Tahimik ang buong bahay naming simple nang ako'y makapasok dito. Ang kalahating bahagi ay semento at ang naiwang bahagi ay puro plywood. Sa sobrang tahimik naririnig ko ang paghampas ng alon sa dalampasigan. Parati nang ganito lalo na kapag wala ang malamegaphone na bunganga na aking nanay at kapatid na babae. Wala si papa roon kaya napasilip ako sa baybayin sa pinto sa kusina, sa dulo ng mga punong niyog at talisay. Ang bangkang de motor na ito mismo ang gumawa ay wala roon. Ang malinaw na dagat ay naglalaro sa aking paningin. Kapag ganoong wala ang daddy ni Greg ay nangingisda ito, ang totoo nga niyan mangingisda lang talaga ito naging drayber lang nang manalo ang daddy ni Greg bilang mayor.
Bumalik na lang ako sa sala saka pumasok sa aking kuwarto sabay sara sa pinto. Inikot ko ang aking paningin sa kabuuan ng kuwarto. Ako'y napabuntong hininga, naroon parin sa dingding ang mga poster ng banda na gusto ko't luma na. Ang totoo niyan may pininta akong mukha ni Greg sa dingding, tinakpan ko lang ng mga poster.
Naghubad ako ng aking damit hanggang boxer brief na lang ang naiwan bago ako nahiga sa katre ng nakatahiya. Inisip ko pa nga kung anong ginagawa ni Greg kasama ang babae na hindi ko naman kilala. Ganito lang ang aking posisyon habang nag-iisip at nakatitig sa bubongang yero. Dahil sa kulang sa tulog hindi ko namalayang ako'y nakatulog.
Ilang oras din ako nakatulog. Nagising na lang ako dahil sa ingay na nagmumula sa kusina na kasunod lang ng aking kuwarto. Ako'y napaupo't pinagmasdan ang sariling pinagpapawisan ang buong katawan.
Kumuha na lang ako ng masusuot sa plastik na damitan. Ang napili kong isuot ay itim na short na may malaking pulang linya sa magkabilang gilid. Sa pang-itaas naman ay ang sinuot ko'y grey na shirt na may pangalan ng banda sa harapan sa kulay na luntian.
Pagkalabas ko ng kuwarto'y naabutan ko si papa na nagluluto. Iyong aroma ng niluluto nito'y naglalaro sa aking ilong, kaya kumulo ang aking tiyan sa kawalan ng laman. Napatingin ako sa orasan na nakasabit sa pader na plywood. Alas singko na ng hapon, nasubrahan na naman ako ng tulog. Minsan nga'y buong araw akong nakakatulog.
"Kumain ka na, pagkatapos ay ihatid mo iyong isda kay Greg," utos nito sa akin.
"Sige po," sagot ko naman. Kahit hindi nito sabihin ang nilalaman ng kalooban alam ko na nadidismaya siya sa akin na madagdagan lang kapag nalaman niyang bakla ang anak niya. Hindi ko talaga makalimutan nang bata ako na madalas niya akong pagsabihan na hindi ako puwedeng maging bakla sa pagigi kong lampa noon.
Isinalin ni papa ang niluto niyang adobong baboy sa bowl saka nilagay sa mesa kung saan ako nakaupo. Nakahain narin ang kanin, kumuha ako ng pinggan sa lababo na abot ko kahit nakaupo. Alam na alam nitong gutom ako kapag gigising na ikinatuwa ko kahit papaano.
Naghugas siya ng kamay sa lababo. "Iyong isda nasa cooler nakalagay," sabi ni papa sa pagsasabon nito ng kamay. Naglalaro sa paligid ang ingay ng tugtog mula sa aming kapitbahay. Kapag ganoong hapon na'y nag-iingay talaga ang mga ito.
Tumango ako habang ngumunguya. Matapos ng sinabi nito'y lumabas narin ito ng bahay.
Saglit lang akong kumain kaya mabilis akong natapos. Pati pagkain ay kinatatamaran ko na mula nang bumalik si Greg.
Niligpit ko ang pinagkainan ko't tinakpan ang kanin at adobong baboy sa mesa. Hinanap ko ang cooler na nasa likuran, banda ng kusina. Si papa ay nag-aayos ng mga lubid sa bangka. Inilabas ko ang lapu-lapung ilang kilo rin ang bigat. Nilagyan ko ng tali sa nguso upang mabitbit ko.
