Chapter 9: Uneasy “Good morning!" Bumangon ako sa aking higaan at binuksan ang mga bintana. Ngayon, ko lang din ito nabubuksan. Ang dali lang ng panahon, dati lang no'ng sobrang dilim ng kuwarto ko kahit man sa umaga. Daig ko pa ang bampira. Ang babait ng mga magiging classmates ko at maging ang mga teaches din. Tapos may kaibigan na ako. Hindi ko pa alam pangalan niya. Sa sobrang daldal niya yata kaya nakalimutan ko ring magtanong. Hindi kami magkasabay umuwi kahapon kasi isa pa la siyang scholar sa adviser namin na si ma'am Janeth. Hindi ko na rin nakita si Ian kahit man uwian na. Pumasok na ako sa banyo para maligo at nagbihis na rin. Okay na ang mga sugat ko at natatakpan ko rin ng buhok ang sugat ko sa ulo kaya hindi siya masyadong nakikita. “Ris, gumising ka na! It's alrea