AMSD 02

3793 Words
Nag-aagaw na ang liwanag at dilim nang makauwi ako ng bahay galing sa kakahuyan sa likuran ng sementeryo. Ibinaba ko mula sa aking balikat ang nakataling mga kahoy na panggatong at isinandig sa dingding ng kusina kalapit ng lababo. Sa likod bahay palang naririnig ko na ang usapan mula sa kusina. Tumaas ang dalawa kong kilay nang marinig ko ang pamilyar na boses ni Greg. Maggagabi na't pumaroon pa siya sa aming tahanan. Kahit malapit siya sa pamilya ko hindi ko pa rin gusto na pumupunta siya sa bahay. Pumasok ako sa likurang pintuan matapos ang makailang hugot nang malalim na hininga. Nakasabit sa lantad na balikat ko ang puting pamunas at nakatali sa aking beywang ang gulok. Idagdag pa na salwal lang ang suot ko na abot tuhod ang haba. Humina ang kanilang usapan sa pagtulak at pagsara ko sa sara ng pinto. Magkabilaang nakaupo si nanay at ang magaling kong kapatid sa hapag kainan. Kumakain na sila ng hapunan. Sa puwesto ko pa talaga nakaupo si Greg na nasa dulo ng mesa. Pinagmasdan niya ang kabuuan ko at sinakluban ako ng hiya dahil sa itsura kong madungis. Isama pa ang pinagpapawisan kong katawan. Naestatwa na naman ako sa klase ng tingin niya. Blangko lang ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Hindi talaga naalis ang titig ni Greg sa akin kung 'di nagsalita si nanay. Bumalik sa pagsubo si Greg nang mapagtanto niyang tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa. Kulay pulang shirt ang suot niya at pamilyar sa akin ang damit na iyon. Hindi ko lang nalaman agad kung bakit pamilyar. "Kumain ka na anak. Magbihis ka muna't maupo na rin," pagyaya ni nanay sa akin na hindi man lang nakatingin sa pagkatalikod nito sa aking kinatatayuan. Sarap na sarap sa pagkain si Greg sa ulam na tinolang manok. Ako ang kumatay niyon bago mangahoy. Naisip ko pa nga kung wala siyang makain sa kanila at sa amin pa nakikain. Walang sasabay sa kaniya lalo pa't abala naman ang daddy niya. Kawawa ang ugok at hindi nakakasabay ng kain sa magulang. Masuwerte parin ako kahit papaano. "Mamaya na lang 'nay," sabi ko't pinunasan ang aking dibdib ng pamunas. Sabay dagdag ng pabulong, "May asungot e." "Sige anak. Kumain ka lang kapag nagutom ka," ani nanay. Itong kapatid ko'y nagliliwanag ang mukha na pinagmasdan si Greg. "Kuya Greg," ang magiliw na saad ng kapatid ko. Abay kailangan pa tinawag nito si Greg na kuya. Samantalang kapag nababanggit niya dati Greg lang. Hindi ko gustong isipin na nasuholan na ang kapatid ko. Wala na ako nitong kakampi. "May girlfriend ka na kuya?" Nahanap ko ang sarili ko na naghihintay sa magiging sagot ni Greg. Paminsan-minsan nakakatulong din ang pagkadaldal ng kapatid ko. "Wala sa ngayon. Pero may naghahabol sa akin baka pagbigyan ko," ang sagot ni Greg na sa akin nakatingin. Hindi ko malaman kung may gusto ba siyang sabihin o mang-aasar lang sa klase ng tingin niya. Pinakunot ko ang noo ko. Mabuti talaga nakatalikod si nanay dahil kung hindi hampas na ang inabot ko. "Baka girlfriend mo ma rin naman. Ayaw mo lang sabihin ang totoo." Umiling ng ulo si Greg bilang sagot. "Nagkagirlfriend ka na?" dagdag ng kapatid ko. Ang hilig talaga nitong magtanong kaya matalino samantalang ako parating nangangamote. "Iyong seryoso wala. Puro fling lang," saad ni Greg sabay subo ng