Dumaan ako sa pagitan ng bahay namin at ng aming kapitbahay na mamakyaw ng isda. Pati gilid ng bahay namin ay nilagyan ng mga banyera na hinayaan na lang ni papa. Minsan naiinis ako kasi naamoy ko ang lansa ng mga banyera sa loob ng bahay na hindi gaanong nalilinisan.
Kinuha ko ang biseklita ko na ginagamit sa pamamasyal. Nakasandig lang ito katabi ng mga kumpol ng banyera. Sinabit ko sa kaliwa ng manibela ang isda bago ito tinulak hanggang makarating sa kalsada. Sumakay na ako rito't nagtungo sa bahay nina Greg, kagagaling ko roon noong umaga't babalik na naman. May mga batang naglalaro sa daan, pati narin ang mga ginang na tsimisan lang ang alam sa buhay.
Mabilis ang pagbiseklita ko kahit sa daan sa pampang. Hingal-kabayo akong nakarating sa tuktok ngunit nang pababa na ako'y nakahinga ako nang malalim. Hindi rin nagtagal pagkatapos sa daan na iyon ay nakarating ako sa bayan. Binagalan ko ang pagbibiseklita dahil sa mga tao sa baywalk. Ilang bahay pa ang nadaanan bago ko narating ang bahay nina Greg. Iniwan ko lang ang biseklita sa gilid, nagdoorbell at naghintay na pagbuksan ako bitbit ang isda.
Nakailang pindot na ako sa doorbell pero wala paring nagbubukas ng gate. Bingi siguro ang Greg na iyon, baka may ginagawa na namang kabalastugan. Sinubukan kong itulak ang gate at nagulat ako nang bumukas ito. Iniwang nakabukas paano na lang kung mayroong pumasok na magnanakaw na katulad ko. Magnakaw kaya ako kasi mukhang walang tao.
Pagkapasok ko'y bumungad sa akin ang hardin na may kalaparang damuhan. "Tao po!" ang sigaw ko para marinig ako ni Greg o kung sino man ang naroon. Hindi ko ma dapat ginawa kasi may sumagot naman talaga.
"Ano? Sino iyan?" ang sigaw ng isang tinig ng isang babae. Nakahinga ako ng malalim akala ko'y aso ang bubungad sa akin na may pangalang Greg. "Dito ako!"
Isinara ko ang gate bago hinanap ang pinagmulan ng tinig. Nanatili akong nakatayo sa pathway. Mabuti naman ay naroon ang isang katulong.
"May binigay po na isda si papa," sabi ko't hinahanap parin ang babae. Iyong pala'y sa likuran ng mga mataas na halaman at bulaklak, sa gilid ng pool. Napansin ko ito nang ito'y gumalaw.
"Ah, maraming salamat," sabi nito. Ako'y lumapit sa babae't nalaman kong nagbubungkal ito ng lupa. Marumi ang mga kamay nito't paa dahil sa putik. Napatingin pa nga ito sa akin. "Puwede papasok na lang, palagay sa predyider," sabi pa ng babae na wala pa sa kuwarenta ang edad.
"Kayo na lang ho," sabi ko naman.
"Ikaw na lang boy, marumi kasi ang paa ko. Huwag ka ng mahiya wala namang tao diyan maliban doon sa anak ng amo ko," pagpupumilit ng ginang. Tumango na lang ako bilang pagtanggap sa request nito. Marahil hindi nito ako kilala. "Sa kusina ka na lang dumaan."
"Okay po," sabi ko't lumakad na nga. Inikot ko ang bahay upang makarating sa kusina. Pagkarating ko sa pintuan ay nagalangan akong pumasok dahil sa kaputian ng tiles. Hinubad ko ang suot na tsinelas na tinitingnan ko ang malapad na predyider saka binilisan ang paghakbang papasok. Hinila ko ang compartment sa ibaba ng predyider saka nilagay dito ang isda sabay sara.
Nalakasan ko ang pagsara sa compartment kaya nahulog iyong nakalagay na bilugang lagayan na hindi ko alam kung ano ang laman mula sa itaas ng predyider. Gumulong ang bilugang lagayan sa ilalim ng mesa.
Iiwan ko na sana kaso kasalanan ko kaya nahulog baka magtaka ang katulong kung hinanap niya iyon. Kailangan kong sumuot sa mesa para makuha ang lagayan. Nakakarinig ako ng yabag mula sa likuran ko. Ako'y nakaramdam ng kaba bigla. Lalo pa nang magsalita ang nagmay-ari sa mga yabag.
"Sino ka? Anong ginagawa mo rito? Magnanakaw ka ano?" sabi ng tinig na nagpainit sa dalawa kong tainga. Umalis ako sa pagkasuksok sa ilalim ng mesa. Napahinto sa sahig habang nakaupo nang makita ang ayos ni Greg. Ako'y napamura ng malutong sa aking isipan, inaakit niya ba ako o ano?
Paano ba naman nakatapis lang ng tuwalya si Greg. Sa lapit ko sa kaniya kasi isang hakbang lang pagitan namin, pansin ko talaga ang harapan niyang natatakpan ng towel. Kagagaling niya lang sa pagligo kasi may naiwan pang mga butil ng tubig na tumatakbo sa kaniyang matipunong pangangatawan. Ang kaniyang dibdib ay matigas pagmasdan na sinasabayan ng kaniyang mga abs. Napapalunok ako ng laway kaya tumayo na ako. Nagpunas siya ng buhok hawak ang isa pang towel nang malamang ako lang naman.
"Nagdala lang ako ng isda. Binigyan ka ni papa," sabi ko para matakpan ang pag-iinit ng aking taenga.
"Akala ko yayain mo akong mamasyal," aniya na ikinatingin ko sa kaniya ng tuwid. Nagsasalubong na nga ang aking dalawang kilay. Patuloy siya sa pagpupunas ng buhok, tumatalsik pa ang ilang butil sa aking mukha. Humakbang na ako palapit sa preyider. "Imahinasyon ko lang pala," dagdag niya. Binuksan ko pa ang lagayan na pabilog at nalamang mga gamut ang laman in case na kailanganin bigla.
Aalis na sana ako kaso natigil ako nang biglang tumayo si Greg sa likuran ko. Nanginig ang buo kong katawan nang ipatong niya ang kaniyang kamay sa aking balikat. Nagsitayuan ang balahibo ko sa batok sa panandaliang pagdaop ng kaniyang palad sa aking katawan. Binuksan niya ang predyider at ako'y humakbang patagilid sabay alis sa kaniyang kamay. Sinara ko na lang ang lagayan at ibinalik ito sa ibabaw ng predyider kasama ng iba pang mga garapon doon.
"Alis na ako," matigas kong sabi. Wala naman sa kaniyang iyong pag-alis ko ng kaniyang kamay.
"Mamaya na. Samahan mo muna ako," sabi niya saka naglabas ng bottled water. Ininom niya ito ng isang lagukan lang, pagkuwa'y itinapon sa maliit na trashbin sa gilid ang walang lamang bote.
"Ba't naman kita sasamahan?" tanong ko sa kaniya. Sumandig ako sa mesa habang naka-krus ang aking mga braso sa dibdib.
"Dahil may ibibigay ako sa'yo?"
"Ano naman?" pagsusuplado ko sa kaniya.
"Halika sa kuwarto ko nakalagay. 'Di ko naibigay nung birthday mo nung hayskul. Nahiya kasi ako." Lumakad na siya't napasunod naman ako. Ako'y sumunod dahil gusto ko lang malaman kung ano iyong ibibigay niya dapat sa akin. Wala ng ibang dahilan. Hindi naman ako naniniwala na nahihiya siya, sa lakas ng bilib niya sarili.
Kung tahimik sa amin, mas tahimik iyong bahay nila. Nadaanan namin ang sala na mayroong malapad na tatlong mahahabang sofa. Iniikot ko ang paningin ko talaga kasi ayaw kong tingnan ang likuran niya.
"Sinungaling ka ba Greg?" sabi ko sa kaniya sa patuloy naming pag-akyat sa hagdan.
"Bakit mo naitanong?" ani naman niya sa akin. Lumingon pa siya at ngumiti.
"Anong naitanong? Alam mo ang ibig kong sabihin kaya huwag kang mag-inarteng hindi mo alam." Tumawa siya ng kaunti bago nagsalita.
"May ibibigay nga ako. Kaya ko nga sinabi sa iyo na ingatan mo ang bagahe ko noong sinundo niyo ako ni ninong."
"Tuwang-tuwa ka ngayon na may mapagtatawanan ka na naman." Naakyat namin ang hagdan. Nakasunod parin ako sa kanya kahit sa pagtungo sa kaniyang silid.
"Ang totoo niyan ay hindi masyado," seryoso niyang sabi. "Nakakalungkot din. Pero masuwerte parin ako kasi nandito ka."
Napatigil ako sa paghakbang sa huling narinig mula sa kaniya. Pero naisip ko sinasabi niya lang iyon kasi nagsosolo siya't walang magawa. Hindi niya rin alam ang pinagsasabi niya. Ako lang talaga ang nagbibigay ng kahulugan, pero ngayon hindi na. Pinalampas ko na lang hanggang sa makarating kami sa pinto ng kaniyang kuwarto.
"Ang tahimik mo," pansin niya sa akin pagkapasok niya ng kaniyang kuwarto. Sobrang gulo ng kuwarto niya, kung saan-saan nakakalat ang kaniyang mga damit. Tumigil ako sa pinto't sumanding na lang. Para lang akong guwardiyang nagbabantay.
"May iniisip lang," ang sagot ko naman.
"Anong iniisip mo? O mas magandang sabihin kung sino ang iniisip mo?" Kumunot ang noo ko sa kaniya. "Ako ang nasa isip mo ano?"
"Ba't kita iisipin?" Kinuha niya ang nakatapis na tuwalya't napa-pikit ako ng isang mata. Sino ba naman ang hindi kung makikita mo ang hugis ng masilan niyang bahagi na natatakpan lang ng pulang boxer brief. Kahit na nakita ko na iyon ng ilang beses, nakakagulo parin ng isipan, nagulo talaga ang utak ko.
"Kasi mahalaga ako sa'yo?" hirit niya sa akin sa paghahanap niya ng maisusuot sa mga nakakalat.
"Siguro," ang sabi ko na lang.
"Totoo? Mahalaga ako sa'yo?" sabi niya't lumakad patungo sa malapad na kama. Kinukuha niya ang mga nakalagay na damit dito't tinatapon kapag hindi nagustuhan. Napabuntong hininga ako ng malalim sa pagiging burara niya.
"Masyado kang nagpapaniwala talaga," sabi ko na lang. Ngumiti pa siya ng malapad saka nagpatuloy sa paghahanap ng maisusuot na para bagang naghahanap siya ng kayamanan. Hindi ako nakatiis kaya nagreklamo na ako. "May balak ka bang magmodelo't kanina ka pa palakad-lakad ng walang suot na damit."
"Naghahanap na nga. Saka ano bang problema kung wala akong suot?"
"Wala naman," pagsisinungaling ko.
"Sus, wala naman pala. Nagrereklamo ka diyan. Mag-enjoy ka na lang."
"Malakas ang tama mo," sabi ko't umayos ng tayo. Napagod ako sa kakasandig. Tinawanan niya ang sinabi ko.
"Gusto mo bang magmodelo ako?" aniya nakakita ng short na pula. Sinuot niya ito't naghalungkat sa kaniyang bagahe na nakatumba sa paanan ng kama.
"Ba't mo ako tinatanong?"
"Para may magtulak sa akin na magmodelo. Saka para samahan mo narin ako lagi kung sakali."
"Itutulak? Puwede naman. Itutulak kita diyan sa balkonahe at hindi ako sasama sa pagkahulog mo," sabi ko nakaturo sa balkonahe. Naglalaro sa hangin ang kurtinang nakaharang sa nakabukas na sara. "Matagal pa ba? Bilisan mo kung ibibgay mo iyong regalo."
"Kita mong hinahanap ko pa," reklamo niya saka pinag-iitsa na naman ang laman ng kaniyang bagahe. "Matagal ko ring inipon itong regalo ko sa'yo." Nagliwanang mukha niya ng mapansin ang kahon na nababalutan ng pabalat na asul. "Ito na."
Naupo siya sa kama hawak ang kahon. Lumapit narin ako sa kaniya't hinayaang matapakan ang kaniyang mga damit.
"Ano ba ito?" sabi ko't hinablot ang box sa kaniyang kamay. Nagulat pa nga siya sa ginawa ko.
"Excited lang. Buksan mo," aniya sabay ngisi ng malapad. May pakiramdam akong hindi maganda kaya tuwid ko siyang tiningnan. "Ano pa hinihintay mo? Tingnan mo na."
Kung matagal na iyong regalo na sinasabi niya bakit parang bago pa ang pabalat? O baka pinalitan niya lang? Nagkibit-balikat na lang ako saka pinunit ang pabalat. Pagkabukas ko sa takip ng box, nanliit ang paningin ko imbis na magulat. Siguro iinexpect niya na magugulat ako sa makikita ko kasi napabuntong hininga siya nang malalim.
"Trip mo, Greg, di parin natitigil," sabi ko habang pinagmamasdan ang mga malalaking uod sa loob ng kahon.
"Nagustuhan mo ba?"
"Oo, gustong-gusto," sarkastiko kong tugon saka sinara ang kahon. "Kala mo siguro magugulat ako ano? Ano bang reaksiyon ang gusto mo? Iyong nagsisigaw ako? Nakalimutan mo ata Greg, hindi na ako duwag." Humakbang ako papalapit sa kaniya't lumayo siya paakyat ng kama.
"Diyan ka lang. Huwag kang lumapit," aniya habang nakatayo sa kama. Tumatawa pa siya. Inakyat ko na ang kama't hinabol siya. Tatalon na siya mula sa kama pero nahawakan ko siya sa braso sabay hila sa kaniya. Natumba siya sa kama't nadala niya ako ng hawakan niya ako sa suot ko.
Napapatong ako sa kaniya't kaagad na bumilis ang t***k ng aking puso. Sapagkat ang lapit ng mukha ko sa kaniya. Hawak ko parin ang box ng mga uod. Ang kaliwang kamay niyang nasa gilid ay gumalaw. Tumaas sa aking mukha.
"Anong gagawin mo ha?" Imbis na sagutin ang tanong ko, hinawakan niya ang tainga ko sabay pisil dito. Iyong t***k ng puso ko lalong dumoble.
"Puwede Levi ibalik mo na lang iyong dating ikaw. Noong isang araw ko pa gustong sabihin sa iyo. Hindi kita kayang tingnan nang matagal kung ganito na itsura mo," aniya na ikinalunok ko ng laway. Kaso may dinagdag siya na nagpaputok sa ugat sa aking sentido. "Ang dumi mong tingnan dahil sa mga piercings mo."
"Para ano ha?" sabi ko. May idadag sana ako kaso piningot niya ang tainga ko. Sinamaan ko siya ng tingin saka sinuntok sa tagiliran. Umalis ako sa pagkapatong ko sa kaniya't saka inupuan ko siya tiyan nakatalikod. "Siguro matapos nito tatanda ka na."
"Hoy! Anong binabalak mo ha?" aniya. Hinawakan pa niya ako sa balakang para ako'y alisin sa pagkaupo. Pinalo ko kamay niya ng malakas upang maalis. Napaaray na lang siya. Mabilis kong itinaas ang garter ng suot niyang short sabay buhos ng laman ng box dito. Nagsisigaw siya nang malakas, at 'di niya mapigilang magmura ng malulutong. Umalis ako sa pagkadagan sa kaniya at bumaba ng kama.
Mabilis siyang umalis ng kama sabay hubad ng short. Pinagpag niya ang mga uod ng kumapit sa suot niyang underwear. Namumula ang mukha niya sa sobrang galit.
"Masarap bang magpistahan ng mga uod?" sabi ko sa kaniya.
"Huwag kang aalis! Kapag aalis ka sobra pang gagawin ko sa'yo dito sa ginawa mo!" pagbabanta niya sa akin. Tiningnan niya ako ng masama at sige parin sa pagpagpag sa kaniyang harapan upang maalis ang naiwang maliliit na uod at buhangin.
"Subukan mo muna bago ka magsalita," sabi ko sa kaniya't iniwan ko na siya. Sa paglabas ko ng kuwarto'y doon siya nagsisigaw.
"Bumalik ka rito Levi!" Pinapasok ko lang sa kabila kong taunga ang sigaw niya't pinalusot sa kabila. Hinayaan ko lang siya na sige parin sa kakareklamo. "Mga potang-ina niyo!" Pati uod iniway niya na rin, baka pinagpipisa niya na ang mga iyon.
Bumaba ako ng hagdanan ng mabilisan sabay diretso sa kusina. Pagkalabas ko rito'y sinuot ko ang aking tsinelas.
Patungo na ako sa gate nang magbukas ang main door na salamin ng bahay na ginawa ni Greg. Nakasuot ulit siya ng short pero ibang kulay na, ito'y itim. Napatingin ako sa kaniya nang tumakbo siya papalapit sa akin at balak akong i-tackle. Tatakbo na sana ako kaso nakahawak kaagad ang kaniyang mga kamay sa aking beywang. Sa lakas na puwersa ng pagtackle niya sa akin natumba ako ng tuluyan. Naramdaman ko talaga ang pagtama ng likod, siko at pangupo ko sa matigas na pathway pero tiniis ko lang.
Nang makabawi ako sa ginawa niya, sumigaw na rin ako. "Bitiwan mo ako!" singhal ko.
Tinaas niya lang kanyang paningin sa akin. Kapit na kapit talaga ang dalawa niyang kamay sa aking beywang. "Hindi. Dito ka lang para may kasama ako," aniya sa akin sabay ngisi ng malapad.
"Kasama mukha mo! Makipaglaro ka sa katulong niyo huwag sa akin."
"Baliw ka ba? Ang tanda na iyon. Hindi naman tayo maglalaro. Sasamahan mo lang ako kasi ang boring kaya rito."
"Manood ka ng palabas. Mamasyal kasama noong chicks mo! Huwag mo akong idamay!" Naupo ako't inalis ang kaniyang kamay. Hindi talaga siya nagpapipigil.
"Wala namang mapapasyalan dito. Saka hindi ko chicks iyon. May gusto lang sa akin." Tinulak ko siya sa kaniyang noo.
"Problema mo na iyon!" Pinilit kong hawakang ang isa niyang daliri niya sabay tiningnan ko siya ng masama. "Bibitaw ka hindi?" Banta ko sa kaniya't hinigpitan ko ang kapit sa kaniyang daliri na hintuturo.
"Ito bibitaw na," aniya sabay kinuha ang kamay sa aking beywang. Iyong daliri niya hindi ko pinapakawalan. Naupo rin siya. "Daliri ko?"
Marahas kong binigay ang daliri niya't tumayo na. "Huwag ka ng sumunod sa akin," sabi ko sa kaniya at saka tumayo.
"Dito ka na lang muna!" Hinawakan niya ako sa suot kong short. Napahawak ako sa garter nito kasi mahuhubaran ako sa ginagawa niya. Nang makita niyang madali lang alisin ang short ko ngumisi siya at ako naman ay walang kasing sama ang tingin sa kaniya.
Tumatawa pa siya habang hinihila ang short ko samantalang ako pinipigilan ko naman siya. "Tarantado ka, Greg. Tigilan mo ako!"
"No, dito ka nga lang muna," aniya sabay hila parin sa short ko. Siya'y nakaupo parin kaya mas madali sa kaniya ang lahat. Naghilahan kami ulit hanggang dumalas ang telang hawak ko kaya nahubad ang short ko. Nahabol ko pa naman bago pa umabot ang garter sa tuhod. Napatigil kami pareho ni Greg nang mayroong magsalita sa aming likuran.
"Anong ginagawa niyo?" sabi ng katulong nina Greg.
Sabay pa kaming napatingin pareho ni Greg sa katulong. Nang makitang nakatingin ang katulong sa akin, si Greg na mismo ang nagtaas ng short ko.
"Wala naman, nagkakatuwaan lang. Naglalaro. Nag-i-egg hunting!" aniya na ikinapula ng mukha ng katulong.
Sa labis kong hiya, binatukan ko si Greg sa sinabi niya. Wala akong lingon-lingon kahit na may sinasabi siya sa akin. Padabog kong sinara ang gate pagkalabas ko sabay sakay ng biseklita. Ininda ko ang sakit ng sugat sa aking siko.