AMSD 16

6673 Words
Naglagay na naman si Greg ng papel sa kinuupuan kong mesa habang ang propesor na lalaki ay nagde-discuss ng lesson nito sa harapan. Wala sa lesson ang aking buong atensiyon kundi sa hindi pagpansin kay Greg. Pareho pa naming kinukuha ang isang course subject na wala ang mga kaibigan ko. Sa pagsisimula ng klase ng ako'y pumasok hindi ko na pinansin pa si Greg. Sa paraang iyon ko lang nabubuhos ang pagkainis ko sa kanya. Sumasakit pa nga ang ilong ko dahil sa pagsiko niya. Pumili pa siya ng upuang katabi ng sa akin para lang mangulit. Tiningnan ko rin naman ang laman ng papel na aking binuklat kahit alam ko naman kung ano ang nakasulat. Parehong salita katulad sa mga naunang nakasulat sa papel na pinunit niya sa kanyang notebook. Humihingi siya ng patawad at hindi ako nagpatinag. Kailangan kong ipamukha sa kanya na wala lang siya sa akin, na iikot ang mundo ko ng wala siya. Pinapatunayan ko na rin sa sarili ko na kaya ko ngang mabuhay kahit hindi niya ako inaasar at siya'y hindi ko kausapin. Mahirap na desisyon ngunit iyon ang tingin ko na tamang gawin. Nilamukos ko ang papel at isinama sa mga naunang papel sa gilid ng mesa. Hindi ko rin tinitingnan si Greg baka kasi matibag ang pader na inilalagay ko. Dinutdot ng propesor ang hawak nitong chalk sa blackboard indikasyon na tapos na siya sa pagsulat at natapos na rin ang klase. Itinayo ko ang aking sarili dala ang aking backpack, at inayos ang suot kong salaming may giltak sa kaliwa. Dagli ring tumayo si Greg at sumunod sa aking paglalakad. Binalewala ko ang presensiya niya sa paglabas ko ng classroom kasabay ng ibang estudyante. Hinawakan ako ni Greg sa aking kamay na nagpatigil sa paglalakad ko sa hallway. Pinisil-pisil pa niya ang aking kamay. Hindi ko rin maiwasang naramdaman ang init na gawa ng kanyang palad. Kahit lingonin siya'y hindi ko ginawa. "Sorry na please. Hindi ko gusto na nagkakaganyan ka. Pansinin mo na ako please," pagmamakaawa niya. Kung hindi lang kailangang maturuan siya nagsalita na ako. Iyon nga lang kailangan siya'y aking tikisin kahit maging ako'y nakakaramdam din naman ng kirot. Hinila ko na ang kamay ko't nagpatuloy sa paglalakad para narin maputol ang klase ng tingin ng mga estudyante. Tinungo ko ang kuwarto ng journalism club na limang pinto ang layo sa nilabasan kong klase. Sa aking paglalakad ay nakasunod parin sa akin si Greg na tila isang buntot. Pumasok ako sa pintuan na kailangan pang itulak nang marating ang club. Maging si Greg ay pumasok din matapos akong humakbang papasok na nakakuha ng pagkabigla sa dalawang estudyanteng nasa loob ng kuwarto kasama ng dalawa kong mga hamak na kaibigan. Binigyan ko sila ng masamang tingin para maitikom ang bibig. Ang dalawang babae'y napako ang mata kay Greg na nakatayo sa aking kaliwa. Samantalang ngiti lang ang nagawa nina Ryan at Max. "Nandito ka na rin. Akala nami'y hindi ka makakarating," ani ni Thea. Ang presidente ng club na nakaupo sa kabilang dulo ng mesa. Sinuklay-suklay pa nito ang mahaba nitong buhok. Napapakunot ang noo ko. "Ipakilala mo naman kami sa kasama mo." "Sino ang sinasabi mong kasama ko?" ang walang buhay kong saad. Naupo ako kasunod ni Sarah kaharap sina Ryan. "Sino pa ba, e di ang guwapong nilalang sa likuran mo." Nilaparan pa ni Thea ang kanyang ngiti. Si Sarah ay napangiti narin na bihirang mangyari. "Wala akong kasama. Baka magnanakaw ang nakikita mo," ang nasabi ko na dumagdag sa pagtataka ng dalawa kong kaibigan. Mabuti naman hindi nagsasalita si Greg na mas maganda para sa akin. O pinipigilan niya ang sarili niyang magbiro para mabawasan ang inis ko. Kung ano pa man ay kalimutan ko nalang. "Kung siya ang magnanakaw. Magpapaubaya ako, maging akin lang siya," ang biro ni Thea na sinundan nito ng tawa. Nakitawa narin ang naiwang tatlo sa hindi inasahang biro nito. "Huli ka na miss. May nagmamay-ari na sa akin," ang nasabi ni Greg. Napalingon ako sa kanya. Hindi niya ako tiningnan kaya't naisip kong may iba pa siyang babae maliban kay Katness. Binaling ko nalang ang mata ko sa mga kaibigan ko. "At pasensiya na ha. Nanghihimasok ako may nagtatampo pa kasi sa akin." Pakiramdam ko'y tila nagpaparinig siya sa akin. Sumimangot naman itong si Thea na halata namang nagpapansin lang. "Sino ba ang nagtatampo?" ang biglang tanong ni Ryan na parang wala namang alam. Imbis na sumagot si Greg iniupo na lang niya ang kanyang sarili sa upuang nasa tabi ko at ginawa ko ang lahat para lang hindi siya pagmasdan muli. Sapagkat ayaw kong magkasalubong ang aming mga mata. Nagtatanong ang mga mukha ng dalawa kong kaibigan at hindi ko sila sinasagot. "Kaya pala iba ang aura ngayon ni Levi," ang nakangiting turan ni Thea. "Puwede kang magstay. Saglit lang naman ang meeting namin. O gusto mo mag-join nalang sa aming club." "Salamat na lang. Hindi ako bagay sa mga ganyan. Tatahimik lang ako dito," ani ni Greg sabay patong ng kamay sa mesa na kita ko sa gilid ng aking mata. At mataman akong pinagmasdan. Wala lang naman kina Thea at Sarah maliban kay Max na kaylapad ng ngiti habang binubulongan ni Ryan. Sinipa ko sa ilalim ng mesa si Ryan na nagpatigil sa ginagawa ng mga ito. "Dahil kompleto na tayo sasabihin ko na ang dapat nating gawin." Sa sinabi ni Thea ay tumahimik ang lahat. "Kailangan nating kuhanan ng mga litrato ang mga magaganap sa paparating na fiesta na ilalathala sa school newspaper." "Ia-a-sign mo na naman kami?" tanong ko. Pinagmasdan ko ang mukha ni Thea at ngumiti lang ito sa sinabi ko. "Bilib talaga ako sa'yo Levi at nahuhulaan mo ang sasabihin ko," saad ni Thea. "Obvious naman." Nagpalabas pa ng hangin si Ryan kaya'y napangiti ang lahat kahit ako. "Sa umaga kami ni Sarah at kayong mga boys ay sa gabi. Para maging safe ang aming kagandahan," ani ni Thea. "Ano naman ang makukuha namin kung susundin ka namin?" ang aking biro. Tinaasan ako ng kilay ni Thea na lage nitong ginagawa. "Walang kapalit. Maging responsable nalang kayo." Pinalo pa nito ang kanyang kamay sa mesa kaya't nagulat si Sarah. Nagtawanan naman kaming magkakaibigan. "So, okay na? Kasi kami ay may klase pa." "Sige," saad ko. Akala ko naman mahaba ang pag-uusapan namin.. Hindi maganda ang naging pakiramdam ko sa pananahimik ni Greg. Nakapagtataka sapagkat hindi siya nanahimik ng matagal kaya mabilisan ko siyang lingonin. Kaya pala hindi siya nagsasalita kasi'y nakatulog na siya sa mesa. Mahimbing na ang tulog niya na sa isip ko'y nagpa-antok siya ng nakaraang gabi. "Sino ba iyang kasama mo na iyan mukhang bagong salta?" Hindi na ako nagtaka sa sinabi ni Thea. "Ikaw kaya ang salta dito," saad ni Max sa pagtayo ng dalawang babae. Inirapan ito ni Thea. "Whatever. So, sino nga iyan?" ang tanong ni Thea kay Max. Ikinuso pa nito ang natutulog na si Greg. Mapayapa ang mukha niya habang natutulog na nagpaalala sa akin no'ng nanood kami ng palabas sa kanilang bahay. "Si Levi ang tanungin mo," ang nasabi ni Ryan sa pananatili nitong nakaupo. Sinunod din naman ni Thea kaya nagtatanong ang kanyang tingin sa akin. "Ano?" untag ko rito. Itong si Sarah may ibinulong kay Thea na sa tingin ko'y patungkol kay Greg kasi lumiwanag ang mata nito na parang tala sa gabi. "Hindi na pala kailangan. Maasahan talaga itong si Sarah. Oh siya mauna na kami," pagpapaalam ni Thea. "Tara na friend." Sinundan ko sila ng tingin. Kumaway si Thea sa paglalakad nito paalis kasunod si Sarah. Nang makalabas na ang mga ito sa pintuan saka lang nagsalitang muli si Ryan. "Pasyal tayo Levi," ani nito sa paglingon ko pabalik sa kanila. "Wala ka namang sunod na klase, hindi ba?" "Wala nga. Kaya lang kailangan kong makauwi. Hanapin pa ako ni mama." Sinuri ko ang suot kong damit ni Greg na may man "Saka kailangan ko ng magpalit. "Huwag kang mamobrelema sa damit. Bibilhan ka namin," ang natutuwang saad ni Ryan. "Pero mas maigi kung hayaan mo na bagay naman sa'yo ang damit ni Greg," ani ni Max na itinuro pa ang natutulog. "Hindi kaso ang damit kaya ayaw kong sumama." Sabay pa nilang inilapit ang mga mukha nila sa akin mula sa kanilang kinauupuan at ako'y mariing pinagmasdan. Ayaw pang maniwala sa sinabi ko. Nirolyo ko ang naiwang folder sabay palo sa ulo ng dalawa. Nailayo nila ang kanilang sarili na tumatawa. "Sumama ka na lang kasi." Napapakamot ulo pa si Ryan. "Okay, sasama na." Tumayo na ako't natigil nang hindi sila gumagalaw sa kanilang kinauupuan. "Ano pang ginagawa niyo diyan? Akala ko ba mamasyal tayo?" "Si Greg, hindi ba natin isasama?" tanong ni Ryan. "Kayo nalang kung kasama rin lang naman siya." "Sabi ko nga sa'yo Max e hindi na," pag-inaarte ni Ryan na may kasamang tawa. Pareho na silang tumayo at lumabas. Pakiramdam ko sinasadya nilang iiwan ako saglit sa kuwarto. Mahimbing talaga ang pagkatulog ni Greg. Payapa ang kanyang mukhang nakapatong sa kanyang kamay sa mesa. Naalala ko ang hindi pa niya ibinabalik na kinuha niyang regalo. Ipinalo ko sa mukha niya ang nirolyong folder na nagpabalikwas sa kanya ng gising. Napakamot siya ng ulo habang napapikit. Iniwan ko ang folder at mabilis na lumabas ng club hawak ang strap ng aking backpak na dala. Sa aking paglalakad ay napuna ko si Ryan kausap si Sebastian. Naiwan si Max na nakatunganga na nakikinig sa pag-uusap nila. Nanumbalik sa isipan ko ang mga sinabi niya sa akin na napag-usapan nila ni Greg. Sa paglapit ko'y umalis na si Sebastian na kaylapad ng ngiti. "Kailan pa kayo naging mabait kay Sebastian ha?" agad kong sinabi sa dalawa. Nagtinginan ang dalawa kung sino ang sasagot. Bumuntong hininga si Ryan at siya na mismo ang sumagot. "Noong isang linggo pa. Teka lang ha, dito ka muna. May kukunin lang kami," turan ni Ryan na tila umiiwas na mapag-usapan si Sebastian. Tumango ako't iniwan ako ng dalawa na umakyat sa hagdanan. Para lang akong posteng nakatayo. Sa aking paghintay sa dalawa na makabalik, lumabas si Greg mula sa club. Lingon siya ng lingon na marahil ay kanya akong hinahanap. Inilayo ko agad ang tingin mula sa kanya at pinagmasdan ang mga babaeng estudyante na nag-uusap sa harapan ng pintuan ng theater club. Alam ko namang papalapit sa akin si Greg kaya nga bumibigat ang pakiramdam ko dahil sa kanyang titig. "Hoy, hindi mo ba talaga ako kakausapin," saad niya nang tuluyan siyang makalapit sa kinatatayuan ko. Wala akong sinagot sa sinabi niya at nanatiling tahimik. Tinusok niya ako sa pisngi ng kanyang daliri pero hindi ko pinansin. Inulit niya kaya nairita na ako. "Ano ba!? Tumigil ka nga." Pinalo ko ang kamay niya ng aakma siyang tutusukin muli ang aking pisngi. Sinamaan ko siya ng tingin ng makailang ulit. "Nagsalita ka rin sa wakas," aniya't ngumiti. "Nahihirapan na ako." "Pakialam ko," ang aking pagsusungit. Imbis na mainis bigla ako niya akong niyakap, mahigpit na mahigpit. Ramdam ko ang kapit ng kamay niya sa aking likuran at pagpatong niya ng baba sa aking balikat. Naipit ako sa kanyang mga bisig kaya ako'y napapatitig sa kisame. "Huwag mo ng uulitin ha na 'di mo ako kakausapin. Hindi ko kaya. Hindi na nga ako makatulog nang maayos sa gabi dahil sa'yo tapos nagtatampo ka pa. Lalo lang ako nitong hindi makakatulog," bulong niya sa taenga ko. Kung sana lahat ng pinapakita at sinasabi niya ay totoo baka maniwala na sana ako, pero hindi. Tinulak ko siya para makakalas ang pagkayakap niya. Ginawa rin niyang kumalas. Hindi ko siya pinagmasdan baka lalo lang maging visible na tinitikis ko siya. "Ano bang ikinaiinis mo sa akin ang nagkakaganyan ka?" Nanatili siyang nakatayo sa harapan ko. Wala siyang pakialam kahit na pinagtitinginan kami ng mga dumadaan. "Marami," saad ko. Napagdesisyunan ko na sabihin nalang sa kanya. "Tulad ng?" untag niya na ikinainis ko. "Ewan ko sa'yo. Alam ko na alam mo kung anong mga kinaiinisan ko sa'yo," mariin ang bawat salit na aking binitawan. "Mas mabuti nga sigurong hindi mo na ako pansinin, at hindi tayo mag-usap pa." Unti-unting naging blangko ang ekspresiyon ng mukha niya. Magsisinungaling ako kung hindi ko sasabihin na nasasaktan ako sa mga sinabi niya. Ang totoo nga niyan tila gusto kung umiyak. Pakiramdam ko kasi sa sinabi niya kakalimutan na niya ako't hindi na ako kakausapin kailan pa man. Hindi naman siguro mali ang ginawa ko. Naging masyado na ba akong maarte at papansin kaya ginusto na lang niya na ganoon. Dagli ko siyang tiningnan. Sa kasamaang palad naglalakad na siya papalayo. Para akong nababasag na salamin sa paglayo niya. Lalo lang akong naiinis, inulit na naman niya na huwag nang kausapin ako. Pagkatapos darating din ang araw na kakausapin din naman niya ako. Kapag kinausap niya lang talaga ako ulit bubobogin ko siya talaga. Hindi siya lumingon hanggang sa lumiko siya sa kaliwa papalabas ng gusali. Kumikirot talaga ang dibdib ko. Nailiko ko ang aking katawan ng may tumikhim at nahanap ko ang aking sarili na kaharap si Arjo. Malungkot ang mukha nito. Hindi ko gustong isipin na nakita kami nito ni Greg. "Bakit mo ibanalik?" tanong nito. Hawak nito ang paper bag na para sana sa akin. Akala ko'y itinapon ni Greg kaya nga hindi ko na hinanap. Mukhang ibinalik pa talaga ni Greg. "Pasensiya na. Nakakahiya naman kasi," ang paghingi ko ng paumanhin. "Hindi ka naman dapat mahiya. Sinabi mo sana sa akin agad na kayo na pala ni Greg. Hindi ko pa nga nasisimulan ang balak kong panliligaw. Nabusted na ako agad," ang saad niya na may kasamang pilit na tawa. "Ano ba iyang pinagsasabi mo? Imposible namang maging kami. Sinabi ko naman sa'yo, hindi ako katulad ng iniisip mo." "Huwag mo ng itago. Alam ko namang mahirap mag-out kasi nadaanan ko rin iyan." Isinilid niya sa backpak ang paper bag. "Mali ka ng iniisip Arjo," saad ko. "May pruweba akong nakita. Ang sweet niyo sa litrato." Inayos niya ang dala niyang bagpack. "Si Greg mismo ang nagsabi sa akin na kayo na." "Ano?" napasigaw ako ng malakas kung kaya't napatingin sa aming dalawa ni Arjo ang mga estudyanteng naroon sa hallway. Kahit si Arjo ay nagulat din. Hindi na ito nakapagsalita pa sa pag-alis ko't sinundan ang dinaanan ni Arjo. Para ng babaon ang paa ko sa semento sa aking paglalakad. Napapatabi pa ang mga estudyante na nadaanan ko dahil sa klase ng tingin ko. Lumiko ako at lumabas ng gusali sa etrance ng skul na nilabasan ni Greg. Narinig ko pa ang pagtawag ni Arjo ngunit hindi ko siya nilingon. Hinanap ng mata ko si Greg pagkalabas ko ng pintuan. Nahanap ko siyang nakatayo kalapit ng rest house na gawa sa kayawan at d**o. Binilisan ko ang paglapit sa kanya na nakakakunot ang noo. Nakuha pa niyang kumaway sa akin kaya lalo lang akong naasar. Isama pa ang ngisi niya na kulang nalang ay idikit sa mga mata ko para hindi matanggal. "Epektib ba ang sinabi ko? Nasaktan ka ba?" ang tanong niya na tila tuwang-tuwa sa aking paglapit sa kanyang kinatatatayuan. Umakto lang pala siya na hindi na niya ako gusting kausapin sa kanyang sinabi. Ibinaba niya ang kamay mula sa pagkaway at ako'y huminto sa harapan niya na masama ang tingin. Napapakamot siya sa batok. Wala akong sabi-sabi na inihabyog sa kanya ang dala kong backpack. Sa kasamaang palad ng tulad kong naiinis, nakailag siya sa aking pag-atake. Lumayo siya agad at tumakbo paikot ng rest house na tawa nang tawa. "Ikaw talaga ang sisira sa buhay ko. Lintik ka!" sigaw ko sa kanya at sinundan siya paikot sa rest house na tila mga batang naghahabulan. "Mali ka! Ako ang nagpapaganda sa buhay mo," aniya habang humakhakbang papalayo. "Sinong may sabi na ikaw ha? Susme. Sakit ng ulo ang binibigay mo sa akin," reklamo ko sa kanya. Pinagtitinginan naman kami ng mga taong tila natutuwa sa pinaggagawa naming dalawa ni Greg. "Nagkakamali ka. Mayroon ka lang hindi maamin." Nakakabwisit ang nangyayari sa amin dahil tila walang katapusang habulan paikot ng resthouse. "Wala akong dapat aminin." "Meron. Aminin mo na mahalaga ako sa'yo. Aminin mo na dapat nasa tabi mo ako lage." Huminto siya sa paglalakad. Napahinto rin ako kaya lang nasa kabilang side siya ng resthouse. Pinagmasdan niya ako ng mariin. "Sino ka naman para sabihin ko ang mga ganyan. Hindi mo ako pag-aari. Ni hindi nga tayo magkaibigan." Napabuntong hininga siya sa sinabi ko't pinatong ang dalawang kamay sa sandigan ng upuan sa resthouse. "Mas magandang hindi tayo magkaibigan dahil iba ang gusto kong mangyari." Pumasok siya sa resthouse at lumapit sa kinakatayuan ko. Nang masigurado niyang ako lang ang makakarinig ng sasabihin niya nagsalita siyang muli. "Higit pa sa kaibigan ang gusto ko mula sa'yo." Kinindatan pa niya ako kaya pumitik ang puso ko. Napalunok ako ng laway nang tinaas-taas pa niya ang kanyang dalawa kilay. "Huwag kang magsalita ng ganyan Gregory. Tigilan mo ako sa mga kalokohan mo," ang aking wika na tila nauutal. Nagtitigan kaming dalawa. Isang malakas na tawa ang nagmula sa kanya. Sabi ko pa pinagloloko niya lang ako. "Sarap mo talagang biruin Levi. Sa bahay ka na lang lage para may pangpagoodvibes ako," aniya na tawa nang tawa parin. Nakakahiya na sa mga taong nakakakita sa amin kasi para siyang baliw sa loob ng resthouse. Ipinalo ko sa kanyang mukha ang bagpack dahil sa malapit din naman siya. Tumigil siya sa kakatawa, sapagkat masakit ang pagkapalo ko ng bag. "Kung hindi mo babawiin ang sinabi mo kay Arjo. Habang buhay na hindi na kita papansinin," pagbabanta ko sa kanya saka ko siya iniwan na hinahapo ang kanyang mukha na tinamaan ng backpack. Hindi ko na siya inantay na may sabihin pa't umalis na lamang. Iniwan ko siyang mag-isa na hindi pinapansin ang mga tingin ng tao. Sa pathway ako ng skul dumaan hanggang sa makarating ng gate. Inilibas ko ang aking cellphone ko't tinext ang dalawa kong kaibigan na nagsasabing aantayin ko nalang sila sa rest house sa labas ng unibersidad. Inayos ko ng suot ang aking backpack at lumabas ng skul hawak ang cellphone. Tumawid ako sa kalsada sa paunti-unting pagdaan ng mga sasakyan. Mayroong dalawang babaeng nag-uusap sa resthouse sa bandang dulo. Tiningnan pa ako ng mga ito. Pero hindi ko pinansin sa pag-upo ko ng nakatalikod ko sa kanila. Isa sa kanila kasi ay si Katness na kinahuhumalingan ni Greg. Hindi rin nito ako tinawag o binati man lang sa kadahilanang busy sa pag-tsismis. Napanaginipan ko pa nga na naghahalikan silang dalawa ni Greg. Mabuti nalang isang beses lang nangyaring nanaginip ako ng ganoon. Napatingin ako sa hawak kong cellphone at pinag-isipang idelete nalang ang kasalukuyang wallpaper, ang kinuha ni Greg na litrato. Ngunit hindi ko naman ma-delete. Kahit papaano naman kasi'y napapangiti ako kapag tinitigan ko ang mukha naming ni Greg. Ang sa akin ay kung anong litrato ang pinakita ni Greg kay Arjo para maloko niya ito. Isinuksok ko sa bulsa ang cellphone nang mapansin ko ang dalawa kong kaibigan kasama si Greg palabas ng school gate. Nag-uusap pa ang mga ito habang papalapit sa akin. Patingin-tingin sa akin si Greg kaya't sa mga dumadaan na sasakyan ako tumingin. Pagkalapit na pagkalapit nila'y tinawag siya agad ni Katness. "Uy, Greg. Hindi mo sinasagot mga text ko ah," ani ng babae. Nilampasan ako ng babae sabay lapit kay Greg. Mabilis na lumingkis ang kamay nito kay Greg na nagpainit lalo sa ulo ko. Nagpaubaya naman itong si Greg nang hilahin siya ni Katness papalayo sa mga kaibigan ko para mag-usap. Tumitingin pa sa akin si Greg na tila may gustong sabihin. Gusto naman niyang lageng nakadikit kay Katness. Nagsinungaling pa na walang nangyayari sa kanila. Tumayo na ako't nilapitan ang mga kaibigan kong naiwang nakatayo. "Tara na para makauwi nang maaga," pagyaya ko sa mga ito. Nauna akong lumakad sa kanila. "Antayin natin si Greg," ang nasabi ni Ryan sa aking likuran. "Kung sasama siya, ako na lang ang hindi sasama," saad ko na hindi lumilingon. Huminto ako sa paglalakad at inantay sila. Sinabi ko na nga na hindi puwede kasama si Greg. Pinipilit pa talaga nila. "E bakit naman? Naimbitahan ko na," ang nasabi ni Max sa pagtatampo ko. "Hayaan mo na Max. Uy, Greg. Next time nalang. Ayaw pumayag ni Levi. Mauna na kami," pagpapaalam ni Ryan kay Greg sa pananatili kong pagkatalikod. Sa pagsabay nila sa akin lumakad na kami sa gilid ng kalsada na walang nagsasalita. Minabuti nalang siguro nilang itikom ang kanilang mga bibig kaysa buwisitin ako. Hindi pa kami nakakalayo nang may humabol sa aming isang pasaway na bakulaw. "Teka lang antayin niyo ako!" Dinig kong sigaw ni Greg. Hindi ko siya tiningnan sa patuloy na paglalakad. Pero sina Greg at Max ay huminto sa paglalakad. Tumigil lang ako sa paghakbang nang may sumakay sa likuran ako na may kasamang sigaw. Inalis ko si Greg sa pagkasakay sa akin habang naiwan ang dalawa kong kaibigan na tumatawa. Nakakaasiwa kayang maramdaman ang tanda ng p*********i niya sa likod ko. "Bumaba ka nga!" ang sinigaw ko. "Ayoko ko nga. Gandang sumakay," nasabi pa niya habang ginagawa niyang bumaba at sumakay na nagpapahirap sa aking tumayo. Umiiwas naman ako pero naro'n parin at sinasakyan niya ako sa likod. "Hindi ako kabayo para sakyan mo!" Naisigaw ko na pero hind parin siya tumitigil. Pinagmasdan lang naman kami ng dalawa. Sinubukan kong humingi ng tulong sa pamamagitan ng tingin. Ngunit ang mga tarantado walang ginagawa. "Sasakyan kita sa lahat ng gusto mo," pakanta pang saad ni Greg. Sabay talon ulit sa likod nang mahulog siya. Sa kasamaang palad napaluhod na ako sa kalsada dahil sa bigat niya. Uminit ang tainga ko sa posisyon naming dalawa. Paano ba naman nasa likod ko siya't nakatutok talaga ang bukol na tanda ng kanyang p*********i sa puwetan ko. Tila pinaglalaruan niya ako patalikod kasama ang dibdib niyang nakapatong at kamay niyang nakahawak sa aking dibdib. Gumalaw pa talaga siya kaya mas lalong kong naramdaman ang paglalaki niya na nagpalaki sa mata ko. Umalis ako sa ilalim niya't tumayo kasabay ng pagmasahe sa aking tuhod. Kinuwelyohan ko agad si Greg. Iniangat ko ang kamay ko para suntukin siya. Ngunit ng mapansin ko si Ryan na umiling na nagsasabing huwag kong ituloy, tumigil na ako. "Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa'yo. Ang gago mo talaga!" singhal ko sa kanya saka siya binitawan. Nagpatuloy ako't binilisan ko ang paghakbang. "Huwag na nga tayong tumuloy!" "Eh! Nagiging kj ka na talaga pre!" sigaw ni Ryan. Kinalkula ko sa loob ng utak ko kung tutuloy pa o hindi na lang. Hindi na kami nagkakaroon ng bonding time ng magkakaibigan. Kung hahayaan ko lang si Greg na mas magandang hindi kausapin, maaenjoy ko parin naman siguro ang pamamasyal namin. "Bilisan niyo diyan kung mamasyal pa," ang naisigaw ko sabay tulak sa salaming nagbabadyang tuluyang mabasag. "Dapat nga na huwag mo ng masyadong kulitin si Levi baka tuluyang lumabas ang sungay niyan," saad nitong si Ryan. Marinig ko lang na pinag-uusapan nila ako'y dumagdag sa init ng ulo ko. Hindi ko na nga sila tinitingnan nabwibwisit parin ako. Sinubukan kong pigilan ngunit nakawala parin. "Bahala kayo diyan!" Humakbang ako sa kalsada ngunit hindi ko naituloy na muling tumawid. Pinigilan ako ni Greg saka hinila patungo sa kalapit na maliit na mall. Mahigpit ang pagkakapit niya kaya napapasigaw ako dahil sa inis. "Huwag mo nga akong hinihila!! Wala siyang balak na bitiwan ako kasi ang higpit ng pagkahawak niya sa pulsuhan ko. Napapasunod nalang ako sa kanya samantalang ang dalawa'y nasa likuran lang namin. "Napapadalas ang init ng ulo mo. Baka iba na iyan," aniya. Sa harap siya tumintingin kaya't hindi ko kinailangan na pagmasdan ang kanyang mga mata. "Ikaw ang dahilan kaya lumayo-layo ka sa akin." Hinila ko ang kamay ko ngunit wala paring nangyayari. "Tingin mo maniniwala ako? Sa pagkakaalam ko nais mo rin na lageng nasa tabi mo ako. At kung naiinis ka dahil nakita mo na naman kami ni Katness na nag-uusap kalimutan mo. Walang nangyayaring maganda sa aming dalawa," pagpapaliwang nito. "Ilang ulit ba ang kailangan para paniwalaan mo ang sinasabi ko." "Hindi kailangan dahil wala naman akong pakialam sa inyong dalawa." "Sabihin mo man o hindi. Alam ko may pakialam ka katulad ng pag-alala ko sa kung anong nararamdaman mo." Habang tumatagal sumerseryoso siya kaya sumusuot talaga sa kaibuturan ng sarili ko. "Malapit na kaarawan nating dalawa. Magbati na tayo. Huwag kang masyadong mainit ang ulo. Magsaya ka lang. Huwag magpakaisip. Lage lang ngumiti." "Huwag mo akong turuan. Hindi kita kapatid o ano pa man," hinila ko ang kamay ko sa bahagyang pagluwag ng kanyang hawak. Nilingon niya ako na malungkot ang mukha. Maglalagay sana ako ng distansiya sa pagitan naming dalawa kung hindi lang sa pag-akbay ni Max. "Magmeryenda muna tayo bago umikot. Nakakagutom," ani nito. "Mabuti pa nga," ang nasabi ni Greg. Tiningnan ko lang siya sa mata bago kami lumakad ni Max. Nagpahuli silang dalawa ni Ryan na hindi nag-uusap. Hindi rin malayo ang kalapit na mall kaya't ilang saglit lang ay nasa pasukan na kami. Pumasok na kami sa loob na walang sinasabi sapagkat busy ang aming mga ulo sa paglingon. Tinanggal ko ang pagkaakbay ni Max nang mapadaan sa tindahan ng mga salamin sa mata. Naiwan akong tumitingin sa mga nakadisplay sa estante ng dalawa kong kaibigan. Gusto ko sanang magpalit ng salamin para wala ng giltak ang suot ko. Kaso nga lang wala akong pangbili. Si Greg ay nasa likod ko kaya ng mapansin ko siya'y sumunod na ako sa mga kaibagan ko. Alam ko namang bumubuntot si Greg sa akin kaya hindi ako lumingon. Naabutan ko ang dalawa sa isang food court. Itinuro ni Ryan ang bilugang mesa sa bandang gilid katabi ng pader. Sinunod ko siya't naupo roon habang sila'y tumungo sa counter para bumili ng makakain. Nakatingin ako sa kanila sa aking pag-upo. Nag-uusap pa ang dalawa habang umoorder. Pinagtaka ko lang kasi'y medyo matagal makarating si Greg. Marahil tinamad na't umuwi nalang. Ngunit nagkamali ako ng iniisip sapagkat papalapit na siya kausap pa si Sebastian. Kumaway pa sa akin ang huli bago nag-paalam kay Greg. Mataman akong pinagmamasdan ni Greg habang siya'y humahakbang na kinakain ang espasyo sa pagitan naming dalawa. Umayos ako ng upo patalikod sa kanya. Hindi ako nagsalita sa pag-upo niya sa bakanteng upuan. Napabuntong hininga siya ng malalim. "Hoy, tingin ka rito," aniya sa akin. Hindi ko siya sinunod bagkus ay sa mga taong naroong kumakain ko ibanaling ang aking mata. Iniisog naman ni Greg ang upuan kalapit ko. Tinusok-tusok niya ako sa pisngi ng hintuturo kaya nagkasalubong ang aking mga kilay. "Kakagatin ko iyang daliri mo kapag hindi ka tumigil," ang mariin kong saad sa patuloy niyang pag-tusok. "Okay lang kung ikaw ang kakagat," biro niya. Sa muling pag-dikit ng daliri niya sa pisngi ko kinuha ko na ang kamay niya't kinagat ang hintuturo. Ang akala niya siguro hindi ko gagawin. Idiniin ko hanggang siya'y napangiwi. "Tama na. Mamaya makain mo pa ang daliri ko." Tinapos ko nga ang pagkagat sa daliri niya't muling tumahimik. Pinagmasdan niya ang kanyang daliring namumula. "Masakit ba?" ang biro ko. "Mas masakit pa sa pagkagat mo sa tainga at balat ko?" "Siyempre, masakit. May lahi ka palang pating," aniya. Inamoy pa niya ang kanyang daliri. "Ang baho ng laway mo." Pinandilatan ko siya ng mata sa pagpunas niya ng daliri sa suot niyang pantalon. "Sariling laway mo ang naamoy mo," mariin kong saad. "Init talaga ng ulo mo. Alam ko na para mawala iyan." Inilagay niya ang kanyang kamay sa mesa na nakabukas ang palad. Namula ng kaunti ang kinagat kong daliri. "Anong gagawin ko diyan sa kamay mo?" ang nasabi ko na nakatingin sa kanyang palad. "Maghawak kamay tayong dalawa para matanggal ang init ng ulo mo. Sa paraang ito naii-share mo ang init ng ulo hanggang sa mawala." Ngumisi siya ng malapad. "Bakit naman ako makikipaghawak kamay sa'yo? Nababaliw ka ba?" saad ko. "Ang dami mo pang sinasabi. Akin na nga." Kinuha nga niya ang kamay ko't pinagtagpo ang aming palad at mga daliri. Nagdidiliryo ang kalooban ko sa pagdaop ng aming palad. Ninais ko na alisin ang pagkahawak ng aming kamay kaya lang hinigpitan niya lang lalo bago inilagay sa hita niya sa ilalim ng mesa. Sa malayo siya tumingin na tila nahihiya. Pati ako napatingin din sa malayo dahil sa estasdo ng aming mga kamay. Hindi ko akalain na mahahawakan ko ang kamay niya ng ganoon. Malambot. Mainit na maganda sa pakiramdam. Kaybilis pa ng t***k ng puso sa aking dibdib na kung hindi titigil ay hindi na ako makahinga. Pakiramdam ko'y nasa langit na ako kasabay ng pag-init ng aking tainga. Nakuha pa ni Greg na ikiskis ang kanyang hinlalaki sa likod ng kamay ko na nagdala ng kung anong nakakakiliting sensasyon na naglakbay sa buo kong katawan at tumigil sa dulo ng aking p*********i. "Anong ginagawa niyo?" biglang tanong ni Ryan na hindi ko man lang namalayan na nakalapit na pala dahil sa paglipad ng aking isipan. Mabilis kong kinuha ang kamay ko sa pagkadaop sabay patong sa mesa. "E wala. Wala naman," ang natataranta kong saad. Pinagmasdan ako nang maigi nina Ryan at Max na parehong may hawak na tray laman ang mga pagkain. Nakangiti lang si Greg na parang walang nangyayari. Samantalang ako hiyang-hiya. Sinuntok ko nga siya na ikinatawa ng dalawa. "Kami'y nahihiwagaan na sa inyong dalawa," ang nasabi ni Max sa pag-upo nila't inilatag ang mga pagkain sa mesa, hamburger, siomai at juice drinks. "Sigurado kayong walang namamagitan sa inyo?" Napakunot ang noo ko sa sinabi nito. "Linisan niyo ang utak niyo. Masama na nag-iisip kayo ng ganyan," ang nasabi ko't nilantakan ang hamburger. "Wala mga pre. Saka may manliligaw iyan," saad ni Greg. Kinuha niya ang siomai sabay subo. "Abay, manliligaw talaga ang nagbigay sa'yo ng regalo," komento nitong si Ryan. "Ikaw na ang habulin Levi. Babae pa talaga ang nanliligaw sa'yo." "Ang totoo lalaki ang nanliligaw sa sa kanya." Sabay na nabilaukan ang dalawa kong kaibigan at mabilis na uminom ng juice. Napatigil ako sa pagnguya. "Totoo Levi?" tanong ni Ryan matapos na makainom. "Hindi ko manliligaw si Arjo. Ba't pati ako pagpapaligaw hindi naman ako babae," pagmamaktol ng tulad kong naipit sa usapan. "Tama bang ang narinig namin na manliligaw mo si Arjo?" dagdag na tanong ni Ryan. Napapakagat ako ng malaki sa hamburger para hindi na makapagsalita baka ano pang lumabas sa bibig ko. "Hindi lang basta ligaw dahil gustong-gusto siya ni Arjo," saad ni Greg sa huling siomai niya. Kay bilis niyang kumain na tila naghahabulan silang tatlo. "Payag ka naman," ani ni Ryan kahit may laman ang bibig. Hindi naman tamang tanungin nito si Greg ng ganoon. Ako lang tuloy ang nahihiya para sa dalawa. Inubos ko na lang ang burger kong hawak. Naghintay naman ako ng isasagot ni Greg at hindi ko inasahan na manggagaling sa kanyang bibig. "Siyempre hindi," ang maikling sinabi ni Greg sabay inom ng juice. "Anong gusto niyong gawin?" Iniba niya ang usapan upang umiwas sa hindi niyang pagpayag na nililiagawan ako ni Arjo. Kaya na ganoon nalang reaksyon niya kapag kaharap ang lalaki. Napapabuntong hininga na lang ako ng malalim. "Wala naman. Umiikot lang kami kapag pumupunta rito," ang sinagot ni Ryan. Tinapos ng dalawa kong kaibigan ang pagkain. "Sa Lucky 99 muna tayo baka may mga bagong dating na damit." Tumayo kaming lahat at pinuntahan ang tindahan na nasa ikalawang palapag pa. Kina Ryan ako dumidikit kasi naman si Greg kung makatingin mukhang may balak na naman. Sabay-sabay kaming sumakay ng escalator na patingin-tingin sa mga nakakasalubong. Nilingon ko si Greg na tahimik lang na nakatayo sa kasunod na baitang habang umaandar. Kinindatan ako ng tarantado ng mahuling nakatingin sa kanya kaya't nilakad ko nalang ang escalator. Dumaan ako sa pagitan nina Ryan at Max. Nasosobrahan na.talaga ang gagong si Greg. "Wala kang kalaban Levi, huwag magmadali," ang nasabi ni Ryan. Akala nito wala akong kalaban, mayroon at si Greg iyon na buwang pa sa buwang. Nauna na ako na makahakbang sa ikalawang palapag at dumiretso sa tindahan. Katulad ng sinabi ni Ryan mukha ngang may bagong dating na damit pangporma. Pumasok na ako't tinulak ang salamin na pintuan. Sa akin agad nakatingin ang saleslady sa paglapit ko sa men's wear. Mukha lang akong pulubi na marunong mag-ipon. Pumili na ako ng maisusukat at pantalong itim ang nakuha ko. Sa puntong iyon kakapasok palang ng tatlo na nag-uusap. Pinagmasdan ko pa nga si Greg na sa akin rin ang mga mata. "Susukatin ko po muna," ang nasabi ko sa saleslady. Tumango naman ito't lumapit sa tatlo saka ako lumakad na tinutumbok ang bihisang box. Hinawakan ko ang pintuang puti ng bihisan saka pumasok. Ibinaba ko ang dalang backpack pagkapasok ko. Pahaba ang bihisan ay may mga sabitan ng damit na tila nakausli sa magkabilang gilid na sinabitan ko ng isususukat kong damit. Kaysa ang tatlo pupuwesto ng pasunod sa loob. Isinara ko ang pintuan sabay lock. Doon ko na hinubad ang pantalon ko na agad ko rin namang isinabit. Naririnig ko pa ang usapan ng tatlo pero hindi malinaw. Tumatawa pa nga ang mga ito. Inabot ko ang bagong pantalon ng may kumatok sa pintuan. "Buksan mo Levi magsusukat din ako," ani ni Greg na bahagyang nagpatalon sa t***k ng puso. Bumabalik sa isipan ko ang mga araw kapag nalalagay kaming dalawa sa isang lugar na medyo makipot katulad ng bihisan. "Maghintay ka, ako muna," saad ko naman. "Dali na," pagmumulit nito. "Saka may sasabihin pati ako sa'yo." "E 'di sabihin mo." Naghintay pa ako hawak sa kamay ang pantalon. "Hindi puwede baka marinig tayo nina Ryan," bulong nito sa pintuan. "Tungkol kay Ryan ang sasabihin ko." "Siguraduhin mo lang na hindi iyan kalokohan." Lumapit nga ako mula sa pintuan at binuksan ang sara. Wala naring punto para takpan ko pa ang suot kong boxer brief sapagkat nakita narin niya lahat. Bitbit nito ang pares ng damit, pantalon at grey na shirt. Nakangiti pa talaga siya kaya umatras ako para siya'y makapasok. Nahihiya parin naman ako na nakikita niyang ganoon ang suot ko kaya agad akong tumalikod sa kanya. Narinig ko na lang ang pagsara ng pintuan. "Sa totoo lang wala akong sasabihin. Ganoon lang ang sinabi ko para buksan mo," aniya na hindi ko na masyadong pinansin. Pakiramdam ko rin naman kasi'y gawa-gawa niya lang katulad ng sinabi niya para makapasok. "Alam ko," ang aking turan. Nanginginig ang kamay ko sa hindi ko malamang dahilan habang hawak parin ang pantalon na bago. Umiinit na naman ang tainga ko dahil panigurado titig na titig na namay siya sa likod ko. "Alam mo pala't pinapasok mo pa ako." "Sa gusto mong magsukat ng damit." Nilingon ko siya't hindi ko na makayanang tinitigan niya ako. Dapat hindi nalang ako lumingon kasi naman naghubad talaga siya sa harapan ko. Unti-unti niyang itinaas ang suot niyang shirt kaya nalantad ang kanyang abs at dibdib. Itinapon pa niya ang nahubad na damit sa mukha ko. "May pagnanasa ka talaga sa akin a," ang mahinang biro nito. "Wala, a-akala m-mo lang iyon," ang naautal kong saad. Tinapon ko sa kanya pabalik ang nahubad na shirt. Naroon na naman ang tumawa siya. Humina lang ang tawa niya ng aakma na niyang huhubarin ang suot na pantalon. Tinalikuran ki na siya agad bago pa may makita ako ulit. "Nagmamaangan ka pa," dagdag pa niya. Ibinaba niya ang kanyang zipper na dinig na dinig ko. "Huwag mo nga akong binibiro ng ganyan. Hindi maganda." Napahugot ako ng malalim na hininga. Doon ko pa lang nagbalik sa aking sarili na kailangan ko rin naman palang magsukat. Kung kaya't isinuksok ko na ang kaliwa kong paa sa pantalon. Nagkamali ako ng kinuha kasi medyo masikip ang pantalon. Nahirapan akong itaas kahit naisuot ko na ang dalawang paa. "Tulungan na kita." Naramdaman ko nalang ang kamay ni Greg na humawak sa pantalon at bahagyang kumiskis sa kamay ko. Ang mainit na hininga pa niya'y dumadampi sa batok ko. Bigla ba naman iyang intinaas ang pantalon na hindi nga kasya. Nagiging tanga ako kapag kasama ko si Greg kaya saka ko lang nalaman na hindi kasya. "Huwag na. Hindi na nga kasya." Inalis ko ang kamay niya saka siya dumistansiya. Hinubad kong muli ang pantalon at napasigaw ng paluin ni Greg ang puwet ko sabay hila sa garter. Hinampas ko sa kanya ang nahubad na pantalon. Natatawa nalang siya sa reaksyon ko. "Iba ka talaga kung maka-react Levi," nakuha pa niyang sabihin. Pinagsusuntok ko nga siya sa braso na tinatanggap niya lang na may ngiti sa labi. Tinigilan ko siya sa pagsuntok kasi naawa rin naman ako. Inayos niya ang zipper ng pantalon na hindi man lang niya hinubad. Saka muling isinuot ang nahubad na shirt. Malaki ang hinala ko na pumasok lang siya para kulitin lang ako. Wala na akong sinabi muling isinuot ang aking pantalon. Tinulak ko siya patabi para makalabas ng bihisan bitbit ang hindi naman kasyang damit at dala kong backpack. Nagulat nalang ako ng walang maabutan na Ryan at Max. Ang naghihintay lang ay ang saleslady na kay lapad ng ngiti. Huwag naman sanang nakikinig siya sa amin kanina ni Greg. "Asan na ba sina Ryan?" ang tanong ko kay Greg na kakalabas lang ng bihisan. Pareho naming binigay sa salelady ang mga bagong damit. "Nauna nang umalis," sagot ni Greg. At nilalaparan ang ngiti para sa saleslady. Sapakin ko kaya siya para matigil ang ngiti niya. "Bibilhin niyo po ba?" ani ng saleslady. "Sa sunod na lang miss," sabi ko na lang sa saleslady sabay lakad papalayo. "Teka lang Levi," singhal ni Greg sa paglalakad ko't tuluyang lumabas ng tindahan ng damit. Inilabas ko ang cellphone ko't tinext si Ryan. Ang reply lang naman nito'y kinailangan nilang umuwi. Muli ko nalang isinuksok sa suot kong pantalon ang cellphone. "Uuwi na ako," ang sinabi ko kay Greg nang makalapit siya sa akin. "Sabay na tayo," aniya. Tiningnan ko siya sa mata. Pagkatapos tinaas-taas niya ang kanyang kilay. "Bahala ka," ang sagot ko naman. Sabay na nga kaming naglakad. Inaakbayan pa niya ako na inaalis ko rin naman. Sumakay kami ng escalator at lumakad sa corridor ng mall. "Mauna ka na't mag-abang ng masasakyan. May kukunin lang ako." Tinulak pa niya ako sa likod. Kahit hindi naman niya sabihin ay maghihintay talaga ako ng masasakyan. Ang pinagtaka ko lang ay ang inaakto niya. Kung dinala sana niya ang kaniyang kotse. Iniwan ko na rin siya kasi iyon rin naman ang gusto niya't naunang lumabas ng mall. Naghintay ako sa gilid ng kalsada pagkalabas ko. May nakikita na akong tricycle na papalapit at mukhang walang sakay pero si Greg hindi pa dumadating. Pinara ko nalang ang tricycle at sumakay sa loob. Bahala siyang maiwan. "Manong sa Trinidad," saad ko sa driver ng tricyle na medyo may edad na rin. Muli niyang pinaandar ang tricycle. Aandar na ang tricycle nang lumabas si Greg mula sa mall. Tinakbo niya ang tricycle na kinasasakyan ko para makalapit. Kapansin-pansin ang hawak niyang maliit na box na pahaba at kulay asul. "Sabi ko'y antayin mo ako," aniya saka tumabi sa kinauupuan ko. Pinagmasdan lang kami ni manong saka nito pinaandar muli ang tricycle. "Hinintay na kita diba. Nakasakay ka na nga," saad ko. Hindi ko maiwasang tingnan ang hawak niyang box. "Sus, kung hindi ako nakahabol malamang iniwan mo ako." Kailangan pa niyang lakasan ng kaunti ang boses niya dahil sa ingay ng tricycle. Inilagay niya sa kamay ko ang hawak niyang box. "Ano ito?" ang tanong ko ng mahawakan ko. "Regalo. Siyempre. Anong tingin mo diyan. Palitan mo na 'yang basag mong salamin," aniya. Siya na mismo ang kumuha ng suot kong salamin. Lumabo lang tuloy ang mata ko na pinagmamasdan siya at hindi ako sanay na hindi siya nakikitang malinaw. Mabilis niyang binuksan ang binili niyang salamin at isinuot sa akin. Para lang siyang natatarantang magulang sa ginawa niya kaya hindi ko na napigilan pa. Isinilid niya sa box na walang laman ang lumang salamin ko't inakbayan ako. Inalis ko rin naman ang akbay kasi naasiwa ako ng kaunti. Hindi naman siya nagreklamo't tumingin nalang sa labas habang umaandar ang tricycle. Tinago niya rin sa dala niyang bagpack ang box saka niya ipinatong ang kaliwang kamay sa kanyang hitang bumabangga sa sarili kong hita. Sa malayo siya tumingin kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na tingnan ang kanyang kamay katulad ng dating sumakay din kami sa tricycle papauwi ng bahay. May nagtulak sa akin unti-unting ilapit ang kamay ko sa kamay niya. Pinagapang ko ang kamay ko sa hita ko papalapit sa kanya na tila manunuklaw ng ahas. Paunti-unti. Mga daliring tila naglalaro. Ngunit ng malapit na ang kamay ko sa kamay niya'y hindi ko na ituloy saka sa daan nalang ang tingin na nakikita sa salamin ng tricyle. Nagulat nalang ako ng pinagtagpo ni Greg ang mga kamay naming dalawa. Pinagmasdan ko pa siya't tahimik lang siyang nakatingin parin sa malayo habang ang kamay nami'y nakadaop at nakapatong sa kanyang hita. Naroong muli ang init na gawa ng kanyang palad. Sa puntong iyon tila ang saya ko sa hindi ko malamang dahilan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD