AMSD 15

5245 Words
Iniinis talaga ako ng dalawa kong kaibigan. Walang kasiguraduhan na nakikita nilang hindi ko gusto ang kanilang mga biro. Isama pa ang kabuangan ni Greg na nakuha pang sumakay. Dapat nga kasama ko silang nakaupo para naman hindi ko kinakausap ang bakanteng stainless na upuan sa aking harapan. Ginulo ko ang aking buhok dahil sa kabaliwan ko kaya't ang mga daliri ko'y naglaro sa bawat hibla. Saka ko ipinatong ang aking noo sa mesa na nakatingin sa sahig habang ang kamay ko'y nakalaylay lamang. Ang upuang gawa sa stainless ay medyo malamig nga sa aking puwet pero wala lang naman sa akin. Mabuti pa sa cafeteria ang tahimik samantalang dapat nga maingay. Wala pa naman akong naririnig pang ibang papasok sa malapad na pasukan. Maririnig ko talaga kung may papasok sapagkat kalapit lang ako nito. Marahil kaya walang masyadong tao dahil unang araw palang ng pasukan. Nang pumasok nga ako'y kaunti lang ang aking naabutang mga estudyante na umalis na rin nang hindi katagalan. Hindi ang katahimikan ang aking problema kundi ang dumadalas na biro ng mga kaibigan ko. At higit sa lahat ang lalong pangungulit ni Greg na hindi ko maunawaan ang gustong mangyari. Lalo lang siyang gumugulo. Hindi ko na siya matantiya. Nagmimistula siyang ipo-ipo sa parang na gusto akong pinsalain. Bakit nga ba siya nagkakaganoon, tanong ko sa aking isipan. Ang hirap niya talagang intindihin kaya wala rin akong makuhang sagot. Hindi ko rin gustong isipin na gusto niya rin ako kasi masakit kung aasa pa ako. Isa na namang buntong-hininga ang pinakawalan ko bago ko marinig ang mahinang yabag na nagmumula sa likuran. Nagkasabay ang pagpikit ng aking mata sa munting ingay. Muli kong iminulat ang aking mata nang huminto ang yabag sa tagiliran ng mesang aking kinauupuan. Napatitig pa ako sa itim na sapatos ng taong nakatayo sa gilid ko. Tumikhim ito't napatingin ako rito na nakapatong pa rin ang aking ulo sa mesa. Bumungad sa akin ang nakangiting si Arjo sa unimporme ng skul, long sleeve polo na napapatungan ng asul na jacket. Pakiramdam ko talaga'y ang weirdo ng ngiti nito. Sa lahat ba naman ng puwedeng lumapit sa akin bakit ito pa talaga. Hindi ko rin inasahan na papasok rin ito sa skul na pinapapasukan ko. Ibig bang iparating nito'y sinusundan talaga ako nito. "Bakit ka nagsosolo?" tanong nito. Lalo pa nitong nilaparan ang kanyang ngiti. Kung babae lang ako kanina pa ako ng nagtitili pero hindi. Ni wala akong nararamdamang iba maliban sa weirdong pakiramdam na tila tumatayo ang balahibo ko sa katawan. Inalis ko ang pagkapatong ng aking ulo dahil sa kanyang sinabi. Hinapo ang aking noo't nagpangalumbaba sa kanan kong kamay bago sumagot. "Medyo nakakainis ang mga kaibigan ko. Iniwan ko sila classroom." "Puwede mo bang ishare sa akin kung bakit?" aniya. Hindi na siya naghintay na sabihan kong maupo. Kinuha nito ang upuan sa harapan ko't mataman akong pinagmasdan. Tiningnan ko ito saglit at sa malayo tumingin, sa labas ng wall na salamin kung saan ang malapad na berdeng damuhan. Pinag-isipan ko pa kung sasabihin sa kanya ang dahilan pero ang naging desisyon ko'y hindi ko na sinabi. Baka ano pang isipin nito patungkol sa dumadalas na biro ng mga kaibigan ko. Hindi ko alam kung anong magiging reaksiyon nito kapag nalaman nitong binibiro ako ng mga kaibigan ko kay Greg. Ngayon pa't nagugustuhan ako ni Arjo hindi bilang kaibigan. "Wala. Hindi naman big deal. Paminsan-minsan lang talaga'y naiinis ako sa kanila," ang aking sinabi para hindi ito mangulit pa. Pinaglaro ko ang aking hinlalaki at hintuturo sa aking tainga sa paggawa ko ng kasinungalingan. "Ayaw mo lang talagang sabihin kasi nahihiya ka dahil alam mong gusto kita," wika nito na walang preno. Ikinabigla ko ang sinabi nito kaya't naibalik ko ang tingin sa kanya. Nakangiti parin ito sa akin. Isinuklay ko ang aking kamay sa aking buhok habang ito'y ipinatong ang kanyang kamay sa mesa at ipinagtagpo. Humugot ako nang malalim na