Para maalis ang bumabagabag sa aking isipan naligo na lamang ako sa dagat nang hapon na. Buong gabi at umaga kasi'y laman ng isipan ko ang nangyari sa nagdaang gabi. Naguguluhan kasi ako sapagkat nagustuhan ko ang paglapit ng aming katawan ni Greg. Hindi na ako dapat makaramdam ng init sa katawan dahil sa kaniya. Ang maging bakla sa lugar na iyon ay hindi isang magandang bagay.
Napasigaw na lang ako nang pagkalakas sabay talon sa bangin na ang ibaba'y dagat. Nang nasa tubig na ako naramdaman ko na ang humalong init sa tubig na maganda sa pakiramdam. Iniluwa ko ang aking ulo para maka-hinga at nagpalutang-lutang na lamang sa ibabaw ng tubig na nakatitig sa manilaw-nilaw na langit.
Lalo lang lumabo ang paningin ko dahil sa tubig sapagkat hindi ko suot ang aking salamin. Mayroon pa naman akong nakikita iyong nga lang malabo.
Iniisip ko na naman si Greg. Ang ngisi niya. Ang mukha niya. Ang katawan niya. Pumapasok na rin sa isipan ko kung anong itsura ng pag-aari niya. Maputi rin ba katulad ng kanyang balat?
Napasisid na naman ako sa tubig. Mukhang napapadalas ang pag-iisip ko sa kaniya. At hindi ko gusto na ganoon kasi naman kasaba'y nito ay ang mga alaala niyang gusto kong kalimutan. Idagdag pa ang ginawa niya sa akin kahapon nang dumating siya. Kung halikan niya kaya ako magiging okay kaya ako? Ano ba naman ang naiisip ko? Hindi mangyayaring gagawin niya ang bagay na iyon. Masyado siyang tuwid na lalaki na walang alam kundi pagtripan ako. Sumisid pa ako lalo kahit kailangan ko ng kumuha ng panibagong hangin na pupuno sa aking baga.
Nakarinig ako ng usapan mula sa itaas ng bangin sa pag-luwa ng aking ulo sa tubig. Kilala ko ang mga boses at mukhang maliligo din ang mga ito. Mabilis akong lumangoy sa gilid ng bangin. Inakyat ang batong medyo masakit sa paa. Baka kunin ng mga ito ang damit ko na naiwan sa itaas ng bangin. Nakarating ako sa itaas na hindi pa lumalabas sa kakahuyan ang grupo ni Sebastian. Dinampot ko sa lupa ang short ko't isinuot sabay sampay ng t-shirt sa aking balikat. Panghuli ay ang salamin kaya malinaw na naman ang mata ko. Maglalakad na ako ngunit lumabas narin ang grupo ni Sebastian kasama ang dalawa nitong alipores. Agad na gumuhit ang mga ngisi sa kanilang labi nang makita nila ako sa pag-suot ko sa aking tsinelas.
"Tingnan mo nga naman. Hindi ko akalain na pumunta ka rito. Tama nga si Greg na nandito ka. Ngayon alam ko na ang isa sa mga butas na sinisuotan mo," ani Sebastian na nakakakumyos ang kaniyang kamao.
Malilintikan sa akin ang Greg na iyon. Mula pagkabata bihira ang pumupunta sa lugar na iyon maliban sa aming dalawa kasi kailangan pang dumaan ng gubat. Pero ngayon mukhang hindi ko na masosolo ang lugar at kasalanan iyon ni Greg.
Pinag-isipan ko na tumalon nalang sa tubig ngunit kapag ginawa ko iyon iisipin nina Sebastian na takot ako sa kanila. Hinayaan ko na lamang silang lumapit at inihanda ko ang sarili ko para makipagsuntukan. Patpatin naman ang kasama niya kaya kayang-kaya ko. Ang problema ko lang ay si Sebastian na malaki ang bulto.
Hindi natuloy ang paglalakad nila nang linuwa ng kakahuyan ang hindi ko nais makita nang hapon na iyon. Nakasuot lamang si Greg ng simpleng asul na shirt at sando kaya hindi namang maiwasang maingit sa maputi niyang kutis. Katulad nga ng sabi niya na maitim ako. Ganoon na talaga ang kulay ko.
"Nandito pala kayo?" ang nasabi niya paglapit sa bangin at sumilip pa talaga sa ibaba.
"Aalis na rin kami pre. Tiningnan lang namin itong lugar kung totoo nga. Sige alis na kami," ani Sebastian at binigyan ako ng tinging may babala. Binigyan ko naman siya ng nakaturong daliri kaya't lumakad na siya kasabay ng kanyang mga alipores.
"Sige." Kumaway-kaway pa si Greg sa papaalis. Nang tuluyang mawala ang mga ito, inirapan ko si Greg nang pagkasama-sama na ikinakunot ng kaniyang noo. "May nagawa na naman ba ako na ikinagagalit mo?"
Ngumisi pa ang gago na lalo ako nitong inuudyok para magalit sa kanya.
"Bakit mo sinabi sa kanila itong lugar?" singhal ko sa kaniya kasi naman nakakainis. Hindi na ako nakakapagtambay sa lugar na iyon tapos nalaman pa ni Sebastian. Inangkin ko na ang lugar bata pa ako lalo pa nang umalis si Greg. Kung nandoon kasi ako nagiging masaya ako.
"Para sabihin ko sa'yo hindi ko sinabi sa kanila." Sinamaan din niya ako ng tingin bago naupo paharap sa lumulubog na araw at inupuan ang hinubad na tsinelas.
Tinulak ko ang aking salamin bago nagsalita.
"Paano nila nalaman kung hindi mo sinabi? Tayong dalawa lang ang laging pumupunta rito kaya kung malalaman nila marahil sa'yo nanggaling."
"'Wag mo ngang gawin big deal na nalaman nila. Para namang sagrado itong lugar para magkaganyan ka." Nakatitig parin s'ya sa araw at ako'y nanatiling nakatayo sa gilid niya.
"Hindi nga sagrado. Pero importante ang lugar na ito sa akin." Napatingin siya sa akin dahil sa sinabi ko. Tila baga nag-iisip siya.
Pagkatapos ay ngumiti siya na minsan ko lang makita sa kaniya. Ngumingiti lang s'ya kapag sobrang saya ang kaniyang nararamdaman. Sa araw na rin ako tumingin dahil kay bilis na naman ng puso ko. Bakit kasi kailangan pa niyang ngitian ako nang ganoon. Nang huli kong nakita ang ngiti niya na labas ang mapuputing ngipin ay nang nilibre ko s'ya ng ice cream sa sobrang pangungulit niya. Napilitan lang din akong ilibre s'ya paano kasi kinunan siya ng mga magulang niya ng allowance kasi masyadong magastos para naman daw matuto. Naputol ang pag-alala ko nang magsalita siya.
"Kay lalim ng iniisip natin a. Ako ba 'yan?" Mababatid ang pinaghalong kaseryosohan at biro sa kanyang boses kung posible ang ganoon.
"Ugok, ba't naman kita iisipin?" pag-maangan maangan ko. Hindi ko naman puwedeng sabihin sa kaniya. Gigisahin ko ang sarili ko sa sariling mantika kapag ginawa ko kasi'y pagtatawanan niya ako. Hindi ko nga sinabi pero tumawa siya.
"Malay naman natin," aniya na tumatawa parin. Tumigil siya sa pagtawa sa pananahimik ko. Dagdag pa niya, "Baka narinig nila ang pag-uusap namin ng kapatid mo sa palengke. Hinanap ka sa akin kasi hindi ka umuuwi."
"Para namang hinahanap ako nun. Gusto ka lang makausap ng kapatid ko. Masyado siyang bilib sa'yo," ang nasabi ko na lang sapagkat hindi parin tumitigil ang pagtibok ng puso ko.
"Kung magsalita ka parang hindi ako dapat hangaan."
"Hindi naman talaga," ang napalakas kong pagkasabi. Naiinis na ako sa kaniya sapagkat ginagawa niyang tumibok ang puso ko nang mabilis.
Gusto ko na ngang umalis at iwan na siya roon. Pero ayaw na naman gumalaw ng katawan ko. Isang parte rin kasi ng sarili ko'y gusto siyang makausap nang matagal para mapunan 'yong mga nakalipas na taong hindi ko s'ya nakikita.
"Masyado ka namang possessive," ang pabulong niyang saad. Inunat niya ang kaniyang paa at sumandig sa hangin gamit ang kaniyang dalawang kamay na nakatukod.
"May sinabi ka?" untag ko sa kaniya kahit narinig ko naman. Bakit naman pati ako mag-seselos sa sarili kong kapatid? Wala rin naman akong karapatang magselos dahil hindi kaming dalawa. Kalokohan ang kaniyang sinabi kahit pabiro. Tumingala siya sa akin at mataman akong pinagmasdan.
"Sabi ko maupo ka," aniya.
Naupo rin ako na nakabukaka pagkalagay ko ng tsinelas para maupuan. Hindi sa sinunod ko s'ya. Napagod din ako sa kakatayo.
"Aalis ka rin ba ulit at babalik sa Maynila?" ang nakuha kong itanong sa kaniya sa pareho naming pagmamasid sa lumulubog na araw.
"Gusto mo bang dito lang ako?" Napatingin ako sa mukha niya. Seryoso siya sa kaniyang sinabi na bihirang mangyari.
Umurong pa siya ng upo hanggang sa nagbanggaan na naman ang balikat namin. Hindi ko pinansin baka asarin na naman niya ako. Pero ang puso ko trinatraydor ako, tumatambol ang pagtibok nito na tila may hinahabol.
"Anong nakain mo ha? Nakakain ka ba ng hindi maganda sa tiyan?" Pinagmasdan ko ang mukha niyang seryosong nakamasid sa araw.
"Kahit gustohin ko man na umalis hindi rin puwede. Sina mama na ang nagpabalik sa akin dito."
"Huwag mong sabihing sa isang unibersidad pareho tayong papasok."
Kaunting tawa naman ang lumabas sa kaniyang bibig.
"Bakit may iba pa bang unibersidad dito sa atin? Isa lang naman a." Tumayo siya't nagunat-unat ng kamay at paa. "Bakit ba naging magkaaway kayo ni Sebastian?"
"Mahabang istorya. Para paikliin nag-bida bidahan siya nang umalis ka. Kaya naiinis kami sa kaniya." Ngumiti na naman siya. "Ano bang nginingiti mo diyan ha?"
"Wala. Masama na bang ngumiti ngayon?"
Naghubad na naman siya ng t-shirt sa aking harapan. Kaya nakikita ko na naman ang kaniyang dibdib na may mamumulang u***g. Napanaginipan ko kaya s'ya nang nagdaang gabi. Nakatingin lang s'ya sa akin habang pinadaan niya ng kamay ang kaniyang dibdib at tiyan kung saan ang kaniyang abs na tila binibiro n'ya ako.
Sinuksok niya ang kaniyang daliri sa garter ng short sabay hila pababa. Nalantad sa mga mata ko ang printed zebra na boxer brief niya. Napalunok ako ng laway nang mapatitig ako sa umbok niya na masyadong malaki. Umiiba talaga kapag tumatanda kasi lumalaki rin. Kahit naman noong bata pa kami lamang na talaga ang laki ang kanyang p*********i. Inaasar ko lang s'ya na hindi. Naliligo kami dati na hubo't hubad kaya hindi narin ako tumingin papalayo sa kaniya. Saka para rin 'di isipin n'yang naapektuhan ako ng itsura niyang walang suot na damit.
Ngunit ng hawakan niya ang boxer brief napasigaw na ako ng, "Anong ginagawa mo?!"
"E 'di naghuhubad para fair naman sa'yo." Ngumisi siya't ibinaba ang kaniyang boxer brief.
Ewan ko ba't hindi ako tumingin papalayo. Bumitin ang p*********i n'ya na masyadong malaki't mahaba kahit 'di pa nakatayo nang makatakas sa yakap ng boxer brief. Circumcised siya kaya makikita ang mamumulang ulo. Kahit ang p*********i niya'y maputi na medyo tinutubuan ng itim na talahib sa puno. Ang bilugang dalawang bola ay maputi rin ang balat. Napalunok na lang ako ng laway sa isiping makakaya ba ng babae kung ipasok sa kanila ang tubo ni Greg kung naging aktibo.
Pinakunot ko ang noo nang nameywang pa siya hawak ang hinubad na boxer brief na tila d-in-isplay niya sa pagmumukha ko ang kabuuan niya.
"Enjoy ka a," aniya.
Tumawa siya't tinapon sa mukha ko ang hinubad niyang boxer brief. Inalis ko agad ang brep niya kasabay ng kaniyang pag-talon sa bangin. Nang mapagtanto ko na hawak ko parin ang brep niya na tinitigan ko pa talaga binitiwan ko na agad. Hindi naman mabaho ang kaniyang boxer brief. Nakakapagtataka ang bango niyon.
"Ano bang nangyayari sa akin?" Hinugasan ko ang mukha ko ng aking kamay na dapat ay hindi ko na lang ginawa. Nalagyan ng alat ang mata ko kaya naitaas ko ang suot kong salamin.
"Bumaba ka na riyan!" ang dinig kong sigaw ni Greg mula sa dagat sa ibaba ng bangin.
Tumayo nga ako't pinagmasdan siya sa ibaba. Tumatawa pa ang gago habang lumalangoy sa tubig. Nag-alangan akong tumalon. Sa huli tinanggal ko ang salamin sa aking mata at pinatong sa inupuan kong tsinelas katabi ng ibinaba kong shirt. Tumalon na ako suot ang short. Akala ko matatamaan ko si Greg sa pagtalon pero nakalangoy na siya papalayo.
Sa totoo lang namiss ko ding maligo sa dagat kasama si Greg kahit ba parati nalang niya akong inaasar dahil sa size ng p*********i nang bata kami. Kaya't nang muling magdikit ng tubig dagat sa aking katawan napuno ako ng kasiyahan pero natapos din agad. Sapagkat sa pagluwa ng aking ulo sa tubig, wala si Greg kaya kinabahan ako agad.
"Greg, san ka---" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang may humawak na dalawang kamay sa aking beywang sa aking harapan.
Hinila ng kamay ang suot kong short kasama na ang brep. Huli na para mapigilan ko pa dahil nahubad na nang tuluyan. Lumuwa si Greg at winasiwas ang short at puting brep ko sa hangin na may ngisi sa labi.
"Nakuha ko na naman! Hanggang ngayon nadadali pa rin kita!" ang sigaw niya kasabay ng tawa. Nainis na naman ako sa pag-aalala ng dati na ginawa na naman n'ya ulit.
"Akin na nga 'yan!" sigaw ko sa kaniya sabay langoy papalapit sa kaniya.
"Habulin mo muna ako."
Lumangoy na rin s'ya papalayo. Napapagod na ako sa laro n'yang iyon. Hindi ko naisip na dadalihin na naman n'ya ako. Mabilis s'yang lumangoy. Ang gago ginawa pang sombrero ang short ko. Nakarating siya agad sa tabi samantalang ako sa tubig pa. Susuntukin ko talaga siya kapag naabutan ko siya.
Umakyat na s'ya sa bato't nakasunod ako. Sa pag-ahon ko sa tubig, may view ako na malabo ng kanyang puwet at ang gumagalaw-galaw na kanyang pagkakalaki sa kaniyang pag-akyat. Binilisan ko na ang pagsunod na sige sa pagmura samantalang siya tawa nang tawa.
Hindi ko siya nakita sa taas nang makaakyat ako. Tsinelas ko lang ang naiwan at salamin. Pati ang t-sgirt ko dinala niya. Kung ganoon lang pala ang plano niya umalis na lang sana ako. Bakit kasi hindi ko naisip iyon.
"Tang-ina mo Greg!" ang malakas kong sigaw baka marinig pa niya.
Nag-isip ako kung paano uuwi sa ganoong lagay. Nakakita ako nang malapad na dahon kaya iyon nalang ang pinantakip ko sa masilang bahagi ng aking katawan. Sinuot ko ang tsinelas at umuwi na sapagkat dumidilim na talaga.
"Gago ka talaga Greg. Babawi ako sa'yong gago ka." Pagmamaktol ko habang naglalakad. Sa shortcut na ako dumaan.
Nadudulas pa ang tsinelas ko sa mga ugat ng puno sa dumidilim na paligid. Hindi puwedeng sa kalsada ako dumaan kasi magmumukha akong baliw. Pupunta na lang ako kina Ryan para humiram ng damit.
Nakarating din ako sa dulo ng kagubatan at bumaba ako sa beach na kinatatayuan ng mga bahay sa tabi. Mabuti talaga walang tao sa dalampasigan ngunit nagkamali ako dahil may naglalakad galing sa kalsada. Hindi ko makita sapagkat madilim na. Tumakbo na ako sa dagat bago pa makitang hubad ako. Hindi na ako nakatuloy sa paglusong ng magsalita si Greg.
"Ito na ang damit mo," ang sabi niya't tumawa pa talaga. Akala naman niya nakakatuwa siya.
Binalikan ko siyang nakatayo sa buhangin. Nakasuot na siya ng damit samantalang ako naka-hubo parin. Pinkumyos ko ang aking kamao at sinuntok siya sa mukha sa paglapit ko sa kanya.
Napamura siya nang pasigaw hawak ang kaniyang pumutok na labi.
"Sumusobra ka na!" singhal ko sa pagmumukha niya. Umayos siya ng tayo na nanglilisik ang mata.
"Ayan!" sigaw niya pabalik na tila galit. Dinamba niya ang mga damit ko sa aking dibdib. Tapos lumakad na siya papalayo pabalik sa kalsada.
Isinuot ko ang short at tshirt. Wala ang aking puting brep baka naihulog niya kaya hindi ko na rin sa kanya itinanong.
"Hoy! Ikaw pa ang may ganang magalit sa akin! Ikaw ang may ginawang kalokohan." Sinundan ko siya ng lakad at sigaw nang sigaw.
"Hinintay kita sa labasan pero hindi ka dumating! Hindi ko na kasalanan na naglakad ka pa ng walang suot!"
Hindi niya ako nilingon.
"Kung hindi mo sana dinala ang damit ko! Sino ba ang lalabas sa kalsada ng walang suot?!" Halos maputol na ang litid sa leeg ko sa pagsigaw. Nakarating na kami pareho sa kalsada't tinatapunan ko nang masamang titig ang kaniyang likod.
"Uy pre. Anong nangyari?" Napatigil ako sa paglalakad. At nilingon si Ryan na nakatayo sa poste ng ilaw.
"'Wag mo ng itanong."
Nag-iba na lang ako ng direksyon papalayo sa naglalakad na si Greg na hindi man lang lumingon at sa kaibigan ko na si Ryan baka usisain pa ako't mag-init ang ulo ko.
Naglalakad ako ng may pumara sa akin na tricycle.
"Sakay na boy. Papunta ako sa inyo susunduin ko ang nanay mo," sabi ni manong. Tagapagligtas para 'di ko na kailangang mag-lakad.
Sumakay narin ako sa likuran niya na dikit sa bakal. Grabe kong mag-paandar ng tricycle si manong halos malapit nang marating namin ang langit. Mabuti hanggang bahay lang sabay preno. Bukas ang lahat ng ilaw sa bahay kaya nagtataka ako.
"Sabihin ko na lang manong na dumating ka na."
"Sige boi," ang sagot naman nito.
Bumaba ako't pumasok ng bahay. Naabutan ko si nanay at ang kapatid ko sa sala na naka-bihis. Lage namang wala si tatay sa bahay kaya hindi na ako nagtaka na 'di ko ito nakita.
"'Nay nandiyan na ang sundo niyo."
Pagkasabi ko niyon dumiretso na ako sa banyo para mag-anlaw. Naghuhubad ako nang marinig ko ang sigaw ni nanay. "Anak, 'di ka ba sasama!"
"Hindi!" ang sigaw ko pabalik at tuluyang hinubad ang short.
"Ikaw na lang ang bahala sa bahay!" ang huling sigaw ni nanay.
At narinig ko na lang ang papaalis na tricycle.
Hindi ko na pinagka-abalahang tanggalin ang suot kong salamin at nagbuhos ako ng tubig na nakatitig sa pag-aari ko nang maisip ko ang kay Greg. Nagsabon na ako ng mabilis at nag-anlaw. Hindi na ako nag-tapis ng tuwalya kasi ako lang naman ang tao. Nang makapagbihis sa pantalon at tshirt sa kuwarto, naupo ako sa harapan ng telibisyon. Ngunit hindi ako makapag-concentrate sa pinapanood ko. Tila may humihila sa akin.
Napagdisesyunan kong sumunod na lang sa kasiyahan. Pinatay ko ang tv at mga ilaw bago ko inilock ang pintuan. Kinuha ko ang lumang bike na ginagamit ko pa ng bata pa ako. Nag-bike ako patungo sa bahay nina Greg. Ewan ko ba't ang sabi ng kalooban ko naroon din ako dapat.
Nakarating ako sa nakabukas na gate kaya't makikita ang mga tao sa bakuran na nagkakasayahan sa kanilang mesa. Tama lang ang tugtog at hindi nakaka-bingi. Karamihang nakikita ko ay mga kabataan ng San Martin at kaunting mga matatanda.
Tinulak ko ang bike at sinandig sa pader. Hinanap ko sina nanay sa mga table pero hindi ko sila makita. Ang nakita ko ay ang dalawang kaibigan ko na nasa dulo katabi ng rose bushes.
Lumapit ako sa kanila't naupo sa bakanteng upuan sa pagitan ng dalawa.
"Akala ko 'di ka pupunta?" agad na saad ni Max pagkaupo ko. Pinaypay ko ang aking damit para matanggal ang aking pawis.
"Nagbago ang isip ko," ang isinagot ko naman. Makahulugang ngiti ang nakaguhit sa labi ni Ryan kaya hindi ko nalang pinansin baka ano pang sabihin nito dahil nakita kami nito na magkasama ni Greg.
Nakita ko si tatay sa gitna sa may ginawang mini-stage. Kumaway ako nang mapatingin siya sa aming kinauupuan. Kumaway din s'ya bilang sagot na napansin niya ako. Nakaporma ang tatay ko na tila isang binata't walang asawa.
Ibinaba ko ang kamay ko't nagtanong, "Kanina pa ba nagsimula ang party?"
"Si Max ang tanungin mo. Kararating ko lang din," ani Ryan sabay subo ng lumpia.
"Oh Max, kanina pa ba?" Kumuha na din ako ng pagkain sa aking harapan kasi'y nagutom ako sa paglangoy.
"Hindi pa," ang sagot naman nito't uminom ng juice. "Hindi pa kasi lumalabas si Greg kaya hindi pa nila sinisimulan."
"Bakit kaya?" Mataman akong tiningnan ni Ryan at inirapan ko siya na kaniyang ikinatawa.
Tumahimik na lang ako sa kaniyang sinabi't kumain ako ng pagkain. Lumapit si tatay sa nakatayong mic at nagsalita.
"Pagpasensiyahan niyo po't hindi talaga lalabas si Gregory na dahilan kaya idinadaos ang party na ito. Pero huwag kayong mag-alala itutuloy parin ang kasiyahan. Medyo may dinadamdam ang ating host." Masama ang pakiramdam ko sa pagsasalita ni tatay sa mic. Tila baga nagsasabing tumakbo na ako papalayo at bumalik nalang sa bahay.
"Baka dahil sa love!" ang sigaw ni Ryan na pagkalakas na tama lang para marinig ng lahat. Babatukan ko na sana siya pero 'di ko itinuloy kasi inakala ko na ako ang dahilan na pagmukmok ni Greg. Sarili ko din ang sumagot na hindi.
Sumagi rin sa isipan ko na may naiwan nga siyang girlfriend sa Maynila. Nakaramdam ako ng kirot sa naisip ko't sumubo na lang ako ng pagkain.
"Marahil nga ganoon dahil sa itsura niya na tila nabagsakan ng mundo." Ibinaling sa iba ang topiko matapos nang kay Greg. "I-welcome naman natin ang ating butihing mayor."
Pagkasabi niyon ni tatay ay nagpalakpakan ang mga tao.
Natatanaw ko paglabas ng bahay si mayor kalapit ng stage patungo sa kaniyang mesa. Kumaway pa nga ito sa mga tao.
Muli namang nagsalita si tatay sa mic.
"Para simulan ang party. Unahan natin ng isang intermission." Nabilaukan ako sa sinabi ni tatay. Pakiramdam ko'y papakantahin niya ako na parati niyang ginagawa kapag siya ang nautusang maging eemcee.
"Uy pre parang papakantahin ka na naman ng tatay mo," pansin din ni Ryan kaya ganoon ang kanyang nasabi.
"Kakantahan tayo ng anak ko," ang malakas niyang sigaw sa mic. Nakakahiya talaga 'to minsan si tatay. "Halika ka na anak."
Tumayo na ako't uminom muna ng tubig. Lumapit na ako sa stage kamot ang ulo. Kahit umindi naman ako pipilitin parin ako ni tatay hanggang sa ako'y pumayag. Pinuwesto nito agad ang keyboard sa stage kasama na ang upuan katulong ang guwardiya sa paglapit ko.
"Galingan mo anak ha." Tinapik ako ni tatay sa likod bago siya tumabi kay mayor na nakangiti.
Huminga ako ng malalim at umupo kaharap sa keyboard. Kinakabahan ako sapagkat iyon ang kauna-unahang maririnig ako ni Greg na kumanta. Ewan ko ba't maisip ko lang na maririnig niya parang hindi ko itutuloy ang pagkanta. Hindi kasi niya alam na kumakanta ako.
Ilang hugot ng malalim at sinimulan ko na ang pagkanta ng Lost and Found ng A Rocket To The Moon. May nakuha pang sumayaw sa pagkanta ko kaya mas ginanahan ako.
Sa huling key ng kanta, saka ko lang napansin ang nakatayong si Greg sa tabi ng stage. Namula ang labi niyang may sugat dahil sa pagsuntok ko. Bumagay sa kaniya ang itim na suit kaya mas lalong siya gumuwapo. Umalis na ako nang tuluyan sa stage na hawak ang aking dibdib. Ano ba itong nararamdaman ko? Tila lumalaki ang puso makita ko lang ang guwapo niyang mukha. Napansin kong hindi ako takot na sabihing guwapo siya nang paulit-ulit kaya mas pinalala nito ang pagsikip ng puso ko.
Tumahimik ako sa upuan at 'di ako kinausap ng dalawa na tila nauunawaan nila ang nararamdaman ko nang mga oras na iyon. Hindi ko na naintindihan ang sinabi ni tatay sa mic sa paglipad ng isipan ko sa alapaap na pangalawang beses ng nangyari magmula kahapon ng masilayan ko ang mukha ni Greg. Nakatitig lang ako sa kaniya sa pagtayo niya sa stage. Wala akong ibang nakikita kundi siya lamang habang nakititig din siya sa akin. Napalunok ako ng laway nang dinilaan niya ang may sugat niyang bibig. Parang ang linaw ng mata ko kahit medyo malayo ako sa kanya.
Nabalik lang ako sa reyalidad sa isang tapik ni Max sa balikat ko.
"Bakit?" ang tanong ko.
"Akala namin napano ka. Natulala ka na. Ganoon na ba talaga ang epekto ni Greg sa'yo?" Ngumisi siya't binatukan ko siya.
"Levi, naghihintay si Greg para makipagsayaw," dagdag pa ni Ryan.
"Oo nga pre," segunda naman ni Max.
"At ba't mo niyo ako sinasabihan ng ganyan!" bulyaw ko.
"Wag mo ng pilitin. Nagka-away na naman iyan sila. Nakita ko sila kanina." Masamang tingin ang ibinigay ko kay Ryan sa sinabi nito.
"Mga ugok," ang nasabi ko na lang sa mga biro nito.
Iniwan ko ang dalawa nang makita ko ang paglapit ng isang dalaga kay Greg. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib lalo pa ng lumingkis ang kamay ng babae sa braso ni Greg para makipagsayaw. Hindi na ako lumingon sa sobrang pagka-bwisit. Pumasok ako sa kusina ng bahay para umihi.
"Manang puwedeng makiihi?" pagpapaalam ko sa katulong na nag-huhugas sa lababo.
"Sige," agad naman nitong sagot.
Dumiretso ako ng tuluyan sa banyo na nasa dulo na may kakipotang hallway na para sa mga nakikiihi na tulad ko't para sa katulong. Kabisado ko ang kabubuan ng bahay dahil sa pagpabalik-balik doon nang bata pa ako. Pumasok ako ng banyo sabay nilock ang pintuan. Inilabas ko ang aking pag-aari para umihi sa harap ng bowl.
Hindi ko gustong nagagalit ako makita lang si Greg na may kasayaw na iba. Tinapos ko na agad ang pag-ihi at naghugas. Hindi muna ako lumabas kasi'y kumukulo pa ang dugo ko. Parang ang sarap suntukin ng mukha sa salamin sa aking paghugas ng kamay sa lababo. Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin. Kinuha ko ang aking suot na salamin at naghilamos para kumalma. Tumambay na ako sa banyo at naabutan pa ako ng mahigit bente minutos. Nang mag-sawa sa katitig sa muling pagsuot ko ng salamin, nakalabas din sa apat na sulok na kuwarto na may inidoro.
Kumalma na nga talaga ang kalooban ko.
Ngunit nagulat ako nang makita ko si Greg na nakasandig sa pader at tila hinihintay ako. Hinahawakan niya ang kaniyang sintido.
"G-greg," ang nauutal kong saad sa pagtitig niya sa akin.
"Hi, Levi," saad niya't umayos siya nang tayo. Ang mga titig niya'y tila nangungusap.
Humakbang siya papalapit sa akin na sumusuray kaya napahawak siya sa pader. Maging ako nama'y napahawak sa kaniyang braso para mapigilan din ang kanyang pagtumba. Ngumisi siya sa pagkahawak ko. Ang pabango niya'y naglalaro sa ilong ko sa sobrang lapit ko sa kaniya.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kaniya.
"Yayain kang makipagsayaw." Kumunot ang noo ko sa kaniyang sinabi. Hindi ko na lang binigyang halaga sapagkat kalokohan na naman ang kaniyang nasabi.
"Uminom ka ba?" Tumango siya bilang sagot. "Dapat 'di ka uminom masyado ka pang bata. Ako nga 'di umiinom."
"Disenuwebe na ako kaya puwede na. Nagmamahal na nga e." Naamoy ko nga ang alak na kaniyang nainom.
"Kaya pala kung anong naiisip mo na namang kalokohan. 'Di ko pa nakakalimutan ang ginawa mo kanina. Kaya tumigil ka."
Hinawakan niya ako sa ulo. Ewan ko ba't nasaktan ako sa sinabi niyang may minamahal siya.
"Bakit alam mo ang tumatakbo sa utak ko?" Nakuha pa niyang itanong.
"Alam ko ang takbo ng atay mo. Hatid na kita sa kuwarto mo," ang sinabi ko na lang at kinuha ang kaniyang kamay at aking inakbay sa aking balikat.
"O-okay," pagsangayon niya.
Dumaan kami sa kusinang walang tao. Pumasok sa sala kung saan kita ko pa ang pagsasayawan ng mga tao sa labas at umakyat sa hagdanan. Mabuti nga't 'di nagpapabigat si Greg dahil kapag ginawa niya bibitiwan ko s'ya para gumulong.
"Bakit ka ba uminom?" Patuloy kami sa paghakbang pataas.
"Gusto ko lang," saad niya't kay lapit ng bibig niya sa tainga ko.
"Matinong sagot ah."
Humagikhik pa ang gago na ang tagal maputol kahit nakalampas na kami sa hagdanan.
"May nagugustuhan ka ba ngayon, Levi?" Hindi ko inasahan ang tanong niya sa pagbukas ko sa pintuan ng kaniyang kuwarto.
"Wala," ang pagsisinungaling ko. Hindi naman maaring sabihin ko sa kaniya na siya ang gusto ko. Nang tingnan ko ang mukha niya nakangiti siya na naaninag ko lang sa mga ilaw na nagmumula sa labas.
Hindi ko na binuksan ang ilaw at inihatid na lang siya sa kaniyang kama. Humiga siyang nakatihaya.
Aalis na sana ako kaso nagsalita siya ulit.
"Puwede bang hubarin mo ang sapatos ko? Nahihilo kasi ako," ang pakiusap niya na ginawa ko naman.
Sinarado ko muna ang pintuan ng kaniyang kuwarto nang may marinig akong usapan paakyat ng hagdanan.
Sa kauna-unahang pagkakataon kasi'y nakiusap siya na hindi niya ginagawa. Hindi ko nga alam na marunong siyang makiusap. Binilisan ko ang paghubad sa kaniyang sapatos at itinabi sa gilid ng kama.
"Levi, may sasabihin ako sa'yo." Dapat siguro lagi siyang umiinom para mabait.
"Ano?" tanong ko na nakatayo lamang.
"Lapit ka. Ibubulong ko." Hindi siya gumalaw sa pagkahiga.
"Sabihin na. Hindi kailangang bulong pa talaga."
"Baka may makarinig. Dali lapit na. Huwag ng maarte." Kinakabahan ako sa gagong ito. Naupo ako sa gilid ng kama katabi niya. "Baliw ka. Lapit pa. Ibubulong ko kaya dapat malapit ang tainga mo sa mukha ko."
"Kapag sinigawan mo lang ako sa tainga. Alam mo na ang mangyayari sa'yo," pagbabanta ko sa kaniya sa paglapit ng mukha ko sa kaniya na mataman lang na nakatingin.
Imbis na bumulong hinila niya ang kamay ko't inihiga sa kama kasabay ng mahigpit na pagyakap ng kamay sa aking dibdib. Dumagan sa aking hita ang kaniyang paa. Ibinaon niya rin ang kaniyang mukha sa aking leeg. Ang nagpalaki sa mata ko ay ang matigas niyang p*********i sa suot niyang slacks pants na ramdam ko sa gilid ng aking hita.
Hinawakan ko siya sa balikat at sinubukang itulak. Nanatili siyang nakapikit at hindi ko ginalaw ang ulo ko baka magkahalikan pa kami sa lapit ng labi niya sa mukha ko.
Sabi pa niya, "Huwag ka ng umalis. Ito ang bayad mo sa pagsuntok sa akin. Matutulog ka katabi ko."
"Bumitiw ka na," pagmamaktol ko. Lalo lang humigpit ang yakap niya't pumulupot ang kanyang paa sa hita ko.
"'Wag na. Dati mo narin akong tinatabihan kaya 'di ito magiging problema. Subukan mo lang gumalaw may gagawin akong 'di mo magugustuhan." Binantaan pa talaga ako.
Tinulak ko nga siya't kumawala sa kaniyang mga bisig. Napasigaw ako ng kagatin niya ang tainga ko. Hindi lang basta kagat dahil halos mapunit ang tainga ko sa sobrang diin. Sobrang sakit kaya pinagsusuntok ko siya sa braso hanggang pakawalan niya ang tainga ko.
Inalis niya ang pagkayakap sa akin kaya nakaalis din ako sa kama hawak ang tainga ko na sobrang sakit. Pinagpapalo ko siya ng unan nang tawanan niya pa ako.
"Gago ka talaga." Sige ako sa paghampas ng unan sa mukha niya na sinasangga naman niya ng kamay.
"Kwits na tayo," ang saad niyang nakangisi sa pag-tigil ko. "Saka maligo ka ulit parang iba ang amoy mo."
"Ulol."
Iniwan ko na siya't lumabas ng kwarto sabay sara nang malakas sa pintuan. Napangiwi ako ng hawakan ko ang aking tainga sa pag-baba ko sa hagdan.