Ilang sandali pa'y nakarating na sina Joanna at Dean sa tapat ng bahay ng sinasabi ng dalaga na ka-"date" niya. Bago pa man siya makababa ng kotse ay nauna na ang nobyo at pinagbuksan siya. Nagtaka pa ang dalaga nang walang kakurap-kurap siya nitong sinipat mula ulo hanggang paa. "No matter what you looks like, you're so sexy, sweetheart. But I love you wearing this simple jeans and T-shirt," halos pabulong na sabi ni Dean. Kumabog ang puso niya nang pumulupot sa beywang niya ang isang kamay ni Dean, pababa sa balakang niya. "You looks more hot." Kinikilig na itinukod ni Joanna ang dalawang palad sa malapad at matipunong dibdib ni Dean. "Huwag mo na akong bolahin, heart. Na-Wheelbarrow mo na ako, na-G-Whiz mo pa." Ang lakas ng tawa ni Dean na sinabayan ni Joanna. Mayamaya'y magkahawak