Dali-daling lumayo si Joanna kay Dean nang tuloy-tuloy na nahulog mula sa mga mata niya ang maiinit na likido. Tumalikod siya sa binata para hindi nito makita ang mga luha niya. Hindi niya alam kung handa na ba siyang sabihin kay Dean ang dapat nitong malaman. Pero baka nga ito ang kailangan ng binata para umalis na ito sa buhay ni Joanna. Baka gusto lang nito ng closure. "Gusto ko lang malinawan. Just answer it right, Jo, please. At pipilitin kong intindihin kahit ano pa 'yan," boses ni Dean mula sa likuran niya. Sinundan pala siya nito. "And I will forget the last sixteen years I've spent missing you. I will forget everything and we can start over again. Ipaintindi mo lang sa'kin kung bakit mo ako iniwan sa ere, kung bakit sa loob ng maraming taon, ni hindi ka man lang nagparamdam sa'k