Pakiramdam ni Joanna ay nanigas ang buo niyang katawan nang makarating sila sa tapat ng Ramona's Mansion. Base sa dami ng mga sasakyang nakaparada sa labas, mukhang punong-puno ng tao sa loob. Parang gusto niyang kargahin si Ton-ton palabas ng kotse at tumakbo palayo. Ngayon pa lang, nakikinita na ni Joanna ang mga matang puno ng paghuhusga na sasalubong sa kanila. Napatingin si Joanna sa anak. Hindi mapantayan ang kasiyahan sa mukha nito habang tinitingnan ang Ramona's mansion. Nakokonsensiya ang dalaga na ipagkait sa anak ang matagal na nitong pangarap. Kaya mo 'yan, Jo. Wala kang hindi kayang gawin basta para sa anak mo, 'di ba? Pampalakas-loob ni Joanna sa sarili. Pasimple niyang binanat pababa ang suot na maiksing dress. At inayos ang itaas para itago ang cleavage. Parang nagsisis