pagkain. "Sige, 'nay. Maya nalang ho ako kakain," ang nasabi ko pero wala na akong balak kumain. Nawalan na ako ng ganang kumain. Hindi rin kasi ako nagkakagirlfriend. Walang sumasagot sa akin nang subukan kong manligaw ng babae at saka inaantay ko ngang tumitibok ang puso ko nang todo para sa isang babae para mabaling naman sa iba ang nararamdaman ko. Lalakad na sana ako ngunit napahinto nang may sinabi si nanay. "Anak, samahan mong mamasyal si Greg ngayon." Hawak nito ang baso ng tubig at uminom. Binigyan ko ng masamang tingin si Greg bago sumagot. Sigurado may balak na naman siya. "Hindi ako lalabas ngayong gabi 'nay." Inalis ko ang gulok sa aking beywang at isinabit sa dingding kalapit ng pintuan patungo sa sala. "Paano ba 'yan Greg tinatamad na lumabas ang anak ko." Ang narinig kong saad ni nanay sa pagtalikod ko't nilakad ang maliit na pasilyo daan patungo sa banyo. Minabuti kong maligo na lang muna para matanggal ang dumi sa aking katawan. Nahawakan ko ang dibdib ko nang sumagi sa utak ko ang maputing dibdib ni Greg. Tinanggal ko agad ang kamay ko nang mapagtanto ko kung ano ang aking naisip. "Okay lang ho. Sa susunod na lang," ang nasabi nalang ni Greg. Iyon ang kauna-unahang inimbitahan niya akong mamasyal kaya't nakapagtataka. Imbis na pakaisipin kung bakit, pumasok na ako sa banyo. Binuksan ko ang gripo na nakatutok sa malaking balde matapos kong maisabit sa sampayan na lubid sa aking uluhan ang suot kong salamin. Hindi naka-tiles ang banyo namin pero maayos namang nakakapaligo roon. Kinandado ko rin ang pintuan bago naghubad. Isinuksok ko ang aking dalawang hinlalaki sa garter ng suot kong brep at hinubad kasabay ng salwal. Pagkatapos ay nilagay ko sa butas-butas na balde na lagayan ng labahin kalapit ng pumuputing bowl. Pinagmasdan ko pa ang pag-aari ko na medyo malabo sa aking paningin dahil sa sinabi ni Greg na maliit daw. Sa tingin ko naman ay hindi iyon maliit dahil sa tantiya ko nga'y mahigit anima na pulgada iyon kapag ganoong natutulog. Namumuo ang manipis na madilim na talahib sa puno at bilugan talaga ang dalawang pares ng mumunting bola. Pumasok sa isipan ko ang imahe ng mukha ni Greg nang silipin niya ang suot kong salwal itong umaga sa kaniyang kuwarto. Unti-unting nagkaroon ng reaksyon ang aking pag-aari't tumatayo dahil sa imahe na iyon. Samahan pa ng bumabalik sa aking isipan ang hubad baro na si Greg. Agad kong inabot ang tabo nang mapagtanto ko kung anong nangyayari. Mabilis akong nagbuhos at napasigaw sa sobrang lamig. Hindi maaari na tinitigasan ako maisip ko lang si Greg. Dala marahil iyon ng isang buwan kong walang pagpapalabas. "Anak okay ka lang?!" sigaw ng nanay ko mula sa kusina. Tila megaphone ang bunganga nito sa buong kabahayan. "Okay lang ako 'nay! Malamig lang ang tubig!" ang sigaw ko pabalik. Ganoon kami mag-usap minsan sa bahay na tila mga bingi kaya't kailangang sumigaw. "Akala ko naman kung napano ka na!" dagdag ni nanay. "Kambing pala si Levi!" Nagpaparinig talaga na sabi ni Greg. Ang lakas ang pagkasabi niya. Napahinto ako sa pagbuhos. Tumutulo ang tubig mula sa aking buhok at dumadaloy sa aking katawan. "Sinabi mo pa kuya Greg! Minsanan nga lang maligo iyan!" ang natatawang saad ng kapatid ko at nagtawanan sila na parang hindi ko sila naririnig. Sinungaling na bata. Araw-araw kaya akong naliligo na may kasamang hilod ng bato. Nang tumigil sila, nagpatuloy ako sa pagligo. Sumabon ako't iniwasang madaanan ang aking pag-aari dahil masyadong sensitibo. Nagsasabon ako ng ulo nang may kumatok sa pintuan ng banyom "Sino 'yan?" saad ko habang nasa ulo ko ang aking kamay. "Ako." Tumalon ang t***k ng puso ko nang magsalita si Greg sa kabila. Kinabahan ako baka naninilip siya. Masusuntok ko talaga siya kapag ganoon. "Anong kailangan mo ha?" Nagbuhos ako ng tubig para makaanlaw. Ang lamig talaga ng tubig kaya nanginig ako nang kaunti. "Buksan mo. Naiihi na ako." Gumagawa ng ingay ang pagpihit niya sa doorknob. Pinipilit pa talaga nitong buksan ang pinto alam na nakakandado. "Sa labas ka na lang umihi," sabi ko sa kaniya na nakatayo lang sa may pintuan. "Sumbong kita kay ninang. Ayaw mo akong papasukin." Parang bata lang na magsusumbong. Alam ko totohanin niya at sermon ang aabutin ko kay nanay. Ayaw na ayaw noon na hindi ko pinatutunguhan nang maganda si Greg. Inabot ko na ang towel at pinangtakip sa ibabang parte ng aking katawan. Binuksan ko ang pintuan nang matapos. Nakangising aso ang gago pagkasalubong sa akin. Lumabas na ako't iniwasan s'yang masagi. "Bilisan mo," sabi ko't pinakrus ang aking kamay sa dibdib habang nakatayo lang. Tumingin pa siya sa nakatapis na tuwalya sa aking masilang bahagi. Tumambol ang dibdib ko dahil sa ginawa niyang pagtitig. Pumasok s'ya sa banyo matapos ang kaniyang pagtitig at sumilip. "Lumabas ka pa talaga. Nahihiya ka sa akin ano?" ang nakangisi niyang turan. Nang-aasar lang ito kaya hindi ko muna papatulan. "Akala ko ba naiihi ka na? Huwag mo nang dagdagan ang inis ko sa'yo." "Aminin na kasi." Tumawa pa ang gago bago pumuwesto sa inidoro. Kita ko sa aking kinatatayuan kung ihihi na s'ya. Tumalikod na ako't wala akong narinig na pag-ihi pero nagbuhos siya ng tubig. Nagkunwari lang talaga ang gago na naiihi. "Layas na," sabi ko sa kaniya sa muli kong pagpasok sa banyo. Parang wala naman siyang balak umalis sa kaniyang kinatatayuan. Pinaliit ko ang titig ko't doon ko lang napagtanto na ang suot niya'y ang flash shirt na binili ko para sa kanya. Pinilit lang naman ako nina na nanay na bilhan s'ya gamit ang naipon ko. Bata pa ako nang binili ko ang damit kaya ang nakuha kong size ay malaki. Ang kidlat na logo ni flash ay sa harapan ng shirt. Naitago pa talaga niya't sinuot niya na tinernohan ng salwal. "Napansin mo rin," ang nasabi niya. Nahulaan niya siguro na naalala ko na ang suot niyang shirt. Hinawakan pa niya ang damit na tila ipinagmamalaki. "Akalain mo buhay pa 'to. Sa katangahan mo maling size nabili mo. Ngayon ko lang naisuot. Paborito ko pa man din si flash." "Wala akong pakialam. Labas na." Tumabi ako na nakaturo pa sa pintuan. Kumunot ang noo niya ngunit nagpalitan kami ng puwesto. Walang banggaang nangyari sa aming dalawa. Pero kung minamalas nga naman ako natanggal ang pagkatapis ng tuwalya sa aking pagkatalikod kay Greg. Tila bumagal ang oras sa pagkahulog ng tuwalya kasabay ng panlalaki ng mata ko. Nang mahulog nang tuluyan sa sahig pinulot ko agad-agad at muling pinangtakip aking katawan sa sobrang taranta. Tila isang bulkan na sumabog ang tawa ni Greg sa loob ng banyo dahil sa nangyari. Mabuti na lang walang lumapit na kapatid ko't