"SAAN ka galing?" seryosong tanong ni Seth sa akin. "Nag-apply ulit nang part-time job para makalayas sa pader mo!" inis kong tugon rito. "Really?" sarkastikong turan nito. "Yes!" maagap kong sagot. "At sa tingin mo papayagan kitang makakita ng trabaho sa iba?" may panunudyong tugon nito sa akin. Inis na pinukol ko ito ng matalim na tingin. "Ikaw ba ang dahilan kaya nasunog ang Café na pagmamay-ari ni Cloud? At ikaw din ba ang dahilan kung bakit hindi ako tinatanggap sa mga pinag-applayan ko noon?!" galit kong asik dito. "Doon ako sa pangalawang tanong, yes! Pero sa unang tanong huwag mo akong paratangan sa kasalanang hindi ko kailanman ginawa, Ms. Galvez." "Damn you!" asik ko rito. "Napaka-sama ng ugali mo, Seth!" "Dahil ayaw ni Mommy na magtrabaho ka sa iba. Gusto niyang makapag-