"MANO PO Nanay Neri," nakangiting turan ko rito sabay mano.
"Kaawaan ka ng Panginoon, hija. Kumusta naman buhay estudyante?" tanong nito sa'kin.
"Awa po ng Panginoon, okay lang naman po kahit na nga sabihing nakakapagod po," sagot ko rito, naupo ako sa silya at nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga.
"May problema ba?" tanong nito sa'kin.
Napatitig ako sa mga mata ni Nanay Neri. "Nag-offer po kasi ng trabaho sa'kin si Tita Celina sa kompanya. Sa finance daw po ako i-assign. Kinakabahan ako, nay," tugon ko rito.
"Aba, mas maigi 'yan. Teka, sa pagkakatanda ko maraming departamento ang finance, hindi ba?"
"Opo, may Accounting department, Cost Account department, Audit department, Financial Planning and Budgeting department, Cash department, and Credit department. Hindi ko pa po alam kung saan ako i-assign ni Tita Celina."
"Naku, hija. Kinakabahan naman ako diyan," ani ni Nanay Neri.
"As a finance it's your responsibility to obtain and handling any monies on behalf of the organization," tugon ko rito.
"Kaya nga, malaking responsibilidad 'yan, hija."
"Oo nga po. Kaya, kailangan na ayusin ang trabaho. Hinihintay ko pa si Tita kung kailan," saad ko rito. Pagdakay, tumayo ako at tinungo ang ref para uminom ng cold water.
"Kumain ka na ba ng hapunan?"
"Hindi pa po, ako na maghanda sa dinner ko, nay."
"Ako na, ang mabuti pa magbihis ka na do'n at tamang-tama iinitin ko pa itong paborito mong adobong manok. Hala, Sige na!"
Biglang nagliwanag ang aking mukha. "Gosh, adobo? Wow, sige po!" ani ko at nagmamadaling dinampot ko ang sariling bag at tinungo ang aking kwarto. Nang tuluyan na akong makapasok sa sariling kwarto ay napasigaw ako nang makita si Seth. Damn!
"And what are you doing here, again?!"
"Welcome home, narito tinitingnan ang ilang mga photo album mo no'ng maliit ka pa. Ang cute mo pala, para kang maynika," nakangiting tugon nito habang nakaupo sa couch at talagang nakapatong pa ang paa ng damuho sa glass center table ko. Inis na nilapitan ko ito at tinabig ang paa nito.
"What?!" takang-tanong nito sa ginawa ko.
"Hoy, hindi ito patungan ng paa mo! Pwede bang umalis ka rito sa kwarto ko! Konti na lang talaga iisipin ko ng may gusto ka sa'kin!" asik ko rito.
"What? Ako magkagusto sa isang muchachang katulad mo? In your dreams, Ms. Galvez. Hindi mo ba napapansin kaya kita inaasar ay para umalis ka na sa pamamahay na 'to? O sadyang manhid ka lang?"
Sa sobrang inis ko'y ibinato ko rito ang bag na hawak ko. Aba't ang damuho ay kay bilis makailag. Damn it! Lumapit ako rito at marahas na itinulak ang malapad nitong dibdib.
"Hoy! Ang kapal ng mukha mo!" asik ko rito. Nanggigigil ako sa sobrang inis. Feel ko nga namula na ang pisngi ko at umuusok ang ilong ko sa galit. At ang damuho nakangiti lang ng nakakaloko. Lumalabas na talo talaga ako sa asaran namin. Napasulyap ako sa braso nitong may band-aid. Nagtagal doon ang titig ko. Lihim akong kinutya ng aking konsensiya. Argh!
"C'mon, Ms. Galvez. Ako pa talaga ang may makapal na mukha?" sarkastikong turan nito sa'kin.
"Sino ba sa tingin mo? Ano bang gusto mo at palagi mo na lamang akong inaasar? Kung dati'y hindi ako umiimik sa mga pangungutya mo sa pagkatao ko, well, never na ngayon! Magmula nang mamatay ang nanay ko ipinangako ko sa sarili ko na mabubuhay ako sa tapang at ipaglalaban ko ang karapatan ko!" mabagsik kong tugon rito.
"Hindi kita tinatanong, and I don't need to hear that nonsense things of yours, all I want is you to leave out of this mansion!"
"Well, manigas ka!" asik ko rito at mabilis na tinalikuran ito. Kumuha ako ng damit at mabilis na pumasok sa banyo para maligo at magbihis. Damn it! Ako pa talaga ang hahamunin niya? Siya ang umalis dito, e, siya itong may sariling condo malapit sa Montenegro Industries.
Inis na itinapat ko ang sarili sa malamig na shower. I need to relax. Bullsh*t! Pagdakay mabilis ang kilos na naligo. Hinihiling ko na sanay umalis na ang tukmol sa sarili kong kwarto. Don't tell me balak na naman nitong dito matulog sa kwarto ko?
Pagkatapos kong maligo ay agad na tinuyo ko ang sarili gamit ang pink towel. Sa banyo na lamang ako nagbihis. Pagdakay kinuha ang isang puting towel para ibalot sa basá kong buhok. Nakasimangot na lumabas ako ng banyo. I wear my jogging pants and loose pink shirts.
"Ba't ang hilig mo magsuot ng mga loose shirts?" tanong nito sa'kin.
"Pakialam mo ba? Pinapakialaman ba kita sa suot mo?" inis kong sagot dito. Inis na hinarap ko ang salamin at sinuklay ang mahaba kong buhok. "Don't tell me at balak mo na namang dito matulog? Isusumbong na talaga kita kay Tita Celina."
Nagulat ako nang mula sa aking kamay ay kinuha ni Seth ang aking pink na hairbrush. Pinukol ko ito nang matalim na tingin. I can see his perfect features on my mirror. Nakangiti ng nakakaloko habang sinusuklay ang mahaba kong buhok.
"Bading ka ba?" tanong ko rito na agad ko ring pinagsisihan. Damn it! Ipinilig ko ang sariling ulo.
"Gusto mo ipasok ko ang sinulid sa butas ng karayom nang magkaalaman?" sarkastikong tanong nito sa'kin.
"Akin na ang hairbrush ko!" galit kong saad. Imbes na ibigay sa'kin ay inilapag nito iyon sa aking harapan.
"Hindi pa tayo tapos. Look what you've done to my arms, woman!"
"Well, deserved sa mga gentledog na katulad mo!" asik ko at mabilis na tumayo at nilampasan ito para tunguhin ang pinto. Sh*t, nagutom ako sa asarin namin ng damuho.
"See you around, darling," ani pa nito sa himig pang-aasar.
"Mukha mo!" inis kong sagot dito.
"Sino ba ang kinaiinisan mo?" tanong ni Aling Melba sa'kin.
"Aling Melba naman parang hindi nasanay sa'kin. As usual po ang amo nating may tililing sa utak," sagot ko rito.
"Hindi kaya may gusto sa'yo si Sir Seth?" nakangising turan nito sa'kin.
"Sus, Aling Melba. Mas gugustuhin ko na lamang na mamatay kung siya rin lang naman ang matitirang lalaki sa mundo!" palatak ko.
"Reminder lang, hija. May kasabihang, tulak ng bibig kabig ng dibdib. Huwag mo 'yang kalimutan."
"Ay naku, walang kasa-kasabihan sa'kin! Lintik na lalaking 'yon!" palatak ko. Kumuha ako ng pinggan, tinidor at kutsara. Kakainin ko na lang ang paborito kong ulam. Amoy palang nito tanggal na ang high-blood ko. At pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko ang pinggang ginamit.
Muli, bumalik ako sa aking kwarto para sana magpahinga ng maayos. Namiss ko na ang malambot kong kama. Sana naman umalis na ro'n ang hinayupak na si Seth.
Pumasok ako sa aking kwarto. Napasimangot ako nang maabutan pa rin doon ang tukmol na ngayo'y nanonood ng Netflix. Dumiretso lang ako sa aking kama at sumampa roon. And I close my eyes.
***
"BEAUTY!"
Nag-angat ako nang tingin at bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Devon. Inilapag ko ang isinara ko ang librong binabasa at inayos ang salamin kong suot.
"P—paano ka nakapasok?" takang-tanong ko rito. Nakangiting naupo ito sa tapat kong upuan. Inabot nito sa akin ang dala nitong bulaklak at tsokolate. I don't want to be rude siyempre tinanggap ko na lang lalo na at alam kong ang lahat ng mga mata'y nakatutok sa aming dalawa. Argh!
"Salamat dito, nag-abala ka pa. Pero Dev—"
"I know, just let me," putol nito sa sasabihin ko pa sana.
"Ayokong umasa ka. Isa pa, kaibigan lang talaga ang turing ko sa'yo. Si Rico man ay gano'n din," matapat kong saad dito. Hindi maipagkakaila nito ang sakit sa anyo nito nang marinig ang sinasabi ko. Well, mas maigi na 'yon kaysa patagalin ko pa. Gusto ko lang ng diretsahang desisyon.
"Tulad ng sabi ko. Hayaan mo lang ako. Hangga't available ka pa hinding-hindi ako titigil sa panliligaw sa'yo."
"Then, willing kang masaktan kung gayon?" ani ko.
"Para sa babaeng minamahal lahat gagawin ko," saad nito sa akin. Nagpakawala ako ng isang marahas na hininga.
"Sa totoo lang gusto kitang iwasan at kung tutuusin 'wag tanggapin ang mga 'to. Pero kailangan kong tanggapin para maiwas ka sa kahihiyan," tapat kong tugon dito.
"Wala ba talaga ni konting pagtingin diyan sa puso mo?"
Umiling ako rito. "Wala talaga, matatanggap ko pang maging kaibigan ka, Devon. Sa ngayon, pag-aaral ko ang priority ko."
"I'll understand, pero hindi ako titigil gusto kong patunayan sa iyo na tunay ang hangarin ko."
"Ikaw ang bahala, choice mo 'yan. Pero huwag mo akong sisisihin sa huli. Mas maigi na 'yong nagkaintindihan tayo," ani ko rito.
"Yeah, mas mabuti. Paano I have to go, masaya na akong masilayan ang mukha mo. Nakangiti akong haharap sa trabaho ko."
"Mag-iingat ka," tugon ko na lamang dito.
"Wow naman may flowers at chocolates, penge naman!"
Nailing na lamang ako sa inasal ni Delilah. Excited na kinuha nito ang chocolates at binuksan at walang sabing nilantakan iyon.
"Ang sarap naman talaga nitong Ferrero Rocher!" palatak pa nito. Kumuha ako ng isa at kinain iyon.
Makalipas ang ilang minuto bumalik na kami sa aming classroom. Ibang mukha pero parehong ugali na mga kaklaseng aming mga kaharap.
Naupo na kami sa aming upuan eksaktong dumating ang aming professor. Tumayo kaming lahat para ito'y batiin. Narinig ko agad ang tila bulung-bulongan sa mga kaklase kong babae. As usual, topic na naman nito ang hot and handsome naming Prof.
"Grabe, ang hot talaga ni sir!"
"Kung ako lang magpapabuntis na talaga ako diyan."
Nanlaki ang aking mga mata sa narinig. Nagkatinginan kami ni Delilah. Pagdakay kapwa nakangiti sa isa't isa sabay iling. What the!
"Quiet class," ani ng baritonong tinig ng aming Prof. Hanggang sa nag-umpisa na itong mag-lecture sa amin.
Nang lumipas ang isa at kalahating oras ay natapos na rin ang last subject namin. As usual sabay kaming umuwi ni Delilah. Since maaga pa naman, naisipan naming gumala saglit sa may seaside. Muli, binalot ako ng matinding kalungkutan, palibhasa'y paboritong lugar ni inay ang pinuntahan namin ngayon.
"Ate, bili po kayo popcorn at chicharon masarap po 'to," ani ng batang babae.
Nakangiting nakatitig ako sa nakangiti nitong mukha. "Magkano ba 'yan?"
"Limang piso lang po, ate!"
"Sige, bigyan mo 'ko tig-lima," ani ko rito. Kumuha ako ng pera sa aking bulsa at inabot iyon dito.
"Maraming salamat ate. Saglit lang po, ha? Iyong sukli po kasi kukunin ko pa kay Nanay."
"No, keep the change na lang. Salamat ulit dito," saad ko sa batang babae. Nagliwanag ang mga mata nito na tila hindi makapaniwala.
"Talaga ate?! Naku po, sobra na po kasi 'yon," ani pa nito sa akin.
"Tulong ko na rin sa iyo," sagot ko at binuksan ang popcorn at kumuha ng isa sabay nguya. "Hmm, sarap!"
"Salamat po talaga, ate! Tamang-tama po heto pa lang din ang kita namin pero sobra na po talaga ito! May ibibili na po akong gamot sa kapatid ko," ani nito na siyang nagbigay kurot naman sa aking puso.
"Naku naman, nakakaawa ka naman," si Delilah at mabilis na nag-abot ng isang libo sa batang lalaki. Sumilay ang ngiti sa aking mga labi.
"Po? A—anhin ko po ito?!" gulat na tanong ng batang lalaki.
"Tulong ko na lang 'yan sa'yo. Baka naman niloloko mo lang kami, ha?" hirit pa ni Delilah dahilan para kurutin ko ang tagiliran nito.
"Totoo po ate, sige po aalis na po ako at para makabili na po kami ng gamot," saad ng batang babae at mabilis na kami nitong tinalikuran.
"Aw!" hiyaw nito.
"Umayos ka nga!" saad ko rito.
"Mas maigi na 'yong sigurado," tugon nito sa akin.
"Alam mo, kung magbigay ka rin lang naman, dapat galing sa puso. Kung sakali mang niloloko niya tayo, ang Panginoon na ang bahala sa kanya. At least, hindi natin ipinagkait ang tulong na hinihingi niya. Lalo na at nasa kapangyarihan din naman sa ating mga kamay, hindi ba?" tugon ko sa kaibigan.
"May magagawa pa ba ako?" ani Delilah.
Masayang kinain namin ang limang chicharon at limang popcorn. Langhap ko ang sariwang-hangin. Kahit kailan talaga nakaka-relax ang hangin habang kaharap ang dagat. Tila ba napaka-payapa ng aking kaisipan.
Sinamyo ko ang sariwang-hangin. Ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin. Nang biglang mag-ring ang aking cellphone. Kunot-noo na tiningnan ko iyon. Si Tita Celina ang nasa kabilang linya.
"Tita napatawag ka po?"
"Bukas pwede ka ng mag-start sa part time mo. Si Seth na ang bahala sa'yo, okay? Out of town kami ng Tito mo ngayon. Sige na, I need to hang this call. Bye."
May sasabihin pa sana ako rito ngunit pinatay na nito ang tawag. Napahilot ako sa sariling sentido. Si Seth na naman? Damn!
"O, ba't sambakol 'yang mukha mo? Sino ba ang tumawag?"
"Si Tita Celina. Baka mag-uumpisa na ako sa part time job ko sa MI. Hindi ko pa alam kung saang department ako i-assign ni Seth."
"Uh, oh. Si Seth? Naku, problema mo na naman 'yan," palatak ni Delilah sabay kagat ng chicharon.
"Ikaw ba walang problema?" balik-tanong ko rito.
"Marami. Isa pa, 'yang kapatid ni Seth na si Nathaniel. Isa pa 'yon! Naku, gusto kong i-untog ang mga ulo ng magkapatid na 'yan, promise!"
"Bakit, hindi ka pa ba tinutulungan ni Nathaniel para linisin ang side mo? Paano ka niya'n makabalik sa ballet class mo kung may mitsa ang image mo dahil sa maling rumors?"
"Iyon nga rin talaga ang pinoproblema ko, e. At dahil nga sa pagiging makulit ko, wala akong mapasukang matinong trabaho dahil sa hinaharang niya lahat ng mga in-applayan ko," nakasimangot na tugon ni Delilah sa akin.
Nakaramdam tuloy ako ng pagkamuhi para kay Nathaniel. Isa pa 'yon, mana sa kuya niyang walang-puso at puro na lamang pride ang ipinapairal. Mga lintik!
"Makulit ka saan?" kunot-noo kong tanong dito.
"Sinusubukan kong lapitan siya para hingin ang tulong niya pero wala. He ignore me, Beauty. Damn!" ani nito, pagdakay napaluha itong bigla. Saka rumehistro sa isipan ko ang pagkamatay ng ama nito.
"Sshh, don't cry. Pasasaan ba't malalampasan din natin ang lahat ng 'to. Magkaibigan nga talaga tayo. Alam kong mas mahirap ang kalagayan mo kaysa sa'kin. I know na darating ang oras na magiging okay din ang lahat."
"Problema ko talaga si mommy. Sana naman maging okay na siya. Para naman makahinga na ako ng maayos," tugon nito sa akin.
"Sige lang, magtiis ka na lang muna. Alam ko namang kaya mo 'yan. Isa pa, narito lang ako handang umalalay sa'yo," nakangiting saad ko rito.
"Thank you, hindi ka lang kaibigan para sa'kin, parang kapatid na rin."
"Same here. Sino pa ba ang magdadamayan kundi tayo lang ring dalawa."
Napasulyap ako sa relong-pambisig. It's 7:48 in the evening. Inaya ko na si Delilah na umuwi na kami. As usual sumakay ng jeep hanggang sa makauwi kami sa aming destinasyon.
Nakangiting binati ako ng dalawang guard nang mansion. Pumasok ako sa loob at inaasahan ko na naman si Seth sa sarili kong silid. Sana wala ang hudyo. Malayo pa lang ako ay nagulat na ako sa malakas na tugtog na iyon. Parang may party?
"Mabuti naman at umuwi ka na! Jusko, hinahanap ka ni sir Seth para pagsilbihan mo raw sila," problemadong turan ni Aling Melba sa akin.
"Po? At ako po talaga?" gulat kong tanong dito.
"Naku, hija. Baka pag-tripan ka na naman ng gago nating amo. Palibhasay wala rito ang mga magulang. Maiba ako, tumawag ba sa iyo si Ma'am Celina?"
"Opo, kanina po."
"Alam mo na bang out of town sila ngayon? Pansin mo ba ang ingay? May party kasing isinagawa si Sir Seth," ani Aling Melba sa akin.
"Gano'n po ba? Kaya pala ang ingay nang dumating ako," saad ko sabay hilot sa aking sentido.
"Kumain ka na ba? Nasa kusina si Nanay Neri mo at kanina ka pa no'n hinihintay."
"Hindi pa po, sige po at nagugutom na rin po ako," saad ko at mabilis na tinungo ang kusina. Pero bago ko pa man marating ang kusina, nagulat na lamang ako nang may mga kamay na humila sa akin patungo sa madilim na area ng mansion. Damn!
"Let me go, Seth! Ano ba!" asik ko rito. Amoy pa lang nito kabisado ko na.
Nabitawan ko ang aking bag nang awtomatikong pinaharap ako nito at walang-gatol nitong inangkin ang aking mga labi. Pucha!
Aaminin kong masarap humalik si Seth pero hindi ako pwedeng magpadala rito. When it comes to this kind of manner expert ito. Well, kilalang notorious playboy at iba't ibang babae ang nali-link dito. At ayokong maging isa sa mga babae nito. Pero paano nga ba kung sa palaging pagpapalasap nito sa'kin ng nakakadarang na halik ay matupok na ako? Damn! Kailangan kong paganahin ang utak. Inipon ko ang aking lakas pero wala pa rin akong magawa pero nanatiling nakatikom ang aking bibig. Ngunit nang pisilin nito ang kabila kong hita, awtomatikong naibuka ko ang aking labi dahilan para maipasok nito nang tuluyan ang mapangahas nitong mga dila. Habol ko ang hininga. F*ck! Mabuti na lamang at pinakawalan ako nito. At sa sobrang inis ko. Dumapo ang isang palad ko sa makinis nitong pisngi.
"F*ck you!" malutong kong mura rito.
"Damn you!" asik nito at marahas ako nitong hinila. Nagwawala ako sa sobrang inis.
"At saan mo ako dadalhin?!" asik ko rito. Nagulat na lamang ako nang buhatin ako nito gamit ang matipuno nitong mga bisig, pagdakay naglakad patungo sa grand staircase ng mansion papunta sa kwarto kung saan ang kwarto nito. Nanlaki ang aking mga mata. What the hell!
Mabilis ang kilos ni Seth, pumasok kami sa sarili nitong kwarto at masuyong ibinaba ako nito. Mabilis na in-locked niya ang pinto. Muli, sinampal ko ito sa pangalawang pagkakataon.
"F*ck!"
"Mas f*ck you ka! Gago! Ang kapal ng mukha mo!" asik ko at inis na sinuntok ko ang matipuno nitong dibdib. Hanggang sa mapagod ako. Pagdakay napaluha ako. "I hate you, ang kapal ng mukha mong saktan ako. Respeto, hindi mo man lang maibigay sa akin?"
"I told you, aalis ka rito o magsasawa ka sa gagawin ko sa'yo? Nagmatigas ka, the face all the consequences!"
"Hayop ka, Seth!"
"Yeah, I am a monster. At hindi ko itatanggi iyon. Hindi ko makakalimutan ang panahon na nakunan ang ina ko dahil sa'yo. Asahan mong mangyayari ulit sa'yo ang mga nais kong gawin sa katawan mo. You're like a fire of temptation that it's hard to resist, Beauty," seryosong tugon nito sa akin. Sinalubong ko ang galit at mga mala-asul nitong mga mata.
"Alam kong useless lang din kung magreklamo ako sa mga awtoridad dahil kaya mo namang baliktarin ang batas. At alam kong wala ring maniniwala sa'kin kung sakaling mag-file ako ng rape sa'yo!"
"Excuse me? Hindi rape ang tawag do'n. French kiss. Mabuti naman at naisip mo 'yan. Nasa iyo pa rin ang desisyon. Aalis ka o sadyang gusto mo lang din talagang gawin ko sa'yo lagi ang bagay na 'yon. Ingat ka at baka hanap-hanapin mo," nakangising turan nito sa'kin, tumaas ang sulok ng labi nito habang hinahagod ang dalawang pisngi na sinampal ko. Deserved sa mga gagong katulad nito.
"Really, o baka naman ikaw ang talagang hindi makaget-over sa mga labi ko?" pang-aasar ko dito.
"Aaminin kong I like the taste of your sweet lips. It's addicting, at hindi ako magsasawang angkinin 'yan ng paulit-ulit. Hindi kita titigilan hangga't hindi ka nahuhulog sa temptasyon na hatid ko, Ms. Galvez," nakakaloko nitong tugon.
Napalunok ako sa narinig mula rito. Damn it! So, he was trying to seduce me? Pucha! At aaminin kong nagtagumpay ito. Minsan hinahanap-hanap ng katawan ko ang init ng katawan nito at ang pamilyar nitong amoy na tila naghatid kiliti sa aking kaibuturan. Pero pilit ko iyong binabalewala at pilit na nilalabanan.
"Kahit kailan hindi ako magpapadala sa iyo. Kinamumuhian ko ang gagong katulad mo, Seth. Hangga't kaya kong labanan ang temptasyon na inilatag mo sa'kin lalaban ako!" matapang kong tugon dito.
Ngumisi lang ang walanghiya at naghubad ng damit sa harapan ko. Pinipigilan ko ang mapasulyap sa nakakaakit at mala-Adonis nitong katawan na talaga namang niluluhuran ng mga ilang kababaihan.
Dahan-dahan itong lumapit sa akin. Hindi ako umatras. No way! Bagkus ay tumalikod ako at tinungo ang pinto pero sa malas naka-lock iyon. Pinukol ko ng matalim na tingin ang nakakaakit na ngisi ni Seth. Yeah, he is smiling at me like an annoying idiot. Asshole!
"You can't open that door because I locked it," pang-aasar nito. Napasandal ako sa pinto nito. At mabilis ang kilos na na-corner ako nito. I can smell his minty breath. F*ck! Sinubukan kong itulak ang malapad nitong dibdib pero hindi ako nagtagumpay. Pinagtagpo nito ang aming mga noo. At masuyo nitong itinaas ang aking baba.
"Hard to get?" sarkastikong turan nito.
"Magkaiba ang hard to get sa ayaw!" asik ko rito. Marahas na tinanggal ko ang kamay nitong nakahawak sa aking baba. "Let me leave out of here! Damn you!"
"What if I won't, may magagawa ka ba? Tingnan natin kung hanggang saan ang pagpipigil mo, Ms. Galvez?" ani nito at walang-gatol nitong sinakop ang aking mga labi. Marahas. May pagpaparusa. Damn it!
Makaraan ang ilang minuto, naging mas maingat na ang galaw ng mga labi nito. Pagdakay tumigil ito. Napangisi. "You really hate me, huh?"
"F*ck you!" malutong kong mura at saka nag-uunahang tumulo ang mga luha mula sa aking mga mata. Damn! Naiinis ako sa sarili ko!
"Thank you, then, you may leave!" asik ni Seth sa'kin. Sa wakas ay binuksan nito ang pinto. Mabilis ang kilos ko na umalis sa kwartong iyon. Bullsh*t!
Ngunit gano'n na lamang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita ko sina Devon, Rico, at Leonard. What the heck!
"Beauty? A—ano'ng ginagawa mo sa kwarto ni Seth?" gulat na turan ni Rico sa akin. Hindi ko maapuhap ang tamang sagot. Damn! My mind is currently out of its state. Argh!
"We're having s*x, why?"
Napalingon ako sa kinaroroonan ni Seth na ngayo'y nakangisi lang. What the!
"F*ck!" sabay na mura nang tatlong lalaki.
At dahil sa wala na akong mukhang ihaharap sa tatlo dahil sa pahayag ni Seth, wala akong choice kundi ang lampasan ang mga ito. Agad na tinungo ko ang kinaroroonan ng aking kwarto. Damn! Pinalis ko ang ilang mga luha mula sa aking mga mata. Bwesit talaga ang lalaki na 'yon!
Sumampa ako sa aking kama at doon ibinuhos ang lahat ng galit, poot at inis para sa lalaking walang-kwenta. Damn it! Hanggang sa makatulugan ko ang pag-iyak.
***
KAHARAP KO sa hapag kainan si Seth. Mabilis ang kilos na inubos ko ang aking breakfast. Hindi ako sasabay dito. Damn!
"Sa akin sa sasabay, do you understand?" may awtoridad sa boses nito.
Hindi ko ito sinagot. Tinungo ko ang sink at nag-toothbrush. Pagkatapos ay tinungo ko ang aking kwarto para magbihis. Nang marating ang sariling kwarto, siniguro kong naka-lock ang pinto, iwas para hindi makapasok si Seth.
Hinubad ko ang aking damit at nagbihis ng uniform. Sinuklay ang buhok at nag-spray ng pabango. Muli, naalala ko sina Rico, Devon, at Leonard kagabi. Muling bumangon ang galit, inis at poot ko para kay Seth. Damn it!
Dinampot ko ang aking bag at mabilis na lumabas ng aking kwarto. Tinungo ko ang grand staircase ng mansion at bumaba diretso sa labasan.
"Beauty, pasensiya na pero ang bilin ni Sir Seth huwag ka raw lumabas muna hangga't hindi pa siya lumalabas. Pakiusap, ang bilin niya'y 'pag hindi ka namin na kumbinsi tatanggalin niya raw kami sa trabaho," problemadong tugon sa akin ni Manong guard. Damn, nagtangis ang aking bagang sa narinig. What the!
"Sinabi po niya iyon sa inyo?!" hindi makapaniwalang tanong ko rito.
"Oo, hija. Kaya pakiusap, makinig ka naman sana."
"Alang-alang po sa inyo," sagot ko. Maya't maya'y napansin ko ang kulay itim na Bugatti ni Seth. Napasimangot ako.
"Get in!" utos nito sa'kin.
Nakasimangot na binuksan ko ang pinto ng kotse nito at padabog na pumasok sa loob. Nagtaka ako nang hindi pa rin ito umandar, napasulyap ako sa aking relong-pambisig. "Gago ka ba, wala ka bang planong patakbuhin ang letseng kotse mo! Mala-late na ako, ano ba!" reklamo ko rito.
"Hindi mo ako driver kaya dito ka sa front seat maupo. Do you understand?" sarkastikong sagot nito.
"Bwesit!" asik ko at mabilis na umibis at padabog na sinara ang pinto. Binuksan ang pinto ng front seat at padabog na naupo.
"Buckle your seat belt," seryoso ang awra nito. Infairnes, ngayon ko lang napansin na nakasuot pala itong ng business suit. Oo nga pala, isa nga pala itong CEO sa MI. Hindi ko maipagkakaila ang nakaka-relax na amoy nang pabango nito na tila nanunuot sa aking ilong.
Hindi maipinta ang aking mukha. "Bakit mo pinagsabihan sina Manong guard na tatanggalin mo sila sa trabaho?" galit kong tanong dito.
"Answer you own question. I don't have time to discuss that nonsense question of yours, just shut up!"
"Wow, talaga lang? Ang kapal ng mukha mo, dahil kung tutuusin hindi ba't umaasa ka pa rin sa mga parents mo, at sino ka para tanggalin ang ilang guards na hindi mo naman mga tauhan?" palatak ko rito. Nakita ko kung paano nagtagpo ang makakapal na kilay nito.
"Titigil ka sa kakatalak mo o hahalikan kita?" banta nito sa'kin. At agad naman akong tumigil. F*ck! Sumilay ang pilyong ngiti sa mga labi nito nang mapansing tumigil ako.
"Damn you!" asik ko.
"Thank you, darling. Takot ka palang mahalikan?" tudyo nito.
Sa inis ko ay hinampas ko ito ng aking bag. "Gago ka!"
"Hey, I'm driving!" reklamo nito at mabilis na inihinto ang kotse.
"F*ck you, alam mo bang late na ako!" galit kong tugon dito at inis na ipinakita ang relong-pambisig na suot ko. "Tingnan mo ang oras, hindi ka pa ba tapos sa pang-aasar mo sa'kin, ha?!"
"Talagang mala-late ka kung ganyan ka, could you just stop acting like a child?!"
"Hoy, excuse me? Sabihin mo 'yan sa sarili mo!"
"Whatever," ani nito sa akin. Umirap ako rito at inayos ang aking uniform. Damn! Paano na 'to ilang minuto na akong late? Napapikit ako sabay hilot ng sariling sentido.
Pagdakay pinaandar na nitong muli ang kotse patungo sa unibersidad na pinapasukan ko. Nagulat ako nang sumenyas si Seth sa ilang guards na nakabantay sa gate ng school.
"Dito na lang ako," ani ko rito.
"Shut up! Ihahatid kita hanggang sa looban ng campus," his deep baritone voice sent an authoritative aura.
"P—pwede ba 'yon?!" gulat kong tanong dito.
Hindi ako nito sinagot, bagkus ay ipinasok nga nito ang sasakyan nito sa looban ng campus. Namula ang aking pisngi. Pansin ko ang ilang mga estudyante. Takaw-pansin ang mamahaling kotse ni Seth. Damn!
"Bakit mo naman kasi pinasok pa, kainis!" palatak ko.
"Ano bang problema mo? Hindi ba't late ka na? Mas lalo ka lang ma-late kung maglalakad ka pa? Imbes na magpasalamat ka pa nga sa'kin, ikaw pa ang galit? Hirap mong ispelingin!"
"Stop, narito na tayo. Pucha! Nakakahiya nga namang lumabas," ani ko pa. Nagulat na lamang ako nang mas mauna pang umibis si Seth sa akin. Aba't ang hudyo naging gentleman at pinagbuksan ako ng pinto. At ano'ng nais ipalabas ng gagong 'to? Sh*t! Tiyak kong nag-aabang na naman ang mga Marites ng buhay ko. The heck! Kainis talaga ang lalaking 'to.
Humugot ako ng malalim na buntong-hininga saka nagpasyang umibis ng kotse. Nakayuko ako dahil nahihiya ako. Damn! Naririnig ko ang ilang impit na sigawan nang mga schoolmates ko. Sino ba naman ang hindi kikiligin kung harapan ng mga itong nakita si Seth Montenegro? Argh!
"Omg! Si Seth nga!"
"Jusko ko, gusto kong magpa-picture!"
"Ang hot! Sobrang gwapo!"
"Hala! Si Seth Montenegro!"
Ilan sa mga naririnig ko. Pagdakay sumunod na ang tiliian at dinumog na nga si Seth ng mga babae. But not so fast dahil agad itong pumasok sa sariling kotse.
"Aw!" daing ko nang maramdaman ko ang heels ni Delilah. Pucha! Inapakan ba naman nito ang daliri ko sa paa.
"Sorry pero ano 'yong nakikita ko? I thought you hated him? Ano 'yong may pahatid-hatid effect na 'yon?" sarkastikong tanong nito sa akin.
Inis na kinurot ko ang tagiliran nito dahilan para mapahiyaw din ito. Hindi maipinta ang mukha nito.
"Luka ka, masakit 'yon, a!" reklamo nito.
"Nang-aapak ka, e!" inis kong tugon dito.
"Siyempre ginulat mo ako. Sino ba namang hindi magugulat. Galit ka sa taong 'yon tapos makikita ko na lang na inihatid ka dito? Ano 'yon?!" saad nito sabay kumpas ng kamay sa ire.
"He insists, hindi ako, okay?"
"What?! Totoo ba 'yan?" hindi makapaniwalang turan ni Delilah sa akin.
"Well, I'm sure na inutusan lang siya ni Tita Celina. Kaya 'wag ka ng mag-overthink," sagot ko rito. "Let's go!"
"Wala si Prof. May inaasikaso daw."
"What?! Nagmamadali pa naman ako para lang hindi ma-late. Iyon pala walang tayong klase sa first subject natin?"
"Yeah, kaya let's go to our hide out para mag-aral. Para sa next subject natin."
Nailing na lamang ako, pero bago pa ako tuluyang naglakad, lumingon muna ako saglit. At nakita kong nag-eenjoy si Seth sa picture taking na nangyayari. "Duh, feeling artista!"
"Bitter, te? Mas sikat pa nga 'yan sa artista, e!" palatak ni Delilah.
"Tara na nga! Gusto kong kumain ng ice cream dahil high-blood ako ngayon," inis kong saad dito.
"Tamang-tama sa canteen na lang tayo mauna saka na lang tayo mag-aral."
Nagpatiuna na lamang ako sa paglalakad. Naiinis talaga ako. Pero bakit ba ako maiinis? Hindi ba dapat maging masaya ako dahil hindi ako na-late dahil wala naman si Prof.?
Ipinilig ko na lamang ang sariling ulo at mabilis na naglakad. "Bilisan mo maglakad, Delilah."
"Hintay, ang bilis mong maglakad. Can you walk slowly, will you?"
Hindi ko ito pinakinggan at nagpatuloy pa rin sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa canteen. Eksaktong wala gaanon tao at wala ang mga asungot dahil busy sa picture taking ng hudyong si Seth
Lumapit agad ako sa counter at nagbayad para sa ice cream, dalawa na ang kinuha ko, isa para sa akin at para kay Delilah. Pagkatapos kong magbayad ay binigyan na ako ng cashier ng dalawang ice cream. Cookies and Cream my favorite.
Mula rito ay kinuha ko iyon. Pagdakay inilibot ko ang tingin kung saang pwesto naroon ang aking kaibigan. Argh!