nanay. Nanginig ang kamay ko sa sobrang hiya. "s**t! Dude! Ang panget na view nang pinulot mo ang towel!" ang natatawa niyang saad. Magkahalong inis at hiya ang aking nararamdaman. Tinulak ko si Greg papalabas ng pinto sabay huminga nang malalim. Tawa parin nang tawa si Greg sa kaniyang paglakad papalayo. Binayo ko ang pintuan bago nagpunas nalang ng katawan. Pagkalabas ng banyo nakatapis parin ako ng tuwalya at muling sinuot ang salamin. Kailangan kong dumaan sa sala patungo sa aking kuwarto kung saan naabutan ko si nanay at ang aking kapatid. Hindi ko tinanong si nanay kung nasaan si Greg habang nanonood sila ng balita. Marahil umuwi siya't mabuti nga iyon. Ni hindi ako pinansin nina nanay sa pagtutok nila sa telibisyon. Pumasok ako sa kuwarto ko na medyo masikip sabay sara. Pumili ako ng maisusuot sa aking damitan na plastik. Tinanggal ko ang towel sa aking katawan at sinampay. Hindi pa rin maalis sa aking isip ang nangyari sa banyo. Pinatumba ko ang litrato namin ni Greg na nailagay ko sa mesa na nasa gitna ng damitan at ng kama. Hindi ko na naitago at naiwan na lang na naka-display. Nagsuot ako ng pantalon at puting t-shirt para sa lakad namin ng barkada ko. Tinitingnan ko ang sarili ko sa salamin na kasama kapag binibili ang damitan nang marinig ko ang pag-uusap ng dalawa kong kaibigan mula sa sala. Lumabas ako ng kuwarto matapos makapag-spray ng pabango. Hindi na ako nagsapatos at nagtsinelas lang. Naabutan ko ang kapatid ko na nakabusangot. Naiinis kasi ito sa dalawang kaibigan ko na makulit. "Tumahimik nga kayong dalawa diyan! Ang ingay niyo!" sita ng kapatid ko na nakatalikod ng upo kina Ryan at Max na nakatayo sa may pintuan. "Handa na kayo?" tanong ko sa dalawa nang lapitan ko sila. "Kanina pa," ani Ryan. Simpleng shirt at short ang suot ng dalawa, couple shirt pa talaga. Kaya nga napapakagmalang mga bakla ang hilig magsuot nila ng ganoon. "'Nay alis na kami," pagpaalam ko kay nanay. "Kala ko ba hindi ka lalabas," saad ni nanay. Adik talaga si nanay sa tv kaya hindi talaga ito lumingon. Pinagaawayan pa nga nila ni tatay minsan ang pagkaadik nito. "Nagbago ang isip ko." Tinulak ko ang dalawa para makapaglakad na kami. Baka may sabihin pa si nanay. Hindi na rin nagpapigil ang dalawa at lumakad na paalis ng pintuan. Pumuwesto ako sa gitna ng dalawa. "Dumating na pala si Greg pre," ang nasabi ni Max sa paglalakad namin sa bakuran. May kadiliman na pero kita naman ang nilalakaran. Naitanong ko lang kung anong sinakyan ni Greg kasi kami maglalakad lang. Ilang hakbang lang at nasa kalsada na kami. "Ano ngayon?" ang nasabi ko dahil sa pagkabwisit ko kay Greg. Nilakad namin ang kalsada na may mga poste rin naman ng ilaw. "Anong ano ngayon? Diba crush mo siya," ang biro ni Ryan na may ngiting nakakaloko. Kitang-kita sa ilalim ng liwanag ng poste. "Oo nga," ang pagsegunda pa ni Max. Sumimangot ako't pareho ko silang binatukan na kanilang ikinatawa. "Hindi na ako bata para asarin niyo ng ganyan. Mamaya may maniwala sa mga biro niyo," ang matigas kong saad sa pagkamot nila sa kanilang batok. Iyon ang nasabi ko kahit totoo naman. Lalo lang silang tumawa. Alam kasi ng mga ito na naaasar ako kay Greg kaya binibiro nila ako. Masuwerte kaming magkakaibigan sa aming paglalakad dahil may napadaang pick up truck. Kilala