Nakailang ulit na ako ng kakapindot sa doorbell wala pa ring nagbubukas ng gate. Ang tagal naman ng mga katulong na ako'y pagbuksan. Nag-aagaw na ang liwanag at dilim sa langit nang ako'y tumingala sa pagdaan ng isang ibon. Pinindot ko ulit ang doorbell sa inis. Hindi na dapat ako pumayag kay nanay na samahan si Greg. Mag-isa lang siya kasama ang mga katulong sapagkat pumunta na naman ng Maynila ang kaniyang daddy.
Sermon ang inabot ko kay nanay ng una akong tumanggi. Bakit ba daw ayaw ko siyang samahan? Wala daw akong utang na loob sa pagligtas sa akin ni Greg na mahulog sa tulay. Kasalanan naman niya kaya muntikan na akong mahulog. Saka mababa lang ang tulay mabubuhay pa ako. Kung tatalon ako sa mataas na tulay ako tatalon. Dagdag pa ni nanay, ano ba daw ang problema ko kay Greg? Malaki ang problema ko sa kaniya. Nakakainis mas pinapaboran pa s'ya ng nanay ko kaysa sa gusto ko.
Ilang sandali pa'y bumukas na ang gate. Sumalubong sa akin ay hindi katulong kundi si Greg na nababalot ng kumot. Kumunot ang noo ko sa itsura niya. Para siyang multo sa puti ng kumot.
"Anong ginagawa mo rito?" agad niyang tanong. Malakas ng kapit niya sa kumot na tila ayaw niyang bitiwan.
Tinulak ko siya para ako'y makapasok. Ang sagot ko sa kaniya, "Dito ako pinapatulog ni nanay."
Saglit siyang natahimik na ninamnam ang aking ibinalita. Habang in-a-absorb niya, pinagmasdan ko ang bahay na ilang ilaw ang nakabukas.
"Mahal talaga ako ni ninang ah. Papasa ako nito agad." Sa wakas pumasok na sa utak niya kaya lang nasobrahan. Inirapan ko siya sa kaniyang sinabi sa pagsara niya ng pinto. Dagdag pa niya, "Ano? May nasabi ba akong mali?" Nang makuha niya kung anong ikinakunot ng noo ko. Agad niyang sinabi, "Pasensiya naman. Natutuwa lang na nandito ka."
"Tigil-tigilan mo ako ng mga biro na ganyan. Hindi maganda. Masyado pang bata ang kapatid ko. Tumigil ka." Kalokohan talaga niya walang pinipiling oras. Hindi ko gustong umasa.
Lumakad na ako't iniwan siya diretso sa sofa. Doon ko na lang binalak na matulog. May kalaparan naman at mahaba ang sofa. Nagka-interes ako na manood pero wala ang malapad na telibisyon. Wala talaga kasi tiles lang nakikita ko sa linaw ng suot kong salamin.
"Uy, masyado siyang apektado," ang sinabi niya nang makasunod siya ng pasok sa bahay. Isinara na rin niya ang pintuang salamin at ni-lock. Hindi ko na lang pinansin ang biro niya baka humaba. Pansin ko rin na parang mag-isa lang si Greg.
"Ikaw lang ba ang tao dito? At san ang tv?" reklamo ko sa pag-upo niya sa sofa na nanginig pa.
"Day-off ng mga katulong. Ako lang talaga rito," aniya. Kaya pala pinapunta ako ni nanay para samahan siya. Sumandig ako sa upuan at nagmasid sa labas. "Ang tv naman ay pinalipat ko sa kuwarto ko."
"Ano ang papanooran ko rito?" Napakamot ako ng ulo. Humagikhik pa si Greg na ikinabwisit ko.
"E 'di sa kuwarto ko manood." Inayos niya ang pagkapulupot ng kumot sa kaniyang katawan.
"Wag na. Baka ano pang gawin mo. Anong nanyayari sa'yo't nilalamig ka? Parang nakapatay naman ang aircon niyo."
"May sinat ako," sabi niya sabay nanginig ulit. Tinawanan ko na siya pagkasabi niya niyon. Marahil dulot iyon ng bali niya sa likod, nahuli lang ang epekto.
"Tinatablan ka pala. Bagay lang sa'yo. Alis na. Matutulog na ako." Sinipa-sipa ko pa siya kaya wala siyang nagawa at tumayo na lamang. Humiga ako ng nakadapa. Pinikit ang mata para 'di na siya matingnan pa.
"Ang aga pa para matulog." Dinig kong saad niya.
"Pakialam ko sa gusto ko ng matulog."
"Kung gusto mong manood umakyat ka na lang." aniya sabay palo sa puwet ko kaya napasigaw na lang ako sa pagkabigla.
Wala na akong nasabi sa paglakad niya't pag-akyat sa hagdanan. Masamang tingin na lang ang nagawa ko sa papaakyat na Greg na tumatawa pa talaga. Pinikit ko ang aking mata sa pagpatay niya ng ilaw sa sala.
Nang wala na siya, ang tahimik na sa sala. Dinig ko nga ang ingay mula sa kalsada. Kahit ang tunog ng orasan. Nakakadileryong katahamikan kaya tumayo ako dahil 'di naman makatulog. Pinagdisesyunan ko na lang na manood sa kuwarto ni Greg. Mabilis akong umakyat sa hagdanan. Naabutan ko na nakabukas ang ilaw sa kuwarto niya pagkapasok ko. Naroon nga ang tv sa bandang kaliwa dikit sa pader na nakalagay sa mesa. Wala siya kundi ang hinubad niyang damit na nakakalat sa lapag. Ang kaniyang kumot ay magulong nakalagay sa kama.
Dinig ko ang pagragasa ng tubig sa pintuan pa lang ako kasabay ng ungol. Pagkalingon ko nga sa banyo na nakabukas, kitang-kita ng dalawang mata ko ang natalikod na si Greg na tila nakahawak sa kanyang p*********i. Gumagalaw ang kamay niya ng atras-abante. Napalunok ako ng laway nang lumingon siya't tayong tayo ang kanyang pag-aari na malaki talaga. Nabiyayaan talaga ang tarantado.
"Magsara ka nga!" sigaw ko agad sa kaniya sabay talikod. Isinara ko ang pintuan ng kuwarto't humarap nalang sa telibisyon sabay upo sa paanan ng kama. Nag-iinit ang dalawang tainga ko sa nakita ko.
Bakit siya nagsasarili habang alam niyang nasa bahay niya ako?
"Asus, nakita mo na rin ang kabuuan ko ah," ang nasabi niya. Hindi ako lumingon. Nakaupo lang ako.
"Iba ang nakita ko! Hindi ka man lang nahiya!" bulyaw ko sa kagagohan niya.
"Wala namang problema kung makita mo akong nagpaparaos. Parehas naman nating ginagawa. Maliban na lang kung may pag---" Tinakpan ko na agad ang tainga ko para wala akong marinig. Nang tanggalin ko, siya'y tumawa at isinara ang pintuan ng banyo.
Nakahinga ako nang malalim ngunit hindi rin nagtagal ang pananahimik ko sapagkat umungol na naman si Greg. Tinuloy niya pa talaga. At 'di nahiya sa akin ang tarantado. Doon ko lang nalaman na may pagkamanyak si Greg. Ang malala pa tinitigasan ako sa ginagawa niya sa pag-iisip na malapit na siyang labasan. Binuksan ko na agad ang telibisyon. Nilakasan ang volume para 'di ko marinig ang pag-ungol ni Greg.
Nalaman ko na lang na tapos na siya nang magsalita siya.
"Hoy! Maririnig na ng kapitbahay ang tv sa lakas ng volume. Para kang bingi." Sa sinabi niyang iyon hininaan ko ang tv.
"Kung hindi ka sa---" Hindi ko na itinuloy baka ano pa ang isipan niya.
"Kunan mo muna ako ng damit," aniya nang lingonin ko na siya. Maliit lang ang bukas ng pinto kaya ulo niya ang nakikita ko na basang basa.
"Ikaw na."
"'Diba ayaw mong makita ako na naka-hubo. Kuhaan mo na ako. Hindi ako nakadala ng towel," pagpapaliwanag niya na may kasamang ngisi.
"Para sabihin ko sa'yo 'di mo ako alila." Lumapit ako sa closet na iniwasang matapakan ang kaniyang mga damit. Binuksan ko ang closet para makakuha ng damit.
"Isipin mo na lang 'di ko magagawa ang isang bagay kapag wala ka sa aking tabi." Nakuha pa niyang sabihin mula sa pinto.
"Nangbola ka pa." Tumawa pa ang gago. Naglabas ako ng short at tshirt. Binaluktot ko ang aking tuhod para makakuha ng underwear niya sa drawer sa ibaba ng closet. Pagkabukas ko'y agad akong nagulat. Hinawakan ko ang puti kong brep na akala ko'y nahulog niya nang mga nagdaang araw. "Hoy! Ba't nandito ang brep ko ha?"
Dali-dali siyang lumapit sa akin sabay hablot ng brep ko pati ang damit na kaniyang isusuot.
"Remembrance ko 'to," ang natatawa niya pang saad bago bumalik sa banyo para magbihis.
Inisip ko na lang na isa iyon sa mga kalokohan niya kasi ganiyan naman siya. Minsan nga nagugulat na lang ako nawawala ang mga gamit ko sa bag dahil kinukuha niya ng walang paalam. Pinulot ko ang damit niya sa lapag at isinampay sa upuan. Ewan ko ba kung anong nag-udyok sa akin na ibulsa ang brep niyang hinubad na kulay berde. Naupo akong muli sa harapan ng telebisyon na siya na rin namang paglabas ni Greg na nakabihis at sinusuklay ng daliri ang buhok.
Lumabas siya ng kuwarto at pagkabalik niya'y may dala siyang tray na kinalalagyan ng dalawang basong juice. At punong puno ng kanin na pinggan katabi ng ulam na adobo sa platito. Nilapag niya sa sahig ang tray paharap sa akin at naupo.
Iniabot niya ang kutsara't tinidor pero umiling ako kaya inilagay niya na lang sa tray. Ang sabi ko pa, "Kumain na ako."
"Parang 'di naman. Sige subuan na lang kita." Naglagay nga siya ng kanin sa kutsara.
Sa puntong iyon kumulo rin ang tiyan ko kaya kinuha ko na lang din ang kutsara sa tray. Ngumisi na lang si Greg.
Pinagsaluhan namin ang dala niyang pagkain habang nanonood. Natigil ako sa pagsubo ng mapansin kong titig na titig sa akin si Greg habang ngumunguya.
"May problema ba?" tanong ko kahit may laman ang bibig ko.
'"Wala naman. May napansin lang ako sa'yo."
"Ano?"
"Secret," aniya sabay ngisi. Lumapit ang kamay niya sa pisngi ko't nailayo ko ang mukha ko.
"Anong---" Naputol na lang ang sasabihin ko kasi kinuha niya lang pala ang butil ng kanin sa gilid ng aking labi sabay subo sa bibig. Sinamaan ko siya ng tingin kasi'y sinipsip pa niya ang kanyang daliri na nadikitan ng butil ng kanin.
Natawa pa ang gago. Nailing na lang ako.
Makalipas ang ilang minuto pa'y tapos na kaming kumain. Dinala niya sa ibaba ang pinagkainan na parang walang sinat. Samantalang ako'y naiwan na namang nanonood ng Star Movies na ang kasalukuyang pinapalabas ay Guardians of the Galaxy. Ilang ulit ko nang nakita ang palabas at 'di ako nagsasawa. Naramdaman ko nalang ang pag-upo ni Greg sa aking tabi dahil tutok ako sa palabas.
"Levi, puwede ba kitang tanungin?" saad niya.
"Hmmm. Basta hindi ba yan, kalokohan. Puwede."
"Sino ang girlfriend mo ngayon?" Napatingin ako sa mukha niya na matamang nakatingin sa akin. Binalik ko ang aking mata sa panunuod.
"Wala."
"Kaya pala 'di kita nakikitang may kasamang chicks. Pero nagka-girlfriend ka?"
"Hindi. Puro hanggang ligaw lang. At 'di ako sinasagot." Kinusot ko ang mata ko sabay hikab.
