"DAHAN-DAHAN naman at baka madapa ka na naman," sita sa akin ng kaibigang si Delilah. "Kita ng hindi pa okay 'yang sugat mo. Matuto nga siyang maghintay!" palatak nito. Ngumiti ako rito. "Kailangan ko rin ang part time na 'to. Huwag ka ng magalit. Sige na, mauna na ako sa'yo," ani ko rito at nagmamadaling bumaba mula sa jeep. Napamangha ako sa aking namasdan. Sobrang laki ng building nang MI. Ilang empleyado kaya ang nasa loob nito? Hindi ko alam pero bigla akong nanliit sa sarili. Jusko, naka-uniform pa ako. Ano ba 'yan. Hindi naman sinabi sa'kin ni Seth na mag-formal attire. Basta ang sabi niya kanina kailangan ko na raw pumunta rito. Kinakabahang lumapit ako sa guard kung nasaan ang entrance. Nagbigay galang ako sa mga ito. Diretso na akong pumasok sa loob. Lumapit ako sa front desk