hininga't inilapag ang aking dalawang kamay sa pareho kong hita. Pinag-isipan ko pa sumunod na sasabihin para hindi ito ma-offend. "Dapat hindi mo sinasabi ang mga ganyan sa mga ganitong lugar. Paano nalang kung may nakarinig sa'yo," ang nasabi ko kahit alam ko namang malayo ang kinauupuan ng dalawang babae na naroon ng mga oras na iyon at marahang nag-uusap. "Wala naman sa akin kung may makarinig," ang sumunod nitong sinabi. Pinaikot pa nito ang dalawa nitong hinlalaki sa isa't isa. "Sa'yo okay lang pero sa akin hindi." Hindi ko talaga magugustuhan na may mag-isip sa akin na bading ako kahit totoo naman, hindi ko lang gusto na pag-uusapan ako. Ayaw kong pag-isipan ako ng masama ng mga tao. Tama na ang nalalaman nila'y puro kalokohan ang kaya kong gawin. "Huwag kang mag-alala kung may makarinig man, aakuin ko ang lahat na consequence," ani nito. "Iba parin kapag ganoon. Basta kung puwede huwag kang magsasabi ng ganyan lalo sa publikong lugar." Nilinga ko ang aking ulo para malaman kung may nakatingin sa dako namin. Mabuti naman at wala kaya balik rito ang aking atensiyon. "Okay, hindi na." Mahahalatang malungkot ang boses nito. Sinubukan kong huwag maapektuhan pero natamaan parin ako. Ano bang magagawa ko kung sa tingin ko talaga'y ang mga ganoong bagay ay itinitago. Kahit na tanggap na ng mundo ang pagiging bading mayroong paring hindi. At ang lugar namin ay isa lang sa mga iyon. "Dapat lang talaga. Hinahayaan na nga kitang lumapit sa akin sa kabila ng sinabi mo." Naipatong ko ang aking noo sa aking kamay na nakatiklop sa mesa. Hindi ko naman puwede sabihin sa kanya na lumayo-layo sa akin. Ang gaspang ko naman kapag ganoon. Ayaw ko rin namang may nasasaktang tao. Maliban nalang kung si Greg. Matutuwa ako kung sasaktan ko siya pisikal man o emosyonal. Napangisi pa ako sa isipin na iyon. Buti nalang hindi pansin ni Arjo dahil sa ayos ko. Siguradong magtataka ito sa inaakto ko. "Ipinagpapasalamat ko nga iyon. Okay na sa akin kahit kaibigan lang ang tingin mo sa akin. Saka sapat nang nakakausap pa rin kita," mahina ang pagkasabi nito na tila pabulong na. Ngunit malinaw na malinaw sa aking tainga. Pansin ko ang pagsisi, pananabik at kalungkutan sa boses nito. Iniiangat ko ang aking ulo para ito'y pagmasdan na siya nitong pagtayo mula sa upuan. Gumawa pa ng ingay ang upuan sa tiled na sahig ng cafeteria sa pag-alis ng kanyang bigat. "Aalis ka na?" agad kong tanong dito. "Hindi. Bibili lang ako ng maiinom. Bigla akong nauhaw." Itinuro pa nito ang kanyang hinlalaki sa counter na nasa bandang likuran. "Ah. Sige," ani ko't umalis na ito papalayo sa mesa't lumapit sa counter. Nakatitig ako sa likuran nito sa kanyang paglalakad. Hindi ko lubos maisip kung anong epekto ko sa kanya't ganoon ito kung malungkot. Wala naman akong maipagmamalaki tapos sa akin pa ito nagkagusto. Kung sana nga lang sa iba nalang ito tumingin, panigurado may magkakagusto sa kanya. Hindi naman ito papahuli sa tindig at guwapo ng mukha. Lamang pa nga ito sa akin ng ilang ulit. Hindi ko mahanap talaga na magkagusto sa kanya. Napapatingin pa si Arjo sa akin nang makalapit na ito ng tuluyan sa counter. Hinarap nito ang lalaking nagbabantay. Nginitian ako nito bago magsalita sa lalaki. Matapos ng kanyang sinabi gumalaw ang lalaki habang tinapik-tapik ni Arjo ang kanyang kamay sa counter habang naghintay. Bumunot ito ng pera sa bulsa nito sabay lapag. Ilang sandali pa'y bumalik ang lalaki hawak ang dalawang tasa ng kape sa basong matigas na papel. Inaabot nito kay Arjo matapos mapansin ang bayad. Bumalik si Arjo sa paglalakad at napalingon ako sa likuran dahil pakiramdam ko'y may nakatingin sa akin. Hindi nga ako nagkamali sapagkat naroon si Greg na nakatayo sa bukana. Nakakunot ang noo niya at hindi ko alam kung para sa akin o kay Arjo. Nailayo ko agad sa kanya ang mata ko't sa harapan nalang tumingin. "Oh brad. Magandang umaga!" ang bati pa ni Arjo kay Greg at hindi ko siya tiningnan pa. Umiinit pa ang tainga sa isiping naabutan niya ako na kasama si Arjo. Hindi naman maiwasang magtambol ng puso sa aking dibdib. Lalo pa nang magsalita si Greg. Sabi niya, "Bakit kasama mo siya ha?" Iniisip ko kung nagagalit ba siya o hindi. Doon pa lang rumihestro sa akin na ako ang kanyang tinatanong. "Ano naman ngayon?" "Hindi ko gusto na nakikitang kasama siya," aniya na ikinatigil ko ng paghinga. Tila mga patalim ang kanyang mga salita sa aking likod. Pinagmasdan ko si Arjo na tumahimik pero pilit ang ngiti bago maupong muli. "Problema mo na iyon. Hindi mo naman ako pag-aari para sabihan ng ganyan," ang aking sinabi na hindi tinitingnan si Greg. Ipinatong ni Arjo ang kape sa harapan ko't nagsabi ako rito. "Salamat." "Huwag kang mag-alala brad. Magkakape lang kami," saad pa nitong si Greg na baka lalong ikakagalit ng binata. At hindi nga ako nagkamali. "Pakialam ko kung magkakape kayo," ang matigas na turan ni Greg. Suwerte at hindi nagulat si Arjo, magkaibigan naman na sila pagkatapos ganoon para silang nagaagawan ng laruan sa katauhan ko. Kapag ganoon hindi na sila magkaibigan na dalawa. "Kung makapagsalita ka para kayong mag-jo---" Sinamaan ko ng tingin si Arjo na nagpaputol sa kanyang sasabihin. Pinakunot nito ang kanyang kilay. Bumuntong hininga ito't kanyang sinabi. "Inumin mo na ang kape mo baka lumamig." "Sige, salamat ulit," saad ko. Hinawakan ko ang baso ng kape. Pinakiramdaman ang init na nanggagaling sa loob. Pansin ko sa gilid ng aking mata ang pagkuha ni Greg ng isang upuan sa kalapit na mesa. Sumunod ay naupo siya sa gilid ko talaga sa aking kaliwa. Tinitigan niya ako nang mariin kaya hindi ko namang maiwasang pagmasdan ang kanyang mga mata na kulang nalang ay dukutin ko. Sinamaan ko siya ng tingin habang sa likuran ng senaryo na iyon ay naghihigop ng kape si Arjo. "Ano?" untag ni Greg sa akin. Habang siya'y nagsalita naramdaman ko sa ilalim ng mesa ang pagkadikit ng kanyang paang balot ng pantalon sa aking paa. Inipit pa talaga niya ang kaliwa kong paa sa pagitan ng kanyang dalawa paa. "Itigil mo nga iyang ginagawa mo," singhal ko dahil alam kung kinukulit niya lang ako. Ang tanong ay kung bakit. Sumisirko tuloy ang kalooban ko dahil lang sa pagkadikit ng aming paa. "Wala naman akong ginagawa," pagmaang-maangan niya. Sinipa ko nalang ang paa niya na kanyang ikinangiwi. Hindi siya masyadong gumalaw para hindi pansin. "Akala ko talaga hindi kayo magkasundong dalawa," ang puna ni Arjo sa pagitan ng pag-inom sa kape. "Hindi naman talaga," ang nasabi ko habang hawak parin ang kape sa aking mga kamay. Ngunit si Greg ay iba ang sinabi. "Magkasundo kami. Hindi lang halata. Ganito kami kalapit." Inisog ni Greg ang upuan niya't dumikit sa akin. Hindi pa ito nakuntento kaya ako'y kanyang inakbayan pa talaga. Natamimi ako sa aking kinauupuan ng pisilin pa niya ang aking braso. Dagdag pa niya, "Kaya kung may kailangan ka sa kanya. Dadaan ka muna sa akin." Pinagmasdan ko si Arjo na hindi man lang naapektuhan. Tuloy parin ito sa paghigop ng kape. Kahit ang ekspresiyon sa kanyang mukha ay walang pinagbago. Kampante pa rin itong tingnan. Matapos makainom inibinaba nito ang kape't pinagmasdan kaming dalawa ni Greg. Itinulak ko si Greg papalayo sa akin sa kanyang ulo. Ang kaso nga lang wala atang balak umalis ang tarantado. Ibinaba ko nalang ang aking kamay muling hinawakan ang kape. Gusto ko rin naman na ganoon kami kalapit sa isa't isa. Nakakaramdam ako ng komportableng pakiramdam kahit sumisirko ang aking dibdib. Nahihiya ako kay Arjo baka ano pang isipin talaga nito patungkol sa aming dalawa ni Greg. Hindi naman sa nag-aalala ako na magbago ang kanyang pagkagusto sa akin. Hindi ko lang nais na ganito't nag-aalangan ito kahit hindi ko makita sa kanyang mukha. Kapansin-pansin ang mahigpit na pagkahawak nito sa baso na kape. Samantalang itong si Greg nakangisi pa talaga't gustong asarin si Arjo. "Kailangan ba talaga o may iba kang motibo?" ang nasabi ni Arjo na hindi