Teaser
"Beauty, pakidala ng mga ito sa hardin. Wala ka bang pasok ngayon?" tanong ni Aling Melba sa'kin.
"Po? W-wala po, sino po ba ang nasa hardin, Aling Melba?" kinakabahang tanong ko dito.
"Si senyorito Seth at ang mga kaibigan n'ya sa trabaho. Nagka-inuman yata sila. Parang celebration yata ang idinaos nila. Ang sabi pa ay may party mamaya dito sa loob ng mansion mamayang gabi. Malawakang pagod na naman ang igugugol natin nito."
"Sa'kin po walang problema, basta lang hindi mapagod si Mama mamaya," nakangiting sagot ko kay Aling Melba. "Dadalhin ko na po ba ang lahat ng 'to?" tanong ko dito habang inaayos ang ilang mga lemonade sa tray. Hindi ko pa rin mapigilan ang sarili na kabahan. Ang isipin na naroon si Seth ay nakaka-kaba. Pero kailangan. Damn!
Nagpakawala muna ako ng marahas na hininga saka tuluyang naglakad patungo sa hardin. Ramdam ko ang malakas na pagkabog ng aking puso habang papalapit sa kinaroroonan ng mga kalalakihan. Tantiya ko ay puro mga businessmen ang kasama ni Seth. Nang tuluyan na akong makarating sa kanilang gawi. Huminto ang tawanan at kwentuhan.
"Sir, narito na po ang mga lemonade's," simpleng saad ko kay Seth, saka ako napasulyap sa mga kasamahan nito at simpleng napatango. Iniiwasan kong magtagpo ang mga titig namin ni Seth.
"She's beautiful." Narinig kong ani ng isang tinig na tantiya ko'y isa sa mga kasamahan ni Seth.
Hindi ko napigilan ang sarili at kusang namula ang dalawa kong pisngi. Napayuko ako sa sobrang hiya. Damn! Mas lalong bumilis ang pagkabog nang aking puso nang lumapit sa'kin ang gwapong binata.
"I'm Rico Tan, and you are?"
Maririnig ang ilang kantiyawan na mas lalong nagbigay lakas na mas kumabog pa ang aking dibdib. Tiyak akong pag-iisipan na naman ako ng masama ni Seth at sasabihing malandi akong babae. Hindi ko rin kayang i-reject si Rico dahil magmumukha naman akong bastos sa paningin ng lahat ng naroon.
"I'm Beauty Zelva," nahihiya kong tugon kay Rico.
"Your name suit's you. My pleasure to meet you, Ms. Zelva."
Napayuko ako sa sobrang hiya. "Likewise, sir Tan," pagdaka'y sagot ko.
"Oh, please dear, drop the sir, call me Rico."
"P-pero—" nahihiya kong sagot kay Rico habang iniiwasan kong mapasulyap sa gawi ni Seth.
"Rico, call me Rico."
Wala akong choice kundi ang ngumiti sa gwapong nilalang na nasa harapan ko. Nagkatitigan kami. Gustung-gusto ko ang maitim nitong mga mata. Tila ba may ipinapahiwatig iyon na hindi ko mawari. Ngunit, naputol lamang ang titigan naming iyon ng bigla kong marinig ang pagtikhim ni Seth.
"Rico, a-aalis na 'ko. Kukunin ko pa 'yong mga cookies," saad ko at nagmamadaling umalis, sa malas ay nabunggo pa ako sa isang malaki at gawa sa antique na vase. What the.
"Argh!" mahinang daing ko.
"Are you okay?"
Napaangat ang aking tingin. At nagulat ako nang makita ang bagong mukha ng isang lalaki.
"I'm Devon Lee. Umalis ka kasi bigla kaya hindi ko tuloy na introduce ang sarili ko."
"Hi, D-Devon, ako naman si Beauty," nahihiyang saad ko dito.
"Devon!"
Kapwa kami napalingon ni Devon sa kinaroroonan ng tinig. Si Rico, na ngayo'y tila matalim na nakatingin sa binatang si Devon. Hindi ko na pinansin pa ang masamang titig na iyon ni Rico para kay Devon. Napaka-assuming ko naman kung sakaling nagseselos agad ito. Hindi naman ako kagandahan para pag-agawan nang mga lalaking tulad nila.
"S-salamat, Devon. Kaya ko na naman," nahihiyang sagot ko kay Devon. Sumenyas ako kay Rico. Ngumiti ito sa'kin. "Kukunin ko lang 'yong cookies," saad ko dito.
"Sasamahan na kita." Hirit pa ni Devon sa'kin.
"Naku, hindi na. Ako na. Maghintay ka na lang do'n. Mabilis lang naman ako, sige na," muli ay tugon ko habang naiilang sa mga titig nitong tila nakakatunaw. Damn! Sanay na ako na gano'n ang mga lalaki sa'kin pero totoong hindi ako komportable. Mabuti na lamang at hindi na nangulit pa sa'kin si Devon. Mabilis na tinungo ko ang kitchen. Ngunit, nagtaka ako ng hindi ko madatnan roon si Aling Melba.