kami ng nagmamaneho na si Mang Berting kaya pinara namin. Pumagitna pa talaga kami na para bagang magpapasagasa ng buhay. "Ayan na!" sigaw ko sa kanila. Tinulak ako ng dalawa kaya't sa unahan nila ako. Mabilis na nagpreno si Mang Berting at napapikit ako ng mata dahil sa nakakasilaw na headlight. Ligtas naman kami sapagkat hindi nadikit ang nguso ng sasakyan sa akin. "Mga pasaway talaga kayo! Aatakihin ako sa inyo!" ang sigaw sa amin ni Mang Berting na sumilip sa bintana. Napakamot pa ito ng ulo. "Pasensiya na ho!" ang sigaw ni Ryan samantalang kami ni Max ay nagtutulakan na tumatawa pa. "Bilisan niyo diyan. At sumakay na. Malelate pa ako sa ginagawa niyo. Mapapagalitan pa ako ni mayor niyan," ani Mang Berting. Nag-unahan kaming makasakay sa harapan. Nauna akong tumakbo kaya ako ang nasa unahan. Umakyat ako't sa hulihan pumuwesto ang dalawa. "Sa susunod bilisan niyong dalawa. Ang babagal niyo," ang nasabi ko sa mga kaibigan ko sa pagsara ko sa pintuan. "Ang daya nito ni Levi," saad ni Max nang makaupo na sila sa aking likuran. "Inspired lang yan tol. Diba nga nandiyan na ang kanyang honey!" Sumigaw pa talaga si Ryan sa pag-andar ng pick up truck. Pinandilatan ko ng mata ang dalawa. Ang nasabi nalang nito, "Okay, titigil na." Sa pagtahimik ng dalawa umayos na ako ng upo at sa kalsada tumingin. Narinig ko ang pagbulongan ng dalawa at sinasadyang 'di iparinig sa akin. Huwag lang na ako ang pinaguusapan nila. Napalingon ako kay Mang Berting nang may itanong ito. Medyo pumuputi na ang kaniyang buhok pero malakas pa rin siyang tingnan. Anito, '"Sabi dumating na ang anak ni mayor na si Levi." "Sabi nga ng dalawang kutong lupa sa likod," ang nasabi ko kahit alam kong dumating si Greg. "Kaya siguro ako pinapapunta ni mayor sa bahay nila para magmeeting sa idadaos na party. Akala ko'y basta party lang." Nagkibit-balikat na lang ako sa sinabi ni Mang Berting. Lumiko s'ya nang makalampas ng highway. Tanong pa nito, "San ko kayo ibaba?" "Sa perya," ang maikli kong sagot. Sa labas ako nakamasid. Mabilis na lumalampas ang mga kabahayan sa aking mata. "Kailan ho ang party Mang Berting?" ang biglang tanong ni Ryan sa aking likod. Agad namang sumagot si Mang Berting. "Bukas ata ng gabi." "Mag-ready ka ha, tol," saad ni Max na may pagtulak pa sa aking balikat. Tinawanan ni Ryan ang sinabi ng kaibigan namin. "Pag 'di kayo tumigil alam niyo naman kung anong mangyayari diba?" pagbabanta ko sa dalawa. "Hindi ito mabiro," reklamo naman ni Ryan. Natawa nalang din si Mang Berting na para namang alam nito ang pinag-usapan namin. Inihanda ko ang aking sarili paglapit namin sa perya na ipinatayo sa oval na napapaikutan ng pader. Nasa tabi lang ito ng dagat na napapagitnaan din ng mga bahay. Asahan na maliwanag ang perya at maingay dahil sa pinaghalong kaguluhan ng tao at tugtog. Pansin ko ang pagkatahimik ng dalawa dahil siguro'y naeeksayt sila kahit nakailang pabalik-balik na kami sa perya. Sigurado namang chick hunting lang naman ang gagawin ng dalawa. Nilampasan pa ni Mang Berting ang bahay nina Greg matapos ang isang liko at huminto ito kalapit ng gate kung saan may pumapasok na mga tao. Bumaba na ako't tumalon ang dalawa mula sa likuran. "Salamat Mang Berting." Dinig kong sinabi ni Max sa pag-aalis ng pick up truck. Sa loob nakapako ang mga mata ko lampas lang ng gate. Nakatayo si Greg kasama ang apat pa na lalaki na kaaway naming magkakaibigan. Pinagmamasdan ng mga ito ang pumapasok at lumalabas na mga tao. Sa lahat ba naman ng puwede niyang samahan bakit ang grupo pa na iyon. Lalo lang akong naiinis sa kanya. Hindi pa kami napapansin ng mga ito dahil medyo madilim sa kinatatayuan namin. Saka wala ring ilaw sa gate. "Pota, anong ginagawa nila dito?" ang nasabi ni Max nang mapansin nito ang grupo. "Diba si Greg 'yang kasama nila? Diba Levi?" "E ano ngayon kung siya nga 'yan. Tara na nga!" sabi ko't lumakad na. Nakasunod lang sila sa akin. "Naiingit ka lang na kasama niya'y hindi ikaw." Minsan nasosobrahan na talaga sa biro itong si Ryan. "Bahala nga kayo diyan." Binilisan ko ang paglalakad. Hinabol naman ako ng dalawa. Umakbay sa akin si Max nang nasa harapan na kami ni Greg kasama ang kaniyang mga asungot. "May mga bakla pala dito!" ang sigaw ng isa sa grupo na lider nila na nagngangalang Sebastian. Tawanan ang kanilang grupo matapos ang sinabi nito. Nakitawa din si Greg kaya't sinamaan ko siya ng tingin. "Pasensiya kong bakla kami pero hindi kami sisipsip ng mga uod niyong tubo!" ang banat ni Ryan na ikinatawa ni Max kaya natanggal niya ang pagkaakbay sa akin. "Lalo 'yang sayo Baste, hinliliit ko lang 'yan! Kay Levi nalang ako masarap pa!" Dumagandong naman ang tawa ng dalawa kaya napangiti nalang din ako. Kung sinasapian nga naman ang dalawa. Napatigil sa kakatawa ang grupo na kung hindi dahil sa kalapit na pulis kanina pa sumugod. Ang sama rin ng tingin ni Greg sa akin. "Tumuloy na nga tayo," pagyaya ko sa dalawa para matigil sila sa kakatawa. Nagpapigil naman ang mga ito't lumakad papalayo sa matalim na tingin ni Greg. "Mukhang apekted si Greg sa biro ko Levi ah. Nakita mo? May chance talaga kayong dalawa. Good news pre!" ani Ryan sa paglalakad namin. Binatukan ko nga siya. Kapansin-pansin ang maraming taong naglalaro sa mga puwesto. "Kailan ka ba titigil ha?" ang naiinis ko talagang saad. "Sasapakin na talaga kita. Lumalayo layo nga kayo. Nainis lang iyan kasi hindi ko sinamahan sa pagpunta rito.' Tinalikuran ko ang dalawa't lumayo sa mga tao. Dumaan ako sa pagitan ng baril-barilan at sarimanok diretso sa damuhan. Sumigaw na ako nang wala akong makitang tao sa medyo madilim na parte. Napupuno na talaga ako sa dalawang iyon. Sinipa ko pa ang d**o. Iyong pilt ko ngang kinakalimutan ang nararamdaman pagkatapos saksakan ng kulit ang mga kaibigan ko kaya parang walang nangyayarim Nagulat ako na lang ako nang may humawak sa puwetan ko. Pinisil-pisil pa talaga na tila minasa-masa. Hinarap ko nga ang may gawa't nabigla ako nang makita ko si Greg na kay lapad ng ngisi. Dumagdag lang ang inis na aking nararamdaman. Kinuwelyohan ko siya agad na hindi man lang niya ikinagulat. "Sumosobra ka na! Alam mo ba iyon!" singhal ko sa mukha niya't hindi man lang siya natinag. "Diba gusto naman ng mga bakla ang ganoong hinahawakan sa puwet," ang seryoso niyang saad. Binitawan ko nga siya. "Nangangati na ang kamao ko para masuntok ka. Hindi ako bakla. Biro lang iyon ng kaibigan ko para mainis ang grupo nina Sebastian." Dinuro ko pa siya sa dibdib. Pansin ko ang hawak niyang dalawang ice candy. "E di sige. Gusto ko lang mafeel sa palad ko ang puwet mo. Nakita