"TULALA KA na naman. Ano bang iniisip mo?" Nag-angat ako ng tingin at sumalubong sa akin ang kulay brown na mga mata ng kaibigan kong si Delilah. "Naisip ko lang 'yong nangyari kagabi. Naiinis ako kay Seth. Sabagay, wala naman akong pakialam sa iisipin ng mga tao sa'kin," saad ko rito pero naroon pa rin ang pangamba sa aking puso. Ano na lang ang iisipin nina Leonard, Devon, at Rico sa akin? Inis na nagpakawala ako ng isang marahas na hininga. "Hoy, ice cream mo natunaw na dilaan mo dali!" Agad ko naman iyong dinilaan. Eksaktong na-ispatan ko ang seryosong mukha ni Rico. Damn, paano ba nakakapasok ang mga ito sa unibersidad gayong mahigpit na ipinagbabawal ang mga outsider sa paaralan namin? Una si Devon kahapon, ngayon, heto. Tiyak kong nakita nito si Seth. I act normal na paran