Nakita ko ang tray ng cookies na nasa round table. Nilapitan ko iyon at kinuha. Akmang babalik na sana ako sa hardin ng bigla akong hilahin nang kung sino at marahas na isinandal sa malamig na pader. Nabitawan ko ang tray ng cookies. Kinabahan ako nang maamoy ang alak sa lalaking biglang nanghila sa'kin. Agad akong nagpupumiglas.
"Who are you?!" gulat kong tanong. Ramdam kong isa ito sa mga kasamahan ni Seth.
"I want you, and I like you. Babayaran kita matikman lamang kita."
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Inipon ko ang lahat ng aking lakas at marahas na itinulak ang naturang lalaki. Pero bago pa ako tuluyang makalayo hinila nito ang aking buhok. Napangiwi ako sa sobrang sakit.
"You can't escape from me, little cupcake."
"Damn you! Bitawan mo ako!" asik ko, ramdam ko ang mabilis na t***k ng aking puso. Dios ko. Sinubukan kong manlaban ngunit sa malas ay sinuntok nito ang aking sikmura. Nanghina na ako roon ng tuluyan. Pinipilit kong huwag pumikit, inaaninag ang mukha ng taong lapastangang gusto akong gahasain.
Napangiwi ako sa sobrang sakit. Wala na akong lakas pa para labanan ang demonyong nasa harapan ko. Hanggang sa tuluyan na nga akong lamunin ng dilim.
NAGISING ako sa isang malambot na kama. Pinakiramdaman ang sarili. Bumungad sa'kin ang magandang mukha ni Mrs. Celina Montenegro. Ang magandang may-ari ng mansion kung saan nagtatrabaho ang aking mahal na ina. Pansin ko ang labis na pag-aalala sa anyo nito.
"Ma'am Celina!" bulalas ko.
"Beauty, magpahinga ka na muna."
Kumunot ang aking noo ng hindi ko makita si Mama. Supposed to be si Mama ang dapat na unang makita nang aking mga mata.
"Ma'am, ano pong nangyayari? Si Mama po?" tanong ko, kasabay niyo'n ay ang pagkabog ng aking dibdib.
Biglang bumukas ang pintuan ng aking kwartong kinaroroonan. Ngayon ko lang napagtantong nasa ospital pala ako.
Sinubukan kong bumangon ngunit napangiwi lang ako sa sakit sa may bandang sikmura ko. What the! Saka ko lang naalala ang muntikang nangyaring panggagāhasa sa'kin. Naikuyom ko ang aking dalawang-kamao.
"Seth, already filed a case against Rhanzel Ty."
Narinig ko ang malalim na buntong-hininga ni Ma'am Celina. Hindi ito makatingin sa akin ng diretso. Hanggang sa lumuha na nga ito sa aking harapan at niyakap ako ng buong-higpit.
"Aksidenteng nadapa ang Mama mo nang subukan ka n'yang iligtas sa mga kamay ni Rhanzel. And—nabagok ang ulo n'ya. Na s'yang nagsilbing mitsa ng kanyang buhay."
"No! Hindi po 'yan totoo! Hindi! Hindi!" sigaw ko, kasabay ng mga luhang nagsibagsakan mula sa aking mga mata. Sinubukan akong patahanin at aluin ni ma'am Celina pero mas nanaig ang hindi mapigilang emosyon na namayani sa akin. Para akong nawalan ng lakas. Hindi ako makapaniwalang patay na ang aking ina.
"Nandito naman kami ni Lucas. Hindi ka namin pababayaan."
Ramdam ko ang mahigpit na yakap ni Ma'am Celina sa'kin. Pero hindi niyo'n matatanggal ang sakit sa biglang pagkawala ng aking mahal na ina. Mas lalo pa akong humagulgol.
"Kung hindi ka lang sana nagpakita nang motibo sa mga kaibigan ko hindi mangyayari ang nangyari sa'yo. At sa aksidenteng pagkamātay ng ina mo."
"Stop it, Seth!"
Narinig ko ang boses ni Seth. At ang boses ng ina nito na pilit sumasaway dito. Wala ako sa huwisyo para makipagtalo rito. Ang alam ko lang, napakalungkot ng buhay ko. Dāmn it!
"By the way, si Seth nga pala ang nagligtas sa'yo nang muntik kang gahasain ni Rhanzel, hija."
Parang bomba iyon sa aking pandinig. Hindi ako makapaniwala. Si Seth ang nagligtas sa akin? Imposible! He hated me. Hindi ba't isa si Rhanzel sa mga kaibigan nito? Paano kung inutusan lang pala nito ang kaibigan na gawin iyon sa akin at lahat ng 'yon ay puro palabas lang para maging maganda ang papel nito sa mata ng mga magulang?
Napasulyap ako kay Seth. Our eyes locked. Wala akong maaninag sa mga matang iyon kundi galit, poot at pandidiri. The hell I care!
"Salamat," plastik kong saad dito.
Hindi ako nito sinagot. Bagkus ay nakatitig lang ito sa akin ng mataman. Tila wari bang pinag-aaralan nito ang aking ekspresyon. Hindi kumbinsido sa aking sinasabi. His lips twitched in a teasing manner.