Pinagpawisan ako nang makarating ako sa bayan. Takbo-lakad na ang ginawa ko para hindi lang malate sa unang subject sa kurso kong kinukuha. Sa huling taon pa man din na ako kaya dapat talagang magsumikap na. Kung bakit ba kasi walang dumadaan na tricicyle o motor man lang. Sininghot ko ang suot kong t-shirt na amoy pawis na. Hindi naman ako puwedeng bumalik ng bahay kaya tumuloy na lang ako.
Naghanap ako ng masasakyan sa bawat kantong nadadaanan ko. Ni isang motor wala akong nakita. Puro tao lang na naglalakad. Kung minamalas nga naman. Pagkatapos nang ako'y liliko sa kanto biglang may lumiko ring kotseng kulay pula na bagong-bago. Napatalon ako sa malakas na busina ng kotse. Muntikan ng madikit ang makintab na nguso ng kotse sa tuhod ko.
Tumabi ako sa kotse matapos na maka-recover. Kinatok ko ang bintana sa driver seat. Tinapik-tapik ko ang aking paa sa kalsada habang naghihintay na tuluyang bumaba ang salamin ng kotse.
"Greg?" agad ko naiusal nang makita ko ang mukha niya sa loob ng kotse.
"Para kang tipaklong sa itsura mo kung alam mo lang," ang sinabi niya na may ngisi. Nakakasilaw ang kanyang ngipin sa sikat ng araw.
"Ikaw na nanadya ka, ano?" saad ko.
"Nanadya sa alin?" pagmaang-maangan niya na tila hindi niya naintindihan ang sinabi ko.
"Hindi bale nalang. Ikaw umayos ka sa pagpapamaneho para di ka makabangga." Tinuro ko pa s'ya.
"Hindi ko kasalanan na bigla kang sumusulpot." Isinabit niya ang kanyang braso sa bintana at ngumiti na naman ng nakakaloko.
"Ibig mong sabihin kasalanan ko?" Tumango s'ya bilang sagot. "Gago 'to! Ikaw ang may sasakyan kaya ikaw ang dapat na umiwas."
Kung alam ko lang na doon s'ya dadaan sa kabila na sana ako dumaan. Saka kailan pa siya nagkakotse? Sinipa ko ang gulong ng kotse niya na para bagang masasaktan ito bago maglakad. Ngunit sadyang minalas ako. Sa paghakbang ko ay natanggal ang suwelas ng converse shoe sa kalsada. Dumikit talaga sa semento na tila doon nararapat ang suwelas. Kita tuloy ang kulay ng medyas na aking suot. Peach na may disenyong paws.
Tawa na naman ang inabot ko kay Greg. Sabi pa niya, "Anong nangyari sa sapatos mo?"
"Kita mong natanggal. Magtatanong pa." Itinaas ko ang aking paa na nababalot ng sirang sapatos sa pagkairita.
Madalas nalang nangyayari sa akin ang ganoon. Kasalanan niya ito. Panira ng araw. Iyong isang buwan black shoes ko ang natanggalan pagkatapos converse shoe na naman. 'Di pa nga ako nakakabili ng pangpalit sa black shoe tapos may dumagdag pa.
"Aayusin mo?" Tumatawa pa rin siya.
"Sa tingin mo maaayos ito?" sarkastikong kong tanong para sa kanya. Hindi ko alam ang gagawin ko. Kung tatakbo nalang ulit pabalik ng bahay at pumasok sa skul kahit ganoon ang estado ng sapatos ko. Wala akong pamalit. Nahihiya ako nang kaunti sapagkat nakita lahat ni Greg. Lalo niya ako nitong aasarin. Pinulot ko ang suwelas at initsa sa loob ng kotse niya dahil sa pagkapahiya at inis. Matutuwa ako kapag natamaan siya sa mukha pero hindi naman nangyari.
"Anong gagawin ko dito?" nagtatakang tanong ni Greg hawak ang suwelas. Nakakatawa ang itsura niya na parang ayaw nitong madikitan ng dumi.
