Chapter 10.1: Scared “Tatlo na lang!” Bumuntong hininga siya at nanghihinang umupo sabay lapag ng mga in-order namin. “Thank you, Joann Maringan." “Ann na lang eh, ang haba naman kung full name ko talaga itawag mo sa akin,” sabi niya at ngumuso. “Lagi naman tayo magkasama kaya hindi mo makakalimutan full name ko.” “Sige, ikaw bahala." Ngumiti ako sa kaniya at nagsimula na kaming kumain. Lunch time namin ngayon at sobrang haba ng pila dito sa cafeteria. Nakakapagod rin kasi kagagaling lang namin sa mga office ng mga subject teacher namin. Mabuti nga at tinutulungan at sinasamahan ako ni Joann kaya hindi ako masyadong nahirapan. Akala ko talaga hindi na nila ako tatanggapin at 'di na ako maka-graduate pero binigyan lang nila ako ng mga copy ng lessons at kailangan ko rin mag take ng