"Wala ka sa sarili mo ngayon Levi ah. Kanina pa ako daldal ng daldal dito hindi ka naman nakikinig," saad ni Ryan na pinakiusapan ko na samahan ako sa library para may makausap ako. Ngunit ang nangyari'y lumilipad pa rin ang isipan ko na nakatanaw sa kawalan. "Ha? Ano ang sinabi mo?" untag ko, sapagkat hindi ko naintindihan ang sinabi nito. Sumimangot tuloy ang kaibigan ko sa pagkawala ko ng atensiyon sa kanya. "Lutang ka nga talaga." Binuklat nito ang libro ng kanyang hawak na tungkol sa paraan sa kung paano mahulog ang loob sa iyo ng isang tao. Naiisip ko na naman tuloy ang pagdampi ng labi ni Greg sa akin. Hindi ko tinuturing na halik sapagkat wala namang nangyaring pagtugon. "Pasensiya na talaga pre," ang paghingi ko ng paumanhin. "Hindi kasi ako nakatulog." Balak ko nga sanang matu