"Lunukin mo!" ang sigaw ko bago lumakad.
Iikang-ikang akong naglakad na walang lingon-lingon. Pinagtitinginan ako ng mga tao kaya lalo akong nahihiya. Balak ko sanang tumungo sa bahay ni Max para manghiram na lang sana ng tisnelas kung hindi lang dahil kay Greg.
"Hoy! Hintayin mo ako!" ang sigaw ni niya kaya napalingon na ako.
Bumaba siya ng kotse at naglakad upang sumunod sa akin. Natulala ako saglit at napahinto sa paglalakad niya. Tila siya isang anghel na walang pakpak na nagtatago sa puting shirt at pantalong maong. Parang may nakikita akong liwanag sa kanyang likuran. Kailangan pa siya naging ganoon kalakas ang dating sa akin.
"Ano na naman ba ha?" sigaw ko sa kanya habang ako ay naglalakad ng patalikod.
"Sumabay ka na sa akin," aniya. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko.
"Di bale na lang. Panigurado gusto mo lang bumawi sa pagkuha ko ng litrato." Binilisan ko na ang paglalakad.
Tumakbo na ako ng siya ay nanakbo rin. Ang kulit naman niya. Nahihirapan ako sa pagtakbo dahil sa estado ng sapatos ko. Isang pagkakamali talaga na kunan ko siya ng litrato. Para lamang kaming aso't pusa na naghahabulan. Kung bakit kasi hindi ko na lang pinigilan ang sarili sa nagdaang gabi. Ano naman kaya ang gagawin niya kung sakaling pumayag akong sumabay sa kanya? Hahawakan na naman ba niya ang p*********i ko katulad ng ginawa niya dati. Bubuhasan ako ng hiya kapag ganoon nga ang balak niya. Kaya ang kailangan ko lang gawin ay huwag niya akong maabutan. Ba't hindi lang niya ako sinundan sakay ng kotse. Nagtangatangahan ata ang gago.
Hindi pa nga ako nakakalayo naabutan niya ako ng walang kahirap-hirap. Palibhasa kasi siya ay may lahing toro kaya mabilis. Pumulupot ang braso niya sa leeg ko na tila ako'y kanyang sasakalin na nagpahinto sa aking paglalakad.
"Halika ka na. Sinusundo ka na nga. Nagiinarte ka pa. Hindi ka na nahiya sa mga tao oh pinagtitinginan ka na. Hindi ka naman chicks para mag-inarte," aniya sabay hila sa akin na para bagang isa lamang akong kariton.
Sa sinabi niya'y lalo pa akong nahiya. Tama nga siya na pinagtitinginan kami ng mga taong naroon sa kalsada. Kung makahila siya sa akin ay gusto na akong patayin.
"Bitiwan mo na nga ako," utos ko sa kanya. Walangya naman kasi ang balat namin ay nagkakakiskisan.
"Mamaya na kapag nasa kotse na." Lalo pa niya akong hinila.
"Gago ka ah. Nahihirapan akong huminga," nakuha kong sabihin. Ano ba naman kasi ang plinaplano niya na kinailangan pa talaga akong sunduin?
"Sorry. Baka kasi tumakbo ka na naman." Inalis niya ang kanyang kamay sa aking leeg. Nakaramdam ako ng panghihinayang. Para na akong baliw na mas gusto ng katawan ko ang paraan ng paghila niya sa akin kanina. Sa kuwelyo na naman ako niya hinila.
"Manghihiram lang naman ako ng tsinelas kay Max," saad ko. Hindi na ako nakatiis kaya ako na mismo ang nag-alis ng kamay niya sa kuwelyo ng tshirt ko. Mapunit pa mahirap na. May lahi ata itong sawa sapagkat akbay naman ang ginawa niya sa akin.
"Puwede namang sa akin ka manghiram ah," ang kanyang wika.
Dahil sa lapit mg kanyang mukha naamoy ko ang mabango niyang hininga. Lahat na lang ata napapansin ko sa kanya ay magaganda. Wala na bang pangit man lang. Parang perpekto na si Greg. O sa mata ko lang siya ganoon.
Hindi na naman mapigilan ng puso ko sa pagtambol. Lalo pa ng iginiya pa niya ako sa kotse at pagbuksan ng pintuan. Sinamaan ko nga siya ng tingin. Inaaakala ba niya na prinsipe ako na dapat pagsilbihan. Ang kanyang darili'y sa hawakan ng pintuan sabay hila. Nakaturo pa ang kamay niya patungo sa loob na tila baga nagsasabing pumasok na ako't maupo.
"Ano bang nakain mo?" Pinagsalubong ko ang dalawa kong kilay sa pagtatanong. Lumipat ang kamay niya sa frame ng sara at gumuhit sa kanyang labi ang matalim na ngisi. Siguro naka-score siya ng nagdaang gabi kaya ganito at parang ang bait niya. Ang hindi lang maganda kung kay Katness pa talaga. Hindi na maganda ang pakiramdam ko sa babaeng iyon. Naghintayan pa kami. Wala ata siyang balak magsalita at mataman lang akong pinagmamasdan. Dagdag ko para siya'y matigil. "May mali talaga sa iyo ngayon."
"At ano naman?" Tumawa pa siya ng kaunti. "Sumakay ka na lang para makapunta na school."
Nang banggitin niya ang school nagmadali na akong sumakay. Isinilid ko una ang aking ibabang katawan kasunod ang aking paa. Nasabi ko pa sa pagsara niya ng pintuan. "Bilisan mo malelate na ako."
Marahil papalampasin ko na lang muna ang pagiiba ng templada niya ngayon.
"Sige, boss. Gusto mo pa sumpit palangit." Isang ngisi na naman ang pinakawalan niya sa kanya bibig. Pakiramdam ko double meaning ang nais niyang iparating.
Tiningnan ko na lang siya sa pagtulak niya sa pinto at sa pagkagat nito sa katawan ng kotse.
Umikot siya sa unahan na nagmamadali na siyang pag-ayos ko ng upo sa passenger seat para mas komportable. Saka pinatong ang aking kamay sa sara ng pintuan. Amoy bago talaga ng kotse kaya ng bumukas at makaupo si Greg hindi ko maiwasang magtanong.
"Sino ang bumili nito? Bagong-bago ah," sabi ko.
"Matagal na ito. Ngayon lang talaga nagamit. Sa manila pa ito. Pero nang doon ito hindi ko naman inalalabas," aniya sa pagsara ng pintuan mg kotse. Sumunod niyang ginawa ay pinihit ang susi sa ignition at nabuhay ang makina ng sasakyan.
"Tapos ngayon, sa probinsiya ginagamit mo? Pasikat ka rin ano?" Pantay ang tingin ko sa kanya. Hindi ako nagbibiro. Umilag ako ng ang kamay niya'y kanyang iniangat upang maiduro ako sa ulo. Ibinalik niya ang kamay sa manibela at pinaandar na lang niya ang kanyang kotse.
"Kaysa naman hindi magamit. Saka hindi ako nagpapasikat."
"Hindi raw. Kitang-kitang naman. Nasa probinsiya ka na hindi mo kailangang mag-kotse." Infairness sa kanya tutok siya sa pagmamaneho.
"Porket probinsiya hindi na puwedeng magkotse? Nakikisakay ka na nga lang ang dami mo pang sinasabi." Hindi na niya nakuhang tumingin sa akin. Natatamaan ko ba ang ego niya na minsan lang mangyari kapag ganoon nga.
"Ikaw ang nagpasakay dito sa akin ah. Pinilit mo pa ako. Nagreklamo ka pa riyan." Hindi ko na alam ang susunod na sasabihin kaya't tumahimik na lang ako. Masabihan pa ng madaldal mahirap na.
"Nang nasa Maynila ako hindi ako lumalabas ng bahay kung hindi kailangan," ang nasabi niya na hindi ko naman tinatanong. Pinagmasdan ko ang mukha niya na tutok sa kalsada at nahuli pa niya ako sa kanyang paglingon. Sa kalsada na lamang ako tumingin.
"Sinasabi mo sa akin ngayon dahil?" ang aking winika para matakpan ang hiya na aking nararamdaman.
"Akala ko magiging interesado ka sa naging buhay ko sa Maynila. Wala naman masyadong kaganapan. Boring nga. Wala ka roon." Sa tono ng pananalita niya tila nagre-reach out siya sa akin. Hindi ko siya maunawaan sa puntong iyon. Kahit ang tingnan siya'y hindi ko na rin ginawa. Tama ngang nababago ng siyudad ang pag-iisip ng tao. Sa lagay niya'y hindi ko alam kung ano talaga ang nagbago.
"Malaking hindi kaya huwag mo ng ikuwento ang naging buhay mo roon. Ang gusto kong gawin ay pumasok sa skul kaysa makinig sa'yo," saad ko. Agad kong napansin na hindi daraan ang kotse sa bahay nila. "Hoy, paano ako makakapasok kung sira ang sapatos. Papahiramin mo ba ako o hindi?"
"Relax lang," aniya. Panigurado may kung anong tumatakbo sa utak niya.
Ilang sandali pa ay nadaanan namin lulan sa kotse ang mga hilera ng mga tindahan. Ihinto ni Greg ang sasakayan sa harapan ng samu't saring tindahan. Bumaba siya ng sasakyan kaya agad akong nagreklamo. "San ka pupunta? Nagmamadali kaya ako."
"Masyado ka namang atat. Unang araw pa lang ng klase. Saglit lang." Binitbit pa niya ang suwelas ng nasirang sapatos. Iniwan niyang nakabukas ang pintuan. Naglakad at pumasok sa tindahan. Sa puwesto ko sa kotse hindi ko makita kung anong ginagawa niya sa tindahan.
Galaw ako nang galaw sa upuan kasi naman ang tagal niyang lumabas.
"Kainis naman," pagmamaktol ko sa aking sarili. Nagpapadala ako sa kanya kaya ganoon ang napapala ko.
Sa paglingon-lingon nakita ko si Katness sa na naglalakad sa gilid ng kalsada. Sumidhi na gusto kong malaman ang mga bagay bagay sa pagitan nila ni Greg. Nakaliko na ito sa kanto ng makabalik si Greg ng kotse dala ang isang kahon.
Muli siyang sumakay at naupo. Iniabot niya sa akin ang kahon na may simpleng ngiti sa labi. Tiningnan ko lang ang berdeng kahon. Wala talaga akong balak kunin kaya inilagay na lang niya sa aking hita.
Hindi siya nagsalita sa pagsara ng pintuan at pag-usad muli ng kotse. Pakiramdam ko naiinis siya sa akin sa kanyang pananahimik. Wala na akong magagawa kaya binuksan ko na ang kahon. Inilabas ko na lamang ang bagong pulang sapatos na kapareho ang kulay ng nasira kong sapatos.
Magkakautang pa ako nito sa kanya, nasabi ko sa aking sarili.
Maingat kong hinubad ang sapatos sa aking paa upang makaiwas na mauntog sakaling lubak ang daraanan ni Greg. Ipinasok ko sa dala kong backpack ang hinubad kong sapatos. At ang bago'y aking isinuot. Pinatong ko ang aking paa sa upuan kaya salubong ang baba ko't tuhod.
"Saktong lang ah," komento ni Greg nang matapos kung maisuot ang sapatos. Kanina lang hindi maiguhit ang mukha niya tapos ngayon masigla na naman na tila nanalo siya sa lotto. Nilagay ko sa aking likuran ang bag.
"Lalo akong naguguguluhan sa iyong lintik ka," saad ko't sa labas ng bintana ako tumingin. Sa bawat minutong tinitingnan ko siya lalo ko lang narerealize na gusto ko siyang sapakin sa mukha dahil sa kanyang kaguwapohan. Kung sana nga lang kasing-guwapo niya ako. Kasama ko sana ang girlfriend ko kung sakali at hindi siya.
"Anong iniisip mo?" tanong niya sa akin.
"Wala," maikli kong sagot.
"Asus. Basang basang na kita. Hayaan mo hindi namam kita sisingilin ng sobra. " Sinundan pa niya ang kanyang sinabi ng tawa.
"Anong ibig sabihin mo dun ha?" Sinuntok ko siya sa braso ng bahagya lang.
Ikinatawa niya lang lalo ang ginawa ko sa pagpapatuloy ng kotse sa kahabaan ng kalsada. Dapat hindi na lang ako sumakay. Iba naman ang sinasabi ng konsensiya ko. Gusto rin naman daw. Ibinalik ko ang aking kamay sa aking hita at tinutok ko na lang ang aking mata sa unahan. Pansin ko sa gilid ng aking mata ang paminsan-minsang paglingon ni Greg sa akin na tila may tinitingnan sa mukha ko.
Nakalampas ang sasakyan sa mga kabahayan at umandar sa mahabang highway patungo sa unibersidad. Naroon pa rin ang klase ng kanyang tingin kaya sinamaan ko na siya ng tingin. Marahil inasahan na niya na ganoon ang gagawin ko kaya siya'y ngumiti parehas sa aso.
"Nag-iiba ang itsura mo kapag seryoso ah. Ang cute," aniya.
Pumitik ang puso ko't napalunok ng laway. Sa tingin ko naman ay pinagloloko niya ako pero ang sarili ko naman ay gustong maniwala.
Inalis ko sa kanya ang aking tingin at gumalaw-galaw sa upuan. Naamoy ko pa ang pabango niya na humalo sa aircon ng kotse.
Tumalikod ako kay Greg sa pag-init ng aking mukha. Hindi rin naman siguro ako namumula.
"Ano bang nakain mo? Naka-score ka kay Katness no?" saad ko.
Inantay ko ang sagot niya pero hindi dumating. Ang nangyari ay napahawak ako sa seatbelt na hindi ko suot sa paghinto ng kotse. Unti-unti akong lumingon kasabay ng mabilis na t***k ng puso ko. Bigla akong pinagpawisan sa kaba. Nagkamali ako ng tanong. Sumalubong ang nakakunot na noo niya sa akin.
"Ba't mo naman naisip ang ganyang bagay?" tanong niya. Naibaling ko ang aking mata sa kamay niyang kay higpit ng kapit sa manibela.
Nagkibit-balikat ako na lalo nagpakunot sa kanyang noo. Agad akong nagsalita baka mamaya itulak ako sa labas at ipasagasa. "Hindi ba nga? Binalak niyo na gawin."
"Ang nakita mo ay hindi sadya. Na-trap lang ako," paliwanag pa niya. Hindi naman ako maniniwala.
"Sigurado ka? Nahuli ko nga kayo," wika ko. Tumaas baba ang kanyang balikat. Matapos makahugot ng malalim na hininga paunti-unting naglaho ang kunot sa kanyang noo.
"Sinubukan niya lang ako dahil hindi ko gusto ang gusto niya. Pero ginawa ko parin sa sinabi niyang hindi ko nagustuhan."
"Tingin mo maniniwala ako, huh? Kailan ka pa naging sinungaling?" untag ko.
Isa na namang malalim na hininga ang kanyang pinakawalan bago siya magsalita.
"Simula ngayon, dapat ka ng maniwala. Kung ano ang sinasabi ko ay totoo. Walang halong biro kahit iyon ang alam ko kapag kaharap ka. Pero ito ang ilagay mo sa kukote mo, hindi ako magiibento o gumagawa ng mga bagay para lang may masabi sa'yo. Maniwala ka, Levi." Inilapit niya ang kanyang kanang kamay sa aking pisngi para lamang pisilin. Ako'y natulala lalo pa sa kanyang idinugtong. "Hindi ko kayang magsinungaling sa tulad mo."
Inalis ko na agad ang kamay niya sa pisngi ko. Nakakaramdam ako ng kakaiba dahil doon. Sa labas ako tumingin sa kanyang pananahimik at muling pag-andar namin.
"Ano bang deal sa inyo ni Katness?" tanong ko. Kung hindi niya kayang magsinungaling sasagutin niya ako ng makatotohanan.
"Wala naman. Trip ko lang," ang kanya namang isinagot na nagpainit sa tainga ko.
Ano pa ba ang maaasahan ko sa kanya?
Parang wala naman talagang totoo sa kanyang sinabi sa akin. Ni isa marahil ay gawa lang para papaniwalain ako.
"Ang gulo mo, Greg," bulong ko sa hangin. Hindi ko alam kung dinig niya.
Hindi nagtagal nakarating kami ng unibersidad na napapaikutan ng pader. Binagalan ni Greg ang pagmaneho habang ako naman ay humanda na sa pagbaba. Nakikita ko sa labas ang mga estudyanteng tila tuwang-tuwa. Kinailangan pang magbusina ni Greg para umalis ang mga nakatambay sa daraanan. Bihirang makakita ang mga estudyante ng kotse kaya pinagtitinginan talaga ng mga ito ang sasakyan.
Pinasok ni Greg ang kotse sa gate at ako'y huminga ng malalim. Bubungad ang pahabang skul building at ang malapad na damuhan sa mga papaasok. Sa nakita ko, excited narin ako para sa panibagong taon. Walang makita si Greg na puwedeng paglagyan ng kotse kaya siya'y naghanap.
Lingon ako nang lingon sa mga taong nadadaanan namin. Hinahanap ng mata ko ang mga kaibigan ko. Sa dulo ng ibang mga naka-park na motor na nasa gilid ng mahabang gusali naihimpil ni Greg ang sasakyan. Pagkahinto ay agad ko ng binuksan ang pintuan para lumabas. Ngunit hindi ko naituloy sa kadahilanang pinigilan ako ni Greg sa kuwelyo ng suot ko na tshirt. Napakiskis ang balat niya sa batok ko na nagpatayo sa balahibong buhok ko sa parteng iyon.
"Bago ko makalimutan, burahin mo ang litrato namin ni Katness sa memory ng cp mo," aniya. Inalis niya ang kanyang kamay sa aking damit kaya nakahinga ako ng diretso.
"Nadelete ko na." Umalis ako ng tuluyan sa upuan at lumabas ng kotse kasabay ng pagsara sa sara.
Nang makatayo, tumingala ako sa langit na klaro at walang masyadong ulap na naglalaro sa hangin. Ibinaling ko kay Greg ang aking mata nang maging siya'y lumabas na rin ng kotse dala ang kanyang backpack sa likod.
"Akin mo na ang iyong cellphone at titingnan ko." Lumapit siya sa akin hanggang may isang hakbang nalang sa pagitan namin. Mabuti parehas lang ang tangkad naming dalawa kaya hindi ko kailangan tumingala. Inilahad niya ang kanyang kamay sa akin.
Naghintay talaga siya kaya wala na akong nagawa at binigay sa kanya ang cellphone ko mula sa aking bag.
"Sabi ko nga sa'yong nadelete ko na." Pinagpipindot niya ang cellphone ko't hindi ko na nasundan sa pagbaling ko ng tingin sa malayo.
"Naniniguro lang. Saka nilagay ko lang number ko." Napatingin ako sa mukha niya ng sabihin niya iyon.
"Hindi ko kailangan number mo. Delete mo na lang." Binalak kong abutin ang cellphone ngunit itinaas niya para hindi ko makuha agad. Binalewala niya ang daing ko.
"Para naman hindi mo kailangang nakawan ako ng litrato." Tumalikod siya sa akin at inilagay ang cellphone ko sa harapan niya para mag-selfie. Kasama ako sa litrato kaya napasimangot ako sa pagtunog ng shutter samantalang siya kay ganda ng ngiti na labas ngipin. Muli siyang humarap sa akin at kinalikot naman ang cellphone ko.
"Akin na. Ang tagal naman. Late na ako nito," reklamo ko sapagkat wala ata siyang balak ibalik.
"Teka lang. Ipapasa ko lang." Ni hindi niya nakuhang tumingin sa akin. Inilabas niya ang sariling cellphone mula sa bulsa ng pantalon. Hindi ko naman basta lang hablutin ang cellphone. Aminin ko man o hindi natutuwa ako sa ginagawa niya. Nakailang minuto pa siguro ang lumipas bago niya maibalik sa akin. "Ayan na."
Hinawakan ko na ng maayos baka muli na namang kunin. Ngumungiti siya habang pinagmamasdan ang sariling cellphone. Hinayaan ko na nga lang ang kahibangan niya.
"Salamat sa pagpasakay," pagpapaalam ko habang nahihibang pa siya.
Ipinihit ko ang aking katawan upang maglakad ngunit pinigilan na naman ako sa balikat. "Hindi pa ako tapos."
"Ano ba naman ang kailangan---" Hindi ko naituloy ang sasabihin sa pagkabigla. Paano ba naman kasi bigla lang niya akong hinila at inilapit ang kanyang mukha sa akin hanggang sa magkalapat ang kanang pisngi niya sa kaliwang pisngi ko. Sinabayan pa niya ng kuha ng litrato.
Tinulak ko na agad ang mukha niya papalayo at dahil continous ang shot pati ang pag-alis ko sa mukha niya ay nakunan. Umayos narin siya ng tayo na nakangising aso.
"Puwede ka ng umalis," saad niya.
Binatukan ko siya dahil sa inis sabay alis. Ang pangit ko sa mga litrato panigurado. Hindi ko na pinagkaabalahang tingnan ang litrato sa cellphone ko. Inilagay ko na lamang sa bag ko't lumakad na ng mabilis. Sa gilid na pintuan ng gusali ako dumaan. Nakangiti ang lahat na nakakasalubong ko. Ang ingay ng bawat yabag ko sa tiles na sahig. Nang marating ko ang hagdanan, umakyat na ako. Binilisan ko ang paghakbang kaya ilang saglit ay nasa ikatlong palapag na ako.
Hinanap ko ang classroom para sa unang klase ko sa araw na iyon. At nasa dulo pa talaga. Hingal ako ng makarating sa pintuan. Naabutan ko ang dalawa kong kaibigan kausap ang mga babaeng ka-kurso namin na naputol agad ng makita ako. Mabuti na lang hindi pa nagsisimula dahil wala pa ang propesor. Pumasok na ako ng tuluyan. Kaunti lang mga estudyante na may kanya-kanyang topiko. Tumawa sina Max at Ryan maging ang mga babaeng kaharap nila na tila may nasabing nakakatuwa. Malakas ang kutob ko na hindi maganda. Nilampasan ko ang ibang upuan at naupo sa gilid kasunod ni Ryan.
"Anong pinag-uusapan niyo?" tanong ko kay Ryan. Napapatingin sa akin ang mga babae kaya ako'y ngumiti.
"Mga crushes lang naman," sagot nito. "Gusto mo bang sumali?"
"Wag na. Wala rin naman akong kras." Inilapag ko sa desk ang aking bag. Sumunod ay inilabas ko ang aking cellphone baka masira sa pagkaipit. "Hindi ba kayo masyadong matanda na para pagusapan ang ganyan."
"Hindi ah. Diba Max?" Tinapik pa ni Ryan ang balikat ni Max na tumango bilang sagot.
"Akala namin hindi ka na papasok kasi wala naman ang propesor natin," saad ni Max.
"Ha? Bakit wala?" untag ko.
Kinalabit ng isa sa mga babae si Ryan sa balikat at nagpaalam upang lumabas. "Alis muna kami."
Ibinaling ni Ryan ang kanyang tingin sa babae at nagsabi, "Sige. Maya na lang."
Hinawi pa ng babaeng nagsalita ang kanyang buhok at tuluyan ng umalis. Nagbulungan pa ang dalawang kaibigan ko na hindi ko narinig. Tawa lang ang naitindihan ko sa kanila.
"Ano, bakit wala si propesor? Nagmadali pa man rin ako." Pagputol ko sa tawanan ng dalawa. Tumigil rin naman at sa akin humarap ang mga ito.
"Walang nasakyan na bangkang de motor mula sa kabilang isla." Si Ryan na ang sumagot. Pagkatapos ay sa akin nabaling ang usapan. "Wala ka ba talagang crush, brad?"
"Wala," ang maikli kong sagot. Hindi ko na sila tiningnan at pinagmasdan ang litrato namin ni Greg kanina lang. Ang pangit ng pagkasimangot ko.
Natulala na naman ako sa pagtitig sa mukha niya. Hindi ko na pansin na naroon ang dalawa. Naglalakbay na kasi ang aking isipan. Wala naman akong naiimagine. Tulala lang talaga.
"Guwapo ni Greg, noh?"
"Oo nga e," ang naisagot ko sa sinabi ni Ryan na nakatayo na sa tabi ko. Naranta ako kaya nahulog ko ang cellphone sa ilalim ng mesa sa pagsubok kong maitago. Tinawanan lang ako ng dalawa bago muling naupo si Ryan. "Wala akong ibig sabihin sa sinabi ko."
"Sure," ani ni Max. Alam ko namang hindi sila naniniwala sa klase mga ngisi nila.
"Bahala kayo kung ayaw niyong maniwala." Sinamaan ko ng tingin ang dalawa.
"Hindi naman talaga. Crush mo talaga si Greg noh?" biro pa nitong si Ryan.
"Hindi. Mga walangya kayo. Hindi puwedeng magka-crush ako sa kaniya," pagtanggi ko. Pinagmasdan ang ko ang cellphone sa ilalim at pinulot.
"Aminin mo na kasi na sinisinta mo si Greg?" dinig kong saad ni Ryan sa pananatili ko pagkayuko.
Paano na lang kung may makarinig sa kanila? Ano na lang iisipin sa akin ng mga kaklase namin? Nagkaibigan ako ng mga walangya.
Inabot ko ang cellphone at nauntog sa ilalim ng mesa ng magsalita si Greg. "Pinag-uusapan niyo ba ako?'
Umalis na nga ako sa pagkayuko at naupo ng tuwid hapo ang likuran ng aking ulo. Tiningnan ko pa si Greg na nasa likuran ko. Dumoble ang t***k ng puso ko sa paghintay niya ng sagot. Sana naman ay huwag siyang mag-isip ng kung anu-ano.
Inalis ko sa kanya ang mata ko't sinamaan ng tingin si Ryan bilang banta. Huwag lang bumuka ang bibig niya. Sa kasamaang-palad nanaig ang pagkamadaldal nito.
"Itong si Levi kasi crush ka raw niya," ang mabilis na saad nito. Naibato ko sa kanya ang bag ko na walang gaanong laman. Tumawa lang ang tarantado na sinabayan pa ni Max.
"Matagal ko ng alam na crush niya ako," saad ni Greg.
Tila sumabog ata ang tainga ko't nabingi. Nagkamali ata ako ng narinig. Mabagal kong iginalaw ang aking ulo para matingnan si Greg. Pagkatingin ko sa kanya lalo pa akong nagulat. Hinalikan pa ako nito sa pisngi. Hindi lang basta halik sa pisngi matagal niyang tanggalin.
Natigil ang oras at ng mapagtanto ko ang kanyang ginawa. Tinulak ko na siya agad. Tumayo at lumakad papalayo na walang pinapansing ibang tao.
Kainis talagang Greg. Napapamura ako sa utak ko. Sinakyan pa niya talaga ang biro ng dalawa kong kaibigan.