Pinutol ng isang bulong ang aking pagtulog. Ang idilat ang mata ay hindi ko ginagawa sapagkat tinatamad akong bumangon. Matatapos ang pagkayakap ko sa mabangong unan at pagkahiga sa malambot na kama kaya't nanatili ako sa ganoong posisyon. Niyugyog na ako ni Greg ngunit nanatili akong walang kibo. Hinayaan ko lang siya na gisingin ako. Wala rin naman akong balak na sundin ang sinasabi niya. Kahit saglit lang gusto kong manatili sa kama. Papauwiin niya ako kapag bumangon ako. "Gumising ka na diyan," bulong nito ulit. Nanginig ako nang may tumulong malamig na tubig sa sa aking leeg. "Mamaya na," saad ko. Nakapikit parin ako at hinayaan ko lang si Greg kahit alam ko na nababasa ako ng tumutulong tubig mula sa kanyang buhok. Naramdaman ko na lang ang paggalaw niya sa kama. At sumunod ay an