ko kanina diba." Ngumisi pa siya't susuntukin ko s'ya nang ibangga niya sa mukha ko ang ice candy na sobrang lamig. "Ayan, pangpalamig ng ulo. Hindi na mabiro." Tumatawa pa siya pero kinuha ko rin naman ang ice candy kaya medyo kumiskis ang balat namin. Bumilis ang t***k ng puso ko't dahil doon tumalikod ako sa kaniya. Tinira ko na lamang ang ice candy na buko ang flavor. Nilingon ko siya sa bigla niyang pagtahimik habang sinipsip ko ang ice candy. Pinagmasdan niya ako't sinasabayan ako sa pagsipsip sa ice candy. Iba na naman kung siya'y makatingin. Pinakunot ko ang noo ko sabay sabing, ''Ano naman ha?" "Wala naman. Naisip ko lang na magpanggap tayong dalawa na okay tayo kahit ngayong gabi lang," aniya bago tumingin sa malayo. "Hindi mangyayari iyon makita ko lang mukha mo nabwibwisit na ako." Natawa naman siya sa sinabi ko. Ibang-iba na talaga siya ngayon. Ano kaya ang nagawa sa kanya ng siyudad. Dagdag ko pa, ''Bakit kasama mo ang mga uod na 'yun?'' "Sino? Sina Sebastian?" Tumango ako. "Wala namang masama dun a. Dati ko naman silang kalaro." "Anong wala. Masamang impluwensiya ang mga iyon," ang sabi ko na totoo naman talaga. "Parang ikaw ay hindi. Saka sana kung sinamahan mo ako 'di sila ang kasama ko." "Kung niyaya mo sana ako nang maigi." "Para namang papayag ka. Samantalang sinabihan ka na ng nanay mo hindi ka parin sumama." "Bahala ka na nga. Maiwan na nga kita." Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko nang oras na iyon. Humakbang na ako pero napatigil sa sumunod niyang sinabi sa aking likuran. "Lambot na puwet pala Levi." "Ulol!" sigaw ko't tuluyan ng naglakad. Tinawanan niya pa ako't lalo ko lang binilisan ang aking paglalakad. Initapon ko ang plastik pagbalik sa kaguluhan sa perya. Hinanap ko ang dalawa kong kaibigan sa mga naglalaro ngunit hindi ko sila makita. Ang napansin ko lang ay grupo ni Sebastian na may masamang tingin sa akin. Nagdisesyun akong umuwi nalang sapagkat hindi ko naman mahanap sina Ryan at Max. Dumaan ako sa sirang pader at lumakad sa kalsada habang malakas ang hangin na nagmumula sa dagat. Naririnig ko pa nga ang paghampas ng alon. May kadiliman sa dakong iyon kalapit ng dalampasigan pero nalalaman ko rin ang dinaraanan ko. Naglalakad ako kalapit ng pader nang biglang may tumalon sa taas nito. Napasigaw ako sa labis na pagkagulat sa pagaakalang demonyo. Pero nang marinig ko ang tawa ni Greg na nasabi kong demonyo nga talaga. Napamura pa nga ako nang malutong. "Iba ka talaga kung magulat," ang sabi pa niya. "Bwisit ka talaga!" Sinipa ko nga siya sa tagiliran na napigilan niya. Tinaas niya ang paa ko kaya hindi ko napigilan ang pagkawala ko ng balanse. Ang buong akala ko'y matutumba ako pero hinabol naman ni Greg ang beywang ko upang mapigilan ang aking pagkatumba. Dahil doon nadikit na naman ang katawan namin sa isa't isa. Napalunok ng laway kasi alam kong nakatingin siya sa akin kahit na madilim. Naramdaman ko pa ang umbok niya sa harapan ko. Iyong paa ko pa ay hawak niya pa rin. Akala ko itatayo niya ako ngunit binitiwan niya lang ako kaya napaupo na lang ako sa sementong daan. "Mayroon pa lang akong nakalimutan. Mauna na ako," ang nasabi pa nga niya. Naaninag ko na lang siyang umalis na may kasama ring pagmura.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD