Nauna na akong lumabas sa kotse ni Seth. Dire-diretso lang ang lakad ko. Umaasang makasalubong ko si Nanay Neri. Lumawak ang ngiti ko nang makita ito at nag-mano rito. "Nay, kumain ka na po ba?" nakangiting tanong ko rito. "Nauna na ako sa'yo, hija. Gutom na rin kasi ako. Alam mo naman ako, may hyper kaya hindi pwedeng malipasan ng gutom. Kumusta na ang unang araw mo sa MI?" masiglang tanong nito sa akin. "Okay naman po," sagot ko rito at sumunod dito sa dining area. "Manang, dito na ako mag-dinner. Ihanda mo kami ng dinner ni Ms. Galvez," singit ni Seth sa usapan namin ni Nanay Neri. "Yes sir," sagot naman ni Nanay Neri. "Tulungan na po kita, nay," ani ko rito. "Naku, 'wag na. Ano ka ba. Sige na, maupo ka lang diyan at ipaghahanda ko kayo ng dinner ni Sir Seth." Nagpakawala na lam