"Alam mo ba kung bakit?"
"Bakit?" nasabi ko pa rin naman kahit may pakiramdam ako na kung anong kalokohan sa likod ng mga sinabi niya.
"Kasi nga hindi kayo meant to be." Seryoso siya sa kanyang sinabi. Akala ko tapos na iyon pala may idadag pa. "Tapos idagdag pa na yagit ka!"
Binatukan ko nga siya na kaniyang ikinatawa na para wala ng bukas.
"Akala ko ba may sinat kang gago ka. Tapos kung makapang-alaska ka. Suntukan na lang oh." Sinuntok-suntok ko ang kaniyang balikat kasi 'di natigil sa kakatawa. Ako na ang sumuko't tumigil sa pagsuntok. "Masaya ka na niyan."
"Oo. Dumating ka kasi."
Mataman ko siyang pinagmasdan. Bago lumayo ng tingin sa kanya. Ano ba ang ibig niyang sabihin?
Pareho kaming natahimik matapos ng kaniyang sinabi. Pakiramdam ko may gusto siyang sabihin pero hindi niya mailabas. Hinayaan ko na lamang siya at nanood na lang kami pareho. Nang matapos ang unang palabas, nakaupo parin kami na walang gumagalaw.
Sa kalagitnaan ng palabas naramdaman ko na lang ang pagpatong ni Greg ng kaniyang ulo sa aking balikat. Bumilis na naman ng makailang ulit ang takbo ng puso ko sa dibdib. Ewan ko ba't hindi ko maalis ang kaniyang ulo. Pinagmasdan ko ang nakapikit niyang mata. Alam mo iyon na sobrang guwapo niya sa ganoong kalapit. Ginalaw ko ang aking suot na salamin. Mariin kong tinitigan ang mga mata niyang nakapikit. Ang ilong niyang matangos. Ang mas humihila sa akin ay ang kaniyang labi. Tinataas ko ang aking kamay papalapit sa labi niya. Nakagat ko ang sarili kong labi habang nagtatambol ang puso sa aking dibdib.
Gusto kong haplusin ang labi niya.
Gusto kong halikan ang mga labi niya.
Lumayo na ako sa kaniya matapos marealize ang aking naisip. Dahil sa pag-alis ko unti-unting natumba si Greg na nakaupo. Mabuti nagising siya't naipatong ang kamay bago madikit ang ulo niya sa sahig. Hindi ko mapigilang tawanan ang itsura niya na nakasimangot.
"Anong tinatawa mo diyan?" ang naitanong niya sa akin kusot-kusot ang kaniyang mata.
"Wala naman. Masama bang tumawa?" Umayos ako ng upo at sumandig sa kama. Naglagay ako ng ilang hakbang na distansiya sa isa't isa.
"Oo naman. Lalo pa't mag-isa kang tumatawa," aniya. Sumunod ay nagpangalumbaba siya paharap sa telibisyon. "Lipat mo. Boring 'yang palabas."
Ito namang sarili ko imbis na umalis na lang nanatili pa rin akong nakaupo. Buhay nga naman ng isang tulad kong nagkakagusto sa taong wala ka namang maasahan.
Hindi naman boring ang palabas kasi horror. "Diyan lang."
"Ilipat mo."
Hinawakan ko na ang remote baka kunin niya pa. Tinutok kong muli ang mata sa palabas. Humikab ako ng makailang ulit. Hindi ko na namalayan ang pagpikit ng mata ko sa sobrang antok.
Nagising ako na nakapatong ang aking ulo sa hita ni Greg sa aking pagkahiga. Nakabukas parin ang tv. Iniikot ko ang ulo ko para tingnan ang mukha ni Greg kung gising ba siya. Ngunit nakatulog din siya na nakatingala at nakapatong ang ulo sa kama. Nakahinga ako nang malalim. Mabuti naman nakatulog siya. Huwag naman sana ako pa ang pumatong ng ulo ko sa hita niya. Iniikot ko ang katawan ko kasabay ng aking mukha para lang maharap sa umbok ni Greg. Lumaki ang mata ko kaya agad akong bumangon. Naisipan kong patayin na lang ang tv. Aalis na sana ako para iwanan si Greg. Pero nang makita ko ang posisyon niya. Siya'y aking ginising na lamang.