ko naisip na sasabihin nito. "Sabihin mo tutal narito na rin tayong tatlo. Bakit ka ganyan ngayon kay Levi?" Hindi ko makakayanan kung magpapatuloy ang usapan na ganoon. Kasi naman bakit ba nagsama ang dalawa. Malupit siguro ang tadhana kasi akala ko iisog na si Greg. Iyon pala'y umayos lang ng upo. Ani ni Greg, "Ano bang ibig mong sabihin?" Pinaglaro pa ni Greg ang kanyang daliri sa aking tainga sa nakaakbay niyang kamay. Nasiko ko nga siya para tumigil. Tumawa pa talaga siya. "Huwag ka ngang umaktong hindi mo alam ang ibig kung sabihin." Sumandig si Arjo sa kanyang kinauupuan at mariing pinagmasdan si Greg. Pinagmasdan ko ang mukha ni Greg na tumingin sa akin. "Ah, gusto mong malaman kung may gusto ako sa kanya?" ani ni Greg na ikinalunok ko ng laway. Nagtagpo ang aming mga mata na parang nangungusap siya. Kung hindi lang sana sa ngisi niya baka naniwala akong seryoso siya sa kanyang sinabi. Kahit ba ganoon umaasa ang parte ng sarili ko na oo ang sagot na may gusto nga siya sa akin. Siguro magbabago ang lahat. "Oo, iyon nga," ang nasabi ni Arjo bilang sagot sa katanungan. "Puwes ang sagot ko ay hindi." Sa akin parin nakatingin si Greg kaya malalang marinig mula sa kanya ang mga ganoong kataga. Tila nahulugan ako ng mabigat na kisame. Dala ng kalungkutan at kirot sa dibdib sa baso ng kape nalang ako tumingin. Hindi ko rin makuhang tumingin kay Arjo dahil sa hiya. Dagdag pa ni Greg. "Bakit naman ako magkakagusto sa taong ito?" Tama nga rin naman siya. Bakit nga rin naman magkakagusto ang tulad niya sa katulad ko. Pareho pa kaming lalaki. Iba naman kasi si Arjo sapagkat naging magkaibigan kami. Si Greg naman ay hindi ko masasabing magkaibigan talaga kami. Pero masakit marinig ang mga katagang iyon mula sa kanya na hanggang doon lang talaga kami. Humigpit ang kapit ko sa kape't gumalaw ako indikasyon na gusto kong matigil na si Greg. Inalis na rin niya ang pagkaakbay niya na ipinagpasalamat ko. Naiinis ako sa kanya kasi naman kailangan ganoon pa ang paraan ng kanyang pagkasabi. Parang wala ako roon. "Ibig sabihin hindi na ako dapat dumaan pa sa'yo kung may kailangan ako sa kanya," turan ni Arjo na patingin-tingin sa kanyang relos. Hinawakan nito ang baso ng kape sabay tayo't nagsabi, "Kailangan ko ng pumasok sa klase. Sa uulitin nalang Levi." "Sige," ang akin naman isinagot. Tuluyan na nga siyang naglakad matapos na makapagpaalam. Walang sinabi si Greg sa pag-alis nito. Tumayo na rin ako para makaalis na rin ngunit napigilan ako ni Greg sa kamay at muling napaupo. Hindi ko na nasundan ng tingin si Arjo sa kanyang paglalakad papalabas ng cafeteria. "Nagpapaligaw ka na sa kanya?" ang seryosong tanong niya sa akin "Ano naman?" saad ko. Iinumin ko sana ang kape pero inalis niya sa kamay ko. "Dapat hindi." "Anong hindi kung gusto naman niya ako." Kinuha ko ang hawak niyang kape. Iinumin ko na nga kukunin pa niya. "Hindi mo naman siya gusto. Unfair sa kanya iyon. Saka kailan ka pa nagkagusto sa ibang tao ha? At kay Arjo pa?" Itinaas niya ang kape ng akmang kukunin ko. "Wala kang pakialam doon. Iniisip mo ba na pareho kaming lalaki? Anong problemo doon?" "Malaki kaya huwag kang magpapaligaw sa kanya." Mataman ako niyang pinagmasdan. At hindi ko maiwasang halos kalapit na ng katotohanan na totoo ang kanyang sinasabi. "Puwes, wala akong pakialam kung malaki ang problema mo patungkol doon. Akin na nga iyang kape." Tumayo na ako pare maabot pero nakalayo na siya agad sa akin sabay tayo. Umiinit na naman ang ulo sa kalokohan niya. "Huwag mo ng inumin ito. Magayuma ka pa," aniya. Hindi pa siya lumalakad papalayo kaya makukuha ko pa ang kape. Pinagtitinginan pa kami ng tao sa cafeteria kasi naman takaw tingin ang ginagawa namin. "Hindi ko kailangan ng gayuma para magustuhan siya, okay. Kaysa naman sa'yo," ang nasabi ko dahil narin sa inis sa kanya. Panandalian siyang natahimik sa aking sinabi. Kumunot rin ang kanyang noo't nawala ang ngisi sa kanyang labi. Marahil ay inaabsorb niya. Iyon na ang pagkakataon ko sa kanya na bawiin ang kape kaya ginawa ko na. Sa kasamaang-palad dahil sa pagmamadaling makuha, isama pa na ayaw niyang ibigay. Nabuksan ang takip ng kape kaya't natapon ang mainit na likido sa dibdib niya na kanyang ikinagiwi. Buti naman hindi siya sumigaw. "Oh, iyan na," singhal niya. Binigla niyang ibigay sa akin ang baso ng kape. Natapon ng kaunti sa aking kamay kaya't napaso ang aking kamay. Tiniis ko lang kasi maging siya'y tinitiis ang niya rin ang init ng kape sa kanyang damit. Pilit pa niyang pinagpagpag para namang maalis. Sinamaan niya ako ng tingin bago siya lumakad at tinungo ang comfort room na nasa bandang dulo ng cafeteria. Sumunod ako dahil ang sabi ng konsensiya ko gawin ko. Itinapon ko ang kape sa basurahan sa labas lang ng pintuan ng comfort room. Umiilaw pa ng kulay berde ang signage na men. Kailangan ko ring maghugas ng kamay para maalis narin ang lagkit. Itinulak ko ang pintuan at tuluyang pumasok. Kusang sumara ang pintuan ng kanya lang sa aking paghakbang. Naabutan kong hinubad ni Greg ang kanyang suot na pang-itaas at inilapit sa gripo para tanggalin ang mantsa. Sa salamin na ako tumingin para maiwasang tumama ang mata ko sa nakabalandra niyang hubad dibdib at likod. "Sorry kahit hindi ko naman kasalanan," ani ko na nakamasid sa repleksiyon ng salamin. Binuksan ko ang gripo at naghugas ng kamay. Malamig ang tubig pero hindi naman nakakamatay. "Kasalanan mo," saad niya. Napatigil ako sa paghugas. Tiningnan siya sa salamin. Patuloy lang siya sa pagtanggal ng mantsa. "Hindi ko papatulan iyang kabaliwan mo ngayon." Isinara ko ang gripo't pinunasan ang aking kamay sa suot ko na pantalon. "Alis na ako." "Teka lang," agad niyang sinabi bago pa ako makahakbang. Lumapit siya sa akin kasabay ng pagsampay ng shirt niya sa balikat. Napaatras ako nang kaunti. Dagdag niya, "Kailangang magpalit tayo ng damit." "Baliw ka ba? Bakit ko naman gagawin?" Umaatras pa ako ng kaunti. "Kasalanan mo kaya naman palitan mo." Hinawakan niya ako sa kuwelyo ng aking damit. Inalis ko ang kamay niya. Lalo lang siyang lumapit. "Nagpapatawa ka ba? Bahala ka diyan sa buhay mo." Iniwan ko na nga siya't baka ano pang gawin niya. Lumapit na ako sa pintuan sa kanyang pagkatunganga. Sinundan niya ako't naabutan ako bago pa ako makahawak sa pintuan. Agad na pumulupot ang kanyang dalawang kamay sa aking kamay sabay hila upang mayakap ng mahigpit. Naestatwa ako sapagkat ramdam ko ang kanyang dibdib sa aking likuran. Isama pa ang nagbabadyang kasiglahan sa ilalim ng kanyang pantalon. Napapalunok ako ng laway sa isipin na kung ano na naman ang gagawin niya. "Akala mo hahayaan kitang lumabas," nakuha pa niyang sabihin na may bahid na pagbabanta. Pinagpapawisam na ako sa ayos naming dalawa. "Bitiwan mo nga ako. Huwag mo akong isali sa kalokohan mo." Hinawakan ko ang kamay niya kaya lang tila nanginig naman ako. Sa kabila nito'y sinubukan ko paring alisin ang mga kamay niya. Iyon nga lang lalo lang humigpit ang pagkayakap niya sa akin mula sa likod. "Kung ibibigay mo sa akin ang damit mo. Hindi ko gustong bumalik ng bahay para magbihis lang." Kay lapit ng bibig niya sa aking tainga kung kaya't ramdam ko ang init ng kanyang hininga. "Ano ito, lokohan? Bahala ka sa buhay mo. Pakialam ko kung may mantsa ang t-shirt mo," pagrereklamo ko sa gitna ng pag-alis sa kanyang kamay. Napasigaw na lamang ako sa sakit na nagmumula sa parte sa pagitan ng leeg at balikat dahil sa kanyang pagkagat. "Tigilan mo akong tarantado." Idiniin niya pa lalo pa ang pagkagat sa akin kaya lalo lang ang napapa-aray. Kung hindi pa matapos ay siguradong magdurugo. Siniko ko na siya patalikod bago pa niya makain ang balat ko katulad sa aswang. "Ano? Bibigay mo na? O ako pa ang maghuhubad niyan para sa'yo," bulong niya sa aking tainga. Inasar pa talaga ako. Ang sakit na nga ng kinagat niya aasarin pa. "Asa ka," bulyaw ko rito. Sinubukan ko ulit na alisin ang kamay niya't gumalaw ang mga iyon paibaba na naglalakbay sa aking tiyan. Lumaki ang aking mata sa kanyang balak na sisirin ng kanyang kamay ang suot kong pantalon. "Ano ibibigay mo na?" tanong niya nang malapit na talaga ang kanyang kamay sa suot kong pantalon. Ako nama'y naiwang naghihintay sa mga nangyayari. Saka lang ako nabuhusan ng hiya ng susuot na talaga ang unang daliri niya sa aking pantalon na humagod pa sa aking pusod. Kumawala ako sa kanyang pagkakapit at hindi na rin niya napigilan. Kumulo agad ang dugo ko sa pagtawa ni Greg ng malakas na halos punuin ang loob ng cr. Tuwang-tuwa ang tarantado na may pahawak-pahawak pa sa tiyan habang tumatawa. Hinubad ko na agad ang suot kong damit at hinambalos sa kanyang mukha. Kinuha ko na rin ang nakasabit niyang shirt sa balikat sabay suntok sa kanyang braso na ikinatigil niya sa kakatawa. Sinamaan ko siya ng tingin bago lumabas ng cr. Halos masira ang pintuan sa lakas ng pagbukas at pagsara ko. Sa aking paglalakad sa ilalim ng mga matang naroon, isinuot ko ang damit ni Greg na may naiwan pang kaunting mantsa. Malamig ang basang parte at kaya namang huwag ng pansinin. Nagpatuloy ako sa paglalakad ng walang lingon-lingon hanggang sa makalabas ng cafeteria. Sa aking paghakbang sa pathway na nababalutan ng bricks, may isang isipin na naglalaro sa aking isipan. Babawi ako sa katarantaduhan ni Greg. Malulunod na sana ako sa pag-iisip kung hindi lang sa mga kaibigan ko na tinatawag ako. "Dito muna tayo!" ang sigaw ni Ryan kasabay pagkaway. Kasama niyang nakaupo si Max sa lilim ng punong naroon kaharap ang laptop sa damuhan. Lumapit ako sa kanila sabay upo sa pagitan nila. Napapatingin pa ako sa ibang mga grupo ng estudyanteng naroon na nagkakatuwaan. Nakaupo ang karamihan sa damuhan sa lilim ng ibang mga puno. "Ano bang pinagkakaabalahan niyo?" tanong ko't pinakiramdaman ang kagat sa aking balat. Napangiwi ako ng lumapat ang aking kamay dito. Inalis ko na lamang bago pa mapansin ng dalawa kong kaibigan. Nag-cross leg na lamang ako't nagpangalumbaba na nakapatong ang siko sa tuhod. "Wala naman. May tinitingnan lang," si Max ang sumagot na busy sa pagpindot sa laptop na nakuha pang ipatong sa hita na tila may itinatago. "At kailangan niyo pang manghiram. San niyo nakuha iyan?" Napahikab pa ako sa akong pagtanong. "Ewan ko kay Ryan. San ba pre?" ani ni Max na hindi tumitingin sa amin ni Ryan. "Hiniram lang," ang maikli nitong sagot. Pinagmasdan ko si Ryan kung nagsisinungaling siya. "Kanino?" untag ko. "Wag mo ng alamin," sabi nito na may kasamang tawa. Doon pa lamang nabaling sa akin ang lahat matapos ang maikli niyang tawa. "San ka ba galing?" "Sa cafeteria," sagot ko na tinatamad. "Nakita ka ni Greg?" dagdag na tanong nito. Tumahimik na lang ako't baka saan pa mapunta ang kanyang katanungan. "Nagpalitan pa talaga kayo ng suot ah. Saka may kissmark ka pa." Naitabon ko ang aking kamay sa sinabi nito. Akala ko'y hindi mapapansin. "Hindi ito kissmark. Kagat ito ng halimaw." Maisalba sana ang aking sarili ng aking sinabi. Napapasimangot ako sa klase ng titig ni Ryan. Tinawanan lang ako nito dahil sa aking reaksyon. "Kissmark iyan at ako ang naglagay." Naituwid ko ang aking pag-upo sa pagsalita ni Greg sa aking likuran kaya pala ganoon nalang kung makatitig si Ryan sapagkat alam nitong papalapit sa amin si Greg. "Tumahimik ka," ang mariin kong saad para kay Greg sabay malayo tumingin kung saan may grupo ng mga babae at isa sa kanila ay si Katness. "Ano bang nangyari sa inyong dalawa?" ang hindi maiwasang tanong ni Ryan. "Masyadong pribado hindi puwedeng sabihin," ani ni Greg. Naramdam ko nalang ang pag-upo niya sa tabi ko. Hinayaan ko na lang para hindi ako mahalata na apektido. Kung lalayo ako'y mas kapansinsin at babahain ako ng biro mula sa dalawa kong kaibigan. "Sige. Kapag ready ka ng sabihin, puwede mong sabihin sa amin ha," wika ni Ryan kaya siya'y sinamaan ko ng tingin. Nabuo ang ngisi sa kanyang mga labi. Hindi ko na lang binigyang halaga sapagkat isa lang naman iyon sa mga biro nila. "Oo naman brad," saad ni Greg. Sabay pang tumawa ang dalawa. Nagsama ang dalawang tarantado. Mabuti pa si Max nalulong sa laptop. Tumigil rin sa kakatawa ang dalawa na may mapadaang babaeng estusyante na sinipolan ni Ryan. Bahagya akong tinulak ni Greg ng kanyang balikat pero hindi ko siya tiningnan. Tumahimik ako na tikom ang bibig at sa kawalan tumingin. "Hoy, magsalita ka naman diyan," aniya sa akin. Hinayaan ko lang na pumasok sa isa kong tainga at pinalabas sa kabila. Tinulak niya ako sa balikat sa pangalawang pagkakataon. Ngunit nanatili akong tahimik. "Kausapin mo ako, Levi." Nagmistula ako bingi sa kanyang hinaing na napuna agad ni Ryan. "LQ kayo agad-agad?" Sinamaan ko ng tingin si Ryan na mas doble ng una sa sinabi nito. Itinaas nito ang kanyang dalawang kamay indikasyon na titigil na. "Nagtatampo ka ba?" bulong ni Greg. Hindi ko siya sinagot. Naramdaman ko na lang ang paghugot ng kanyang hininga. "Uy, kasali si Sophia sa beauty contest oh. Akala ko ba aalis na ito pabalik ng Maynila," pagsingit ni Max na aking pinagpasalamat. Titig na titig ito sa screen ng laptop. "Patingin," ani ni Ryan na kinuha ang laptop. Pinagmasdan ni Ryan ng maigi na lumaki ang mata. Dagdag pa nito. "Ganda ng first love mo Levi oh." "Akin nga't patingin ako," tila may bahid ng inis ng magsalita si Greg. Inabot nga naman ni Ryan ang laptop sa kanya. Iniharap ni Greg sa kanya ang laptop at napatingin ako sa screen sa lapit niya sa akin. Gumanda nga si Sophia lalo pa't naka-two piece suit ito ng asul sa litrato sa page ng pageant. Ang background ay ang kalmadong karagatan. At ang ngiti nito'y nakakabighani. Wala naman akong naramdaman kakaiba. Ni hindi nga ako naginit na dapat kung maramdaman. "Na-starstruck ka Levi ano?" untag ni Max. "Lalo siyang gumanda," ang komento ko patungkol sa litrato ni Sophia kasi totoo naman. "Nainlove ka ulit?" tanong ni Ryan sa akin. Nagkibit-balikat ako bilang sagot at tumingin pa lalo sa litrato. Hindi ko inasahan na hahawakan ako ni Greg ng kanyang mga kamay sa magkabilaan kong pisngi. Ipinihit niya ang mukha ko paharap sa kanya. "Huwag mo na siyang tingnan. Sa akin lang dapat. Sa mukha ko lang para mainlove kang lalo. Mas higit pa ako sa kaniya. Alam ko na alam mo iyon. Uulitin ko, sa akin ka lang tumingin," aniya na nagpatambol sa aking puso. May nalalaman pa lang siyang linyang ganoon. Sa lapit ng mukha naming dalawa para na kaming maghahalikan. Nagkatagpo ang aming mata samantalang pinipisil pa ng kanyang hinlalaki ang ang aking pisngi. Kung kaya'y nagsirko na naman ang kalooban ko. Napalunok ako ng laway sa paglapit ng kanyang mukha na tila balak talaga ako niyang halikan. Inilagay agad ang kamay ko sa pagitan ng aming mga mukha bago pa magtama ang tongke ng ilong naming dalawa. Nababaliw na ata talaga siya't umaabot na kasukdulan. Pagkatapos ganoon at hinahayaan ko lang siya na gawin. Tatapusin ko ang kahibangan niyang ito para matigil na siya kakagawa ng trip sa akin. Hinawakan ko ang mukha niya't inalayo kasabay ng hiwayan ng dalawa kong kaibigan. Pinagmasdan ko ang mga ito na kung makangisi'y katulad ng aso. Lumipat ako ng upuan katabi ni Max para makalayo kay Greg na ang lapad din ng ngiti. Kung puwede lang siyang sapakin ngayon gagawin ko na kaya lang baka may makakita sa gagawin ko't mapadala pa sa council. Tumahimik na lang akong muli at walang sinasabi. "Bagay talaga kayong dalawa," saad pa ni Ryan na nagpainit pa sa aking ulo. Nanahimik na nga ako dadaldal pa siya. "Alam ko naman iyon," ang sabi din naman ni Greg at sinuklay-suklay pa ang buhok na ang mga mata'y sa akin. Kinindatan pa talaga ako ng taratando. Malakas na hiyaw naman ang nagawa ng dalawa kong kaibigan. Sinimangutan ko nga siya. Wala naman akong masabi para matigil siya. Kung iisipin ko'y lumipad sa malayo ang mga salita sa sarili ko. "Pag 'di kayo titigil ihahampas ko sa inyong dalawa ang laptop," banta ko sa dalawa bago ako tumingin ulit sa malayo. Dapat nga umalis na lang ako pero saan naman ako pupunta. Wala naman akong gagawin. Kung bakit pa kasi hindi pa pumapasok ang ibang propesor. "Okay, titigil na," pagsuko naman nitong si Ryan. Maging si Max ay tumahimik narin. May kung anong binunot ito sa kanyang bag. "May nagpapabigay pala sa'yo nito." Iniabot niya sa akin ang isang maliit na paper bag na kulay maroon. Pinagmasdan ko pa ng matagal bago ko kinuha. "Ibigay mo sa akin," pagsingit ni Greg. Pakiramdam ko'y may balak siya na gawin sa paper bag kaya kinuha ko ng tuluyan at tumalikod sa kanya paharap kay Max. Hindi maipinta ang mukha ni Greg dahil sa pagkadismaya na nakikita ko sa gilid ng aking mata. Nakasimangot pa siya na aking ikinangiti sa loob ng aking utak. Makakabawi ako sa kanya at hindi ko kailangan ng plano. Binuksan ko ang paper bag laman ang isang maliit na key chain na puppet na gawa sa tela. Sinulsi ng makapal na sinulid ang gilid at ang mata'y butones. Maging ang nakangiting bibig ay sinulsi din. Cute na tingnan ang regalo pero nadismaya lang ako dahil hindi naman galing kay Greg. "Kanino ba galing? Manliligaw?" saad nitong si Ryan at lumapit sa akin para makiusyoso. Binasa ko pa ang card na nakasilid. Wala namang laman na mensahe tanging kanino lang galing. Dagdag pa nito. "Galing ba sa babae?" Hindi na ako nakasagot kay Ryan nang biglang may nanghablot ng regalo para sa akin. Tiningnan din nito ang laman ng paper bag. Napatayo ako't nilapitan siya para hindi niya matingnan. Inaagaw ko sa kanya pero lumalayo na naman siya katulad ng ginawa niya sa kape. "Isauli mo nga sa akin iyan," singhal ko sa kanya. "Mamaya na," aniya. Tumalikod siya sa akin na nagmistulang imbestigador na sinuri ang laman ng paper bag. Sinubukan kong kunin sa kanya mula sa likod. Ang kaso nga lang umiwas siya't nasiko niya ako sa ilong. Napasigaw ako ng malakas dahil sa sakit kasabay ng pagmumura. Parang matatanggal ang ilong ko sa sakit na panandaliang pumigil sa aking paghinga. Mabuti nalang walang dugo na mahawakan ko ang ilong. "Sayo na. Itago mo pa sa kabinet mo. Magsawa ka," sigaw ko sa kanya dahil sa sobrang inis. Tinalikuran ko na sila't sinimulang maglakad papalayo pabalik sa skul building. "Lagot ka Greg! Nagalit na sa'yo!" Dinig kong inaasar pa ni Ryan si Greg sabay ng tawa. "Hirap pa man din niyan suyuin. Good luck brad!" dagdag pa ni Max sa naunang sinabi ng kaibigan namin at pumalatak naman sa tawa ang dalawa. Sumunod ang dalawa sa akin at tinabihan ako sa paglalakad. "Alam mo si Greg parang ano lang nagseselos na boypren," nakuha pang sabihin ni Ryan sa paglalakad namin. "Pakialam ko hindi naman kami," ang nasabi ko na naman na hindi nag-iisip. Pinisil-pisil ko ang aking ilong. Mabuti nga talaga at hindi tuluyang dumugo. "Ibig sabihin niyan gusto mo talaga si Greg?" Ewan ko ba't bakit ganoon ang nasabi ni Ryan. Samantalang si Max ay inakbayan ako. "Wala akong sinasabing ganyan," ang sabi ko naman para makaiwas. "Asus, sabi mo hindi naman kayo. Parang gustong mong iparating na sana'y maging kayo. Na ibig sabihin ay may chance na totoo ngang may gusto ka nga sa kanya," ang mahaba-habang saad ni Ryan na may kasama pang tapik-tapik sa kamay. "Wala nga." Hindi ko naman masabi kung tama ang aking sagot. "Huwag mo kasing pigilan," ang seryosong saad ni Ryan. "Kung may nararamdaman ka talaga. Pakawalan mo dahil doon ka magiging masaya. Hindi rin naman masamang magkagusto ka sa kanya. Diba Max?" Tumango naman ang kaibigan namin. "Oo, nga't okay lang na magkagusto ako sa kanya. Pero sa tingin mo magkakagusto siya sa akin. Hindi mangyayari iyang iniisip mo. Malabong mangyari." "Eh, 'di parang inamin mo rin na may gusto ka sa kanya." Nakangisi pa si Ryan sa pagtitig ko sa mukha niya. "Ewan ko sa inyo. Bahala kayo kung anong gusto niyong isipin," mabilis kong turan at nauna na sa paglalakad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD