Solo akong dumating sa pagdadausan ng kissing event sa playground ng elementary school. Marami ang sumaling couple para sa kasiyahan. Nakakainggit tuloy pagmasdan ang mga ito. Karamihan ay couple shirt ang suot at naka-holding hands pa ang iba. Tamang pang-painit sa gabing malamig. Ang lamang na kulay ng shirt ay pula kaya kung iisipin ko ay parang valentine's day gayong hindi naman. Ang napag-usapan naming magkakaibigan ay magkikita na lang kami sa event. Ngunit wala parin sila. Naputol ang pagmuni-muni ko dahil sa echo ng mikropono. "Magsisimula na tayo in five minutes," ang sabi ng announcer sa mikropono. Nakatayo ang lalaki sa stage na nasa dulo ng damuhan. Lalo pang kumapal ang bulongan dahil sa sinabi ng lalaki. Mayroon pang mga tumitili na babae at sumisigaw na babae na para baga