Kabanata 6

3179 Words
Nakatitig lang ako sa kopitang nasa aking harapan. Kasalukuyang kausap ni Seth ang ilang mga business men sa katabing mesa namin. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang panaka-nakang pagsulyap ng mga ito sa akin. Hanggang sa magpasya na lamang akong galawin na ang pagkain, since dinner time na. Italian Bruschetta Bar, Cedar Plank Salmon with Blistered Tomatoes and Jambalaya. Ang ilang mga pagkaing nasa aking harapan. Looks so yummy, and when I taste it. Masarap nga! "Who is she, is she is your girlfriend?" Narinig kong tanong ng lalaki na kausap ni Seth. "Nope, she's my fiancee." Awtomatikong nanlaki ang mga mata ko sa sagot na iyon ni Seth, nabilaukan ako bigla sa aking kinain. What the f*ck! Is he serious? Gago ba ang lalaking 'to? "Hey, careful. Wala ka naman sigurong kaagaw diyan sa mga kinakain mo? Gutom ka na ba talaga?" ani Seth sa akin sa mahinang boses. "Ayusin mo kasi ang sagot mo diyan sa kausap mo? Huwag mo akong gawan ng issue, tiyak akong gigiyerahin ako ng mga babae mo," inis kong sagot dito sa mahina ring boses. "Dahil do'n din naman ang punta natin, kaya ano pa bang itatago ko?" Napahilot ako sa sariling sentido. "Gago ka ba? Paano kung kumalat 'yan? Hindi mo ba alam na maraming baliw sa'yo? At 'pag ako pinag-initan ng mga obsessed fans mo, humanda ka sa'kin, Montenegro!" "Then, that's not my problem anymore. Lalayas ka sa mansion o magpapakasal ka sa'kin, plus you must face all the consequences after our damn, bullsh*t wedding?" "You're such a damn, stupid asshole!" asik ko rito. "I know, so be ready, babe!" "Damn you!" "I am damn more than you think, kung hindi ka aalis sa mansion, then, ako ang gagawa ng paraan para umalis ka!" "Hindi kita maintindihan gago ka!" asik ko rito, pero nanatiling mahina lamang ang aming mga boses. "Bakit, sinabi ko bang intindihin mo ang isang tulad ko?" "Walang patutunguhan ang pag-uusap nating ito kung isang gago lang din naman ang siyang kausap ko!" "Hah, ang gwapo naman yata ng gago na tinutukoy mo?" "Oh, c'mon! Really, saan ka ba banda naging gwapo? Gosh, ang tunay na gwapo nasa dalisay na puso hindi lamang sa panlabas na anyo, Montenegro!" "Sino ka para i-judge ako, Ms. Galvez?" Sasagutin ko pa sana ang sarkastikong tanong na iyon ni Seth sa akin nang may tinig na biglang nag-interrupt sa conversation namin. "Excuse me, tapos na ba kayo sa pag-uusap ninyo?" Kapwa kami nahinto sa aming iringan nang lapitan kami ni Tita Celina. Sumalubong sa'kin ang nakangiti nitong mukha. Wala akong choice kundi ang bitawan ang matamis na ngiti mula sa aking mga labi. Nang mapasulyap ako kay Seth, kumindat lang sa akin ang impakto. Pero nakapaskil ang mapang-inis at nakakaloko nitong ngiti. "Yes, mom. By the way, happy birthday mom," ani Seth sa ina. "Thank you, son." "Happy birthday, ulit Tita. I heard your speech kanina and it was so amazing. And I think, nagbigay 'yon ng motivation at inspirasyon sa ilang mga narito," ani ko rito. "Thank you, Beauty. By the way, kumain na ba kayo?" "Opo, Tita," sagot ko at itinuro ang ilang pagkain na nasa mesang inukopa namin ni Seth. "Did Seth treat you nicely?" tanong ni Tita Celina habang ang mga mata'y nakapako sa mukha ng nakangising si Seth. "Yes, Tita. Wala naman pong problema," pagsisinungaling ko rito. "Good, ako'y babalik na sa aming mesa. Narito ako para lang kumustahin kayo. By the way, hindi ka na ba ginugulo ng mga impaktitang clown kanina?" "Hindi na naman po, Tita." "Mabuti naman, dahil kung hindi pa rin sila titigil, papaalisin ko sila palabas dito!" "Just don't mind them, Tita," saad ko na lamang dito. "Kaya ka inaapi dahil hindi ka marunong lumaban. Hindi sa tanang oras palagi ka na lamang nagpakumbaba, Beauty. Dapat palaban ka." "Yes mom, she is so palaban naman talaga. Kaya lang, mas pipiliin niya ang peaceful atmosphere kaysa patulan ang mga taong umiinsulto sa kanya. At kapag ako ang kaharap, daig pa ang amasona," singit ni Seth sa usapan namin. "Ayusin mo rin kasi 'yang ugali mo, Seth. Kaya kayo palaging nag-iiringan dahil na rin sa ugali mo. Alam ko kahit hindi niyo sabihing dalawa, alam kong may pagbabangayan at hindi pagkaintindihan na nangyayari sa pagitan ninyo. Hindi niyo na pwedeng takpan dahil kayong dalawa mismo ang naghayag n'on." Tumahimik na lamang kami ni Seth. Hanggang sa nagpasya na nga na lisanin ni Tita Celina ang aming table. Umirap ako rito at nilantakan na lamang ang masasarap na pagkain na nasa aking harapan. Palibhasay, gutom pa ako. "Hindi ka ba marunong magdahan-dahan sa pagkain?" "Pakialam mo ba?" "Malakas ka nga kumain. Pero bakit ang payat mo?" "Mind your own life, pwede ba?" asik ko rito. "Mr. Montenegro, pwede ko bang maisayaw ang magandang dilag na kasama mo?" Napatitig ako sa isang matangkad at gwapong lalaki na kanina lang ay kausap ni Seth. Ngumiti ito sa'kin kaya wala akong choice kundi gantihan ito ng matamis na ngiti. I saw how his smile so genuine. Napasulyap sa akin si Seth. "You can ask her," pagdakay sagot nito sa gwapong lalaki. Nakangiting lumapit ito sa akin at nagpakilala. Kasalukuyang tumutugtog ang malamyos na musika. At batid kong kanina pa ako nitong gustong maisayaw. Nang akmang lalapit na sana ito sa gawi ko nang biglang sumulpot sina Rico at Devon sa aking harapan dahilan para matigilan ang naturang lalaki. Nakaramdam ako ng kakaibang tension sa pagitan ng tatlong lalaki. Muli, napasulyap ako kay Seth. I saw how his lips twitch in a teasing way. I dart him a dead glare. He chuckled a little. "Rico, Devon?!" nakangiting bulalas ko sa pangalan ng dalawang lalaki na ngayo'y nasa aking harapan. "Excuse me?" sarkastikong saad ng naturang lalaki. Tumikhim ako at nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga. "Rico, Devon, pwede bang maupo muna kayo at may na una sa inyo, please guys don't be rude. Isa pa, ayokong ma-issue na naman. Respeto ang nais ko at kapayapaan. Nawa'y sana naman ibigay niyo 'yon sa'kin ngayong gabi bilang paggalang sa birthday celebrant. Ayokong maging dahilan para masira ang gabing 'to. Pakiusap." Napansin kong tumayo si Seth. Napasulyap ako rito. Humihingi ng tulong ang aking mga mata, na sanay ma-gets ng gago. Mukhang nag-enjoy pa yata ito sa nakikita. Sinalubong ko ang kulay asul na mga mata nito. Then, he wink at me. F*ck! Tila parang may naramdaman akong kakaibang kilig sa kaibuturan ng aking puso. What was that? Bullsh*t! "Sorry gentlemen but I guess, ipagdadamot ko muna ang partner ko. Tulad ng sabi niya, ayaw niya ng gulo. So, back off!" may awtoridad sa boses na iyon ni Seth, feel ko 'yong tila may pagbabanta. Lihim kong inilibot ang tingin sa paligid. At hindi nga ako nagkamali, nasa amin ang tingin ng lahat. And I saw how other girls raise their brows at me. Argh! Inilahad ni Seth ang isang palad sa harapan ko. Since wala akong choice. Pinaunlakan ko naman iyon. At iginiya ako nitong muli sa dance floor. Hindi na ako nag-abala pang sumulyap sa tatlong lalaki. "May sa gayuma ba ang ganda mo at lahat ng lalaki'y napapaamo mo?" Napaigtad ako nang maramdaman ang mainit na hininga ni Seth na tumatama sa aking leeg at punong-tenga. Damn! "Kasalanan ko bang may hitsura ako?" sagot ko rito. "Kasalanan mo rin dahil nagpapakita ka agad ng motibo. Bakit hindi mo sila kayang balewalain?" sarkastikong tugon nito sa'kin. "Ayoko lang maging bastos, Mr. Montenegro." "Really, is that really the case? O sadyang gusto mo lang talaga na lahat ng atensyon ng mga lalaki ay nasa iyo?" sarkastikong turan nito sa akin. "Nanggaling 'yan sa bibig mo at hindi sa bibig ko. Kahit kailan hindi ko naisip 'yan. Kahit hindi ko naman sila pansinin sila mismo ang lumalapit sa'kin," inis kong tugon dito. Makalipas ang ilang oras, naging maganda ang takbo ng naturang birthday party ni Tita Celina. Hanggang sa nagsiuwian na ang lahat. Agad na nagbihis ako ng damit para tumulong sa paglilinis pero pinigilan ako ni Tita. "No, just rest at may pasok ka pa bukas. I've heard about sa fast food na pinagtatrabahoan mo. Is it true na nagbawas sila ng employee at kasali ka sa tinanggal?" Napayuko ako nang marinig ang sinabi na iyon ni Tita Celina. "Opo, Tita." "Bakit hindi mo sinabi sa'kin agad. Pwede ka na bang magtrabaho sa kompanya," suhestiyon nito. Argh! Sabi na, e. "Naku, 'wag na po. T'saka, maghahanap na lang po ako ng ibang part time job. Pwede naman po sa ilang mga fastfood like Jollibee and McDonalds. Tumatanggap naman po sila," maagap kong saad dito. "Bakit ba tinatanggihan mo ang lahat ng offer ko sa'yo? Alam mo bang nasasaktan mo na ako, Beauty?" Damn, at talagang nag-drama pa si Tita Celina sa akin. Argh! "Tita, hindi naman po sa gano'n. Nahihiya po kasi ako sa inyo. Tulad na lang ngayon, imbes na tumulong ako sa ilang gawain pinipigilan niyo ako. E, hindi naman po ako prinsesa ng mansion na 'to. Please po, just let me stand po sa sarili kong mga paa. Tita kung alam niyo lang kung gaano ko na-appreciate ang pagiging mabait niyo sa'kin. Sobra-sobra na po ang lahat ng mga ipinapakita niyong kabaitan sa'kin. And I am thankful to God po at nakilala ko kayo ni Tito Lucas," madamdaming sagot ko kay Tita Celina. "Can I hug you?" "Sure Tita," saad ko at niyakap ito ng mahigpit. "Thank you so much po." "Sige na, matulog ka na. Thank you sa pa-gift mo." "Sana po magustuhan ninyo. Mura lang po 'yon pero galing po 'yon sa puso ko, Tita." "Good night, sweetheart. Once again, thank you." Nakangiting inihatid ko ng tingin si Tita Celina. And Seth block my sight. Kunot-noo na napatitig ako sa kulay asul nitong mga mata. May hawak itong isang kopita. Napasulyap muna ito sa ina bago ako hinarap na muli. "What are you doing here, Seth?" takang-tanong ko rito. "Waiting for you to get inside," ani nito at mabilis ang kilos na itinulak ako nito sa looban ng aking kwarto at kapwa kami nasa loob ng sarili kong silid. "Ano na naman bang gus—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ng bihagin nito ang aking mga labi. F*ck! Sinubukan kong manlaban dito pero sadyang malakas talaga ito. Damn it! Namumuro na ang lalaking 'to. Hanggang sa maramdaman ko ang matigas na pader sa aking likuran. Sh*t! Napaigtad ako nang maglakbay ang mga kamay ni Seth sa kabuuan ko. What the f*ck! Lintik lang at tila mapugto na ang hininga ko. Pilit ko na naman siyang itinulak. Argh! Nagpasalamat ako at huminto ito, ngunit saglit lang iyon. Muli nitong inangkin ang aking mga labi. Sa inis ko'y kinagat ko ang pangibabang-labi nito. "What the!" asik nito. "F*ck you!" "Hindi mo ba nagustuhan ang mga haplos at halik ko?" Halos magpanting ang tenga ko sa narinig mula rito. "Ano?! Hoy, gagong damuho. Alam mo bang pwede kitang sampahan ng kaso? Republic Act 11648, an act providing for stronger protection against rape and s****l exploitation and abuse?!" asik ko rito. Pinagtawanan lang ako ni Seth. Damn! Inis na lumapit ako rito at akmang sasampalin ito pero agad nitong napigilan ang isa kong kamay. "Don't you dare, darling. Ni minsan wala pang babaeng sumampal sa gwapo kong pisngi," nakangising turan nito na talaga namang may halong panunudyo. Pinukol ko ito nang nakamamatay na tingin. "Ang kapal ng mukha mong halikan ako, gago ka ba?!" "Aminin mong nagustuhan mo rin 'yon. Sa panahon ngayon hindi uso ang pabebe, Ms. Galvez. Hindi lingid sa'yo na maraming babaeng patay na patay sa'kin, hindi ba?" "Pwes, hindi ako katulad nila, stupido!" inis kong tugon dito. "Leave!" asik ko at itinuro ang pinto. "Nah, dito ako matutulog sa kwarto mo. Sa sahig ka, sa kama ako. Pwede rin sa couch ka na lang," saad ni Seth sa'kin. Tila umusok ang ilong ko sa sobrang inis. What the heck! Nagulat ako nang hubarin nito ang suot na t-shirt at pants at sumampa sa malambot kong kama. What the hell! Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang perfect masculine abs and tempting ass nito. Sh*t! Gago ba ang lalaking 'to? "No way! Umalis ka diyan, Seth! Ikaw Ang matulog sa sahig, bwesit ka talagang lalaki ka! At talagang nagawa mo pang mag-borless sa harapan ko? Ano'ng klaseng lalaki ka ba! Napaka-bastos mo at walang galang!" "Hindi ko kailanman ginagalang ang isang pokpok na kagaya mo, pabebe ka pa kung tutuusin gusto mo ring maangkin ang katawan ko na pinagpapantasyahan ng mga kababaihan," saad nito at balewalang nahiga lang sa malambot kong kama. Inis na dinampot ko ang throw pillow at inihampas dito. Tatawa-tawa lang ang gago. At nang mapagod ay kinurot ko ang pwet nito sa inis. "Aw, sa dinami-dami ng pwedeng kurutin pwet ko talaga pinagtripan mo?" nakangising tudyo nito sa'kin. "Get out!" sigaw ko sa mukha nito. "Kiss muna," nakangisi pa ring saad nito. Pagdakay pinasadahan ng tingin ang maganda kong mukha, pagdakay hinagod nito ng tingin ang aking buong-katawan. "Magkano ka ba para pumayag ka ng makipag-s*x sa'kin?" Inis na hinubad ko ang aking suot na sandals na may 3inches na heel at inis na ibinato kay Seth. Wala na talaga akong pakialam. "Ouch! Stop it, aw!" daing nito. Nagulat ako nang masugatan ko ang kabilang braso nito dahil sa heels ng aking sandals. "You deserved, idiot!" Sumeryoso ang mukha nito. At talagang napangiwi ito sa sakit. "Ikaw ang may gawa nito kaya gamutin mo 'to," utos nito sa akin. Nakakatakot ang awra nito pero hindi ako nagpatinag. Ano akala nito matatakot ako rito?! Never! "At sino ka para utusan ako na parang utusan mo, Mr. Montenegro. Well, nababagay lang sa'yo 'yan! Now, leave!" galit ko pa ring turan dito. "I won't and that's final. Then, kung ayaw mong narito ako, ikaw na lamang ang umalis," saad nito sa akin. "Ang kapal talaga ng apog mong lalaki ka! Inuubos mo pasensiya ko!" "Really? Kung tumahimik ka na lang sana riyan at hayaan na lamang ako hindi na hahaba pa ang usapan nating ito. At talagang may gana ka pang manakit sa'kin?" "Kulang pa 'yan sa mga pinanggagawa mo sa'kin, demonyo ka!" galit kong tugon at inis na tinungo ko ang banyo ng aking kwarto para hubarin ang suot na damit. I need to change my clothes. At gusto ko na ring maligo. Mabilis ang kilos na hinubad ko ang naturang damit. Nang tuluyan ko ng mahubad ito. Tila nakaramdam ako ng relaxation. Sa wakas! Feel ko 'yong ginhawa sa pakiramdam. Saka lang rumehistro sa isipan ko na hindi pala ako nakapagdala ng bagong damit na susuotin at nasa loob iyon ng wardrobe ko. Argh! Napapikit ako sabay tampal ng aking noo. Damn! Wala akong choice kundi ang utusan si Seth. Damn it! Binuksan ko ang pinto ng banyo at sumilip. Nakita kong ginagamot nito ang sariling sugat habang panay ngiwi. Jusko, kalaking tao takot sa alcohol? "Seth, pakikuha nga ng roba ko," ani ko rito. Nagbakasakali na tumalima ito. At hindi ko akalaing tumayo ito at halata sa mukha ang inis. Kinuha nito ang roba ko at inis na inihagis sa akin. "Thank you," ani ko rito. "May kapalit 'yan," saad nito. "Mukha mo!" inis kong sagot. Lumapad ang aking ngiti. Mabilis na naligo ako, pagkatapos ay isinuot ang pulang roba at lumabas ng banyo. Nadatnan ko ang tulog na si Seth. At talagang naghihilik pa ang hinayupak. Napasulyap ako sa braso nitong may sugat na ako ang may gawa. Damn! Mukhang ako pa yata ang nakapanakit sa makinis nitong braso. Nakaramdam tuloy ako ng guilt. Argh! Naupo ako at pinagmasdan ang sariling repleksyon sa salamin. Gamit ang hair blower pinatuyo ko ang aking buhok. Napasulyap ako sa nakahigang si Seth. Damn it! Aaminin kong napaka-hot nito. Mabilis na ibinaling ko ang tingin sa salamin. F*ck! Ano bang nakain ng bwesit na 'to at dito natulog sa kwarto ko? Iisipin ko na talagang may gusto ito sa'kin, pero imposible 'yon. Hindi ko maramdaman, e. Isa pa, insulto lang ang napapala ko sa makong na 'to. Biglang nag-vibrate ang aking cellphone. Dinampot ko 'yon. T'saka ko lang napansin ang ilang missed calls and messages. Pero hindi ko 'yon pinag-ukulan ng pansin. Napahikab ako, tanda na inaàntok na ako. Tinungo ko ang aking wardrobe. Kumuha ng damit pampatulog. Naisipan kong magsuot ng pyjamas kaysa magsuot ng nighties. Napakamot ako sa aking batok. Wala akong choice kundi ang matulog sa couch. Damn! Napasimangot na nahiga ako sa couch. Inayos ko ang aking sarili at pumikit. Hanggang sa hilahin na nga ako ng antok. *** "ANG daya mo, Beauty," himutok sa akin ng kaibigan kong si Delilah. "Hoy, Delilah Maria Daisy Dela Cerna hindi bagay sa'yo," asik ko rito. "May problema talaga ako, baon na kami sa utang," malungkot nitong tugon sa akin. "May ipon pa naman ako, pwede mo munang hiramin 'yon," saad ko rito sabay kagat ng sandwich na hawak ko ngayon. It's recess time kaya narito kami sa isang canteen. "Naku, 'wag mong galawin 'yon. Mas kailangan mo 'yon. T'saka, madiskarte naman ako sa buhay. Isa pa, balak ko talagang bumalik sa pagsasayaw ng ballet at mag-turo ulit sa mga bata." "Masaya akong marinig 'yan sa'yo, Delilah. Tiyak kong namimiss ka na ng mga students mo. By the way, kumusta na nga pala si Tita?" tanong ko rito. "She's fine, kahit na nga sabihing ang hirap ng buhay. You know," saad nito sa'kin. "Walang problemang ibibigay ang Panginoon na hindi natin makakayang harapin. Kaya fight lang tayo, kahit ang totoo nakakapagod na rin," ani ko rito. "Sabagay, tama ka nga riyan. Hindi madaling mabuhay sa mundo na puno ng pasakit at kalumbayan. Siguro nga, heto ang kapalaran nating mga tao." "Hindi naman talaga natatapos ang problema hangga't buhay pa tayo. Isa pa, kaakibat na natin 'yan. Isa lang naman ang pinanghahawakan nating mga tao, magtiwala sa taas at kumilos para malampasan ang mga pagsubok sa buhay," saad ko rito. Gusto ko lang ipaalala rito ang reyalidad na nangyayari sa buhay ng tao sa mundong ibabaw. Tumunog ang bell hudyat na kailangan na naming bumalik sa classroom. Sabay na tumayo kami ni Delilah at tinungo ang aming silid-aralan. As usual, nasa amin ang lahat ng atensyon ng aming mga kaklase. Palibhasay, kami ang ulam ng mga ito for today's memes. "Wearing a ball gown na hindi naman nababagay sa isang basahang katulad niya." "Oh, I see. Well, ang basahan kahit ano'ng gawin basahan pa rin!" "At akala mo naman kung sinong pinaka-maganda!" "Bibigwasan ko na ba ang mga bunganga ng mga 'to?" gigil na bulong sa'kin ni Delilah. Napapikit ako at ngumiti rito. "Relax, okay? Here, mag-aral ka na lang at may quiz tayo today," sagot ko na lamang dito. Umikot lang ang eyeballs ni Delilah sa'kin dahilan para mapangisi ako. "Gaga ka talaga." "Fine, mag-aaral na lang ako kaysa pansinin ang mga mukhang clown daw sa party kagabi," parinig ni Delilah sa mga kaklase naming Marites. Argh! Lihim na lamang akong napangiti. Lukaret talaga itong kaibigan ko. Narito kasi sa classroom namin ang dalawang clown kagabi na kaibigan ng isang classmate namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD