ng bahay namin.
"'Yong bayad mo iha, bale 2 times hinatid kita papunta ro'n at pauwi," sabi ng driver.
Kumuha na lang ako ng pera sa bulsa at hindi na tiningnan kung magkano man ito. Mabilis namang umalis ang aking sinakyang taxi.
Nakatayo lang ako sa tapat ng aming bahay at siguro mga limang minuto rin akong ganito. Bumalik lang ako sa aking wisyo nang sigawan ako ni Mommy.
Pumasok ako sa loob kasi iyon ang utos niya, nakita ko siyang naka-bihis at dala ang kaniyang mga bagahe. Nakatulala lang ako sa kaniya.
Puro sigaw lang aking naririnig at sinunod ko ang pangalawang utos niya. Umakyat ako at kinuha ang aking nakaimpake na gamit. Bumaba ako at galit na mukha niya ang aking nakita.
"What happen to you? Where have you been? Bakit wala ka sa sarili?" she asked.
Maybe I don't know what she's talking about. Tiningnan niya lang ako ng masama at hinihintay ang aking sasabihin.
Bigla ko siyang niyakap ng mahigpit at hindi naman siya nagulat sa inakto ko.
“M-mommy.." Naramdaman ko rin na niyakap niya ako ng mahigpit. Humagulgol na ako ng iyak habang yakap siya.
"Mom..D-daddy is – "
“Shh..it's okay, Ris. Hindi muna dapat siya sinundan, tahan na."
"B-but, Mom!.."
“He decided to do it, so we should respect it, okay? I know it's hard…" Hinintay kong tapusin ni Mommy ang sasabihin niya pero hindi niya na magawa. Umiiyak na siya at napaupo sa sahig.
Agad ko naman siyang niyakap. Ngayon, pareho na kami ni Mommy na humahagulgol sa iyak.
“I hate him, Ris. He is an idiot, stupid!"
“I m-miss him, M-mom.."
"No!" Nagulat ako sa sinabi ni Mommy. "Wala siyang kwenta, anak. Ano bang ginagawa natin? Tayo na diyan!"
Mabilis siyang tumayo at tinulungan rin akong makatayo.
"Ris..Hindi na dapat natin siyang isipin pa, nagdesisyon na siya 'di ba? Sumama na siya sa babae at sa magiging anak niya," matapang na sabi ni Mommy. "Tara na, Ris. Umalis na tayo."
Tinalikuran niya ako at lumabas ng bahay.
Bago ko siya sundan ay tiningnan ko muna ang kabuuan ng aming bahay. Ang bahay na kung saan isa kami sa mga nagkaroon ng masayang pamilya.
"I will going to miss you, Dad."
Wala na rin akong nagawa kundi ang lumabas. Kahit papaano ay tama si Mommy.
Nakita ko naman na may pinara na siyang taxi.
"Ris, let's go!" Tawag ni Mommy.
Ayaw kong umalis pero wala na akong magagawa. Hindi rin ako nagkaroon ng pagkakataon na magpaalam sa mga naging kaibigan ko dito.
At ang isa pa ay alam kong babalik si Daddy dito. Ayaw kong umalis, hindi! Hihintayin ko si Daddy dito!
"Maurice! Ano ba? Nawawala ka na naman sa sarili mo, tara na!"
Si Daddy. Ang babae niya. Airport.
Bumabalik ang huling eksena ko kay Daddy na hindi ko makakalimutan.
"Maurice!" Galit na sigaw ni Mommy at lumabas sa taxi. Alam kong ang dami niyang mga sinasabi at inuutos. Kaya sa huling pagkakataon ay sinunod ko kung ano man ang sinabi niya.
Bago ako sumakay, tiningnan ko muna ng maiigi ang aming bahay.
"Please, Dad. Bumalik kayo dito."