"Hindi nalang ako papasok," ang sabi ko kay Ryan. Kailangan ko pang sumigaw para marinig niya. Malakas kasi ang upbeat na tugtog na nagmumula sa loob ng dalawang palapag na bahay nina Arjo na pinagdadausan ng party.
Wala namang nangyari sa pagitan namin ni Greg sa nagdaang maghapon matapos ang mga naganap sa kalsada. Siyempre hindi ko sinabi sa mga kaibigan ko ang nangyari. Idagdag pa ang pagtapat sa akin ni Arjo na ang rason kaya ayaw kong pumasok. Nawawalan ako ng tapang na sabihin kay Ryan. Hindi ko puwedeng sabihin sapagkat iisipin din nila na bading ako.
"Ano ka ba? Ngayon lang ito mangyayari. Pasukan sa makalawa," ang pagpupumilit ni Ryan sa akin. Nakasuot siya ng shirt na pinatungan ng checkerd na polo shirt.
"Makita pa ako ni Greg," saad ko na nakaturo pa sa bahay. "Alam mo namang ayaw noon na makita ako sa lugar kung naroon rin siya. Ayaw ko ng gulo, alam mo naman kung bakit."
"Akala ko ba okay na kayo?!" Singhal nito pabalik.
"Hindi kami magiging okay," saad ko. Nakita ko pa si Greg sa bintana sa ikalawang palapag na dumungaw. Sa damuhan ako tumingin para hindi mapansin ni Ryan na naroon siya. Suwerte kasi'y nakatalikod ito sa bahay.
"E di umiwas ka nalang. Dali na," pagmamakaawa nito na parang bata. Nang muli kong tingnan si Greg sa bintana, wala na siya roon.
Ano bang gagawin ko sa kaibigan kong ito para tumigil lang?
Naligaw lang ito dito ng masabi kong may party na nagaganap. Mabilis pa sa ilaw na sinundo ako mula sa amin at pumaroon kami agad. Mabuti nalang talaga nakabihis ako nang maayos kaya nabitbit niya ako agad. Ang kaso nga lang nagbago nga ang isip ko.
Tiningnan ko nang maigi ang kaibigan ko na ito, at pinakunot pa ang noo ko. "Okay."
Pumayag na ako dahil hindi rin naman ako makakatulog kahit bumalik ako sa bahay. Tuwang-tuwa naman si Ryan. Nagpatiuna na siyang maglakad sa pintuan at sumunod na ako. Kumatok nang malakas si Ryan na halos bayuhin na ang pintuan at ilang segundo lang bumukas iyon agad.
Nakipag-appear pa si Ryan sa nadaanan naming lalaki na bumukas ng pinto pagkapasok namin na hindi ko naman kilala. Di ko na itatanong kung magkilala nga ba sila. Binati kami ng mga nagiindayog na mga tao sa tugtog. Nagkikiskisan na ang iba sa lapit ng kanilang katawan. Mayroon pang nagmemake-out sa wall. Nasa ilalim ang babae't nakasandig ang kamay ng kahalikan niya sa pader. Walang pakialam sa kanilang paligid. Iba na talaga ang panahon para sa mga binatang katulad ko.
Kailangan pa naming makipagsiksikan. Nasiko pa ako sa tiyan ko. Nang tiningnan ko kung sino, bumuluga sa akin ang pamilyar na mukha. Akala ko si Greg, si Arjo lang pala. Nakaplaster sa mukha niya ang ngiti niyang nakakaloko ng mga tao. Kinabahan na ako agad.
"Sorry!" sigaw niya na maririnig sa ilalim ng tugtogan. Tinataas niya ang kanyang hawak na botilya ng red horse beer para 'di masagi ng mga sumasayaw.
Hindi ko nalang siya pinansin at nagkipagsisikan ulit kasunod ni Ryan. Ang bilis lumusot ni Ryan parang lenta lang na madulas. Nakahinga ako ng malalim ng makarating kami sa kusina.
Naroon ang lalaki't babae na nag-uusap katabi ng predyider. Dikit na dikit ang katawan ng dalawa. Kahit saan ako pumunta may ganoon akong nakikita. Iba talaga ang nagagawa ng kasiyahan. Lantaran kung lantaran. Parang walang pakialaman ang mga ito. Sa gitna naman ng kusina ang mesa na puno ng mga iba't ibang klase ng alak.
"Ewan mo na kita rito. May hahanapin lang ako. Magsaya ka lang," saad ni Ryan kasabay ng pagkuha niya ng isang bote ng beer. Binuksan niya ito at ibinigay sa akin. Hindi na ako nakapagsalita sa pagtumbok niya pabalik sa salang ginawang dancefloor.
Magpakasaya lang nang mag-isa?
Kaya nga ako pumayag na pumasok sa party na ito dahil kasama ko siya tapos iiwan din naman pala ako. Hinawakan ko na nga lang nang mahigpit ang bote at tinungga. Nakahinga ako nang umalis na sa kusina ang dalawang magkasintahan. Nadaanan pa ako pero parang hindi ako napansin. Humalo sila sa mga nagsasayawan.
Sumandig ako sa counter na nakaharap sa gawi ng sala at tinungga ang bote ng beer. Sa ikasampu ko ng bote ng beer, pumasok naman sa kusina si Arjo at sumandig sa pader kalapit ng pintuan. Tiningnan ko lang siya at uminom ng beer. Kumunot ang noo ko ng ngumiti siya. Hindi ko rin ito maitindihan kung bakit niya ako nagustuhan at bakit siya naging bading. Ano na ang nangyayari sa mundo? Dumarami na kami pero walang nagkakatuluyan.
"Hi, mukhang uhaw na uhaw ka a," saad pa niya. Tinungga din niya ang hawak niyang beer. Lumapit siya sa mesang kinasasandigan ko. Tama siya uhaw talaga ako sa alak. Hindi ko na siya sinagot na napansin naman niya. "Nageenjoy ka ba?"
Pinatong niya ang walang lamang bote at kumuha ulit ng isa pa. Sumandig din siya sa mesa isang feet ang layo sa akin.
"Dapat ba akong magpakasaya?" sagot ko naman sa rito.
"Oo naman, ngayon lang ito mangyayari. Sigurado 'pag dito sina mama at papa di na ako makakapaparty." Tumawa pa siya na para bang nailabas niya ang nakakailang na pakiramdam.
"Loko ka," ani ko sa kanya na totoo naman talaga.
"Hayaan mo na," aniya na may ngiti.
"Mabuti pinayagan ka rin ng ate mo?" Kinakabahan na akong kausapin ito. Dapat hindi na ako pumunta dito. Pakiramdam ko kapag ganito ito may marerealize ako sa sarili ko. Kaya nga kumakabog ang dibdib ko sa kaba.
"Napapayag ko naman." Tumawa pa ito.
"Wala ba siya rito?" ang nakuha kong itanong.
"Umalis, may pinuntahan. Mabuti hindi ka naiilang na kausapin ako ngayon."
Hindi ko na siya nasagot pa nang pumasok naman ang isang babae na may malaking hinaharap. Sinungaban nito agad si Arjo sa labi at pumulupot agad ang kamay sa leeg ng lalaki. Kitang kita ko ang paglapat ng labi ng dalawa. Hindi naman tumugon si Arjo. Inalis pa nga niya sa pagkapulupot ng kamay ng babae sa kanyang leeg. Doon ko lang nalaman na ganoong tao pala si Katness.
"Anong ginagawa mo?" singhal ni Arjo sa babae. Nagmistulang haliparot na babae si Katness sa ginawa nito. Bumuntong hininga na lang ako sa katotohanan na iyon. Tila nga hindi ako pansin nito.
"Anong pinagsasabi mo babe? Namiss kita," ang malanding saad ni Katness kaya napatawa ako nang malakas. Hindi ko akalain na pumapatol si Arjo sa ganoong babae.
Napatingin pa si Arjo sa akin. Basang basa ko ang ekspresiyon ng mukha niya na nagsasabing bakit ka tumatawa.
Akala ko ba bading siya? Ang gulo naman ng taong ito. Marahil talaga 'di alam ng lahat katulad ko.
Binalik niya ang kanyang tingin sa babae at hinawakan niya ito sa braso. Sabi pa niya, "Huwag mo nga akong tawaging babe dahil hindi naman tayo. Panira ka ng gabi."
"Alam ko gusto mo akong makuha."
Ang landi talaga ng pagkasabi ni Katness.
"Lasing ka lang. Iuuwi na kita." Tiningnan ako ni Arjo at nagsabing, "Excuse us."
Hinila na nito si Katness pabalik sa dancefloor na pumapalag pa. Ang mga babae talaga ngayon. Ano bang mga nangyayari sa kanila? Parang nagkakaroon ng sapi. Ganoon na ba talaga sila kahayok na maikama. Napailing-iling nalang ako sa muling pagkuha ng isa pang botilya ng beer.
Nakailang bote pa ako ng naisip kong ikutin ang bahay kasi'y minsanan lang makapasok dito. Hawak ang isa pang bote ng beer sinimulan ko na ang pagikot.
Dumaan ako sa dancefloor at siyempre nandoon parin iyong mga sumasayaw na parang walang mga kapaguran. Hindi ko makita si Ryan sa mga sumasayaw. Saan naman kaya sumuksok ang lalaking iyon?
Hindi ko alam kung bakit ko hinanap si Arjo sa mga sumasayaw na hindi ko naman nakita. Hinatid na talaga siguro niya si Katness.
Umalis na lamang ako sala. Nadaanan ko pa ang kumikintab na hagdanan. Pinasok ko ang medyo may kalaparan na hallway ng bahay na mayroong mga nakasabit na litrato at painting. Nadaanan ko pa ang isang opisina na ang wall ay salamin.
Dumiretso ako ng lakad patungo sa pintuan sa gilid at lumabas kasi naman naiihi na ako.
Napatigil ako ng bumangga ako sa isang tao dahil hindi ako tumitingin sa aking dinadaraanan at nagkauntugan pa kami. Pareho naming hinapo ang mga ulo namin.
Lumunok ako ng laway sa itsura ni Greg. Magulo ang buhok habang hapo ang ulo at ang mga mata niya'y tila gutom sa kung ano. Iniwasan ko na lamang siya't nagpatuloy sa paglalakad. Hindi rin naman niya ako pinigilan na akala ko'y gagawin niya.
Tumigil ako sa halamanan na natatamnan ng mga santan. Madilim sa parte na iyon kaya walang makakakita sa akin sa pag-ihi ko. Inubos ko ang beer at inihulog sa lupa. Binaba ko na ang zipper ng suot kong pantalon sabay tingin kay Greg na nakatayo lang kalapit ng pintuan. At ako'y pinagmamasdan.
Ibinalik ko ang aking atensiyon sa pag-ihi at inilabas ang tanda ng aking p*********i. Nagpalabas ako ng likido habang umuungol at nakapikit.
May pakiramdam ako na lumapit sa si Greg sa aking likuran. Hindi ko hinayaan ang sarili ko na lumingon baka imahinasyon ko lang. Nang magsalita siya doon ko lang napagtanto na nasa likod ko nga siya.
"Bakit hinahayaan mo na magkagusto sa iyo si Arjo? Pumunta ka pa talaga dito," seryoso niyang saad.
"Ano naman sa iyo?" saad ko sa pagtatapos ng aking pag-ihi. Z-in-iper ko ulit ang pantalon ko at hindi muna ako gumalaw.
"Wala. Ang sa akin lang mali ang magkagusto siya sa iyo," saad niya na ikinagulat ko. Nasabi ko tuloy sa sarili ko na wala talagang posibilidad na magiging bading siya.
"Sino ka naman para sabihan mong mali ang magkagusto siya sa akin?" Ewan ko ba't naiinis na ako sa kanya.
Matapos ng sinabi ko naramdaman ko na lang ang dalawa niyang kamay sa leeg ko. Napapihit ako ng katawan paharap sa kanya. Hindi ko makita ang ekspresyon sa mukha niya dahil sa dilim. Tila sasakalin niya ako pero diniinan niya lang at binitiwan sabay alis sa mabilis na lakad pabalik sa loob ng bahay.
Nakailang hugot ako nang malalim na hininga.
Nailing na lang ako't bumalik na rin sa bahay. Nakasalubong ko pa si Arjo sa bukana ng opisina. Sa kanyang mukha ay nakaguhit ang pagtataka.
"San ka galing?" tanong nito. Naririnig ko parin siya sa kabila ng tugtog lang.
"Umihi lang," ang sagot ko na kanyang ikinatango. Humugot ako ng hininga bago magsalita ulit. "Kailan ka pala dumating?"
"Nang nakaraang linggo pa. " Ngumiti pa ito "Bakit mo naitanong?"
"Wala naman. Sige, ewan mo na kita," pagpapaalam ko.
Pinagpatuloy ko ang paglalakad. Balak ko sanang hindi nalang ituloy ang pag-iikot pero nang madaanan ang hagdanan napaakyat nalang ako. Sa second floor nalang ako mag-iikot. Tiningnan ko pa si Arjo kung sumusunod. Nakatingala lang siya sa akin mula sa dancefloor na nakangiti. Hindi parin natigil ang mga tao sa kakasayaw.
Nakipagsayaw pa siya ng inaya siya ng isang babae.
Nagpatuloy ako sa pagakyat hanggang makarating ako sa hallway sa ikalawang palapag na nakapatay ang mga ilaw. Nakikita ko pa naman ang dinadaanan ko. Hindi ko man lang makita ang switch. Nakarinig pa ako ng usapan at ungol sa isang kuwarto sa bahagyang paghina ng tugtog sa ibaba. Dahan dahan kong binuksan ang pintuan. Sinapian ako't gusto kong mangtrip. Naisip ko na baka may naglalaro ng apoy sa loob.
Hindi man lang napansin nang nasa loob ang pagpasok at pagsara ko sa pintuan. Dumapa pa ako dahil nandoon sila banda sa bintana. Naaninag ko sila sa dilim at sa nagmumulang liwanag sa labas. Nakatayo ang lalaki at nakaluhod ang babae. Lumapit pa ako ng pagapang para mas marinig sila.
Nagdidiwang ang kalooban ko sa katarantaduhang gagawin ko.
"Ang hirap namang buksan ang zipper mo." Kilala ko yung babae. Si Katness. Hindi pala naihatid. Naghanap siguro ng bagong prospect.
Mas nagulat ako ng magsalita ang lalaking kasama nito.
"Ako na nga," saad ni Greg na paputol-putol na mukhang mayroong tama na. Siya talaga dahil boses pa lang niya alam ko na agad.
Natatawa ako sa loob ng utak ko. Makakabawi ako sa kanya ngayon. Narinig ko pa ang pagbaba ng zipper. Humagikhik pa si Katness.
"Grabe Greg, hindi pa tumitigas pero malaki na." Napakunot ang noo ko sa sinabi ng babae. Gumapang pa ako at tumigil ng ilang feet nalang ang layo ko sa kanila. Nasa paanan ako ng kama kaya hindi masyadong pansin samahan pa ng pagkalango nila at ng dilim.
"Sige, isubo mo na," ani Greg sa babae. Inilabas ko ang aking cellphone mula sa aking suot na pantalon at hindi ko muna pinindot ang unlock.
"Ang laki talaga," ang sabi pa ni Katness. Ang tagal naman para makuhanan ko na agad. Iskandal ang gagawin nila kaya magandang kunan. Natawa ako ulit sa utak at gumuhit ang matalim ng ngisi sa aking labi.
"Tumahimik ka na nga. At simulan mo na. Tigang na ako, pota!" saad ni Greg kasabay ng ungol dahil isinubo na niya ang pagkalalake sa bibig ni Katness. Ang manyak naman ng mga taong ito. Hindi man lang nag-iisip. Matuturuan sila ng leksyon. Inihanda ko na ang magaganap.