"Greg, gising. Lumipat ka na sa kama." Tinapik-tapik ko s'ya sa pisngi. Nagising naman siya na may kasamang hikab.
"Umaga na ba?" untag niya. Napangiti na lang ako. Sabi pa niya, "Ay madilim pa."
"Baba na ako," saad ko't lumapit na sa pintuan.
"Dito ka na lang sa kama. Ang lapad oh." Gumapang siya sa kama't nahiga na nakatihaya.
"'Wag na."
Tuluyan na akong lumabas ng kuwarto ni Greg. Nahanap ko pa naman ang daan sa hagdanan dahil sa mga ilaw sa labas. Diretso ako higa sa sofa na medyo malapad kaya puwede akong magpaikot-ikot. Hindi ko na tinanggal ang suot kong salamin. Pinikit ko na ang mata ko sapagkat inaantok na rin talaga ako.
Napabukas ako ng mata nang may tumikhim. Nakatayo si Greg sa tabi ng sofa hawak ang kumot.
"Umurong ka," aniya.
"Ano?" tanong ko.
"Urong sabi." Tinakpan niya ng kumot ang ang aking paa't siniksik niya ang kanyang sarili sa sofa. Tinulak ko siya kaya nahulog siya sa lapag.
"Doon ka sa kama mo!" sigaw ko sa kaniya't tumalikod.
"Dito na lang tayo. Ayaw mo roon." Sumiksik siyang muli. Ang kamay niya'y yumakap sa aking tiyan para mahila niya ako. Dikit na dikit na kami kaya naramdaman ko sa puwet ko ang buhay niyang p*********i.
"Walang ya ka! Para kang aso!" Tinulak ko na lang siya't naupo ako. Napakamot pa siya ng ulo. "Doon na sa kuwarto mo. Kaya huwag ng makulit."
"Sabi ko pa eh. Papayag ka rin." Dinala niya ulit ang kumot at nagkasabay kaming lumakad.
"Gusto ko lang makatulog. At kung mangungulit ka 'di ko magagawa."
Pareho na kaming umakyat patungo sa kuwarto. Tinanggal ko ang aking salamin at pinatong sa study table nang makaupo. Nauna na akong nahiga habang siya'y isinara ang pintuan. Nakatagilid na ako nang pinatay niya ang ilaw. Hindi na ako nagreklamo ng kumotan niya ako't naramdaman ko na lang ang kaniyang paghiga sa paggalaw ng kama.
"Gising ka pa?" ang naitanong ni Greg.
"Hmmm," ungol ko bilang sagot indikasyon na gising pa ako.
"Sa tingin mo ba mali ang magkagusto sa pareho mong kasarian?" Napamulat ako ng mata. Pinagmasdan ang dilim ng kuwarto. Parang 'di malabo ang mata ko kapag madilim.
"Hindi naman siguro," ang nasabi ko naman. "Mahirap nga lang kasi hindi ka magiging malaya. Maraming huhusga sa iyo lalo na kung kilala kang tao lalo katulad ng bayan ng San Martin. Kahit ba natural na ang bakla sa mundo, nariyan pa rin ang huhusga sa iyo. Kahit hindi nga bakla, hinuhusgahan pa rin. Doble hirap lang sa mga bakla kaysa sa iba."
Siya pa talaga ang nagtanong. Bakit ganoon ang naisip niya? Huwag mong may nagugustuhan siya na lalaki. Nakaramdam ako ng kirot sa aking naisip kasi baka ibang tao ang gusto niya pero imposible din na ganoon. Si Greg na ubod ng guwapo at habulin ng chicks magkakaganoon? Malabo. Siguro kalimutan ko na lang na nagtanong siya. Kasi pati ako naaapektuhan ng kaniyang tanong. Mahaba nga ang nasabi ko.
"Kung magiging bading ka magugustuhan mo ba ako?" Lalong lumaki ang mata ko. Dapat talaga tumigil na siya kasi baka mamaya masabi ko talaga.
"Ano ba namang tanong 'yan? Matulog ka na. Kalokohan na naman 'yang naiisip mo."
"Seryoso kaya ako. Dali sagutin mo. Para malaman ko kung gustohin ako ng mga bading." Mas nakakaba ang mga sinabi niya. Lalo pa't madilim.
"Hindi naman sapat na dahilan 'yan para magtanong ka ng ganoon."
"KJ mo talaga. Sagutin mo na lang." Hinampas pa ako ng unan.
"Okay." Kinamot ko ang tainga ko. '"Hindi ang sagot ko."
Sinaktan ko ang damdamin ko sa nasabi ko. Na-miss ko lang siya kaya parang gusto kong bigyan niya ako ng atensiyon kahit biro lang. Sana ganoon lang ngunit hindi.
"Saklap naman." Sinubukan niyang takpan ng tawa ang kaniyang nasabi ngunit ramdam ko na nakakaramdam siya ng sakit.
Tumahimik na siya matapos ng makapag-bagabag na tanong.
Sinubukan ko na ring matulog ngunit ang tagal ko bago makatulog. Tinatanong ko ang sarili ko kung bakit naging ganoon ang tanong niya. Tapos bakit par siyang nasaktan nang sabihin ko na hindi.
Wala naman akong mahanap na sagot.
Hindi rin nagtagal nakatulog na ako.
Kinabukasan nagising nalang akong nakayakap si Greg sa akin. Samantalang ang kaliwang kamay ko'y nakasuksok sa ilalim ng kanyang damit, dikit sa kaniyang dibdib. Ramdam ko ang pagtibok ng kaniyang puso sa aking palad. Nang maramdaman ko na pareho kaming may morning wood na nagbanggaan pa agad ko siyang tinulak at bumangon. Sinuot ko ang aking salamin kaya't medyo nasilaw ako sa sinag na nagmumula sa bintana.
Naupo si Greg sa kaniyang kama't nagunat ng kamay na siyang pagsuot ko sa aking tsinelas.
"Uwi na ako," sabi ko sa kaniya't lumabas ng kaniyang kuwarto.
"Labhan mo muna ang kinuha mong brep ko ha. Baka may naiwang kung ano," sigaw ni Greg nang pababa ako ng hagdanan.
Paano niya nalaman?
Kaya nilingon ko siya sa pagbaba ko. Nakatayo siya sa taas ng hagdanan na may malapad na ngisi. Tinakbo ko na ang hagdanan diretso labas para lang bumangga sa salamin na pinto. Akala ko bukas sa sobrang taranta. Narinig ko na lang ang malakas na tawa ni Greg sa pagbukas ko ng pintuang salamin. Lakad-takbo ang ginawa ko makaalis lang ng bahay nina Greg.
Nang makalabas ng gate, doon ko lang napansin ang bukol ng dalawang bulsa ng aking short. Binunot ko kung ano, napanganga na lang ako.
Anim na brep ni Greg na iba-iba ang kulay at style.
Iba pa ang brep na nakuha na nasa pinaka-ilalim ng bulsa.
Bumalik ako sa loob ng bahay nina Greg na sobrang naiinis dala ang mga brep sa kamay. Naabutan ko siya sa sala. Huminto siya sa paglalakad ng mapansin ako. Hindi na natanggal ang ngisi sa kaniyang labi kaya mas nakakabwisit.
"May nakalimutan ka ba?" nakakaloko niyang tanong.
"Meron. Nakalimutan kitang suntukin!" Nilapitan ko siya ngunit lumipat siya sa likod ng sofa na nakatawa. Pinagtatapon ko na lamang sa kaniyang mukha ang mga brep.
"Ayaw mo na? Huwag ka nang mahiya." Itinapon niya pabalik sa akin.
"Isa lang kinuha ko pangpalit sa kinuha mong brep sa akin!"
"Asus parehas lang iyon!" hirit pa niya.
Doon ko na siya tinalon mula sa sofa. Umikot siya't hinabol ko naman kasi balak niyang lumabas ng bahay. Noong araw na iyon minalas siya sapagkat nadapa siya sa paghawak ko sa kaniyang paa. Mabuti na lang napigilan niya ang kaniyang malakas na pagbagsak nang iuna ang mga kamay. Binilisan ko ang pagsakay sa kaniyang likuran.
"Patay ka ngayon," tila kontrabida kong saad.
Sinaksak ko sa bunganga niya ang kaniyang sariling brep. Imbis na magalit ang gago ay tumawa pa. Dinagdagan ko pa ng isang brep ang kaniyang bibig. Sinubukan niyang kumawala sa pagkasakay ko sa kaniyang likod at sa ganoong posisyon kaming dalawa nang may paparating na babae walang iba kundi ang naisayaw ni Greg. Tumayo na ako't dali daling pinagpupulot ni Greg ang kaniyang brep sabay tago sa likod.
"Anong ginagawa niya rito?" tanong ko kay Greg. Hindi ko naman kilala ang babae. Siguro bagong salta lang ito sa San Martin.
"Hindi ko alam," ang sagot niya.
"Oh 'di sige."
Inayos ko aking tindig maging si Greg ay ganoon din. Pinagsusulsok niya ang kaniyang mga brep sa aking bulsa. Lumalayo-layo ako't pinagtutulak ko na naman siya. Palapit na palapit pa ang babae na may dalang maliit na tupperware. Samantalang kami ni Greg ay parang nagkukulitan lang.
"Sa'yo na dali." Sinuksok niya ang iba pang brep sa bulsa. Kinuha ko na naman ulit. Pagkatapos ibabalik niya ulit habang tumatawa pa.
"Gago. Aanhin ko iyan." Inihampas ko ulit sa mukha niya mga brep niya. Tinago niya nalang sa kaniyang likod matapos mapulot. Dahil tuluyan nang nakalapit ang babae kasabay ng katok sa salamin para makuha ang aming atensiyon ni Greg.
"Nakakaistorbo ba ako?" unang bungad nito na may kasamang malapad na ngiti.
Magsisinungaling ako kapag sinabi ko na hindi siya maganda. Nakakabighani naman talaga ang kaniyang mukha. Idagdag pa ang kaniyang suot na skirt na tila masisilip ko ang kalangitan sa ilalim ng kaniyang palda. Samahan pa ng kaniyang mahabang itim na buhok.
Bagsak ako kapag may kung ano sa kanila ni Greg. Nakakaramdam ako ng kirot nang maisip ko na posibleng mayroon nga.
"Hindi naman. Naglalaro lang kami. Tuloy ka" ani Greg. Nanatili akong nakatayo.
"Salamat." Humakbang na nga siya papasok. "Dinalhan pala kita ng breakfast."
"Nag-abala ka pa," saad ni Greg at ngumiti nang napakalapad na tila kinikilig.
Bihira siyang magkaganoon at parang makatotohan. Sinasaktan ko ang sarili ko sa hindi ko pag-alis at lumakad na lang. Hinawakan niya ang tupperware habang ang isang kamay ay nakatago sa likod bitbit ang kaniyang mga brep.
"Sino ito kaibigan mo?" ang tanong ng babae na nakaturo pa ang kamay sa akin.
Wala akong alam na nagkakamabutihan na sila. Bagay naman sila sa isa't isa. Umalis na ako sa puntong dumoble ang kirot sa aking dibdib. Hindi ko na hinintay na magmakapagsalita si Greg. Lumabas ako ng bahay ng walang lingon. Hindi ko pinagkaabalahang tingnan ang dalawa baka ano pang makita ko. At tuluyang lumabas ng gate.
Sa aking paglalakad sa kalsada, sinipa ko ang coke in can sa gilid ng kalsada. Pati ang poste ng ilaw para lang umaray. Kung hindi rin ako tanga sipain ba naman ang poste.
"Uy, pati pala ang poste ngayon kaaway na." Napalingon ako ng may nagsalita sa aking likuran.
Nadismaya ako nang makita ko ay hindi si Greg. Naisip ko rin naman na sino ba ako para sundan niya. Hindi rin naman kami magkaibigan.
Ang nagsalita ay ang kapatid ni Ate Sylvia. Pinagmasdan ko lang siya bago ako'y lumakad na at walang kung anong sinabi sa binata na hindi ko alam ang pangalan.