KASALUKUYAN akong nasa dalampasigan, naisipan kong maglakad-lakad umaasa na maibsan ang bigat sa aking dibdib. Iniiwas ang sarili na makita ang tagpo na maging dahilan para masaktan ang puso kong ilang beses nang nagdurugo. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako magtitiis. Sabagay, sanay na akong magtiis at masaktan. Ano pa bang bago? "Pwede ba kitang makausap?" Narinig ko ang boses na iyon ni Juris. Napalingon ako rito. "Ikaw pala, sure," sagot ko rito. Lumapit ito sa akin. At nagulat ako nang sampalin ako nito dahilan para magulat ako. Napasapo ako sa kabila kong pisngi na sinampal nito. "Alam mong girlfriend ako ni Seth, hindi ba? Bakit mo siya hinayaan?!" asik nito sa akin. Hinarap ko si Juris. "I am so sorry kung naging mahina ako sa tukso. Aaminin kong hindi ko siya kayang tangg