Nakailang ungol pa bago pa may magsalita sa kanila ulit. Ano kayang magiging reaksyon ng mga magulang ni Greg kapag pinadala ko sa kanila ang makukuhang litrato. Panigurado magwawala ang mga iyon. Naku, tatawa ako ng tatawa sa tabi kapag pinagalitan siya.
"Ba't di ka tinitigasan? Nangangalay na ang baba ko." Reklamo agad ni Katness. Napangisi ako sa paghahanda ng aking cellphone.
"Ayusin mo. Ang bobo mo e! Kaya hindi ako tinitigasan!" Napansin kong hinawakan ni Greg ang ulo ni Katness at inilapit sa p*********i niya. Tinaas ko ang aking cellphone at binilisan ko ang pagpindot baka mapuna nila ang liwanag na gawa ng cellphone. Hindi ako nahirapan dahil ang camera ay sa startup screen na mismo.
Napamura pa si Greg ng magflash ang camera ng aking cellphone. Eksakto ang pagkakuha ko. Nakatingin si Greg sa dako ko na gulat. Tapos si Katness nakatingin din pero nakasubo pa rin ang masilang bahagi ni Greg na hindi man lang tumigas. Tumayo akong malakas ang tawa. Tawa ako nang tawa na binalikan ang pintuan.
"Hoy bumalik ka rito!" Narinig kong sigaw ni Greg sa pagsara ko ng pintuan. Binuksan pa niya pero pinipigilan ko. At siyempre tawa parin ako nang tawa. Nang tumigil siya sa paghila sa kabila. Binitiwan ko na't binilasan ko na ang lakad pabalik sa hagdanan sabay bukas ng f*******: account ko.
Pababa na ako ng hagdanan ng nakasunod na siya sa akin. Nasa baba ako at nasa taas si Greg na ang sama ng tingin sa akin. Isinara niya ang zipper ng kanyang suot na pantalon. Sa likuran niya lang si Katness na mukhang natakot din. Pinakita ko sa kanya ang cellphone na nakahanda ng iupload ang litrato nilang dalawa.
Tinakbo na niya ang hagdanan at tumakbo narin ako. Nakihalo ako sa mga sumasayaw at nakipagsiksikan. Natanaw ko pa si Arjo na nakatayo lang sa pintuan na para bang may hinihintay. Nilampasan ko lang siya at lumabas ng bahay. Tumigil ako nang nasa malapad na lawn na ako at lumingon pabalik.
Lumabas si Greg ng bahay na galit na galit. Sumunod sa kanya si Arjo na takang-taka sa mga nagaganap. Nanakbo siya papalapit sa akin at naghabulan kami sa harapan ng bahay. Tawa ako nang tawa habang sa bunganga niya ay puro mura ang lumalabas para sa akin.
Ang malas ko naabutan niya ako't dinaganan sa likuran habang inaabot niya ang aking hawak na cellphone. Ramdam ko ang umbok niya sa likuran ko dahil sa pagkaupo niya.
"Akin na iyang cellphone mong gago ka!" Ang sigaw pa niya.
"Kunin mo kung kaya mo!" Gumalaw ako't inalis ang bigat niya sa likuran ko.
Nakipagwrestlingan ako sa kanya hanggang ako naman ang nasa itaas niya. Natanaw ko pa si Arjo na tawa nang tawa na pinagmamasdan kaming dalawa ni Greg. Inipit ng dalawa kong tuhod ang parehong kamay ni Greg na nagpaaray sa kanya. Hinawakan ko din siya sa leeg. Hindi mahigpit para hindi siya masakal. Tama lang para mapigilan siya.
"Tang-ina ka! Kahit kailan panira ka talaga!" Sinumbatan pa ako ng gago. Sinuntok ko nga siya sa mukha na nagpatahimik sa kanya.
Parang may tumarak na punyal sa aking dibdib dahil sa sinabi niya. Hindi ko naman siya pinapakailaman. Nagpapakasaya lang ako. Pero naguiguilty ako sa ginawa ko.
"Isarado mo iyan bibig mo!" Tumawa pa ako. Pinilit niyang alisin ang sarili niya sa pagkaipit ko pero malas niya lang dahil hindi niya magawa. Dinelete ko na nga iyong naupload ko na litrato nila pero di ko dinelete iyong sa phone. "Oh ayan deleted na!"
Minudmod ko pa ang cellphone ko sa mukha niya. Tinanggal ko ang tuhod sa pagkaipit sa kanyang kamay at inupuan siya sa tiyan incase sunggaban niya ako't tamaan ako sa mukha ng suntok. Patay ako ko kapag nangyari na may makitang gasgas si mama sa mukha ko.
Hinawakan pa ni Greg ang cellphone at tiningnan kaya medyo nagkiskisan ang aming balat sa kamay. May kung anong kuryente dumaloy hanggang sa batok ko dahil doon kaya tumayo na lamang ako. Hinablot ko nga ang cellphone ko sa kanya. Tumayo narin siya.
"Umalis ka na nga!" sigaw pa niya sa akin.
"Aalis na ugok! Hindi kita boss!" Iniwan ko na nga siya't isinuksok ang cellphone ko sa bulsa ng pantalon.
Sa gilid ng daan ako naglakad para makauwi at hindi pa ako nakakalayo nang marinig ko ang yabag ng paang tumatakbo. Pagkalingon ko agad akong inakbayan ni Greg na parang walang nangyari sa amin kanina-kanina lang.
"Sabay na tayo," sng sabi pa niya. Tiningnan ko ang mukha niya sa ilalim ng ilaw ng poste. Nakangisi kaya tinanggal ko ang kamay niya.
"Maglakad ka nang mag-isa mo." Tinanggal ko ang kamay niya sa pagkaakbay at lumipat sa kabilang ibayo ng kalsada.
Sumunod parin siya at inakbayan ako ulit kaya kinabahan sa lapit ng mukha namin.
"Ihatid mo na rin ako."
"Ano ka babae na kailangang ihatid," reklamo ko sa kanya't muling tinanggal ang pagkaakbay niya. "Tigilan mo pati ang kakaakbay sa akin."
"Okay hindi na. Pero ihatid mo ako sa bahay dahil paalam ko sa inyo ang punta ko."
Wala namang tao roon kaya naitanong ko sa sarili kung nakauwi na daddy niya kasi si papa wala sa bahay nang umalis ako. Sinamaan ko siya ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad. Tahimik na rin siya sa paghakbang. Nauuna ako sa kanya ng lakad kaya siya'y nasa likuran ko. Hindi na siya nakatiis sapagkat sobrang tahimik.
Isinipol niya ang kantang Lost and Found kaya sinita ko siya na hindi siya tinitingnan. "Tigilan mo nga iyan!"
"Ang alin?" untag niya.
"Ang pagsipol."
"Bakit pangit ba?"
"Oo"
"Okay. Akala ko magugustuhan mo sapagkat paborito mong kanta."
Ako naman ang natamik sa sinabi niya. Pinagpatuloy namin ang paglalakad at sinuksok ko ang kamay ko sa bulsa ng aking pantalon.
Nakarating kami sa gate ng bahay nina Greg na wala akong sinasabi. Iniwan ko siya nang makapasok siya.
"Hindi man lang nagpasalamat," reklamo ko sa aking paghakbang papalayo.
Lutang ang isipan ko kahit ng makarating ako ng bahay na pinagpapawisan ng gabing iyon. Tahimik akong pumasok at isinara ang pintuan sapagkat tulog na sina nanay, nakauwi na rin marahil si papa. Dumiretso ako ng kuwarto ko at naghubad. Doon lang ako nagbukas ng ilaw.
Iniwan ko lang ang boxer brief ko. Saglit akong naupo sa gilid ng kama.
Imbis na mag-isip pinatay ko na ang ilaw at sumalampak sa kama ko. Kinuha ko ang cellphone ko mula sa pantalon sa sahig na hindi umaalis sa pagkahiga. Binuksan ko't umayos ulit ng pagkahiga. Pinagmasdan ko ang litrato ni Greg at ni Katness. Nakakatawa talagang pagmasdan.
Zinoom ko ang gulat na mukha ni Greg at nakatulugan ko na iyon.