MAG-ISA lang ako sa sariling kwarto. Hindi ko alam kung ilang araw kami rito ni Seth. Isa pa, okay lang naman dahil mas malapit ang lugar sa paaralang pinapasukan ko. Nagpapasalamat pa rin ako at sinusuportahan ako ni Seth sa aking pag-aaral. Bumabawi raw kasi ito nang mapagkamalan ako nitong nagnakaw nang pera sa kompanyang nito ko rin nalaman na pagmamay-ari pala nito ang MI. Kasalukuyan akong naghahanda para sa school. Paglabas ko ng kwarto eksaktong nabungaran ko ang naghalikang sina Seth at Juris. Hindi man lamang alintana ng mga ito ang presensiya ko. Muli, naramdaman ko ang kakaibang kirot sa kasuluk-sulokan ng aking puso. Tahimik kong nilisan ang naturang lugar. Hindi ko namalayan ang mga luhang pumatak mula sa aking mga mata. Damn! Pumara ako ng taxi. Mabuti na lamang at agad